ASPN NG NET25 YEAR 2 NA!

Tuloy ang pangako ng NET25 sa bawat Pilipino sa buong mundo. Ang maghatid ng maganda at de-kaledad na programa na talaga namang aabangan ng bawat Pilipino.

Isa na rito ay ang ASPN o Ano Sa Palagay Niyo hosted by Ali Sotto and Pat Daza. 

Sa katatapos lang na Let's Net Together Media Conference ay ibinalita ng dalawang host na nasa ikalawang taon na ang kanilang show. Sabi pa ng dalawang host, happy sila sa kanilang show at nagagawa nila ang kanilang gusto sa tulong narin ng NET25 management. 

Sa kanilang programa ay inilalahad nila ang kanilang makabuluhang komentaryo at pagsusuri sa mahahalagang pangyayari, isyu at personalidad. Salungat sa nakasanayan nating male dominated radio talk genre, kapansin-pansin ang kanilang atensyon sa maliliit na detalye.

Umaasa silang mas lalo pa silang susuportahan ng kanilang listeners and viewers sa kanilang ikalawang taon sa ere.

Alamin ang mga detalye sa likod ng bawat balita tuwing Lunes-Biyernes alas-otso ng umaga sa ASPN sa NET25.


No comments:

Post a Comment