JOLO REVILLA....MASAYA SA GINAGAWANG PUBLIC SERVICE!

Tandang-tanda ko ang unang tanong ko kay Cavite Vice-Governor Jolo Revilla nung una ko itong makita after ng hiwalayan nila ni Jodi Sta. Maria. Asked him kung anong nagpapasaya sa kanya ngayon. Deretsahang sinagot ito ni Jolo. Masaya siya sa kanyang buhay. Masaya siya sa kanyang ginagawa ngayon. Masaya na siya sa pagtutok sa kanyang trabaho bilang isang politician at bilang isang public servant! Yes. After that fall sa pag-ibig, it's about time for Jolo's self and career! Sa larawang ito posted by Jolo sa kanyang instagram account, it only shows his love sa kanyang mga kababayan. Ang pagsilbihan ang kanyang kinasasakupan. Just like that. Dahil aminado si Jolo na during that time na inlove na inlove siya, may mga nakaligtaan siyang gawin. May mga obligasyon siyang nabinbin at wala naman daw siyang sinisisi at nagpasalamat pa siya. We've known the Revilla's for decades simula sa kanyang Lolo'ng Si dating Senator Ramon Revilla Sr. Hanggang sa kanyang Ama'ng Senator Ramon ' Bong ' Revilla Jr. Nasa dugo na talaga nila ang pagbibigay serbisyo sa kanilang mga kababayan sa Cavite at nanalaytay yun sa dugo ni Jolo Revilla. This time, sabay-sabay na nga'ng gagawin ni Jolo ang pagiging abala sa kanyang sarili bilang isang public servant at isang aktor. Kasalukuyang lumalabas si Jolo sa higanteng teleseryeng Ang Probinsyano na sa pagkakaalam namin ay napakaganda ng tatakbuhin ng kanyang karakter. Maybe next month of August ay magiging abala naman siya sa promosyon ng pelikulang TRES na pinagbibidahan nilang magkakapatid na sina Bryan Revilla at Luigi Revilla bilang comeback prod naman ng IMUS PRODUCTIONS! 

COCO AT ALDEN...MAGSASALPUKAN SA PRIMETIME!

Higanteng teleserye ang FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin na napapanood sa primetime bida ng Kapamilya Network. Hindi lingid sa ating kaalamang lahat ng sumubok tumapat sa naturang teleserye ni Coco Martin ay umiyak at umuwing luhaan. For your information Alden something, nasa ikatlong taon na niya sa ere ang serye ni Coco at talagang ang lakas pa ng loob mo at ng iyong network na tapatan ang numero-unong teleserye ng buong mundo ngayon huh! Hindi kaba nag-isip Alden something? Well, let's see! Kapag napatunayan mong mapapataob mo ang FPJ's Ang Probinsyano, ikaw na ang pupurihin ko sa susunod! Dahil walang takot mong susuungin ang kumpetisyon sa ratings, sige, the floor is yours and let's find out! Makikipag-salpukan ka sa show na umaariba sa ratings! Are you okey? In the name of? Ito namang GMA-7, hindi man lang nag-isip? Sino pa bang big stars ng network ang puwede ninyong itapat kay Coco after Alden?  Kawawa ka Alden kapag nilangaw sa ratings ang teleserye mo! Sa iyo ang bagsak ng sisi at pagtatawanan ka! Sana kalahati man lang ng ratings ng Ang Probinsyano ay makuha mo! Okey? Sige! Gow! Patunayan mo lang huh! Or else! Aayawan kana ni Kris Aquino! 

" DAYS WITH YOU " MUSIC VIDEO NI JACE ROQUE...NASA YOUTUBE AT VEVO NA!

Una kong napanood mag-perform si Jace Roque last June 22 sa isang event ng Asterisk Productions titled Track 01 na ginanap sa Skydome-North Edsa. Medyo nag-isip ako nung una kung anong klaseng kanta o tawag sa kantang pino-promote niya. Honestly that evening, hindi ko na-appreciate masyado kasi medyo fast ang song na aminado akong bago sa aking pandinig. Hanggang sa makarating akong bahay at salamat talaga sa youtube dahil nakita ko ang kinanta niya. Tinipa ko ang Days With You by Jace Roque and played it. Sabi ko, wow, beautiful pala ang song and na-appreciate ko na siya at biglang pumasok sa isip ko si James Reid. Exactly. House Music pala ang single na ito ni Jace Roque na EDM kung tawagin ng mga kabataan ngayon. Doon ko nasabing, ibang klase si Jace. Yung ideya niya bilang isang baguhang singer at composer, iba ang gusto! Masasabi kong may gustong patunayan. 
" Yun po talaga Tito Doms ang gusto kong mangyari. Hindi naman ako nagmamadali. That's the kind of music na gusto ko. Gusto kong maiba and sobrang nandiyan ang passion ko. I just wanna take this opportunity to thank my parents na noong una, akala ko, di nila ako susuportahan. " aniyang bulalas pang tsika sa akin dahil napakaaga kong dumating sa Cornerstone Studios para sa katatapos lang ganaping viewing party niya last saturday evening kung saan lumabas na sa Youtube at Vevo ang music video ng digital single niyang Days With You na available napo ngayon in all digital platforms worldwide! Napaka-simpleng tao ni Jace. Mahiyain pa nga na pati ako ay nailang sa kanya noong una hanggang sa naging komportable na siyang kausap. 
" Actually last year papo na-released sa digital platform ang Days With You and nakakataba ng puso because now, ang laki na ng number of views ko and that inspired me to continue and did this music video and sobrang proud po ako sa naging outcome nito. Gusto ko po talaga ang ginagawa ko that's why super hands-on rin po ako. "aniya.
Well, sabi ko nga kay Jace that it will take time, na maka-jackpot lang siya ng isang kanta, ay makikilala na rin siya bilang isang mahusay na singer and composer. At naniniwala siya don huh! For now, continue believing in your craft Jace Roque. Sabi nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Gusto lang din daw magpasalamat ni Jace sa mga sumusunod. Alan Martin. Rama International Beach Resort Zambales, Charmaine Pioquinto, WNS by Nina Flores, RJ Arroyo for the Uke Box Caffe Ukelele, Kristian Kabigting, Phoebe De Leon, Jheng Layman, John Albert Legaspi, Joseph Ivan Bayot, Jeff Macalisang, Erine Carangan, Russ Mesia, Daniel Fortes, Gian Robles, Jammoun Kim, Claudine San Antonio, Kate Pua, Media and Blogger friends at sa lahat ng kanyang mga kaibigan at fans and followers na patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan sa ngayon palang! Goodluck Nak! Don't stop believing!

FDCP Reveals Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Lineup during Grand Launch

FDCP Reveals Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Lineup during Grand Launch 

Eight incredible films have been selected by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) and were formally announced during the Pista ng Pelikulag Pilipino (PPP) Grand Launch last July 9, 2018 at Sequioa Hotel, Quezon City.

 The 2018 lineup which will be screened in all cinemas nationwide on August 15-21, 2018 were introduced by FDCP Chairperson Liza Diño. PPP offers a diverse set of films which pushes the envelope of the movie genres that Filipinos grew to love. These films are “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” directed by Jun Robles Lana under The IdeaFirst Company, “Bakwit Boys” directed by Jason Paul Laxamana under T. Rex Entertainment, “Madilim Ang Gabi” directed by Adolf Alix Jr., under Deus Lux Mea Films, “Pinay Beauty” directed by Jay Abello under Quantum Films and Epic Media, “Signal Rock” directed by Chito Roño under Cape Signal Rock (CSR) Films PH, “The Day After Valentine’s” directed by Jason Paul Laxamana under Viva Films, “Unli Life directed by Miko Livelo under Regal Entertianment Inc. and “We Will Not Die Tonight” directed by Richard Somes under Strawdogs Studio Production. The films' respective directors and artists were also present during the announcement.

 “The Pista ng Pelikulang Pilipino proved to be such a success especially in getting our Fillipino audiences to support a full lineup of Filpino films in one week of playdate, and we are proud that this year, we get to showcase more films of different and elevated genres that will not just entertain but will encourage discussions among the Filipino audience. There's a film for everyone and we are looking forward to everyone's support again to all of our films," said Diño.

 In addition to the main entries, PPP will also showcase the Special Feature Section which will be screened in selected cinemas. The Section includes, among others, films from local independent film festivals in 2017, with “High Tide” directed by Tara Illenberger from TOFARM, “Paki” directed by Giancarlo Abrahan from CinemaOne Originals, and “Tu Pug Imatuy” directed by Arnel Barbarona from Sinag Maynila.

 Short films will also be featured in PPP through Sine Kabataan Short Film Competition which will be paired with the PPP full feature entries. Proudly presented by Official Ambassador Sine Kabataan, Mr. Ice Seguerra, the films include “Alas-Nuebe ng Tanghali” directed by Enalyn Legaspi,”Anonymous Student Vlog” directed by Christian Babista, “Bahay-bahayan” directed by Bryan Spencer Reyes, “Bato Bato Pik” directed by Ardinian Jaq Sanque and Lorys Plaza, “Isang Tula para sa Nawawala directed by Rodemille Singh“Koleksyong Pamalo” directed by Len Frago, “Masaya Ako” directed by Daniel Edwin Delgado and Tiara Angelia Nicolas, and “Runner” directed by Levi Jun Miscala.

 Launched in August 2017, PPP is a seven-day exclusive screening of quality genre Filipino films  in all cinemas nationwide in line with the Buwan ng Wika. Now on its second year, FDCP aims to further maximize this time to holistically conduct a series of events and forms of support for Filipino films, from  celebratory fiestas for the public to educational fora and conferences for film industry professionals. 

PPP is presented in partnership with Unicef, Globe #PlayItRight, SOLAR Entertainment Corporation, Outpost Visual Frontier, ThinkBit, and Sequioa Hotel, and its major media partners Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), CNN Philippines, PEP.ph, MOR 101.9 For Life. It is also supported by The Manila Bulletin, Malaya, the Philippine Star, Wish 107.5 and Push.com, as well as by the following government partners, Philippine Information Agency (PIA)

 Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG), National Commission on Culture and Arts (NCCA), and the Local Government of Quezon City.

 Pista will run from August 15-21, 2018 in all cinemas nationwide.

ANTI-HUMAN TRAFFICKING COUNCIL SCREENS WINNING EYE-OPENER

ANTI-HUMAN TRAFFICKING COUNCIL SCREENS WINNING EYE-OPENER 

In observance of the 2018 World Day against Trafficking in Persons, the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Commission on Filipinos Overseas (CFO), and Film Development Council of the Philippines (FDCP), will be holding a Cineforum featuring the film, Across the Crescent Moon on July 31, 2018 at the Cinematheque Manila.The Cineforum is one of the main activities lined up for the week-long celebration of the global event in the Philippines, which mainly aims to raise public awareness on human trafficking. It will be graced by the film’s director and producer Ms. Baby Nebrida,  IACAT member agencies and partners led by the DOJ as IACAT Chair, the CFO (Usec. Astravel Pimentel-Naik) and the FDCP (Chairperson Liza Diño).In 2013, the United Nations General adopted a resolution designating July 30 as the World Day against Trafficking in Persons. This resolution declared that such a day was necessary to “raise awareness of the situation of victims of human trafficking and for the promotion and protection of their rights.”The award-winning masterpiece of Ms. Nebrida (heralded as the Ambassador for Peace by the International Parliamentarians), is a good eye-opener to the problem of human trafficking in the Philippines. The protagonist, portrayed by Matteo Guidicelli, is a Muslim soldier who battles human trafficking and other crimes in the Southern part of Mindanao while keeping his marriage to his Christian wife (Alex Godinez) intact. The film highlights the perils of modern-day slavery and digs deeper into kidnapping, abduction, and illegal recruitment, as three modes of trafficking in the Philippines. It also tackles the uniqueness of inter-faith relationships, echoing the importance of unity despite tremendous religious and cultural differences. The film has garnered numerous international acclaims such as “Best Ensemble Cast and Best Feature Global Film” by the International Film Festival Manhattan and “Best Film” by the Catholic Mass Media Awards.Human trafficking is a crime that exploits men, women, and children for numerous purposes including forced labor and sex. The International Labour Organization estimates that 21 million people are victims of forced labor globally. This estimate also includes victims of human trafficking for labor and sexual exploitation. From 2016 until the current year, the Philippine government, through the IACAT headed by the DOJ, has consistently ranked Tier 1 in the US Department of State’s Trafficking in Persons (TIP) Report. This means that the government fully meets the minimum global standards for the elimination of trafficking. The launch of IACAT’s 1343 Actionline Against Trafficking in 2011 marked the commitment of our government in eliminating threats of human trafficking, slavery, and abuse.


SOFIA ANDRES...BALIK BAGANI!

Naging kontrobersyal noong mga nakaraang buwan ang biglaang pamamaalam ni Sofia Andres bilang si Mayari sa teleseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Lisa Soberano at napapanood mula lunes hanggang biyernes sa ABS-CBN PrimetimeBida. Marami ang naglabasang tsismis na kesyo nagmaldita si Sofia sa set, kesyo baka buntis at kung anu-ano pa. Lingid sa kanilang kaalaman ay may mga tinapos lang na commitments pang iba ang sikat at mahusay na aktres kaya ito nawala sa naturang serye kaya pinatay ang kanyang karakter. Ngayon naman sa kanyang pagababalik at muling pagkabuhay sa serye ay umusbong naman ang tsikang talagang malakas daw sa network ang mahusay na aktres kaya biglang nagkaroon ng magic ang kanyang pagbabalik! Hindi po ako marunong sa sensitivity in scriptwriting pero ang pinag-uusapan po dito ay ang tinakbong istorya po ng serye mula umpisa hanggang ngayon. Teleserye po ito at lahat ay posibleng mamatay at mabuhay. Nasa diskarte po yan ng manunulat kung papano niya ilalabas ang kanyang galing lalo na sa mga karakter sa isang serye na pinatay at nabuhay. Kaya stop spreading the news na kesyo malakas ang kapit ng mahusay na aktres sa network. Like what i said, mahusay, isa pong mahusay na aktres si Sofia at mahal na mahal siya ng kamera lalo na ng kanyang fans and followers! Kung may reklamo po kayo sa pagkabuhay ng karakter ni Sofia sa serye, sa prisinto, este, sa Bagani productions po kayo mag-reklamo! Maging patas sana tayo na kahit ano lang sabihin ninyo, ang isang mahusay na aktres, sabihin mo mang may working attitude yan na hindi naman sinasadya o mis-interpreted man, hinding-hindi yan mawawalan ng proyekto! 

RAYVER CRUZ....TATAPUSIN ANG BAGANI BAGO LILIPAT SA GMA CHANNEL 7!

Hindi rin naman kasi biro ang karakter na ginagampanan ni Rayver Cruz sa teleseryeng Bagani ng Star Creatives kung saan bida ang tambalang LizQuen. Hindi rin matatawaran ang galing niya bilang isang aktor kaya naman minabuting tatapusin nalang daw ni Rayver ang pinag-uusapang serye bago ito tuluyang lilipat sa bakuran ng GMA Channel 7. Ayon mismo sa manager nitong si Albert Chua, ayaw din naman nilang umalis nalang basta-basta sa bakuran ng ABS-CBN Channel 2 kahit sabihing nakapag-paalam na sila sa Star Magic buwan pa ng Hunyo! Gusto lang din daw ng kampo ni Rayver na magiging matiwasay ang kanyang gagawing exit sa network kung saan siya naging loyal for almost 17 years! Kunsabagay, saganang akin lang, mas maganda na yung tapusin niya nalang ang naturang serye keysa umalis siyang may masasabing hindi maganda sa kanyang kampo ang ibang tao. Sa sitwasyong ito, makikita mo talagang propesyonal silang lahat dahil pinag-usapang mabuti ang isang desisyon nang walang masasaktang kapwa. Panoorin ang Bagani mula lunes hanggang biyernes sa Kapamilya Primetime-Bida!

ANG PROBINSYANO...TULOY-TULOY SA TELEBISYON SA IKATLONG TAON!



Naging maugong nitong nakaraang araw ang balitang tuluyan na nga'ng mamamaalam sa ere ang numero-unong kapamilya primetime-bidang " Ang Probinsyano " na pinagbibidahan ni Coco Martin! Kaya naman nitong araw lang, June 4, 2018 ay naglabas naman ng kanilang official statement ang ABS-CBN at DreamscapePH. 
Narito po ang kanilang naging paglilinaw!
" Walang katotohanan ang haka-hakang nakatakda nang magtapos ang “FPJ’s Ang Probinsyano." Patuloy na nae-enjoy ni Coco Martin at ng mga writer ng programa ang pagbuo ng mga bagong ideyang magdadag ng aliw, aksyon, at aral sa kwento nito, pati na ang pakikipagtulungan nila sa buong cast at production team. Nananatili ring top-rater ang “FPJAP” gabi-gabi, at maaasahan ng ating mga Kapamilya na magpapakilala pa ito ng mga bagong kwento at karakter sa pagpasok ng serye sa ikatlong taon nito.

 
" opisyal pong pahayag po ng DreamscapePH at ABS-CBN! 
Kaya sa mga nang-iintriga sa gabi-gabing pinag-uusapang teleseryeng FPJ Ang Probinsyano, pasensiya na kung hindi po ninyo kami matitinag! Mabuhay ang FPJAP! Mabuhay ang Kapamilya Network! Mabuhay ka Coco Martin! 

RS FRANCISCO...BILANG SI SONG LILING! MBUTTERFLY NGAYONG SEPTEMBER NA!

 RS Francisco shall reprise his epic portrayal of Song Liling, the Chinese Opera Singer who is Gallimard's object of affection and seduces him through his biases of the East then exploits theit intimacy to collect classified information for agents of the Chinese Communist Party. In 1990, RS Francisco essayed this role for Dulaang UP opposite veteran actor, writer and critic Behn Cervantes to crtitical acclaim and box-office success. Extended runs played to full house theater audiences and tours to the key cities in Luzon, Visayas and Mindanao marked this poignant drama's run in Philippine theater history. In many years thereafter, RS Francisco's theater credits in numerous productions and variety of roles continued to hone his craft as a compleat artist. In films, his most recent awards include the Sinag Maynila Best Actor, The Star Awards Movie Actor of the Year and the Subic Bay International Film Festival Best Actor.
" Sobrang minahal ko ang play na ito 25 years ago. I love my passion and it's about time to bring it back again. Maraming kuwento sa likod ng M. Butterfly. " sez RS sa aming panayam.
When the play was revived recently on Broadway, RS had thought of bringing it to life once again to the new theater audiences of today. After all, this is the only one role that continues to remain closest to his heart. M Butterfly will land this coming month of September starting September 13, thursday as Gala Opening Night at 8 pm at Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Bonifacio Global City. The re-staging of M. Butterfly will be 100% non-profit. Net proceeds from each performance will be dedicated to ONE particular charitable institution or oraganization geared toward education and the arts. For tickets please call TICKETWORLD at 891-9999 and please check out or follow M. Butterfly at the following social media accounts MButterflyMNL from Facebook, Twitter, Instagram and Youtube! You can contact Isha Germentil at 0917-6233834!

LASSY...PAKAHUSAY NA KOMEDYANTE!

Sa trailer palang ng pelikulang WANDER BRA na pinagbibidahan nina Kakai Bautista at Myrtel Sarroza mula sa direksiyon ni Jovem Tan ay tawang-tawa na kami rito kay Lassy! Sa lahat ng eksena niya either with Kakai or Myrtel ay pasok sa banga ang acting niya. Simple pero suwabe kung bumato ng linya si Lassy at napaka-natural ng kanyang pag-arte! Actually, sa mga naglipanang komedyante natin ngayon, ibang klase ang dating nintong si Lassy. May patawa factor siyang wala talaga sa iba. Sabi nga ni Joemar--Lassy's assistant, mukha palang ni Lassy ay matatawa kana kaya paano pa kaya kapag nambato na ito ng kanyang linya! Oo naman talaga! Pansin ko rin ang ugali ni Lassy. He's so mapagkumbaba at simple lang naman! Kilala ko na si Lassy years ago at nakita ko kung paano umakyat at umaayos ang kanyang karera bilang isang host sa mga comedy bars hanggang sa mabigyang-pansin siya sa telebisyon at pelikula. Because of these, walang kiyemeng inamin sa amin ni Lassy na maganda-ganda na ang kanyang buhay ngayon kasama ang kanyang pamilya. But recently lang, medyo nalungkot lang kami nang deretsahan nitong inamin sa aming break na sila ng kanyang almost 2 years boyfriend! But still, kitang-kita ko ang pagiging positive niya sa buhay that life must go on dahil unang-una ay may pamilya siyang umaasa sa kanya at ang lovelife ay pahinga nalang daw muna. But wait, kahit sinabay-sabay niya ang kanyang lovelife at pamilya, pagdating diumano sa responsibilities ay professional siya huh! Well, isang tao naman ang nais niya lang pasalamatan kung bakit nagtuloy-tuloy na ang suwerte sa buhay niya, ito ay walang iba kundi ang matalik nitong kaibigang si Vice Ganda! Sa aming pakikipagtsikahan sa kanya, nabisto namin kung sino talaga ang limang male celebs na bet na bet niya! Ito pala ay sina Piolo Pascual na ultimate crush niyang gandang lalake para sa kanya. Si Enzo Pineda na super lakas daw ng sex appeal at maganda ang katawan. Pangatlo si Jericho Rosales na crush na niya noong panahong Mr. Pogi pa ang aktor. Pang-apat naman si Kid ng Hashtags na astig looking daw at si Wilbert Ross na ka-fez naman daw ng ex niya! Masarap katsikahan si Lassy. Walang ere at nanatiling mapagkumbaba kaya alam kong balang araw, magkaka-solo career siya at sisikat siya lalo dahil ang pinaka-nagustuhan naming lahat kay Lassy ay ang kanyang pag-uugali! Gow Lassy! Matutupad na ang lahat! Gow Gurl! Ay! Girl pala! Ang pelikulang Wander Bra ay produced po ng Blue Rock Entertainment Productions at released po ng Viva Films. Hopefully ay mapabilang din sa Pista Ng Pelikulang Pilipino ang movie ni Direk Joven Tan. 

CINCO BOYS...CLASSY!


Masaya ako sa tinatamasang paakyat na kasikatan nitong bago kong inaalagaang sing and dance male group na Cinco Boys bilang official publicist under the management of Kristian Kabigting. Una ko palang makita ang grupong ito na produkto lahat ng Star Magic Workshop ay nakitaan ko na kaagad sila ng kinang! Lalo na nung marinig ko silang kumanta sa isang event at nakita kung paano naman sila sumayaw! Sa totoo lang, cuteness belongs to them! Ang sarap kurutin ang bawat isa sa kanila na sina Adel, Basty, Carl, Dex at Emman dahil ang lalakas ng sex appeal at guguwapo nila! Nakita ko sa kanila ang salitang ' classy ' dahil sa kilos nila at pananamit, wow, as in sosyalin sila at higit sa lahat ay marespeto at magagalang! Ibang klase talaga sila kapag dinamitan mo na ay lumalabas ang pagiging mamahalin nilang artist! Sa tiliang nakita at napakinggan ko, girls can't get away talaga sa kanilang looks! Titigan mo lang mga mata nila, panoorin mo lang silang kumanta at sumayaw, matutunaw ka sa pagiging yummy nila! Hindi ko sinasabing super galing na sila, maraming bigas pa ang kakainin nila bilang mga baguhang performers but surely someday, Cinco Boys will go places! Salute to Kristian Kabigting na talaga namang tutok sa bawat kibot ng Cinco Boys! Naniniwala ako sa kakayahan nila! Pakahusay ng mga bagets kaya hindi nawawalan ng commitments sa ngayon palang!

BRIAN GAZMEN...TULUYAN NG PINASOK ANG PAG-ARTE!


Gusto ko yung pagiging natural at malambing nitong si Brian Gazmen na isang StarMusicPH recording artist at ngayon naman ay umaariba sa paggawa ng pelikula. For the third time, nakausap naming muli si Brian Gazmen sa isang pocket interview na ipinatawag ng Blue Rock Entertainment Productions para sa pelikulang Wander Bra na pinagbibidahan nina Kakai Bautista, Myrtel Saroza, Zeus Collins, Lassy at Brian Gazmen mula sa direksiyon ni Joven Tan na ire-release naman ng Viva Films!
" Gusto ko po talagang umarte! Alam ko pong hindi po biro ang umarte sa harap ng kamera pero am trying my best naman po na aside from recording songs, aarte naman ako. " bungad pa nitong tsika sa amin.
Marami pa palang gustong gawin sa buhay si Brian. Pero ayon sa singer/actor, dahan-dahan lang daw at paisa-isa muna. 
" Marami rin po kasi akong plans. For my career and life. Kaya kapag may gusto ako, uumpisahan ko kaagad yan. Pero, isa-isa lang! As of now, ine-enjoy kopo ang recording and acting! " aniya.
Maganda rin ang role ng binaya sa pelikulang Wander Bra. Pero ang mahalaga diumano sa kanya ay ang opportunity na ibinigay sa kanya lalo na diumano ang makatrabaho na ang mga kilalang aktor sa mundo ng pelikula. 
" Masaya po akong nakatrabaho ko rito sa movie si Ate Kakai Bautista, si Myrtel, si Lassy, si Zeus, first acting project kopo kasi ito kaya masaya ako sa chance na ito. " aniyang tsika pa sa amin.
Last month lang ay inilunsad naman siyang brand endorser ng Gamboa Sports para sa isang deodorant spray na ayon pa sa papasikat naring singer ay next month na siya totally ilulunsad sa entertainment press! 
One thing na natutunan ko sa pakikipag-usap sa bagets, that in life, never stop dreaming na kung anuman ang gusto mong gawin sa buhay mo, na kung anumang gusto mong magkaroon ka, gawin mo at pagsikapan mo at yakapin mo ang mundo mo!

NAHULOG NA AT NAPAGOD SA'YO...DALAWANG KANTANG SI JOLO REVILLA MISMO ANG KOMPOSITOR NA GAGAMITING MOVIE THEMESONG NG PELIKULANG TRES NG IMUS PRODUCTIONS!

Nagkaroon ng tatlong photoshoot ang Revilla brother's na sina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla, Bryan Revilla at Luigi Revilla kasama ang kani-kanilang leading ladies. Ang photoshoot na iyon ay may kinalaman sa comeback offering ng iconic na Imus Productions ngayong taon. Ito ay ang pelikulang TRES ng Revillas Brother's na may tatlong episode. Kay Jolo ang 72 Hours, Kay Bryan ang Virgo at Kay Luigi naman ang Amats. Magkakaiba ang kuwento ng tatlong episode. So ang tawag sa movie nila ay trilogy. Sa imbitasyon ng Imus Productions ay nagkaroon kami ng pagkakataong makapanayam ang tatlong bidang lalake sa magkakaibang araw na ang pinakahuling nakasalamuha namin ay si Jolo Revilla. Maraming napag-usapan during our intimate lunch with our guwapong actor/politician. Kung anu-ano nga. Hanggang sa maibaling namin ang tanong sa kanyang panibagong kinahihiligan ngayon, ang biglaang pagko-compose ng kanta. 
" Nahulog na ako sa'yo! Hindi sinasadya, saksi ang mga tala. Ikaw, ako pinagtugma. Tayo na ba ang itinakda? ".
Mga linya po yan sa naunang komposisyon ni Jolo Revilla na kanya mismong kinanta na binigyang tunog at areglo ng magaling na kompositor at direktor na si Direk Joven Tan.
Interesting ang mga lines sa kantang ito na may titulong NAHULOG NA!
Biniro pa nga namin si Jolo, sa aming tsikahan, na mukhang 8 years ago ay bagay na bagay ang kanta sa kanya. We mean, 8 years ago kasi nung nagkaibigan sila ng aktres na si Jodi Sta. Maria. 
" Hahahaha! " bungisngis pa nitong tugon sa amin. 
" Hindi ko lang sinasadya ang title ng song. Basta nag-compose nalang ako. Then yan na ang kinalabasan. " aniya na gagamitin palang themesong ang kanta para sa kanyang episode na 72 Hours sa pelikulang TRES.
Okey na kami sa paliwanag ni Jolo Revilla hanggang sa banggitin naman nito sa amin na may isang kanta pa raw itong ginawa na balak niyang si Rhian Ramos ang kakanta nito na leading lady niya sa kanyang episode! Intriguing para sa amin dahil ang ikinaloka namin ay ang titulo ng ikalawang kantang ginawa niya ang NAPAGOD SA'YO! 
Tawanan kami actually dahil tila umakma talaga sa isyung kinasasangkutan nila ngayon ni Jodi Sta. Maria na hiwalay na nga sila 2 months ago pa pala!
Biro ko nga sa kanya, akma ang Nahulog Na na unang kanta nito 8 years ago! At tumpak naman ang titulo ng kanyang kantang Napagod Sa'yo 8 years after! Ano ba? Intrigera ba ako? Hindi naman siguro noh! Si Jolo ang nang-iintriga sa amin noh! Hahahahaha! Well, sa totoo lang, mahal namin ang dalawang kampo, pero sa dalawang kantang ito na mismong si Jolo Revilla ang nagsulat, noted na ang salitang wala na nga sila ni Jodi Sta. Maria o hiwalay na nga sila! 
Masaya ang Nahulog Na kasi yung linyahan sa kanta, wow, buong ningning ang pagmamahalan at tiwala. Pero sa Napagod Sa'yo tila nagbago ang matatamis na linya sa matamis pa rin pero alanganin na! Ano ba yan! Basta! Abangan niyo ang pelikulang TRES na hopefully ay papasok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong taon na sa July 9 na natin malalaman kung ano-anong pelikula ang papasok ngayong taon from the Film Development Council of the Philippines!