DEAR PRESS PROGRAM NG FDCP BINUKSAN NA NITONG LUNES

Relative to FDCP Advisory No. 01 on the activation of the FDCP DISASTER/EMERGENCY ASSISTANCE AND RELIEF (DEAR) PROGRAM, a disaster-triggered funding mechanism of the Film Development Council of the Philippines that provides financial assistance to its stakeholders who are directly affected by a major natural disaster, the DEAR PRESS! PROGRAM (for displaced freelance entertainment press) is hereby activated with the following guidelines issued:
 
Under DEAR, the DEAR PRESS! PROGRAM (for displaced Freelance Entertainment Press) is hereby activated with the following guidelines issued:
 
  1. Definition of Disaster-affected Freelance Entertainment Press Workers. These are self-employed members of the press who were suddenly out of work as a direct result of the COVID-19 Enhanced Community Quarantine and subsequent State of National Calamity, and does not work for a direct employer and are not eligible for government instituted benefits from other government agencies. 
  2. Coverage. The program covers disaster- affected freelancer members of the entertainment press included but not limited to editors, writers and reporters on a no-work no pay status, and those that are not formally affiliated with a company. Program coverage is the National Capital Region.
  3. Conditions. Any one of the following loss of work conditions must be satisfied by applying workers as a direct result of the COVID-19 situation: 
  1. The worker was scheduled to work, but were unable to reach the workplace.
  2. The worker was scheduled to start work but the job was cancelled or does not exist anymore.
  3. The worker developed an illness, sustained an injury, or became sick and thus, are unable to work.
  4. The worker’s employer/ producer has temporarily or permanently closed for business.
  5. The worker already started the work but the job was cancelled or postponed to a later date. 

  1. Qualifications. Freelance workers of the entertainment press intending to apply for the DEAR PRESS! Program must satisfy all of the following qualifications.
    1. The individual must have job/s that were cancelled or suspended as a direct result of the Covid-19 Pandemic.  March 15-April 14, 2020 is the duration of the Enhanced Community Quarantine in Luzon.
    2. The individual must not have unemployment insurance benefits from either his/her employer/ producer, or from any other government agencies (e.g. SSS, DOLE, DSWD, etc.).
    3. The individual must have written at least one (1) article about the PH showbiz and AV entertainment industry in the last three months that was published or reported in a news or media publication OR covered at least one FDCP press event last year.
  2. Benefit Payment. Approved beneficiaries of the DEAR PRESS! Program will receive a one-time cash financial assistance of Five Thousand Pesos (P 5, 000) tax free to cover expenses during the disaster period, like personal needs, medical expenses, housing and rent, and other essentials. The beneficiaries will be required to sign a Declaration and Agreement with FDCP agreeing and abiding to all the terms of the Program and certifying that all details of the application and documents submitted are factual and authentic.
  3. Application Process. Relative to the COVID-19 situation, applications may be submitted to FDCP from March 30 – April 30, 2020 or within 30 days of the activation of the DEAR PRESS! Program through this Advisory. Online submissions via email to dearnationalregistry@fdcp.ph with the subject [Application] DEAR PRESS! (Surname, Name) are preferable and hard copy applications are discouraged. However, drop boxes for DEAR PRESS! applications will still be available at the FDCP Office at 855 T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila starting March 23, 2020.  
  4. Documentary Requirements. Freelance workers of the entertainment press who intend to apply are required to substantiate loss of work or self-employment or to substantiate work that was to begin on or after the declared date of the disaster. The following documents shall be submitted by each applicant:

DEAR PROGRAM NG FDCP NAILUNSAD NA

Pursuant to the Presidential Proclamation No. 922, Series of 2020 declaring a State of Public Health Emergency throughout the Philippines relative to the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), the FDCP DISASTER/EMERGENCY ASSISTANCE AND RELIEF (DEAR) PROGRAM is hereby activated as of March 23, 2020 with the following guidelines issued:
 
  1. Definition of Disaster-affected Freelance Audio-Visual Workers. These are audio-visual workers who have become suddenly unemployed or suddenly out of work as a direct result of the COVID-19 Enhanced Community Quarantine and subsequent State of National Calamity and are not eligible for government instituted benefits from other government agencies.
  2. Coverage. The program covers freelancers in the audio-visual industry, with priority to technical crew and production staff on a no-work no pay status, and those that are not formally affiliated with a company with an earning of no more than P 20, 000.00 a month. Program coverage is nationwide.
  3. Conditions. Any one of the following unemployment or loss of work conditions must be satisfied by applying workers as a direct result of the COVID-19 situation:
a. The worker was scheduled to work, but were unable to reach the workplace.
b. The worker was scheduled to start work but the job was cancelled or does not exist anymore.
c. The worker developed an illness, sustained an injury, or became sick and thus, are unable to work.
d. The worker’s employer/ producer has temporarily or permanently closed for business.
  1. Qualifications. Freelance audio-visual workers intending to apply for the DEAR Program must satisfy all of the following qualifications.
    a. The individual must have lost at least seven (7) work days that were scheduled on or after the declared date of the disaster. For the COVID-19 situation, March 15-April 14, 2020 is the duration of the Enhanced Community Quarantine in Luzon.
    b. The individual’s employment/scheduled jobs must have been suspended or cancelled as a direct result of the COVID-19 situation
    c. The individual must not have unemployment insurance benefits from either his/her employer/ producer, or from any other government agencies (e.g. SSS, DOLE, Local Government, etc.).
    d. The individual must earn no more than P 20,000 a month.
     
  2. Benefit Payment. Approved beneficiaries of the DEAR Program for Freelance AV Workers will receive a one time cash financial assistance of Eight Thousand Pesos (P 8, 000) tax free to cover expenses during the disaster period, like personal needs, medical expenses, housing and rent, and other essentials. The beneficiaries will be required to sign a Declaration and Agreement with FDCP agreeing and abiding to all the terms of the Program and certifying that all details of the application and documents submitted are factual and authentic.
     
  3. Application Process. Relative to the COVID-19 situation, applications may be submitted to FDCP from March 23 – April 23, 2020 or within 30 days of the activation of the DEAR Program through this Advisory. Online submissions via email to dearnationalregistry@fdcp.ph are preferable and hard copy applications are discouraged. However, drop boxes for DEAR applications will still be available at the FDCP Office at 855 T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila starting March 23, 2020.
     
  4. Documentary Requirements. Freelance audio-visual workers who intend to apply are required to substantiate loss of employment or self-employment or to substantiate work that was to begin on or after the declared date of the disaster. The following documents shall be submitted by each applicant:
  • Copy of current membership to National Registry for Audio-Visual Workers (NRAW). For non-members, NRAW membership applications (which will be automatically approved after the DEAR Application is approved.
  • Filled out DEAR for Displaced Freelance AV Workers Application Form
  • Affidavit of Unemployment (Template downloadable at the website)
  • Copy of Latest ITR or any proof of income (e.g. latest 3-4 payslips)
  • Proof of Engagement/s
    • e.g. Call Sheet, Contract of Service, Certificate of Engagement/s, or any Certification duly signed by the Employer/Producer
  • Evidence of Unemployment
    • e.g. Emails regarding suspension of work, Proof of cancellation, etc.
       
       If documentary proof cannot be provided at the time the claim is filed, applicants have twenty one (21) calendar days from the time of application to submit the complete documents.
  1. Disbursement of Financial Support. The concerned FDCP personnel shall issue the financial support directly to the affected worker’s bank account or via available money remittance services at the soonest possible time upon the approval of the application
  2. Effectivity. The DEAR Program for Freelance AV Workers shall be effective on 23 March 2020 upon its publication. Applications will be open from March 23- April 23, 2020.

 

FUMIYA ALIW ANG KARAKTER SA MAKE IT WITH YOU SERIES NG LIZQUEN

Patuloy sa pag-ariba sa ratings ng teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Habang papatagal sa ere ay lalong gumaganda ang kuwento nina Gabo at Billy na lalong kinapanabikan ng fans and followers ng LizQuen. Sa isang interview ay panay ang pasalamat ng dalawang bida sa kanilang followers ayon na rin sa walang sawang pagsuporta sa kanilang tambalan mula noon hanggang ngayon. Promising din ang pagpasok ng karakter ni Fumiya bilang old days friendship nina Gabo at Billy back in Croatia na pang-timbang sa istorya nito that make sense huh! In fairness kay Yuta ( Fumiya ) ay aliw ang kanyang role sa series. Just like sa eksena nila last night ni Ian Veneracion, tawang-tawa ako at may bukingang naganap! Aliw ang viewers sa bulolang drama ni Fumiya sa kanyang script at natural niya itong naide-deliver huh! Minsan kasi sa isang teleserye, kailangan din ng panimbang upang lalong gumanda ang eksena. Hindi yung puro dramang iyakan at awayan nalang! Basta! Aliw na aliw kami kay Fumiya na pati LizQuen fans ay naaaliw na rin sa Japanese Actor.
Hindi ko talaga binitiwan ang loveteam ng LizQuen dahil simula palang ay gustong-gusto ko na personally sina Liza at Enrique noh! Ang sarap kaya nilang panoorin sa local boobtube! Diba? Well, when it comes to acting, iba naraw umarte ang dalawa. Nasa ibang level na kumbaga. Lalo pang kaabang-abang ang paparating na mga linggo ng Make It With You!

4TH HAZELBERRY CAFE BRANCH NI ARA MINA BUKAS NA

Nang sumikat si Ara Mina at nagkaroon ng sariling kita ay nagsikap siyang mag-ipon mula sa kanyang mga kinita sa mundo ng showbiz. 90's palang ay kung anu-anong business na ang pinasok ni Ara dahil alam niya naman noon pa na hindi sa lahat ng oras ay magiging mainit ka sa showbizlandia. Naging maganda rin naman ang ilang negosyong binuksan at may negosyong hindi naging mabunga kaya normal lang naman siguro na iiyakan niya ito. Pero bilib kami sa tapang ni Ara Mina hindi lang sa pagharap sa mga pagsubok sa kanyang buhay kundi lalo na rin sa tapang niyang ituloy-tuloy lang ang pagne-negosyo. 
Nitong March 8, 2020 lang ay nagbukas na sa Molito, Ayala Alabang ang ika-apat na branch niya ng kanyang Hazelberry Cafe. Dinaluhan ito ng malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz kaya naman tuwang-tuwa ang sikat na aktres sa suportang kanyang tinanggap mula sa kaibigan.
" Tuloy-tuloy lang. Ganoon naman sa business. May hindi nagiging successful at meron namang nagiging okey tulad nitong Hazelberry namin na inumpisahan ko lang sa maliit tapos ito na ngayon. Thankful lang din ako dahil sa mga taong nagtitiwala sa atin." Sez Ara Mina.
Hindi lang tutok sa negosyo at sa kanyang anak si Ara kundi tutok na rin siya ngayon sa kanyang paggawa ng teleserye. Aminado siyang kasama na yun sa kanyang buhay o routine bilang isang celebrity, ang hindi maiwan ang pag-arte sa harap ng kamera.
Ara's doing good and great sa kanyang pribadong buhay and she's happy and contented now! Umaasa siyang mas maraming branch pa ng Hazelberry Cafe ang magbubukas soon! Bongga! 

8TH QUEEN MOTHER SALON NAGBUKAS NA SA ULTIMART MALL SAN PABLO CITY

Mula Manila ay dinayo namin ang San Pablo City, Laguna para sa grand opening ng Queen Mother Salon last Sunday. Makikita ang Queen Mother Salon sa UltiMart Mall. Naunang dumating sina DJ Jhaiho at Tart Carlos para sa warm-up ng grand opening. Mga past 5pm na dumating si Momshie Karla. Kaagad namang inumpisahan ang isang simpleng mass | blessing kung saan nakasama rin namin ang branch owner na sina Mr. & Mrs. Miranda. Bongga rin ang lafang na ipinahanda ng mag-asawang Miranda at nag-enjoy kami.
" Pang-8th branch na ito ng QMS. Nakakataba ng puso ang mga hindi naman natin kilalang tao na nagbibigay ng kanilang tiwala sa atin simula nung magbukas tayo ng QMS at nagsunod-sunod na ang franchise. Sobrang blessed tayo kahit sabihin nating hindi naman ito talaga ang gusto kong i-negosyo noon. Apartments ang gusto kong gawin negosyo noon, kaso sabi ni Mama, naku, sa sobrang maawain ko, baka raw ang ending ay maipamigay ko nalang mga papaupahang apartment ko. Since si Do talaga ang mahilig sa ganito, siya talaga ang nag-umpisa nito. So, tinuloy na namin. Kaya in every branch opening, sinisiguro kong ako, kasama ang owner  ang nagri-ribbon cutting. Obligasyon ko yun. Basta happy lang sa lahat. Para yung positivity, nandiyan palagi. Huwag na sa mga nega, tapos na tayo dun! " paglalahad pa ni Karla Estrada.
When asked about what happened na sa dinanas nitong panlalait lately sa kanya ng dalawang kolumnista?
" Naku! Huwag na! Pag-usapan nalang natin ang super dumarami pang blessings sa ating mga buhay. " bungisngis pa nito.
Kailangan lang daw natin i-enjoy ang buhay at magpasalamat sa biyaya. Nakalagak na rin ang paglarga ng buong pamilya pa-Boracay para sa Holy Week! 
Bongga! Tama! Huwag na sa mga nega!

THE GOLD SQUAD MOVIE KASADO NA

Ngayong araw lang ay kumpirmado na ang pelikulang pagsasamahan ng The Gold Squad na sina Francine Diaz, Kyle Echari, Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Ayon sa aming source, isang teen horror film ito na napapanahon kung saan isang bagitong direktor din ang hahawak ng proyekto na si Gino Santos mula naman sa BlackSheep. Maganda raw ang tatahaking istorya ng pelikula na pagbibidahan ng apat na bagets na kinagiliwan naman natin sa teleseryeng Kadenang Ginto ng Dreamscape. Wala pang nabanggit na petsa o araw ng first shooting day pero sa ngayon palang ay excited na lahat ng followers nina Francine, Kyle, Andrea at Seth. Sila ang bagong henerasyon ng loveteams na talaga nga namang inaabangan at tinitilian sa ngayon huh! Anyways, mapapanood ang All Nighters movie within the year! Abangan!

EXCLUSIVE: MAKINIG KA LOLIT SOLIS MAY HANGGANAN ANG PANLALAIT SA KAPWA -- KARLA ESTRADA


Sinabi ko na noon pa na kapag kinanti niyo ang pamilyang mahal na mahal ko at malaki ang utang na loob ko na itinuring akong pamilya ay papatulan ko kayo. Kahit sino pa kayo sa industriyang ito, kung wala kayong pag-respeto sa kapwa ninyo at pakiramdam ninyo ay institusyon kayo, kapag inariba ninyo ang mga taong wala namang ginagawang masama sa inyo ay hindi ako magdadalawang-isip na patulan kayo! Sa puntong ito, ipagtatanghol ko lang po ang isang tunay na kaibigan ko. Si Queen Mother Karla Estrada. Isang kaibigang napakaraming pinagdaanan sa buhay. Lumaban at nagdasal na balang araw ay magiging maganda ang buhay at nabigyan ng biyayang hindi niya inakala sa ngayon. Isang kaibigang namumuhay ng tahimik at naghahanapbuhay ng maayos ng walang tinatapakang tao. Simula noong magkaroon ng karangyaan sa buhay ay walang ginawa kundi ang maghatid ng tulong kanino man. Pero bakit sa kabila ng pananahimik at pagtatrabaho ng maayos, may mga tao pa ring pilit siyang binubusta at higit sa lahat ay laitin ang kanyang pisikal na pagkatao? Tanong ko lang, inaano kapo ba ni Karla Estrada Manay Lolit Solis?
Sa ilang dekada ko sa showbiz bilang entertainment columnist, ang taas po ng tingin ko sa inyo Manay Lolit Solis. Napakataas ng pagrespeto ko sa'yo at aliw po ako sa karakter mo bilang harbat queen. Pero sa puntong ito po, sa panlalait mo kay Karla Estrada bilang pamilya ko na rin, natural po masasaktan ako bilang kaibigan ni Queen Mother. Napakarami napong mga panlalait at paninirang natanggap si Karla mula sa mga taong hindi masaya sa magandang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng DIYOS. Pero wala kayong narinig mula mismo sa kanyang bibig at nanatili siyang tahimik at nilunok ang lahat.
Manay Lolit Solis, tingnan niyo po muna ang sarili ninyo bago po ninyo laitin si Karla. Kung maka-body-shaming kayo? Look at yourself first Manay Lolit.
Sinabi mong sino ba naman ang hindi matatawa sa katawan ni Karla dahil katawa-tawa naman. Wow! Diko po kinaya Lolit Solis ang iyong litanya. Pagkumparahin natin ang katawan mo sa katawan ni Karla, siguro naman mas pagtatawanan ang katawan mo dahil di-hamak namang mas fresh ang katawan ni Karla keysa sa katawan mo at may kurba at diyosa siya ng ganda.
Sa sinabi mong matagal ng starlet si Karla? Whatever po na nangyari sa career ni Karla ay wala po siyang pinagsisihan dahil alam niyang yun ang nakatadhanang mangyari sa kanyang career. Kung sa palagay po ninyo Manay Lolit Solis na magpahanggang ngayon ay Starlet parin si Karla, walang problema yun kay Karla. Starlet man po siya sa iyong paningin, tingnan mo po ang larawan ni Karla, sino po ang biniyayaan ng DIYOS ng magandang buhay pagkatapos ng pagiging starlet niya?
Aminado ka naman palang simulang sumikat si Daniel na anak niya ay sumikat na rin siya. So bakit po nasabi ninyong starlet siya.
Heto pa. Siyempre po Manay Lolit, dahil sa biyaya ay wala tayong magagawa kung tumaas na ang status ni Karla. Kahit kanino man, kapag naging maganda at maayos na ang ating buhay, tumataas na rin po ang status natin bilang tao. Bakit ikaw Manay Lolit Solis? Hindi ba tumaas ang status mo simulang naging harbatera ka at nagkaroon ng scam issue years ago?
Manay, kung panlalait po ay napakarami ng panlalait kay Karla ang tinanggap niya at tanggap niya rin po mga panlalait ninyo.
Kung sa kabila ng pagiging starlet niya ay tv host na rin siya ngayon, Manay Lolot Solis, hindi ka ba nagtanong sa sarili mo kung bakit tv host na siya at tumaas na ang status? Blessed siya diba? Dahil mabuting tao siya at hindi niya gawaing mang-apak ng kanyang kapwa at di niya ugaling manlait ng kanyang kapwa!
IQ? Dapat mas mataas na ang IQ ni Karla? Wait po. Ano po ba ang pag-intindi mo sa IQ? Ako po, diko rin po alam ang ibig sabihin ng IQ. Pero dahil po sa mga panlalait mo, tuluyan ko ng nalaman ang meaning ng IQ. Dahil kayo po dapat ang magtaas ng level of IQ ninyo kung tama po ba ang ginagawa ninyo sa inyong kapwa na hindi naman kayo inaano mula't mula ni Karla.
Para tapusin ko itong personal ko pong sagot sa inyo Manay Lolit Solis ay narito po ang kapiranggot na mensahe sa akin ni Karla Estrada patungkol sa panlalait mo.
" Hayaan mo na sila Dom. Hindi sila masaya sa kapwa nila, hindi natin puwedeng i-please lahat. Hindi rin sila masaya siguro sa achievements ng kapwa nila. Marami na yan Doms. Iniipon ko lang. " bulalas pa ni Karla habang kausap ko siya sa kabilang linya.
" Sabi ko naman sayo Doms, hanggat kaya kong tiisin ang mga panlalait at paninirang yan sa kapwa, titiisin ko. Pero ang lahat ng yan, yang mga paninirang ganyan sa kapwa, may hangganan din. " paglalahad pa ni Karla.

" Unang-una Doms ay wala naman akong atraso sa kanila. May hangganan din yang mga paninira nilang yan Doms. " pagtatapos pa ni Karla.

SETH FEDELIN GAGAWIN ANG LAHAT PARA SA KANYANG PAMILYA

Aminado si Seth Fedelin na hindi siya sanay sa buhay na kantang tinatahak ngayon sa showbiz. Sanay diumano siyang pagkagising sa umaga ay pamilya niya ang kanyang kasama at kakayod sa anumang meron lang para mairaos ang isang araw upang mabuhay. Sa recent guesting ni Seth sa Magandang Buhay ay hindi nag-alinlangang magkuwento ang nakababatang kapatid nitong si Sofia kung gaano kabuting kapatid bilang Kuya si Seth noon pa. Ayon kay Sofia, tandang-tanda pa niya na halos si Seth na raw ang tumatayong Tatay sa kanilang magkakapatid lalo na noong na-stroke ang kanilang Tatay at ilang buwang nakaratay sa ospital.
Si Seth na diumano ang nagluluto ng pagkain nila kapag pumapasok sila sa school. Nagpa-plantsa ng kanilang damit at naglalaba. 
" Mga grade 6 po yata ako nun. Mga pagkaing pampasok lang naman. Tapos ako naglalaba ng damit naming lahat, underwear namin, mga simpleng gawaing bahay lang. " pagkumpirma mismo ni Seth.
" Kasi na-stroke nga si Papa. Hindi nila alam na nakaratay na noon sa ospital si Papa. Ang alam nila nagpa-doktor lang. Idol ko kasi, tapos, parang ang hirap tingnan na nakaratay siya, kaya kami na ni Mama ang magkatuwang noon. " kuwento pa ni Seth.
" Hindi po ako sanay sa buhay ko sa showbiz ngayon. Kasi for 16 years po ay nasa Cavite lang ako, kami. Simple lang. Tapos ngayon, heto na. " aniya.
Tulad ng laging sinasabi ni Seth na nai-enjoy niya naman ngayon ang blessings na dumating sa kanya. Inamin din nito sa aming naging panayam sa kanya na mahal na mahal na nito ang kanyang trabaho bilang artista lalo na't kumikita na siya at nakakatulong na siya sa kanyang pamilya.
" Nabibilhan ko napo mga kapatid ko ng mga gamit nila, nabilhan ko si Papa ng motor niya, napaayos ko narin po yung bahay namin sa Cavite, sobrang pasalamat ko nalang po sa mga blessings na ibinigay po sa akin. " aniyang paglalahad pa.
" Ginagawa kopo lahat ng ito para po sa pamilya ko. Hinding-hindi po ako mapapagod. " aniya.
Sa kasalukuyan ay aabangan natin ang napakarami pang proyekto ni Seth sa bakuran ng Kapamilya Network. Makakasama ni Seth sa kanyang future projects ang The Gold Squad ganun din ang SethDrea projects nila.

SB19 SIKAT NA SIKAT NA

Sikat na sikat na nga ang grupong SB19. Sa loob lamang ng isang taon ay umariba na sila sa mga OPM fans at kilala na rin sa International Media. Nito lang ay nasa 28th spot on Billboard Social 50 na sila at patuloy na umaariba sa million of views ang kanilang ginawang single at music videos. 
Katunayan niyan, ngayong March 19, 2020 ay tuluyan na nga'ng magaganap ang kanilang kauna-unahang big concert titled Give In To SB19 sa Araneta Coliseum na presented naman ng Dunkin and promoted by CNCA.
Withing the year ay matutupad na rin ang hiling ng kanilang fans dahil ire-release na ngayong month of March ang kanilang Get In The Zone Album kasabay ng kanilang gagawing Get In The Zone Nationwide Tour.
Bongga naman! Goodluck SB19!

TONY LABRUSCA PAKAHUSAY SA PELIKULANG HINDI TAYO PUWEDE

Napanood ko ang pelikulang Hindi Tayo Puwede na pinagbibidahan nina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca. Maganda ang storyline ng movie. Difinitely ganoon din ang ipinamalas na aktingan ng tatlong bida na parehong umariba sa mga sexy scenes sa film. Isang palaban na Lovi Poe ang umalagwa sa silverscreen. Samantalang sina Marco at Tony ay tulo laway naman sa mga bakla ang kahubdan nila. Pero para sa amin, hindi nagpatalo si Tony Labrusca huh! Mula sa kanyang nakaka-elyang mukha at katawan ay hindi rin pakabog sa acting ang torrid kisser huh! Lalo na sa breakdown scene nila ni Lovi sa movie, kahit tumatambling parin ang dila niya sa pagtatagalog, hay naku, pakahusay niya dun huh! Mahaba-habang torrid kissing pa yata ang kailangang biyahe ni Tony para sa kanyang accent pero pakahusay na niya kahit papano! Higit sa lahat ay hindi siya nawawalan ng movie projects noh! Meaning, there's something in him talaga!

MAMANG POKWANG AARIBA SA MOMMY ISSUE MOVIE NG REGAL ENTERTAINMENT

Hindi lang busy sa kanyang asawa at anak at pamilya at negosyo si Mamang Pokwang this time dahil besing-besi rin siya para sa shooting ng kanyang current movie under Regal Entertainment titled Mommy Issues mula naman sa direksiyon ni Joey Javier Reyes. 
Yes. Mula sa kanyang weekend sunday show na Banana Sundae ay pagso-shooting naman ng pelikulang nabanggit si Mamang Pokwang. Mukhang maganda ang istorya ng movie at aliw ito. 
Hindi pa nai-detalye sa amin ang tatahaking buhay ni Mamang Pokwang sa movie pero with Ryan Bang around ay riot ang pelikulang ito. 
Well, patunay lang na buhay na buhay parin ang local movie industry at hindi totoong naghihikahos na tayo! Abangan ang pelikulang ito. 

JOSHUA GARCIA TOPBILLS MAMA SUSAN MOVIE

Mukhang mas naging okey lalo ang showbiz career ni Joshua Garcia after nitong putulin ang tali sa loveteam nila ni Julia Baretto ayon pa sa nakausap naming malapit na tao sa kanya. Sariling pananaw ko, mukha nga, pero naging malaking factor din naman ang loveteam nilang dalawa ni Julia Baretto sa totoo lang para tuluyan siyang makilala o lumago lalo ang kanyang karera. Aminin nating naging malaking factor din si Julia para makilala ang binata noh! Hay naku! Ewan! 
Sa pagkaka-intindi ko, lalo na sa showbizlandia, kapag marunong kang umarte, kapag mahal mo ang iyong trabaho ay sigurado akong hinding-hindi mawawalan ng trabaho ang isang artista noh! 
In fairness naman kay Joshua, pakahusay din naman kasing umarte kaya naman bet na bet siyang ka-trabaho ng mga direktor at kapwa artista noh! Ano ba? Kailangan pa bang i-memorize yan?
Tulad ngayon, si Joshua ang top-billed actor ng pelikulang Mama Susan ni Direk Chito Rono na isang horror film na produced naman ng Regal Entertainment at Black Sheep Productions.
Sa ngayon palang ay inaabangan na ang movie at ratsada na rin sa publicity ito! Bongga talaga ng Regal. 

JOHN LLOYD CRUZ SA ASIK ASIK FALLS SA THE TENT CITY

Until now ay wala pang balita kung ano na nga ba ang totoong estado ng relasyon nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz. Walang nakakaalam sa totoo lang. Pero ang alam ko ay mukhang enjoy na enjoy naman ngayon si JLC sa kanyang pribadong buhay. Kamakailan lang ay nagawi si JLC sa Alamada, North Cotabato kasama raw ang dalawang foreign friends. Since nandun na raw sa area ay minabuti na rin daw ni JLC na bisitahin ang Asik Asik Falls at naligo sa sumisikat na falls na matatagpuan sa Tent City. 
It only shows that life is truly beautiful for JLC. Mukhang ayaw ng pagtuunan ng todo ni JLC ang buhay niya sa showbiz at gustong mamuhay ng normal at simple lang.
Pero sa pagkakaalam namin ay isang pelikula ngayon ang ginagawa ni JLC kasama si Bea Alonzo huh! 
Well, papatok yang movie na yan kung totoo man dahil when it comes to film, hay naku, kumikita ang lahat ng pelikula ni JLC noh! Lalo na't may Bea pa! Abang-abang nalang muna tayo! 

THIRD WHEEL SA TV SERIES NA MAKE IT WITH YOU NG LIZQUEN PALABAN

Make It With You ang kinanta ni Joey Generoso kaninang tanghali sa opening prod ng It's Showtime. Nasa loob ako ng studio at nasaksihan ko ang tili at palakpakan ng tao sa kanta. Well, it only proves that aside from the popularity of the said song ay pinapanood naman talaga ang current tv series ng LizQuen with same title under Star Creatives. Sa nasabing series, kitang-kita na ang maturity ng dalawang bida. Kunsabagay, ilang beses nang pinatunayan nina Liza at Enrique ang kanilang husay sa pag-arte and this time ay ibang level na rin ang script na dumating sa kanila and both portrayed it well huh! 
Lately lang, medyo tumambling ang ilang LizQuens dahil sa pagpasok ng isang character sa series. Tumambling ang fans and followers ng dalawa dahil sa third wheel. Na kung titingnan mo ay magaling din umarte at hindi rin pakakabog kay Liza kung ganda rin lang din ang pag-uusapan! 
Feeling ko, pang-taranta lang kunwari sa dalawa ang pagpasok ng naturang third wheel na maglalaho rin yan guys sa series at huwag kayong mag-alala! 
LizQuen is LizQuen! Don't worry guys! 
Basta! Patuloy nating subaybayan ang MAKE IT WITH YOU mula lunes hanggang biyernes sa Kapamilya Primetime Bida!

KARL AQUINO MASAYA SA TINATAHAK NA SHOWBIZ CAREER

Mukhang maganda na ang tinatahak ng karera ngayon ni Karl Aquino na dating miyembro ng all male group na Clique V under 316 Events And Talent Management ni Len Carillo. Halatang fulfilled na si Karl dahil simula't mulang makasama namin ito at inalagaan sa 316 ETM ay bukambibig nitong balang araw ay makikilala rin siya at magkaroon siya ng magandang showbiz career dahil pangarap niya talaga ito. Actually hindi lang si Karl ang masaya sa nangyayari sa kanya ngayon kundi ganoon din ang ka-grupo nitong Clique V na nakasuporta parin sa kanya ganoon din ang kanyang management. Regular napapanood si Karl sa All Out Sundays ng GMA Channel 7 bilang isa sa mga binansagang QT's kasama ang big winners ng nakaraang season ng Starstruck 2019 batch. Hiling lang ni Karl na sana ay magtuloy-tuloy ang biyaya sa kanyang solo career at nangakong he will do everything sa abot ng kanyang makakaya. Bongga!