MOMENTS NI GLADYS REYES SA NET25 16 YEARS NA!

Hindi biro ang tumayo ka ng almost 16 years sa ere. Yan nga ang nangyari sa Moments TV show ni Gladys Reyes sa NET25! 

Kahit siya ay hangang-hanga rin sa kanyang naging kakayahan bilang host nito. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Gladys sa NET25 dahil hindi rin siya binitiwan nito hanggang ngayon. 

Marami paraw gustong patunayan si Gladys sa kanyang show. May mga bagong ideya na rin daw siya sa ika-16 years ng show niya at yun daw ang dapat abangan pa ng kanyang avid listeners and viewers.

Sa bagong season ng Moments, siniguro nitong may bago silang inohandang surpresa na tatatak sa puso ng bawat pamilya. Abangan ang Chikat or chikahan with sikat. Moment Ko 'To kung saan icha-challenge ng guest si Gladys at ang Kusina Moments na magbibigay ng kitchen hacks. 

Manood na ng Moments kasama ang buong pamilya tuwing Linggo alas-kwatro ng hapon sa NET25.

VIC SOTTO, PAULEEN LUNA AT TALI BIBIDA NA SA NET25'S LOVE, BOSLENG & TALI

Nakakatuwa ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. Panay ang tawanan ng lahat habang kausap namin via zoom ang mag-asawa sa katatapos lang na Let's Net Together Media Conference.

Ayon kena Vic at Paulen, mas pinili diumano nilang sa bahay nalang nila kunan ang mga eksena sa bagong family show nilang Love, Bosleng & Tali. Dahil iwas sakit na rin daw muna dahil nasa panahon parin daw tayo ng pandemya. 

Good vibes daw ang show na ito ng tatlo dahil pang-pamilya ito at happy lang. Ayon kay Vic, ibang-iba qng istorya nito na ating aabangan tuwing Sunday, alas-sais ng hapon. 

Tutulungan nila Bosleng and Tali ang isang letter sender kung saan magbibigay sila ng payo sa buhay. Bawat episode ay ipapakita ang mga isyu na malapit sa ating puso, pamilya, buhay pag-ibig, trabaho at pagkakaibigan. 

Asahan na magiging nakakatawa ang life lessons at siguradong makaka-relate ang bawat pamilyang Pilipino.

ASPN NG NET25 YEAR 2 NA!

Tuloy ang pangako ng NET25 sa bawat Pilipino sa buong mundo. Ang maghatid ng maganda at de-kaledad na programa na talaga namang aabangan ng bawat Pilipino.

Isa na rito ay ang ASPN o Ano Sa Palagay Niyo hosted by Ali Sotto and Pat Daza. 

Sa katatapos lang na Let's Net Together Media Conference ay ibinalita ng dalawang host na nasa ikalawang taon na ang kanilang show. Sabi pa ng dalawang host, happy sila sa kanilang show at nagagawa nila ang kanilang gusto sa tulong narin ng NET25 management. 

Sa kanilang programa ay inilalahad nila ang kanilang makabuluhang komentaryo at pagsusuri sa mahahalagang pangyayari, isyu at personalidad. Salungat sa nakasanayan nating male dominated radio talk genre, kapansin-pansin ang kanilang atensyon sa maliliit na detalye.

Umaasa silang mas lalo pa silang susuportahan ng kanilang listeners and viewers sa kanilang ikalawang taon sa ere.

Alamin ang mga detalye sa likod ng bawat balita tuwing Lunes-Biyernes alas-otso ng umaga sa ASPN sa NET25.


NAGBUNGA ANG HUSAY SA PAG-ARTE NI SEAN DE GUZMAN KAYA NANALONG BEST ACTOR SA CHITHIRAM INTERNATIONAL FILM FESTIVAL SA INDIA

Produkto ng Circle of 10 male and female pageant search at all male group na Clique V si Sean De Guzman bago pa man siya nakilala bilang isa na ngayon sa mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon. Alam namin kung paano niyakap ni Sean ang mundo ng showbizlandia na kanyang ginagalawan ngayon. Kilala namin si Sean kung paano ito magtrabaho. Yung dedikasyon niya sa bawat proyektong kanyang ginagawa. Ganoon din ang mabuting kalooban nito lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya. 

Kaya nung makarating sa amin ang balitang siya ang napiling Best Actor sa katatapos lang na Chithiram International Film Festival sa India para sa pelikulang ' Fall Guy ' ni Joel Lamangan ay nagdiwang ang lahat para sa kanya. Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Sean. 

Sino ba naman ang mag-akalang sa dinami-rami ng sumaling pelikula sa naturang filmfest abroad ay mabibigyang pansin at halaga ang kanyang acting sa naturang pelikula na produced ng 316 Media Network at Mentorque Productions.

Sabi ko, alligned talaga ang stars ni Sean dahil simulang ilunsad siya ni Direk Joel Lamangan sa pelikulang ' Anak Ng Macho Dancer ' produced by GodFather Productions ni Joed Serrano ay nagsunod-sunod na ang magagandang proyekto nito sa pelikula. Nakatadhana talaga ang kasikatan niya ngayon kaya kontrahin man ng mga hindi naniniwala sa kanyang kakayahan ay wala silang nagawa! 

Actually, kung maalala ko lang, mismong si Direk Joel Lamangan na rin ang nagsabi noong storycon palang ng pelikulang ' Fall Guy ' na magkaka-award si Sean dito at nagka-totoo nga! Even the people from the production side, sino-shoot palang namin ang movie sa Angeles, nagsabi na rin silang ibang klaseng Sean ang mapapanood sa movie. Magaling daw siya talaga.

And speaking of kahusayan ni Sean, isa sa aabangang pelikula pa ni Sean ay itong katatapos niya lang gawin. Ang ' My Father, Myself ' kung saan katrabaho niya naman sina Jake Cuenca, Tiffany Grey at Dimples Romana na isa na namang Direk Joel Lamangan movie. Ayon pa sa producer nitong si Len Carrillo, hoping sila na maipalabas ito sa big screen dahil beautiful ang movie at paiiyakin ka! 

Well, mabuhay ka Sean De Guzman. Ibang klase rin ang kahusayan mo. 

MARCO GOMEZ AT CLOE BARRETO BALIK TAMBALAN SA #DoYouThinkIamSexy AFTER SILAB

#DoYouThinkIAmSEXY

Cast:  Cloe Barreto, Marco Gomez, Chloe Jenna, Ava Mendez, Milana Ikimoto, Hershie De Leon

Directed by:  Dennis N. Marasigan 

Playdate:  September 9, 2022 on Vivamax

Hot. Wild. Savage. Oh, the things that can happen in an adult media site.  And you are invited to see them all for yourself.

Vivamax presents #DOYOUTHINKIAMSEXY, starring Cloe Barreto and Marco Gomez, two of Viva’s sexiest and most fearless stars who go all the way as the scenes call for.  They have previously worked together in a Joel Lamangan film entitled “Silab”.  

Cloe Barreto plays Charlize, a college student who supports herself by creating content for #DoYouThinkIAmSexy.com.  Her online name is Elle, and she has one client who cannot get enough of her.

Marco Gomez plays Trystan, a college teacher who secretly subscribes to #DoYouThinkIAmSexy.com.   He opens up all his sexual fantasies to Elle and asks her to create erotic videos.  

Time comes when Trystan and Charlize/Elle finally see each other in the flesh – right inside the classroom.  After the initial surprise subsides, Trystan finds out that Charlize may be a topnotch online model, but she’s definitely not a star student.  

As Trystan takes advantage of Charlize, she plots how to get even with him.  She’ll give him the greatest pleasure, but she’ll make sure that the climax will be filled with unbearable pain.    

#DOYOUTHINKIAMSEXY is written and directed by Dennis N. Marasigan, recipient of Best Screenplay awards at the Cinemalaya Independent Film Festival and Golden Screen Awards. 

The film’s maximum sexiness is achieved with the supporting cast composed of Chloe Jenna, Hershie de Leon, Milana Ikimoto, and Ava Mendez.

Say yes to #DOYOUTHINKIAMSEXY on September 9, 2022.  Streaming exclusively on Vivamax.

Visit web.vivamax.net or download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, or Huawei App Gallery. 

For payment thru website, you may choose from EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  For payment thru app, you may choose from Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  For payment thru Ecommerce, you may choose from Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  For payment thru authorized outlets, you may choose from Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  VivaMax’s cable partners are SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, and Concepcion Pay TV Network, Inc.  

In UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Vivamax can be accessed for only AED35/month.  

In Europe, Vivamax can be enjoyed for only 8 GBP/month.   Vivamax is also available in Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA and Canada.  

Indeed, Vivamax is not stopping to entertain more people across the globe!

Vivamax, atin ‘to!





 



















#DoYouThinkIAmSEXY

Cast:  Cloe Barreto, Marco Gomez, Chloe Jenna, Ava Mendez, Milana Ikimoto, Ava Mendez

Directed by:  Dennis N. Marasigan 

Playdate:  September 9, 2022 on Vivamax

Press Release



Maalab. Mapusok. Marahas. Kung alam mo lang ang mga eksenang nangyayari sa loob ng isang adult internet site.  Sa Vivamax, pwede mong malaman. 


Sa September 9, 2022, available for streaming ang #DOYOUTHINKIAMSEXY na pinagbibidahan nina Cloe Barreto at Marco Gomez.  Una silang nagkasama sa isang Joel Lamangan movie na “Silab”.  Noon pa lang nakitaan na ng katapangan ang dalawa na itodo na ang kaseksihan sa kanilang mga eksena.  


Si Cloe Barreto ay gumaganap bilang si Charlize, nagtatrabaho bilang content creator sa #DoYouThinkIAmSexy.com para masustentuhan ang kanyang pag-aaral.  Elle ang gamit niyang pangalan dito.  Masugid siyang sinusubaybayan ni Trystan na ginagampanan ni Marco Gomez.  Gustong-gusto ni Trystan ang mga erotic videos ni Elle.  


Laking gulat ng dalawa nang magkita sila sa eskwelahan kung saan teacher ni Charlize si Trystan.   Hirap na nga sa klase si Charlize ay pagsasamantalahan pa ito ni Trystan.  Para makaganti, lahat ng pantasya ni Trystan ay pagbibigyan ni Charlize, pero sa kabila ng ligayang naghihintay ang malupit na parusa.  


Ang #DOYOUTHINKIAMSEXY ay mula sa panulat at direksyon ni Dennis N. Marasigan na nakatanggap ng parangal na Best Screenplay mula sa Cinemalaya Independent Film Festival at Golden Screen Awards. 


Lalo pang paiinitin ng supporting cast na sina Chloe Jenna, Hershie de Leon, Milana Ikimoto, at Ava Mendez ang pelikulang ito.  


Para mapanood ang #DOYOUTHINKIAMSEXY, mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.


Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  


Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  


Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.  


Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  


Vivamax, atin ‘to!

KIT THOMPSON MAHUSAY NA AKTOR KAYA HINDI MAWAWALAN NG PROYEKTO

Sa totoo lang, kapag magaling kang umarte, may kalalagyan ka talaga sa showbiz. Hindi man ganoon ka-galing, basta magaling, hindi ka mawawalan ng proyekto. 

Tulad nalang ni Kit Thompson. Nitong taon lang ay isang isyu ng pambubugbog sa babae ang kanyang kinasangkutan. Ako personally ay nabigla sa pangyayari. Medyo nagulat dahil hindi ko ine-expect na magagawa yon ni Kit.

Buong akala ng mundo, katapusan na ng career ni Kit. Buong akala nila ay tuluyan ng tatalikuran ni Kit ang mundo ng showbiz. Pero hindi. Pakiramdam ko ay umpisa palang ito ng mas magagandang oportunidad o proyekto para sa showbiz career ni Kit.

Tulad nitong storycon ng pelikulang ' Showroom ' na ginanap last week sa Iagos Restaurant. It's a film written by Quinn Carrillo for 316 Media Network. Walang kagatol-gatol ay naging perpektong materyal si Kit Thompson na gaganap bilang leading man ni Quinn Carrillo sa pelikulang nagkataong first project naman ni Carlo Obispo sa 316 Media Network.

Pansin naming mas maganda ngayon ang aura ni Kit. Mas gumuwapo siya at fresh na fresh. Alam naman nating pantasya ng mga bakla si Kit kaya ang yumminess niya lalo ngayon.

Anyways, patunay lang na hindi naman dahil nanakit ka o nakapanakit ka ng iyong kapwa lalo na at artista ka ay katapusan mo na. Obcourse not! Internal naman ang naging isyu nila ng naging jowa nitong si Ana Jalandoni na kasalukuyan yatang nasa Amerika naman. Kaya wala tayo sa posisyon to judge them lalo na at ongoing parin yata until now ang kanilang kaso. 

What matters most, yung pagiging mahusay na aktor ni Kit ang hindi natin matatawaran dahil sino ba namang mag-aakalang nahasa na rin ang kanyang pangil kaya't masasabi nating isa na rin siya sa mga mahuhusay nating aktor ngayon sa industriya.

Not only that. Talagang hindi siya mawawalan dahil guwapo siya talaga at machong guwapito't napaka-sexy pa! Katakam-takam naman talaga! Pasok na kasi ngayon ang mga sexy films, i mean, kapanahonan niya kaya in na in siya!

Well! Deserving si Kit to have beautiful films and more films to come. Napaka-professional niya rin kasi bilang isang aktor. He's currently manage by Cornerstone! 

Last September 2 ay gumulong na ang kamera para sa pelikulang ito nina Kit Thompson, Quinn Carrillo, Rob Guinto at Emilio Garcia at marami pang iba. On location sa Angeles City, Pampanga ang shooting ng movie.