SENATOR MANNY PACQUIAO PINATULAN DIN ANG HAMON NI PRESIDENTE DUTERTE

Ayon sa kasabihan na kahit sino ay puwedeng tumakbong Presidente. Just like Senator Manny Pacquiao na bago pa man siya naging isang Senador ay sikat na bilang isang boxer sa buong mundo at nagbigay ng karangalan sa ating bansa ng ilang beses kaya naman hindi lang Filipino ang lubos na minahal siya kundi ang buong mundo.

Pero sa kanyang pagpapakita ng interes na tumakbo bilang Pangulo ng ating bansa ay marami ang tumambling sa kanyang desisyon. Binatikos una ang kanyang kakayahan. Binatikos din ang kanyang mabitawang salita patungkol sa mga pabahay at lately ay ang salitang binigkas nito patungkol sa gobyernong Duterte.

Inuulan naman talaga ngayon ng bashing si Manny. Lalo na't pinatulan na siya mismo ni Pangulong Duterte sa usaping korupsyon. Hinamon siya ng ating pangulo na ilabas ang listahan ng mga sinasabi niyang tao at ahensiya ng gobyernong laganap ang korupsyon. And recently ay tinanggap naman ni Manny ang hamong ito ni Pangulong Duterte.

May nakapagsabi sa akin na ' all for play ' lang daw ito ng dalawang kampo dahil nga sa alam naman natin ang sistema ng politics sa ating bansa lalo na ilang buwan nalang ay magaganap na ang 2022 elections! 

Madumi naman talaga ang laro ng politics sa ating bansa noon pa. Sabi ko nga, kahit sinong Presidente pa ang maupo sa Malakanyang, hindi matitigil ang korupsyon at lokohan sa bansang ito.

Sariling akin lang, hindi pa talaga hinog si Manny na tumakbo bilang Pangulo ng bansang ito. Una ay kinuwestiyon ang kanyang mga nai-ambag sa Senado simulang maging Senador siya. 

Manny, huwag mo na pangaraping maging Presidente. Masyadong kagahamanan na yan sa sinasabi nilang power sa mundong ito. Marami ka pang dapat pag-aralan at dapat malaman lalo na ang sakto at tumpak na pakikipaglaro sa mundo ng politics.

Puwede mo namang gawin ang mga gusto mong gawin sa iyong kapwa o sa buong Pilipinas kahit hindi ka uupo bilang pangulo. Maraming paraan kung talagang gusto mo at marami ang tutulong sa iyo lalo na't kung maganda ang adhikain mo para sa bayang ito.

Makuntento ka na sa posisyon mo bilang isang Senador at bilang isang sikat na personalidad sa mundo ng boxing dahil mas maganda ang tatakbuhing record mo sa dalawang posisyong ito. Kapag lumabis ka pa diyan, honestly, sasablay na ang pagkatao mo at madudungisisan totally ang pangalan mo!

Wala ka ring dapat ihingi ng sorry sa mga pagkakamali mo dahil lahat tayo ay nagkakamali sa buhay at kung anu-ano pa man! Mahal ka ng sambayanang ito. Dapat i-treasure mo nalang yun at huwag na maghangad pang nasa pinaka-mataas na kapangyarihan sa bansang ito!

No comments:

Post a Comment