BEA ALONZO AT JOHN LLOYD CRUZ POSIBLENG MAGKATRABAHO SA TELESERYE AT PELIKULA! POPOY AT BASHA BUHAY NA BUHAY NA!

Kung ating matatandaan ay isa si Bea Alonzo sa mga maagang nagpaalam sa Star Magic noong ipasara ang ABS-CBN last year. Naging maganda naman sa pagkakaalam ko ang kanyang pagpapaalam sa halos dalawang dekadang naging tahanan niya at masasabi nating nag-molde sa kanya kaya siya naging isang malaking pangalan sa showbizlandia.

Hanggang sa mabalitaan naming may kinuha na siyang talent manager kasabay ang  umugong na rin ang balitang may inaayos raw ang kanyang manager para sa kanya. Sa lahat ng ito ay naging tikom ang bibig ni Bea. Nanahimik ang sikat na aktres. For months ay wala na kaming narinig from her camp dahil tinutukan din namin ang kanyang instagram account. 

Kaya naman nitong June 29, 2021 ay nagulat ang sambayanan lalo na ang kanyang mga taga-hanga nang maglabas ang Kapuso Network ng cars teaser para sa isang premyadong aktres na magiging kapuso na.

Naglabasan na ang napakaraming panghuhula kung sino ang mini-mean ng Kapuso. May kung ano-anong memes at hulahopyas ang aming nakita at mukhang alam na rin ng iba na si Bea Alonzo nga itekla!

At nitong araw ng miyerkoles, June 30, sa pinakabagong card teaser ng Kapuso ay lumutang na nga ang pangalan ni BEA sa linyang ' will be a kapuso ' kung saan mula sa mga white letters ay bumukod ang kulay pula sa ' be a ' !

After minutes lang ay nagkumpiramahan na nga ang ilang online showbiz sites tulad ng ShowbizlandiaPH na kumpirmado nga'ng si Bea Alonzo ay magiging Kapuso na!

Sariling akin lang, jusmio GMA! Okey na sana! Kaso lang, hindi lang premyado at magaling na aktres si Bea! Isa siyang bankable actress! Meaning, money maker sa Kapamilya Network at higit sa lahat ay isa siyang QUEEN! Sana inayos niyo naman! Ha! Ha! Ha! Joke lang!

At dahil parehong nasa GMA na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, posible na ang movie and television project para sa kanila noh! O! Sa mga abangers ng kanilang tandem bilang sina Popoy at Basha, abang-abang na! 

Goodluck Queen Bea!!!


 

BAKUNA NIGHTS PARA SA FILM AT ENTERTAINMENT WORKERS NG QUEZON CITY DINUMOG


MANILA, PHILIPPINES, JUNE 28, 2021 — A total of 1,500 film and audiovisual (AV) workers will be vaccinated during the “Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers,” a partnership between the Film Development Council of the Philippines (FDCP) and Quezon City (QC) Government’s #QCProtekTODO program.

 

Launched on June 24 at the Quezon City Hall Vaccination Site, the “Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers” has three sessions scheduled from 6 p.m. to 10 p.m. The first session on June 24 had 500 slots, with 477 workers vaccinated, and the next two sessions on July 1 and 8 will also have 500 slots each.

 

“Sa ating mga manggagawa, because of you, Quezon City is the City of Stars and I do intend to make sure to take care of all of the individuals who contribute to making Quezon City the great city that it is. At siyempre, nangunguna ang ating pong mga  manggagawa from the film at television industry,” Quezon City Mayor Joy Belmonte said in her Opening Remarks.

 

She also recognized the perseverance of film and AV workers, especially the daily wage earners, whose livelihoods have been greatly affected by restrictions in production activities due to the COVID-19 pandemic. “Ako ay umaasa na kapag tuluy-tuloy na ang pagbabakuna, babalik din sa  normal ang ating mga buhay at ang ating pong industrya ay magiging masigla muli,” she added.

 

FDCP Chairperson and CEO Liza Diño expressed her utmost gratitude to Mayor Belmonte for being the first to extend a helping hand for the vaccination of film and AV workers. She also revealed that because of the FDCP-QC vaccination initiative for A4 Priority Group workers, the national film agency has pending partnerships with various local government units (LGUs).

 

“Malaking bagay po ito para sa aming industriya. Napakalaking bagay nito para makabangon kami, maging protektado kami, at makapagtrabaho kami nang walang takot,” said Diño, who called on fellow vaccinated film and AV workers to encourage other members of the industry to get vaccinated as well as to register with the FDCP’s National Registry (NR), which is in charge of coordinating with workers regarding their vaccination schedule and requirements.

 

The FDCP’s National Registry for Audiovisual Workers (NRAW) has more than 5,000 workers, and almost 1,500 of them are based in Quezon City as workers or residents. All workers to be vaccinated during the QC Bakuna Nights will be contacted by the FDCP National Registry (NR) team via a call and text brigade for proper scheduling.

 

The FDCP NR team was at the “Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers” launch to assist the workers and help facilitate inoculation process together with the #QCProtekTODO team. A short program featured the free performance of Ice Seguerra together with his band, The Pogi Boys. There was also a lugaw station for the film and AV workers because their vaccination schedule was set during dinner time.

 

One of the 477 vaccinated workers is performing artist and commercial model Victoria Mina, who was happy to be part of the Bakuna Nights launch for film and AV workers. “It was rather heartwarming to see people from the industry gathering and getting vaccinated together,” Mina told the FDCP. “Malaking tulong ang programang ito. Kapit lang tayo, babangon tayo ulit!”

 

Videographer Benedict Suarez, who was also vaccinated during the Bakuna Nights launch, said to fellow industry workers, “Please avail ‘yung libreng offer ng FDCP para at least lahat tayo makabalik nang dahan-dahan sa normal.”

 

A surprise segment during the program featured the singing of “Happy Birthday!” to Chairperson Diño, who was celebrating the eve of her birthday. She remarked, “It is an honor to be part of the synergy between the government and industry to ensure the welfare of our workers. This gives me hope and fuels my purpose for public service. Indeed, we can make things happen such as working together  towards having our workers vaccinated for the recovery of our film and audiovisual industry.”

 

QC Bakuna Nights is Quezon City’s evening vaccination program that addresses the scheduling concerns of daily wage earners and those who are unable to take a leave of absence. It is open to FDCP NR registrants as well as non-registered workers who may send their full name, job designation, email address, mobile number, and home address to nationalregistry@fdcp.ph.

 

Those who want to register with their respective LGUs may present as proof of occupation the FDCP National Registry Certification, which can be downloaded from their MyFDCPRegistry Profile on the NR website (nationalregistry.fdcp.ph).

 

For inquiries and other concerns, email nationalregistry@fdcp.ph or visit https://nationalregistry.fdcp.ph.

 

SENATOR MANNY PACQUIAO PINATULAN DIN ANG HAMON NI PRESIDENTE DUTERTE

Ayon sa kasabihan na kahit sino ay puwedeng tumakbong Presidente. Just like Senator Manny Pacquiao na bago pa man siya naging isang Senador ay sikat na bilang isang boxer sa buong mundo at nagbigay ng karangalan sa ating bansa ng ilang beses kaya naman hindi lang Filipino ang lubos na minahal siya kundi ang buong mundo.

Pero sa kanyang pagpapakita ng interes na tumakbo bilang Pangulo ng ating bansa ay marami ang tumambling sa kanyang desisyon. Binatikos una ang kanyang kakayahan. Binatikos din ang kanyang mabitawang salita patungkol sa mga pabahay at lately ay ang salitang binigkas nito patungkol sa gobyernong Duterte.

Inuulan naman talaga ngayon ng bashing si Manny. Lalo na't pinatulan na siya mismo ni Pangulong Duterte sa usaping korupsyon. Hinamon siya ng ating pangulo na ilabas ang listahan ng mga sinasabi niyang tao at ahensiya ng gobyernong laganap ang korupsyon. And recently ay tinanggap naman ni Manny ang hamong ito ni Pangulong Duterte.

May nakapagsabi sa akin na ' all for play ' lang daw ito ng dalawang kampo dahil nga sa alam naman natin ang sistema ng politics sa ating bansa lalo na ilang buwan nalang ay magaganap na ang 2022 elections! 

Madumi naman talaga ang laro ng politics sa ating bansa noon pa. Sabi ko nga, kahit sinong Presidente pa ang maupo sa Malakanyang, hindi matitigil ang korupsyon at lokohan sa bansang ito.

Sariling akin lang, hindi pa talaga hinog si Manny na tumakbo bilang Pangulo ng bansang ito. Una ay kinuwestiyon ang kanyang mga nai-ambag sa Senado simulang maging Senador siya. 

Manny, huwag mo na pangaraping maging Presidente. Masyadong kagahamanan na yan sa sinasabi nilang power sa mundong ito. Marami ka pang dapat pag-aralan at dapat malaman lalo na ang sakto at tumpak na pakikipaglaro sa mundo ng politics.

Puwede mo namang gawin ang mga gusto mong gawin sa iyong kapwa o sa buong Pilipinas kahit hindi ka uupo bilang pangulo. Maraming paraan kung talagang gusto mo at marami ang tutulong sa iyo lalo na't kung maganda ang adhikain mo para sa bayang ito.

Makuntento ka na sa posisyon mo bilang isang Senador at bilang isang sikat na personalidad sa mundo ng boxing dahil mas maganda ang tatakbuhing record mo sa dalawang posisyong ito. Kapag lumabis ka pa diyan, honestly, sasablay na ang pagkatao mo at madudungisisan totally ang pangalan mo!

Wala ka ring dapat ihingi ng sorry sa mga pagkakamali mo dahil lahat tayo ay nagkakamali sa buhay at kung anu-ano pa man! Mahal ka ng sambayanang ito. Dapat i-treasure mo nalang yun at huwag na maghangad pang nasa pinaka-mataas na kapangyarihan sa bansang ito!

ARA MINA AT DAVE ALMARINEZ IKAKASAL NGAYONG ARAW SA BAGUIO CITY

Ngayong araw na ito, June 30, 2021 ay magaganap na sa isang exclusive place sa Baguio City ang pag-iisang dibdib nina Ara Mina at Dave Almarinez. Mamayang hapon ang kasal kung saan dadaluhan ito ng mga piling imbitadong kaibigan ni Ara Mina sa showbiz partikular na ang mga kinuha nilang Ninong at Ninang ni Dave para sa kanilang sagradong araw.

Mas pinili yatang huwag paingayin o mag-ingay ng dalawa para sa kanilang wedding day dahil tahimik lang ito habang inaayos ang lahat sa kabila ng napakaraming naghihintay ng balita patungkol sa kasalang ito.

Finally, ika nga ng isang kaibigan ay nakatagpo na si Ara ng lalakeng makakasama niya habangbuhay at batid naming masayang-masaya si Ara sa kanyang desisyong magpapatali na siya kay Dave Almarinez na isang politician. Sabi nga nila, may forever dahil matagal-tagal na rin palang magkasintahan ang dalawa ng tahimik lang.

This is the day tsika pa ng isang kaibigan dahil makakabuo na rin daw ng isang matatawag na sariling pamilya si Hazel.

Nabatid din naming kahit naghahanda si Ara para sa kasal nila ni Dave ay ratsada pa rin sa pagti-taping si Ara para sa kanyang ilang tv series commitments! Masipag naman talaga si Ara noon pa. Nandiyan din ang pagtututok pa nito sa kanyang HazelBerry Cafe na negosyo at kung anu-ano pa!

Mabuhay ang bagong kasal Ara at Dave!

XIAN AT MCCOY BUMILIB LALO KAY YORME ISKO

Sina Xian Lim at Mccoy De Leon ang dalawang movie and television actors na bibida sa pelikulang ' Yorme ' ni Manila Mayor Isko Moreno. Si Mccoy ang binatang Yorme at si Xian naman ang kasalukuyang Yorme.

Sa aming pakikipagtsikahan sa dalawang aktor ay nabatid naming pareho silang naging excited sa pelikula nung banggitin ito sa kanila. Interesting daw ang naging buhay ni Isko simulang makilala ito sa showbiz. Kaya naman hindi na sila nagdalawang-isip na angkinin ang kani-kanilang role.

Ayon mismo kay Isko in our interview, hindi na siya nagpabayad ng life story rights niya dahil mas ninais daw nitong itulong nalang ito sa mas nangangailangan since yun naman daw ang gustong-gusto niyang gawin sa Maynila ang pagtulong sa kapwa.

Ayon mismo kay Mayor Isko, ipapakita sa buong pelikula ang kanyang naging dark side nung panahong walang-wala pa siya sa buhay at hindi niya diumano ito ikinahihiya dahil simula naman daw noon pa ay naging bukas naman sa publiko ang kanyang buhay at wala na siyang maitatago pa.

Ayon kena Xian at Mccoy, inspirasyon o magsilbing inspirasyon diumano si Manila Mayor Isko sa lahat dahil makikita sa pelikula kung paano niya inayos at ini-angat ang kanyang buhay matupad lang ang kanyang mga pangarap na sinimula niya noon sa That's Entertainment.

Isang musical movie ang Yorme na produced ng Saranggola Productions at mula naman ito sa direksyon ng award-winning composer-hitmaker na si Direk Joven Tan.

Wala pang nabanggit kung anong buwan ipapalabas ang movie na kinunan karamihan sa mga eksena sa Maynila.

' TAYA ' NINA SEAN DE GUZMAN AT AJ RAVAL BOLDER AND WILDER

Just recently ay nagkaroon na ng story conference ang pelikulang ' Taya ' na pagbibidahan nina Sean De Guzman at AJ Raval. Produced ito ng Viva Films ni Boss Vic Del Rosario at mapapanood sa Viva Max PH.

Ito na ang pangalawang movie project ni Sean sa bakuran ng Viva Films since nakapaloob din ito sa kanyang pinirmahang movie contract sa Viva Artist Agency.

Bilang publicist ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo ay nakakatuwang isipin na ang aming alaga ay making waves na ngayon sa mundo ng showbiz na ayon kay Sean ay naging maganda ang pagtanggap sa kanya simulang mailunsad siyang bidang aktor sa pelikulang ' Anak Ng Macho Dancer ' ng Godfather Productions ni Joed Serrano.

Ayon mismo sa writer-director ng pelikulang ' Taya ' na si Roman Perez Jr. ay kaabang-abang dito sina Sean at AJ kung papano nila gagampanan ang kani-kanilang role sa isang psychedelic erotic thriller movie na mas bolder daw at wilder.

Co-written ito ni John Carlo Pacala na siya ring nagsulat ng pelikulang ' Bagman '. Unang naging proyekto naman ni Direk Roman ang pelikulang ' Adan ' noon na pinagbidahan ni Rhen Escano.

Tapos na rin ang pelikulang ' Lockdown ' kung saan isa si Sean sa limang bidang lalake. Boyfriend naman siya ni Teejay Marquez sa pelikulang ' Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat Ng Lupa ' na parehong idinerehe ni Joel Lamangan.

XIAN AT JENNELYN PROJECT SA GMA 7 KASADO NA

Masuwerte ang isang Xian Lim dahil hindi ito nawalan ng television and movie project kahit nasa gitna tayo ng pandemic. Just imagine, nung tinanggalan ng prangkisa ang Kapamilya Network ay kaagad namang nakasungkit si Xian ng magandang hosting job bilang siya naman talaga ang napili bilang host ng 1000 Heartbets na isang game show sa bakuran ng TV5 na nitong June 12 lang natapos ang Season 1 nito na magkakaroon daw ng Season 2 within the year ends. 

No need to question that because 2018 pa nung umalis si Xian sa bakuran ng Star Magic at lumipat nga ito sa Viva Artist Agency kaya mabilis ang transaksiyon. Wala namang isyu dito dahil since 2008 ay naging Kapamilya naman si Xian bilang contract artist ng Star Magic noh!

Well deserved ni Xian lahat ng magandang blessings sa kanyang showbiz career dahil kilala namin si Xian sa pagiging professional at grabe kung magtrabaho. 

Sa isang item na lumabas sa isang online showbiz page ay kumpirmado na nga ang isang drama series na gagawin ni Xian sa bakuran naman ng GMA Channel 7.

Ito ay ang Love, Die, Repeat bilang working title kung saan niya naman daw makakatrabaho si Jennelyn Mercado. 

Balitang this month of July na ang sked taping nilang dalawa ni Jennelyn at marami na rin sa Kapuso ang excited sa bagong tandem na ito.

Kung walang changes, ito na ang kauna-unahang proyektong gagawin ni Xian sa bakuran ng Kapuso Network. Ilang shooting days nalang ay matatapos na rin ni Xian ang shooting niya para sa pelikulang YORME bilang bidang aktor na kamakailan lang ay nagkaroon sila ng courtesy call sa Manila City Hall with Manila Mayor Isko ' Yorme ' Domagoso. 

Wait, may blessing kaya dito si Kim Chiu? Siguro naman diba! Si Kim pa ba? Si Xian pa ba? Bongga! Sige Xian, ariba ariba lang lalo na ang iyong pagti-Tiktok huh! Aba! Hindi na rin siya paawat huh! 

TANTANAN NA ANG PANGUNGUWESTIYON SA LOYALTY NI POKWANG

Batid ko na bago pa man ipinasara ang Kapamilya Network ay plano na ni Mamang Pokwang ang lumipat sa ibang istasyon pero hindi ako sure that time kung what network siya lilipat. Kung ating matatandaan ay tanging Banana Sundae nalang ang show niya that time sa bakuran ng ABS-CBN.

Pero dahil nga sa loyalty niya sa kanyang mother network at isama mo na rin ang mga taong nasa loob ng network na minahal niya ng napakahabang panahon ay hindi ganoon kadaling magdesisyon para sa isang Pokwang.

Hondi niya kayang basta-basta nalang iwan sa ere for sure ang isang tahanang nagmolde sa kanyang kakayahan bilang isang sikat na komedyante at magaling na aktres!

Ang mga pag-aalalang yun ni Mamang Pokwang ay katunayang hindi niya tinalikuran ang salitang utang na loob!

Hanggang sa nitong nakaraang linggo lang ay tuluyan na nga'ng pumirma ng kontrata sa bakuran ng GMA Channel 7 partikular sa GMA Artist Center si Pokwang at naibalita na rin nito ang kanyang mga gagawing proyekto.

Tama si Mamang Pokwang! May pamilya siyang binubuhay at kailangan niyang maghanap-buhay para sa kanila. Walang masama sa kanyang ginawa. Ito ay tinatawag na career move sa showbiz kung saan alam niya ang kanyang halaga bilang isang celebrity. Alam niya kasi ang kanyang kakayahan kaya alam niyang darating ang isang pagkakataong kahit sinong artista ay hinding-hindi ito pakakawalan.

Kaya tantanan niyo na ang pangunguwestiyon sa kanyang naging loyalty sa Kapamilya Network dahil inilaban niya rin naman ito ng patas!

Ang desisyon niyang pagpirma ng kontrata sa bakuran ng dating kalabang network ay isang napakalaking oportunidad upang bumango ulit ang kanyang pangalan at upang mabuhay ang career at upang mabuhay ng maayos.

Isang desisyong binibigyan ko ng pag-saludo dahil iyan ang tama! We love you Mamang Pokwang and more power sa iyong bagong career sa iyong bagong tahanan! 

HUWAG MASYADO VICE GANDA

Huwag masyadong nagmamaganda Vice dahil Ganda ka na! Huwag masyadong mataas na ang lipad dahil minsan ka ng muntikan ng bumagsak at salamat sa social media dahil kahit papano ay nakaalagwa ka! Huwag masyadong bilib sa sarili at sa milyon-milyong followers dahil hindi lahat ng yan ay natutuwa sa minsa'y talas ng dila mo at asta mo sa iyong kapwa.

Nitong Martes lang, June 23 ay naglabasan sa online news ang diumano'y pango-okray ni Vice sa isang contestant ng It's Showtime's Reina Ng Tahanan kung saan naisipan at naisingit pa nitong banggitin ang pangalan ng anak-anakang si Quezon City Congressman Alfred Vargas na may kasamang pango-okray sa telebisyon.

Hindi ako natuwa sa ginawa ni Vice. Gigil ako. Yung ganung gesture ay hindi dapat pinapakita o sinasabi sa mukha ng national television. Hindi tama na magpatutsada ka na medyo heavy ang dating sa amin.

Oo Vice! Yung Congressman na nag-inhibit last year nung mag-botohan sa Kongreso. Alam mo ba Vice ang kanyang totoong dahilan kung bakit? Nararamdaman mo ba that time kung ano ang kanyang nararamdaman kaya nag-inhibit siya? Hindi mo ba naisip na kaya siya nag-inhibit ay dahil ayaw niyang may masagasaan siya dahil kasamahan natin siya sa industriya at kahit papano ay alam niya ang salitang utang na loob sa network?

Oo Vice! Si Alfred Vargas na siya na lihim na tumutulong sa napakaraming tao na kanyang kinasasakupan na kahit hindi niya na sakop ay panay ang paghahatid niya ng serbisyong totoo at lihim na nakikiramay sa kanyang kapwa ng walang nakatutok na kamera para makakuha sana siya ng simpatiya at libreng publicity.

Na nagseserbisyo ng walang hinihinging kapalit at galing sa puso ang ginagawa. Nakakaloka ka lang Vice kasi masyado ka kapag magsalita na pakiramdam mo ay institusyon ka at pakiramdam mo ay tama lahat ng sinasabi mo!

Sinabi mo pa na alam na sa eleksiyon! Anong meron sa eleksiyon Vice? Na hindi na dapat iboto si Alfred ng kanyang mga constituents sa distritong sakop nito dahil lang sa nag-inhibit ito kaya ipinasara ang ABS-CBN kung saan ka kumikita ng limpak-limpak na salapi? Palagay mo bobo ang mga tao at agad-agad ay huhusgahan nila ang napakabuting kongresista na masama na ito dahil nag-inhibit siya?

Sino ka sa pakiramdam mo para diktahan sila? Dahil lang ba dun ay buburahin nila sa kanilang mga isipan ang pagiging mabuting public servant ni Congressman Alfred Vargas ng Quezon City? 

Be kind Vice Ganda dahil pinitik ka na rin ng ilang beses kaya nga damay damay na sa pagsasara ng Kapamilya Network diba? Huwag masyado Vice. Ang hilig mo sa parinig! Isang taon na ang nakaraan at dapat matuto na tayong maging mabuti at hindi na naga-ganyan! 

Sobrang blessed ka na sa buhay mo na mula sa WALA ay NAGKAROON ka! Kaya dapat maging mabuti at timbangin mo ng maayos ang iyong pakikipag-kapwa-tao! Lalo na sa mga binibigkas mong salita! Tandaan mong mismong ang daily noontime show mo ngayong Its Showtime ay laglag na laglag o lagapak na sa ratings at mukhang kinakalawang na! Not too much Vice! 

Baka sa sobrang taas mo ay ikaw na mismo ang nagtutulak sa sarili mong pagbagsak! Alalahanin mo nalang ang mga fans mong minahal ka ng walang kundisyon kaya be kind! Dahil delikado ang salitang ' too much '! Marami ang babagsakang rason yan kung bakit!

DANIEL AT KATHRYN O KATHNIEL GOT THEIR 1ST DOSE OF VACCINE AGAINST COVID-19

Nitong umaga ng lunes ay tuluyan na nga'ng nagpa-vaccine ang real life couple na KathNiel  na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo against Covid 19.

Naganap ang vaccination sa dalawang sikat na aktor at magagaling na endorser sa Makati vaccination hub ng MMDA sa pakikipagtulungan ng MMFF para sa mga manggagawa ng Pelikulang Pilipino na nasa A4 category.

Mula sa kani-kanilang tahanan ay dumating ng mga 9am sina Daniel at Kathryn sa Makati. Dumaan sa mga proseso kung saan tiningnan din ang kanilang vital signs at nakinig sa isang orientation ng mga DOH doctors.

Mukhang kinunan na rin kanina ang ipapalabas na video ng dalawang sikat na manghihikayat sa lahat na dapat magpa-bakuna para maging ligtas ang buong pamilya ganoon na rin ang buong sambayanang pilipino!

We cannot deny the fact or it's a fact naman talaga na malakas talaga ang influence ng dalawa pagdating sa mga kabataan. Kaya naman isa ang KathNiel loveteam sa mga napiling magkaroon ng endorsement ng panghihikayat na magpabakuna na!

Good job KathNiel!


©️

SEAN DE GUZMAN NANINIWALA BANG MAY HULING BAKLANG BIRHEN?

Hindi na paaawat pa si Sean De Guzman sa patuloy niyang pag-akyat sa kanyang showbiz career bilang isang bahugang aktor. Simulang ipinakilala siya bilang bidang aktor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ay nagsunod-sunod nang mga movie projects nito. Isa na rito ay ang pelikulang Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat Ng Lupa na pinagbibidahan ni Teejay Marquez kung saan si Direk Joel Lamangan pa rin ang naging direktor nila. Kamusta naman ang kanyang trabaho?

" Masaya naman po ang naging experience ko sa set ng AHBBSBNL. Mejo relax po ito sa mga nauna kong project. Napaka- professional nilang ka- trabaho and may kaunting bonding kame kapag may break kame, tawanan, kwentuhan. " bulalas pa ni Sean.

Ano naman ang kanyang role sa movie?

" Ang ginanapan kong character dito ay si MICHAEL na napagpapatibok sa puso ni POLDO (Teejay Marquez). Yung role ko dito ay very relax lang kumpara sa mga nauna kong ginampanan. Ang saya po sa shooting. Tawanan po kami ng tawanan. " aniya.

Naniniwala ba siya sa titulo ng pelikulang kinabibilangan niya?

" Sa pelikulang ito “YES” ayun ay si POLDO si TEEJAY, Pero kung sa totoong buhay hindi ako sigurado HAHAHHA." natawang tsika pa nito.

Sa Alabat Island, Quezon Province naman kinunan ang pelikulang Nerisa. Ka-tandem naman dito ni Sean ang baguhang seksing aktres din at palabang si AJ Raval. Kamusta naman ang kanilang first meeting at shooting agad? 

" Maayos po katrabaho si AJ RAVAL and katulad ko na baguhan din sa industry, nage-explore at madami din siyang natututunan. Besides naging close kame ni AJ hindi lang siya maging yung mga co-actors namin, super close na kaming lahat. " kuwento pa ni Sean.

Nang tanungin ko siya kung anong parte ng katawan ni AJ ang pinaka-seksi?

" Siguro sakin na lang yon LOL." deretsahang tugon ni Sean.

Sa kasalukuyan ay masasabi nating making waves na rin si Sean De Guzman in this business. Anong pakiramdam niya?


" Hanggang ngayon po siyempre hindi padin ako makapaniwala na nabigyan ako ng chance na maipakita yung talent ko sa industriyang ito, pero ngayon unti- unti ko na nararamdaman iyon. Sobrang overwhelmed though namimiss kong mag perform kasama mga ka grupo ko, but for now may kanya kanya na rin kaming path sa showbiz industry na and I’m very proud of them atleast lahat kaming mga natira sa grupo ay may nararating narin po kahit papano. " paglalahad pa ng sikat na ring aktor.

Anu-anong pagbabago naman ang naidulot nito sa kanyang pribadong buhay?

" May mga restrictions na din, pero syempre hindi ko naman tinitignan yung sarili ko na napaka espesyal at mataas. Ngayon mejo nakaka recover na ako despite of this pandemic. As a breadwinner of the family, super saya ko dahil kahit papaano nakakapag provide na ako ng sapat sa pamilya ko. " pagtatapos pa ni Sean.

JOHN LLOYD CRUZ AT POKWANG CERTIFIED KAPUSO NA

Sina John Lloyd Cruz at Pokwang ay dalawa lamamg sa naglalakihang bituin ng Kapamilya Network na tuluyan na nga'ng pumirma ng kontrata sa bakuran ng Kapuso Network. Ayon sa tsika, parehong nasa pamumuno na ngayon ng GMA Artist Center ang dalawa at may nakalaang proyekto na rin daw sa GMA ang bawat isa.

Hindi namin alam kung totoong makakasama ni John Lloyd Cruz sa gagawin nitong sitcom si Pokwang pero maugong ang balita.

Mukhang may mga naka-hilera pang Kapamilya Stars na hindi lang mga chararat ha kundi big names in the industry ang diumano ay inaayos na rin ang mga pipirmahang kontrata. Kumbaga, pang-buena mano lang daw ang dalawa!

Well, alangan namang nga nga na rin sina JLC at Pokwang? Aba'y may mga pangangailangan din yan sa buhay-buhay at kailangan din nilang kumanta ng i will survive noh! 

Amg mahala ay may blessing naman ang kanilang dating network sa kanilang pag-alis noh! Ganoon talaga! We have to live ika nga nila plus the fact na pareho namang magagaling na artista sina JLC at Mamang Pokwang noh! Kumbaga made na sila at hindi yung mga pinulot lang sa kangkongan!

In this case, wr wish Mamang Pokwang and JLC the best! May offer at maganda at malaking bagay at nagtiwala ang isang network....WHY NOT! 

Tama lang naman ang kanilang naging desisyon noh! Am sure pinag-isipan din naman nila ito ng mabuti at maayos! 

Congrats JLC at Mamang Pokwang!

SILAB MOVIE NINA CLOE BARRETO MARCO GOMEZ AT JASON ABALOS IRE-RELEASE NG VIVA FILMS

Habang sino-shoot palang ang pelikulang Silab na pinagbibidahan nina Cloe Barreto, Jason Abalos at Marco Gomez ay naging usap-usapan na ang nakakalokang script nito written by the famous Raquel Villavicencio na according to Direk Joel Lamangan who directed the film ay magaling talaga lalo na kapag ang script na sinusulat nito ay patungkol sa mga babaeng ' krung-krung ' o kuwento ng may mga saltik at baliw! 

Totoo nga! Dahil mismong si Cloe Barreto na siyang bida sa film produced by 316 Media Network ni Len Carrillo ay umakma sa role niya because in real life ay may saltik o baliw-baliwan din daw siya. Well, Cloe nailed it! Sabi nga namin kay Cloe na meant to be talaga sa kanya ang script.

Napanood na rin namin ng dalawang beses ang movie. Una with the PR ng 316 kasama si Direk Joel at nung huli ay sa ginanap naming press preview kung saab umani ng papuri ang buong cast ng film. 

That moment, sabi ko sa sarili ko na posibleng isang mega movie company ang magre-release nito at hindi nga ako nagkamali.

Just recently ay nabalitaan naming Viva Films na nga ang magre-release ng launching movie ni Cloe Barreto. Well! Tama lang kasi Viva Artist naman siya at si Marco Gomez, hindi ba plus factor yun? Anyways, naku, abangan niyo na ang theatrical release nito. Napakaraming pasabog at maloloka kayo sa twist ng istorya! 

Kakawindang! Panalo ito! Congrats sa 316 Media Network at 316 Events And Talent Management.

XIAN LIM NAGING INSPIRADO SA BUHAY NI YORME ISKO MORENO AT KAPAG NABIGYAN NG PAGKAKATAON AY POSIBLE DIUMANONG PASUKIN ANG PULITIKA

Kapag nabigyan ng pagkakataon ay open o bukas diumano ang isang Xian Lim sa pagpasok sa mundo ng pulitika. Ito ang inamin ni Xian nang tanungin ito ng isang kasamahan namin sa entertainment press during our interview with him sa ginanap na intimate set visit para sa musical movie'ng YORME sa loob mismo ng Manila City Hall kung saan ginagampanan ni Xian ang adult Yorme. 

Bilang naging Yorme sa movie, sa kanyang pagganap, napakarami diumanong natutunan si Xian sa kanyang role. Humanga diumano lalo si Xian sa pagkatao ni Manila Mayor Isko Moreno at napaka-inspiring diumano ang naging buhay ni Isko. Lalong-lalo na diumano ang puso nitong walang sawa sa pagbibigay ng tulong sa kanyang kapwa!

Isang mabuting ehemplong dapat naman talagang tularan ang isang Isko Moreno.

Ipapakita sa pelikula ang ilan lamang sa mga naging dark sides of his life ni Mayor Isko at wala diumanong hindi ipapakita. 

Ayon rin kay Xian, isang napakagandang experience para sa kanya bilang isang aktor ang gampanan ang isang buhay na character sa pelikula lalo na't hindi raw naging madali para sa kanya ito. 

Ang YORME ay mula po sa panulat at direksyon ni Joven Tan at produced po ng Saranggola Productions ni Tita Edith Fider. 

Mapapanood na soon ang movie!!!

YORME ISKO MORENO NG MAYNILA, HINARAP ANG DALAWANG YORME SA PAGSASAPELIKULA NG KANYANG BUHAY NA SINA XIAN LIM AT MCCOY DE LEON

Nitong araw ng huwebes, June 16, 2021 ganap na ika-6 ng gabi ay tuluyan na nga'ng nagkita in-person sina Manila Mayor Isko Moreno, Mccoy De Leon at Xian Lim sa mismong tanggapan ng Manila City Hall. Ito ay may kinalaman sa pagsasa-pelikula ng Saranggola Productions ni Edith Fider sa naging karera sa buhay ni Isko Moreno bago pa man ito ngayon naging Mayor ng Maynila. Parang courtesy call ang nangyari na isinabay na rin ni Direk Joven Tan sa shooting ng movie na may kukunan din that evening na mga eksena sa loob mismo ng Manila City Hall. 

Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap kahit saglit ang tatlo.

" Happy to see you po. Sobrang blessed lang ako siguro dahil napili po akong gaganap bilang batang Yorme. Diko po ito ine-expect na yung pagganap ko palang bilang young Yorme, isang karangalan napo para sa akin. Kaabang-abang po ang movie na ito. Something new tapos life story papo ng isang dating aktor at ngayon ay isang Mayor na ang malalaman nila ang buhay. Masaya po ako. " bulalas pa sa akin ni Mccoy De Leon na gumaganap bilang binatang Isko Moreno sa film.

Nung tanungin naman si Xian Lim patungkol sa experience niya bilang adult Isko Moreno sa film ay naging maboka naman ito sa pagsasabing..

" You'll get inspired talaga sa naging buhay ni Yorme in this movie. Ang dami niyang pinagdaanan and na-enjoy ko ang role ko na parang lalo akong naging inspirado sa buhay and yung dedication niya bilang Mayor, wow! " sez Xian Lim.

Napag-alaman din namin na hindi nagpabayad ng kanyang life story rights ba tawag doon si Mayor Isko Moreno sa pelikulang ito. Mas ginusto niya diumanong maitulong nalang sa kanyang kapwa ang bayad na dapat sana ay para sa kanya.

" I always help. Kung makakatulong, okey na ako. Nakita niyo naman sa mga endorsements ko, lahat, binigay ko rin palabas ang tf ko. I wanna help. Wala akong pakialam kung mapuno man ng billboard ko ang Edsa as long as nakakatulong ako sa kapwa ko! " paglalahad pa ni Mayor Isko.

Possible Presidential Candidate ngayong 2022 National Elections si Mayor Isko. Pero ayun na rin sa kanyang naging sagot sa amin during our interview na wala pa siyang opisyal na magiging pahayag patungkol dito. 

Sabi nga ni Mayor Isko....GOD FIRST!

JOHN LLOYD CRUZ AKTIBONG MULI SA SHOWBIZ

Fan ako ng isang John Lloyd Cruz. Nakita ko kung paano siya nag-grow bilang isang artista sa showbiz. Nakita ko kung paano niya inalagaan at minahal ang kanyang karera kaya naman he nailed it at ngayon ay isang tinitingalang aktor sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Gumawa ng naga-gandahang pelikula at teleserye. Sinubaybayan at minahal ng taongbayan kaya naman sa bawat kibot niya ay nakatingin sa kanya ang madlang pipol mula noon magpahanggang ngayon. 

Higit sa lahat, kumikita sa takilya ang bawat pelikang ginagawa niya na nagpapatunay lamang na siya ay isang bankable actor! 

Kaya naman sa umusbong na balitang magbabalik telebisyon na siya o magiging visible na siya ulit sa showbiz ay talaga namang pinag-usapan siya kamakailan. Patunay lang na hindi talaga nalalaos ang mga nagagaling na artistang minahal ng masa. Mga artistang pinilahan ang mga pelikula kaya naman mawala man sila sa showbiz at babalik, still, nandoon yung kinang nila at pagnanasa ng mga umiidolo sa kanilang nakaantabay sa kanilang pagbabalik! 

Meaning, John Lloyd Cruz is JLC! Ganoon lang yun! Kasi magaling siyang artista! Sa showbiz ganoon eh! Wala kang magagawa kung bakit maingay na naman ang isang JLC! Dahil sikat siyang artista at AKTOR SIYA!

TOTOO BANG NAGPAPARAMDAM SI JOSHUA GARCIA KAY KIM DOMINGO?

Sa gitna ng pandemya ay isang tsikadorang tsismong chararat ang nakasalamuha ko sa tabing ilog. Mukhang mabitamina ang ipinaabot nitong tikatik sa akin huh! Mukhang nadulas lang sa akin si tsikadorang tsismosang chararat nang hindi nito sinasadyang masabing nagkakamabutihan na raw sina Joshua Garcia at Kim Domingo! Meaning, hindi pa kumpirmadong mag-syota sila kundi mukhang panay naraw ang paramdam ni Joshua kay Kim! 

Sabi ko naman, why not cocomut kung totoo man yang naitikatik mo sa akin tsikadorang tsismosang chararat noh! 

Pareho naman yata silang loveless at walang sabit este walang mga jowa kaya posible nga namang ligawan ni boy si girl! Plus the fact na bagay naman sila noh! 

Pansin ko lang, mahilig talaga si Joshua sa mestisa noh? Yung kasing-mestisa ko? Charoooot! Anyways, let's just wish them luck and sana mag-work ang lahat! Hindi ba Joshua Garcia?


SEAN, MARCO, CLOE, CHRISTINE AT QUIN NASA VIVA ARTIST AGENCY NA

Umaariba na ngayon sa bakuran ng Viva Artist Agency ang 5 produkto ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo. Unang pumirma si Sean De Guzman pagkatapos itong magpakitang gilas sa launching movie nitong Anak Ng Macho Dancer ng Godfatber Productions ni Joed Serrano. Sumunod naman si Cloe Barreto na mapapanood naman sa launching movie nitong Silab na produced ng 316 Media Network. Hanggang sa pumirma na rin sina Quin Carrillo, Marco Gomez at Christine Bermas kamakailan lang. 

Parehong produkto ng tiniliang Clique V at Belladonnas ang 5 talents ng 316 na magkakaroon na ng kanya-kanyang proyekto sa bakuran ng Viva. Ayon kay Len Carrillo na Nanay-Nanayan ng lima ay nakakataba ng puso ang tiwalang ibinigay ng naturang movie company sa kanyang mga anak-anakan. 

Hindi lamang masaya si Len sa limang nasa bakuran ng Viva kundi masaya rin siya sa kinatatayuan ngayon nina Karl Aquino at Gelo Alagaban sa bakuran naman ng GMA Talent Center lalo na't kasama naman ang dalawa sa isang locked-in taping ng Network para sa isang teleserye nito.

Sa lahat ng blessing na ito, wala ng ibang hiling pa ang 7 talents ng 316 kundi ang pagtuloy-tuloy ng trabaho kahit nasa pandemya pa tayo.

Just yesterday ay nakauwi naman sina Sean, Gelo at Karl mula sa kanilang taping out of town at kaagad binisita anv kanilang Nanay Len.

Peraonally ay nakakatuwa ang nangyayari ngayon sa karera ng mga bagets na pini-pr ko na rin ng almost 5 years! 

Sabi ko nga sa kanila, pray and stay humble at focus sa kanilang pangarap sa buhay. Kasi hindi lahat ng naga-artista ay nabibigyan ng magandang break at pansin!