Una kong napanood mag-perform si Jace Roque last June 22 sa isang event ng Asterisk Productions titled Track 01 na ginanap sa Skydome-North Edsa. Medyo nag-isip ako nung una kung anong klaseng kanta o tawag sa kantang pino-promote niya. Honestly that evening, hindi ko na-appreciate masyado kasi medyo fast ang song na aminado akong bago sa aking pandinig. Hanggang sa makarating akong bahay at salamat talaga sa youtube dahil nakita ko ang kinanta niya. Tinipa ko ang Days With You by Jace Roque and played it. Sabi ko, wow, beautiful pala ang song and na-appreciate ko na siya at biglang pumasok sa isip ko si James Reid. Exactly. House Music pala ang single na ito ni Jace Roque na EDM kung tawagin ng mga kabataan ngayon. Doon ko nasabing, ibang klase si Jace. Yung ideya niya bilang isang baguhang singer at composer, iba ang gusto! Masasabi kong may gustong patunayan.
" Yun po talaga Tito Doms ang gusto kong mangyari. Hindi naman ako nagmamadali. That's the kind of music na gusto ko. Gusto kong maiba and sobrang nandiyan ang passion ko. I just wanna take this opportunity to thank my parents na noong una, akala ko, di nila ako susuportahan. " aniyang bulalas pang tsika sa akin dahil napakaaga kong dumating sa Cornerstone Studios para sa katatapos lang ganaping viewing party niya last saturday evening kung saan lumabas na sa Youtube at Vevo ang music video ng digital single niyang Days With You na available napo ngayon in all digital platforms worldwide! Napaka-simpleng tao ni Jace. Mahiyain pa nga na pati ako ay nailang sa kanya noong una hanggang sa naging komportable na siyang kausap.
" Actually last year papo na-released sa digital platform ang Days With You and nakakataba ng puso because now, ang laki na ng number of views ko and that inspired me to continue and did this music video and sobrang proud po ako sa naging outcome nito. Gusto ko po talaga ang ginagawa ko that's why super hands-on rin po ako. "aniya.
Well, sabi ko nga kay Jace that it will take time, na maka-jackpot lang siya ng isang kanta, ay makikilala na rin siya bilang isang mahusay na singer and composer. At naniniwala siya don huh! For now, continue believing in your craft Jace Roque. Sabi nga nila, kapag may tiyaga, may nilaga. Gusto lang din daw magpasalamat ni Jace sa mga sumusunod. Alan Martin. Rama International Beach Resort Zambales, Charmaine Pioquinto, WNS by Nina Flores, RJ Arroyo for the Uke Box Caffe Ukelele, Kristian Kabigting, Phoebe De Leon, Jheng Layman, John Albert Legaspi, Joseph Ivan Bayot, Jeff Macalisang, Erine Carangan, Russ Mesia, Daniel Fortes, Gian Robles, Jammoun Kim, Claudine San Antonio, Kate Pua, Media and Blogger friends at sa lahat ng kanyang mga kaibigan at fans and followers na patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan sa ngayon palang! Goodluck Nak! Don't stop believing!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment