Nang sumikat si Ara Mina at nagkaroon ng sariling kita ay nagsikap siyang mag-ipon mula sa kanyang mga kinita sa mundo ng showbiz. 90's palang ay kung anu-anong business na ang pinasok ni Ara dahil alam niya naman noon pa na hindi sa lahat ng oras ay magiging mainit ka sa showbizlandia. Naging maganda rin naman ang ilang negosyong binuksan at may negosyong hindi naging mabunga kaya normal lang naman siguro na iiyakan niya ito. Pero bilib kami sa tapang ni Ara Mina hindi lang sa pagharap sa mga pagsubok sa kanyang buhay kundi lalo na rin sa tapang niyang ituloy-tuloy lang ang pagne-negosyo.
Nitong March 8, 2020 lang ay nagbukas na sa Molito, Ayala Alabang ang ika-apat na branch niya ng kanyang Hazelberry Cafe. Dinaluhan ito ng malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz kaya naman tuwang-tuwa ang sikat na aktres sa suportang kanyang tinanggap mula sa kaibigan.
" Tuloy-tuloy lang. Ganoon naman sa business. May hindi nagiging successful at meron namang nagiging okey tulad nitong Hazelberry namin na inumpisahan ko lang sa maliit tapos ito na ngayon. Thankful lang din ako dahil sa mga taong nagtitiwala sa atin." Sez Ara Mina.
Hindi lang tutok sa negosyo at sa kanyang anak si Ara kundi tutok na rin siya ngayon sa kanyang paggawa ng teleserye. Aminado siyang kasama na yun sa kanyang buhay o routine bilang isang celebrity, ang hindi maiwan ang pag-arte sa harap ng kamera.
Ara's doing good and great sa kanyang pribadong buhay and she's happy and contented now! Umaasa siyang mas maraming branch pa ng Hazelberry Cafe ang magbubukas soon! Bongga!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment