VIC SOTTO, PAULEEN LUNA AT TALI BIBIDA NA SA NET25'S LOVE, BOSLENG & TALI

Nakakatuwa ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. Panay ang tawanan ng lahat habang kausap namin via zoom ang mag-asawa sa katatapos lang na Let's Net Together Media Conference.

Ayon kena Vic at Paulen, mas pinili diumano nilang sa bahay nalang nila kunan ang mga eksena sa bagong family show nilang Love, Bosleng & Tali. Dahil iwas sakit na rin daw muna dahil nasa panahon parin daw tayo ng pandemya. 

Good vibes daw ang show na ito ng tatlo dahil pang-pamilya ito at happy lang. Ayon kay Vic, ibang-iba qng istorya nito na ating aabangan tuwing Sunday, alas-sais ng hapon. 

Tutulungan nila Bosleng and Tali ang isang letter sender kung saan magbibigay sila ng payo sa buhay. Bawat episode ay ipapakita ang mga isyu na malapit sa ating puso, pamilya, buhay pag-ibig, trabaho at pagkakaibigan. 

Asahan na magiging nakakatawa ang life lessons at siguradong makaka-relate ang bawat pamilyang Pilipino.

No comments:

Post a Comment