Kaya nung makarating sa amin ang balitang siya ang napiling Best Actor sa katatapos lang na Chithiram International Film Festival sa India para sa pelikulang ' Fall Guy ' ni Joel Lamangan ay nagdiwang ang lahat para sa kanya. Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Sean.
Sino ba naman ang mag-akalang sa dinami-rami ng sumaling pelikula sa naturang filmfest abroad ay mabibigyang pansin at halaga ang kanyang acting sa naturang pelikula na produced ng 316 Media Network at Mentorque Productions.
Sabi ko, alligned talaga ang stars ni Sean dahil simulang ilunsad siya ni Direk Joel Lamangan sa pelikulang ' Anak Ng Macho Dancer ' produced by GodFather Productions ni Joed Serrano ay nagsunod-sunod na ang magagandang proyekto nito sa pelikula. Nakatadhana talaga ang kasikatan niya ngayon kaya kontrahin man ng mga hindi naniniwala sa kanyang kakayahan ay wala silang nagawa!
Actually, kung maalala ko lang, mismong si Direk Joel Lamangan na rin ang nagsabi noong storycon palang ng pelikulang ' Fall Guy ' na magkaka-award si Sean dito at nagka-totoo nga! Even the people from the production side, sino-shoot palang namin ang movie sa Angeles, nagsabi na rin silang ibang klaseng Sean ang mapapanood sa movie. Magaling daw siya talaga.
And speaking of kahusayan ni Sean, isa sa aabangang pelikula pa ni Sean ay itong katatapos niya lang gawin. Ang ' My Father, Myself ' kung saan katrabaho niya naman sina Jake Cuenca, Tiffany Grey at Dimples Romana na isa na namang Direk Joel Lamangan movie. Ayon pa sa producer nitong si Len Carrillo, hoping sila na maipalabas ito sa big screen dahil beautiful ang movie at paiiyakin ka!
Well, mabuhay ka Sean De Guzman. Ibang klase rin ang kahusayan mo.
No comments:
Post a Comment