MOMENTS NI GLADYS REYES SA NET25 16 YEARS NA!

Hindi biro ang tumayo ka ng almost 16 years sa ere. Yan nga ang nangyari sa Moments TV show ni Gladys Reyes sa NET25! 

Kahit siya ay hangang-hanga rin sa kanyang naging kakayahan bilang host nito. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Gladys sa NET25 dahil hindi rin siya binitiwan nito hanggang ngayon. 

Marami paraw gustong patunayan si Gladys sa kanyang show. May mga bagong ideya na rin daw siya sa ika-16 years ng show niya at yun daw ang dapat abangan pa ng kanyang avid listeners and viewers.

Sa bagong season ng Moments, siniguro nitong may bago silang inohandang surpresa na tatatak sa puso ng bawat pamilya. Abangan ang Chikat or chikahan with sikat. Moment Ko 'To kung saan icha-challenge ng guest si Gladys at ang Kusina Moments na magbibigay ng kitchen hacks. 

Manood na ng Moments kasama ang buong pamilya tuwing Linggo alas-kwatro ng hapon sa NET25.

No comments:

Post a Comment