Sa aming pakikipagtsikahan sa dalawang aktor ay nabatid naming pareho silang naging excited sa pelikula nung banggitin ito sa kanila. Interesting daw ang naging buhay ni Isko simulang makilala ito sa showbiz. Kaya naman hindi na sila nagdalawang-isip na angkinin ang kani-kanilang role.
Ayon mismo kay Isko in our interview, hindi na siya nagpabayad ng life story rights niya dahil mas ninais daw nitong itulong nalang ito sa mas nangangailangan since yun naman daw ang gustong-gusto niyang gawin sa Maynila ang pagtulong sa kapwa.
Ayon mismo kay Mayor Isko, ipapakita sa buong pelikula ang kanyang naging dark side nung panahong walang-wala pa siya sa buhay at hindi niya diumano ito ikinahihiya dahil simula naman daw noon pa ay naging bukas naman sa publiko ang kanyang buhay at wala na siyang maitatago pa.
Ayon kena Xian at Mccoy, inspirasyon o magsilbing inspirasyon diumano si Manila Mayor Isko sa lahat dahil makikita sa pelikula kung paano niya inayos at ini-angat ang kanyang buhay matupad lang ang kanyang mga pangarap na sinimula niya noon sa That's Entertainment.
Isang musical movie ang Yorme na produced ng Saranggola Productions at mula naman ito sa direksyon ng award-winning composer-hitmaker na si Direk Joven Tan.
Wala pang nabanggit kung anong buwan ipapalabas ang movie na kinunan karamihan sa mga eksena sa Maynila.
No comments:
Post a Comment