KIT THOMPSON MAHUSAY NA AKTOR KAYA HINDI MAWAWALAN NG PROYEKTO

Sa totoo lang, kapag magaling kang umarte, may kalalagyan ka talaga sa showbiz. Hindi man ganoon ka-galing, basta magaling, hindi ka mawawalan ng proyekto. 

Tulad nalang ni Kit Thompson. Nitong taon lang ay isang isyu ng pambubugbog sa babae ang kanyang kinasangkutan. Ako personally ay nabigla sa pangyayari. Medyo nagulat dahil hindi ko ine-expect na magagawa yon ni Kit.

Buong akala ng mundo, katapusan na ng career ni Kit. Buong akala nila ay tuluyan ng tatalikuran ni Kit ang mundo ng showbiz. Pero hindi. Pakiramdam ko ay umpisa palang ito ng mas magagandang oportunidad o proyekto para sa showbiz career ni Kit.

Tulad nitong storycon ng pelikulang ' Showroom ' na ginanap last week sa Iagos Restaurant. It's a film written by Quinn Carrillo for 316 Media Network. Walang kagatol-gatol ay naging perpektong materyal si Kit Thompson na gaganap bilang leading man ni Quinn Carrillo sa pelikulang nagkataong first project naman ni Carlo Obispo sa 316 Media Network.

Pansin naming mas maganda ngayon ang aura ni Kit. Mas gumuwapo siya at fresh na fresh. Alam naman nating pantasya ng mga bakla si Kit kaya ang yumminess niya lalo ngayon.

Anyways, patunay lang na hindi naman dahil nanakit ka o nakapanakit ka ng iyong kapwa lalo na at artista ka ay katapusan mo na. Obcourse not! Internal naman ang naging isyu nila ng naging jowa nitong si Ana Jalandoni na kasalukuyan yatang nasa Amerika naman. Kaya wala tayo sa posisyon to judge them lalo na at ongoing parin yata until now ang kanilang kaso. 

What matters most, yung pagiging mahusay na aktor ni Kit ang hindi natin matatawaran dahil sino ba namang mag-aakalang nahasa na rin ang kanyang pangil kaya't masasabi nating isa na rin siya sa mga mahuhusay nating aktor ngayon sa industriya.

Not only that. Talagang hindi siya mawawalan dahil guwapo siya talaga at machong guwapito't napaka-sexy pa! Katakam-takam naman talaga! Pasok na kasi ngayon ang mga sexy films, i mean, kapanahonan niya kaya in na in siya!

Well! Deserving si Kit to have beautiful films and more films to come. Napaka-professional niya rin kasi bilang isang aktor. He's currently manage by Cornerstone! 

Last September 2 ay gumulong na ang kamera para sa pelikulang ito nina Kit Thompson, Quinn Carrillo, Rob Guinto at Emilio Garcia at marami pang iba. On location sa Angeles City, Pampanga ang shooting ng movie.

No comments:

Post a Comment