Mula Manila ay dinayo namin ang San Pablo City, Laguna para sa grand opening ng Queen Mother Salon last Sunday. Makikita ang Queen Mother Salon sa UltiMart Mall. Naunang dumating sina DJ Jhaiho at Tart Carlos para sa warm-up ng grand opening. Mga past 5pm na dumating si Momshie Karla. Kaagad namang inumpisahan ang isang simpleng mass | blessing kung saan nakasama rin namin ang branch owner na sina Mr. & Mrs. Miranda. Bongga rin ang lafang na ipinahanda ng mag-asawang Miranda at nag-enjoy kami.
" Pang-8th branch na ito ng QMS. Nakakataba ng puso ang mga hindi naman natin kilalang tao na nagbibigay ng kanilang tiwala sa atin simula nung magbukas tayo ng QMS at nagsunod-sunod na ang franchise. Sobrang blessed tayo kahit sabihin nating hindi naman ito talaga ang gusto kong i-negosyo noon. Apartments ang gusto kong gawin negosyo noon, kaso sabi ni Mama, naku, sa sobrang maawain ko, baka raw ang ending ay maipamigay ko nalang mga papaupahang apartment ko. Since si Do talaga ang mahilig sa ganito, siya talaga ang nag-umpisa nito. So, tinuloy na namin. Kaya in every branch opening, sinisiguro kong ako, kasama ang owner ang nagri-ribbon cutting. Obligasyon ko yun. Basta happy lang sa lahat. Para yung positivity, nandiyan palagi. Huwag na sa mga nega, tapos na tayo dun! " paglalahad pa ni Karla Estrada.
When asked about what happened na sa dinanas nitong panlalait lately sa kanya ng dalawang kolumnista?
" Naku! Huwag na! Pag-usapan nalang natin ang super dumarami pang blessings sa ating mga buhay. " bungisngis pa nito.
Kailangan lang daw natin i-enjoy ang buhay at magpasalamat sa biyaya. Nakalagak na rin ang paglarga ng buong pamilya pa-Boracay para sa Holy Week!
Bongga! Tama! Huwag na sa mga nega!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment