PRIORITY KO PO ANG PAMILYA KO KEYSA LOVELIFE SEZ MILES OCAMPO

Sa premiere night ng pelikulang Maledicto na ginanap sa Santolan Town Plaza Cinema 1 nitong lunes lang ay nakatsikahan namin ang isa sa bidang babae ng pelikula na si Miles Ocampo. Dalagang-dalaga na nga si Miles at halatang ready to fall in love na.
" Naku po! Actually ang dami kopa pong gustong gawin sa buhay ko lalo na po sa career ko. Sa totoo lang po, hindi ko pa po talaga naiisip! Promise. " aniyang bulalas pa sa amin.
Ngayong araw,  May 1 ay kaarawan ni Miles at wala naman siyang ibang hiling kundi ang patuloy ng pag-usbong ng kanyang career at maisama sa isang bonggang bakasyon abroad ang kanyang buong pamilya at matatalik na kaibigan. 
" Sa ngayon po, alam niyo, gusto ko mag-travel talaga! " sagot niya nang tanungin siya kung anong birthday gift niya sa kanyang sarili this time.
" Yun nga lang, medyo busy pa po at may mga trabaho, siguro baka mga september napo ako makaalis. Gusto ko sa Japan talaga. Isasama ko Mama ko, mga kapatid ko, mga friends ko. " aniya.
Ilang taon na nga ba siya bukas sa kanyang kaarawan?
" Am turning 22 na po! Feeling ko kasi nung mga 12 years old ako, 22 na ako. Tapos ngayong 22 na ako, feeling ko 30 na ako. Tapos, hala, ang bata-bata ko pa pala. " amiya sa aming tsikahan.
Maganda ang role ni Miles Ocampo sa pelikulang Maledicto. We saw the movie and Miles portrayed her role very well at ang galing niya. It's a horror movie but Miles did her craft as well. Kunsabagay, kaya hindi nawawalan ng proyekto ang bagets dahil hindi rin naman matatawaran talaga ang kanyang galing bilang isang aktor sa kanyang henerasyon! Showing napo today ang pelikulang Maledicto nationwide handog sa atin ng Fox, Cignal at Unitel mula sa direksiyon ni Mark Meily. Kasamang bida ni Miles sa movie sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis Smith! 

BELLADONNAS HANDANG HARAPIN LAHAT PARA SA PANGARAP

Mahigit isang taon palang sa pagkanta at pagsayaw ang grupong Belladonnas pero kilala na rin sila! Sa isang nationwide audition na ipinatawag ng isang television network ay nabigla diumano ang pitong girls nang marami ang nakapansin sa kanila at nagpapa-picture. Kahit ang mga naging manunuri sa naturang audition ay nagustuhan ang naga-gandahang dilag ng 316 Events And Talent Management owned by Len Carillo na siyang management ng Belladonnas. 
" Wha we know po, we did our best. Ginalingan namin. Kaya po siguro nakitaan nila kami. " sez one of Bellas. 
Bukas ang pintuan ng 316 Events And Talent Management sa mga oportunidad na maaring dumating sa girls at nakahanda diumano si Maam Len Carillo rito. 
" Yes. Open ako sa ganoon. Walang magiging problema. One day, magkakaroon ng kanya-kanyang career ang mga bata. Basta ikakaganda ng career nila at buhay nila, okey ako! " sez Maam Len Carillo. 
Sa kasalukuyan ay busy pa rin ang Belladonnas sa promosyon ng kanilang singles na makikita natin at mabibili sa digital platform. Ratsada rin sila sa kanilang out of town shows kasama ang kapatid nilang Clique V! 

JANJEP CARLOS...DETERMINADONG MAIUUWI ANG MR. GAY WORLD 2019 TITLE MULA CAPE TOWN, SOUTH AFRICA!

Mukhang malaki ang chance ni Janjep Carlos, ang official representative ng ating bansa for this years Mr. Gay World na gaganapin sa Cape Town, South Africa. Sa larawang inilabas ng Mr. Gay World Organization para sa ating gagawing online voting ay mukhang si Janjep Carlos lang ang may perpektong korte ng katawan at hitsurang maskulado! Panatag naman ang Philippine Organizer ng Mr. Gay World na si Wilbert Tolentino na maiuuwi ni Janjep ang titulo ngayong taon. Mismong si Janjep ay nakiusap naman sa ating lahat sa LGBT community na tulungan natin siyang ipagdasal at iboto siya on line dahil malaking bagay rin ito para sa kanyang laban! 



MALEDICTO MOVIE BUKAS NA!

Gusto ko yung atake ni Tom Rodriguez sa kanyang naging role sa Maledicto movie na magbubukas na sa mga sinehan bukas, May 1 nationwide na produced ng Fox, Cignal at Unitel! Marami ang nakapagsabing hindi bagay sa kanya ang maging priest sa pelikula dahil sobrang guwapo niya bilang isang ppl riest! Yes! Guwapong priest na isang exorcist si Tom sa movie! Magaling talagang umarte si Tom! Ang sarap niyang panoorin sa screen! Mata palang ulam na! Hahahahaha! Anyways, the movie itself, maganda! Huwag kang manood mag-isa! Dapat may katabi ka para may hahampasin ka kapag nagulat ka! Bongga ka Direk Mark Meily! You nailed it!

KATHNIEL....WAGAS NA PAGMAMAHALAN

2 weeks ago nang sinorpresa ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa Hongkong while shooting for Hello, Love, Goodbye kung saan katrabaho ni Kathryn si Alden Richards. Sa mga naglabasang larawan nina Daniel at Kathryn ay nabuo ang linyang DJ, i-Dawn Zulueta mo ako ni Kathryn. Nitong katatapos lang na birthday celebration ni Daniel na ginanap sa  Manila House sa BGC ay sinorpresa naman ni Kathryn si Daniel nang lumipad daw ito agad-agad from HongKong just to attend DJ's birthday celebration. Lumabas naman sa mga larawan ng dalawa ang linyang Kath, pa-interview with the vampire mo ako naman si Daniel sa halos kulang nalang ay kagatin nito ang leeg ni Kathryn sa pagkahigpit ng kanilang yakapan! Walastik! Papano na ang Alden-Kathryn movie kung sina Daniel at Kathryn parin ang nakikita together? Part ba si Daniel sa promosyon ng pelikulang ito ni Cathy Garcia-Molina ng Star Cinema? Hindi ba dapat ang togetherness dapat nina Alden at Kathryn ang pinu-push dito?

ALAGANG SONNY ANGARA

To foster a culture of preparedness among Filipinos, reelectionist Senator Sonny Angara renewed his call to make disaster risk education mandatory in the curriculum of primary schools to improve the young learners’ understanding of preparedness and response, as well as hone their readiness in dealing with natural calamities.
“Since we live in a country where earthquakes and typhoons are very common, it is imperative that every Filipino is equipped with the basic understanding and knowledge of disaster preparedness and response,” Angara said.
He added: “We can start by teaching our children how to prepare for and respond to different types of calamities. We have to produce a generation that knows how to deal with threats posed by natural disasters and climate change.”
Angara’s proposal to require disaster awareness and mitigation education in primary schools formed part of Senate Bill 1994 which he filed last year. The bill primarily seeks to create the Department of Disaster Resilience—a single, independent and permanent government agency devoted to disaster management and resilience.
The provision on mandatory disaster risk education in SB 1994 expands the present law, Republic Act 10121 or the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, which mandates the integration of disaster risk and management education in the curriculum of secondary and tertiary levels of education, including the National Service Training Program or NSTP.
The lawmaker from Aurora, who is running under the platform “Alagang Angara,” suggested that the lesson plans to be developed should focus on “preparedness skills” children can integrate easily into their lifestyles and share with their families. 
“The preparedness skills training in the classroom must be designed in such a way that children will develop a sense of responsibility to share with their family members whatever knowledge they acquired about disaster preparedness and response,” he pointed out.
“This will give our children confidence, a sense of control, and turns them into self-advocates for disaster preparedness,” he added.
Angara said disaster planning is a must for a disaster-prone country like the Philippines, which sits along the Pacific Ring of Fire and the Tropical Cyclone Belt.
Based on the 2016 World Risk Index, the Philippines ranked third in terms of vulnerability to natural hazards and climate change. Every year, the country experiences almost all forms of natural disasters such as typhoons, earthquakes, volcanic eruptions, floods and landslides.
Last Monday, a magnitude 6.1 earthquake jolted parts of Luzon, leaving at least 16 people dead and more than a hundred injured, and critical infrastructures damaged. This was followed by another powerful temblor, with a magnitude of 6.5, in the Visayas on Tuesday, and a magnitude 4.7 quake in Mindanao on Wednesday. 
Following the Luzon earthquake, Angara pushed for the immediate passage of his bill creating the Department of Disaster Resilience that will oversee a comprehensive and coordinated strategy in managing natural disasters, with the main goal of saving lives and minimizing damage to property.
He also called on local government units (LGUs) to spend their local disaster funds wisely by prioritizing disaster planning and risk management, saying such move is more proactive and cost-effective in terms of disaster response. 
To prevent casualties and damages during calamities, Angara said LGUs should implement precautionary measures like strict enforcement of the building code, limiting developments in disaster-prone areas, and identification of relocation and evacuation sites. 
“These steps should lessen the impact of future disasters. It doesn’t prevent earthquakes and extreme weather events, but it makes us more resilient to those impacts,” Angara said.

" KUWARESMA " SHARON'S FIRST ALL-OUT HORROR MOVIE

" Kuwaresma " is Sharon Cuneta's first all out horror movie after being recognized as an award-winning actress. Kasabay nito ay ang pagpuri naman ni Sharon sa kanyang direktor sa pelikula.
" Creatively, this is one of the most rewarding, satisfying collaborations i have had. He is a director who knows what he wants, whose passion and integrity for a film will inspire your own well of creativity to keep flowing, who will not compromise his vision while allowing and protecting your own. " paglalahad pa ng Megastar. The film also marks Sharon's first team up with Actor John Arcilla who is best remembered for the blockbuster biopic " Heneral Luna " . Matti shares how Sharon  went all out for Kuwaresma!
" Ang dami niyang ginawang pisikal. Emotional, Sobra! Yung iyakan, ang dugo talaga! Ang maganda kay Sharon, mataas ang respeto niya sa mga direktor. Pag umoo na siya sa project, ibibigay niya ang sarili niya!" Sez Direk Matti.
Ayon pa sa Megastar, inihahandog niya ang pelikulang ito para sa kanyang fans and followers for decades kasabay ng kanyang ika-40th year anniversary sa showbiz! Showing napo ngayong May 15 in cinemas nationwide ang Kuwaresma na handog sa atin ng Reality Entertainment at Globe Studios! 

JANJEP CARLOS AABANGAN ANG KANYANG ' BAKLAVAWALK ' PARA SA MR. GAY WORLD 2019

Guwapo. Matangkad. Maganda ang katawan at matalino. Siya si Janjep Carlos. Ang official candidate natin ngayong taon para sa Mr. Gay World 2019 na gagamapin sa South Africa. Unang sulyap mo sa kanya ay hindi mo akalaing ka- miyembro natin siya sa LGBT Community. Pero paano nga ba siya napili upang maging official candidate ng Pilipinas? Ayon kay Wilbert Tolentino, si Janjep Carlos ang nanalo this year bilang Mr. Fahrenheit na soyang official local search for Mr. Gay World--the first and longest running annual International searchfor gay men and bisexual role model that empowers gay masculinity and lifestyle. As the official franchise it is being spearheaded by a Chinese Filipino businessman and 2009 Mr. Gay World Philippines titlist Mr. Wilbert Tolentino. Si Janjep Carlos bilang Mr. Fahrenheit titleholder automatically becomes the representative to the Mr. Gay World feat, he echoes the voice of the bi and gay community with regards to the pageants advocacy towards mental health, tackling various issues like clinical depression  suicidal tendencies and stigma of HIV/AIDS. Its utmost mission is to help these bi and gay population who are suffering from these conditions by spreading awareness and to provide assistance. Ayon kay Janjep, nakahanda na siya physically and mentally upang iuwi ang titulo this year. Pero ang aabangan daw natin sa kanyang ipapakita that night ay ang kanyang BAKLAVAWALK! Yun na!

KATHNIEL PINATUNAYANG MAHAL NA MAHAL ANG BAWAT ISA

Talbog silang lahat! I-Dawn Zulueta mo ako! Yan ang sigaw ng intrigerang palakang bakla nang sumambulat ang larawang ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kuha ito nang bisitahin ni Daniel si Kathryn sa HongKong while shooting ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Alden Richards under Star Cinema sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Actually hindi lang pics ang naglipana ganoon din ang videos kung saan mukhang sabik na sabik ang dalawa sa isa't isa. April 10 nang umalis ng Pinas si Kathryn at tama nga ang ipinarating na balita sa akin noon na naka-locked-in sina Alden at Kathryn ng isang buwan upang kunan ang 90 percent ng pelikula sa HongKong. Well, mismong sina Daniel at Kathryn naman ang nagkumpirma noong sila'y tunay nang nagmamahalan kaya normal lang siguro na manabik sila sa isa't isa everytime na nawawalay sila! Tama ba? Diba ganoon naman ang buhay kapag may life ka sa love! Tama? Sa mga naglabasang larawan ng dalawa, yung pananabik, bunga na yan ng tunay na pagmamahalan nina Daniel at Kathryn. Yung hinahanap-hanap na nila ang bawat isa. Yung hahanap-hanapin talaga ni Daniel ang kanyang Prinsesa at Gigil din si Kathryn sa kanyang Prinsipe! Bongga talaga ang KathNiel! Pak na pak at boom na boom!

SETH FEDELIN HUMAHATAW NA ANG SHOWBIZ CAREER

Hindi man pinalad magwagi bilang isa sa big four ng PBB Otso ay ratsada naman ngayon sa magagandang publicity at projects sa loob ng Kapamilya Network si Seth Fedelin under the management of Mario Colmenares. Kung ating matatandaan, si Seth ang kauna-unahang teen mate na pumasok sa bahay ni Kuya. That night ay trending kaagad ang binata sa socmed at binantayan siya ng kanyang masusugid na fans and followers ngayon. Kasalukuyang tinatapos ni Seth ang isang IWant Original Movie with Beauty Gonzales titled Abandoned. Simula na ring nailawan ang kanyang mukha bilang partner ngayon ni Andrea Brillantes sa Umeereng Kadenang Ginto ni Direk Jerry Lopez-Sineneng! Waiting and praying din po kaming supporters ni Seth para naman sa pagpasok ng print and tv commercials at endorsements ng binata! Naku! Aariba pa ng husto ang career ni bagets dahil ayun sa mga nakausap naming nasa paligid niya, mabait ito at marespeto! Gow Seth! 

MIKE MAGAT BILANG PNP CHIEF SA FPJ'S ANG PROBINSYANO

" Sobrang blessing sa akin ang FPJ's Ang Probinsyano. Ako naman ang mabuting side ng isang PNP Chief na isang good person naman sa serye. Nakakataba ng puso yung oportunidad na makita ulit ako sa telebisyon na nasa isang number one primetime teleserye pa at si Coco Martin pang nakakatrabaho ko. " bulalas pa sa amin ng character actor na si Mike Magat sa presscon ng EBC Films' Hapi Ang Buhay The Musical. 
" Hindi pa rin nagbabago si Coco. Matagal na kaming magkakilala at ganoon pa rin siya hanggang ngayon. Kaya nakakatuwa nung mapansin nila ako at nabigyan ng kakaibang role naman sa serye. " aniyang muli. 
Mula sa pagiging isang simpleng character actor noong dekada 90, nagpunta ng ibang bansa at sa kanyang pagbalik noong 2016 ay pinasok kaagad nito ang pagdidirek sa pelikula. Nabigyan ng magandang rekognasyon sa kanyang mga nagawang indie films kaya naman patuloy pa rin ang kanyang pag-ariba sa showbizlandia! 
" Mahal ko talaga ang propesyon ko. Kaya kahit nung nasa ibang bansa ako, iniisip ko talaga ang paga-artista ko. Sa awa ng Diyos, nabigyan naman tayo ngayon ng magagandang break ulit sa showbiz. Hahanapin mo talaga ang pag-arte! " said Mike Magat.

MIKE MAGAT " HAPI ANG BUHAY THE MUSICAL " EBC FILMS

" Sobrang blessing sa akin ang FPJ's Ang Probinsyano. Ako naman ang mabuting side ng isang PNP Chief na isang good person naman sa serye. Nakakataba ng puso yung oportunidad na makita ulit ako sa telebisyon na nasa isang number one primetime teleserye pa at si Coco Martin pang nakakatrabaho ko. " bulalas pa sa amin ng character actor na si Mike Magat sa presscon ng EBC Films' Hapi Ang Buhay The Musical. 
" Hindi pa rin nagbabago si Coco. Matagal na kaming magkakilala at ganoon pa rin siya hanggang ngayon. Kaya nakakatuwa nung mapansin nila ako at nabigyan ng kakaibang role naman sa serye. " aniyang muli. 
Mula sa pagiging isang simpleng character actor noong dekada 90, nagpunta ng ibang bansa at sa kanyang pagbalik noong 2016 ay pinasok kaagad nito ang pagdidirek sa pelikula. Nabigyan ng magandang rekognasyon sa kanyang nga nagawang indie films kaya naman patuloy pa rin ang kanyang pag-ariba sa showbizlandia! 
Kasama ngayon sa pelikulang Hapi Ang Buhay The Musical si Mike Magat. Dating sitcom lang sa EBC ang HABTM pero isang ganap na pelikula na ito ngayon handog ng Eagle Broadcasting Corporation. 
Hapi Ang Buhay The Musical, a musical comedy film produced by EBC Films, celebrates it's successful run in over 70 cinemas nationwide with a victory party at Moviestars Cafe. This musical satire on Philippine life is written and directed by internationally acclaimed director Carlo Ortega Cuevas, who won the Best Director in Foreign Language for the film Walang Take Two at tge International Filmmaker Festival of World Cinema in London and the Best New Comer Filmmaker of the year at the World Films Awards in Jakarta, Indonesia. Cueva' last film, Guerrero recently won Best Feature Comedy Film at the Amsterdam International Film Festival 2018 and Best Editing in Foreign Language Film at tge Madrid International Film Festival 2018. 
" The ultimate reason we at the EBC Films are making movies is to promote values. And i believe that promoting values doesnt have to be boring. So we are trying our best to educate and inspire the audience without sacrificing entertainment value. " said Cuevas. 
" Pasaway naman ang role ko sa pelikulang ito. Maganda ang movie kaya abangan nila. Isang makabuluhang pelikula ito na hindi ninyo pagsisisihang panooring. " pagtatapos pa ni Mike Magat. 

TAMA LANG NA PATULAN NI COCO MARTIN ANG UMAAPAK SA KANYA

Matagal na kasing usap-usapan at bulong-bulongan ang isyung buntis daw si Julia Montes kaya ito umalagwang paalis ng bansa. Ang nakakaloka ay bumulwak ang pangalan ni Coco Martin na siya raw ang ama ng dinadala ni Julia na kamakailan lang daw ay nagsilang na sa ibang bansa! Matagal nang gumagapang sa lamesa ng showbizlandia ang tsikang ito. Hindi ko naman pinansin masyado kasi nga wala naman akong hawak na ebidensiya para sabihing totoo ang tsika! Hanggang nitong nakaraang linggo lang ay nagsalita na rin si Coco Martin laban sa basher nito kung saan napaka-mapagkumbabang tao pa rin ni Coco at maayos at walang tinatapakang tao ang kanyang naging pahayag. Ayon sa aking nakausap, tama lang ang ginawang hakbang ni Coco. Banayad lang pero dapat hindi nalang daw pinatulan ni Coco ang mga ito. Instead ay nanatiling tahimik at deadma sa mga pakialamerong nilalang sa mundo na wala namang naitulong at maitulong sa kanya. Well, it's okey para sa akin. Tama lang din na minsan sa mga akusasyon at paninira sa atin lalo na't wala ka namang ginagawang masama ay pumipitik din tayo! Minsan kailangan din nating batuhin pabalik ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang mang-intriga at lagyan ng palaman ang hiniwang tinapay para magka-lasa ito! Saludo parin ako sa iyo Coco Martin. Tama lang! Gow! O! Basta! FPJ'S ANG PROBINSYANO pa rin tayo ha! Ang taas as always ang ratings! We love you Coco! 

VICE AT REGINE...MAY KARAPATAN BILANG MGA HURADO SA IDOL PHILIPPINES

Not for anything else! Okey ako kena Vice Ganda at Regine Velasquez bilang mga judge sa pagbubukas ng Idol Philippines kagabi sa mukha ng telebisyon! Kampante ako sa dalawang naglalakihang celebrities dahil alam nating lahat na milya na rin ang nilakbay ng dalawa sa kani-kanilang larangan. Nabigyan ng mga parangal at pagkilala. Pero ang haluan mo ng James Reid at Moira La Torre? Wala akong sama ng loob or whatever sa dalawa lalo na kay James Reid na love na love ko rin! Pakiramdam ko kasi ay hindi naman hinog pa  o institusyon ang dalawa para mabigyan ng seat sa panel ng Idol Philippines! Si Moira na kelan lang sumikat at iisang song palang ang napapatunayan ganun din si James Reid na hindi naman ganoon ka-galing na singer! Pinaghalong makaluma at makabagong panahon ba ang drama ng Idol Philippines kung saan dalawang beterano at dalawang baguhan ang pinaupong judge? Ang alam ko na may karapatang maupo diyan instead of Moira and James ay sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Jed Madela at marami pang iba! Ito po ay saganang akin lang! Nakakaloka lang kung anong klaseng pagpili na naman ang ginawa ng Idol Philippines Production Team para sa kanilang uupong panel of judges! Kung sino ba available o reto-reto lang? Ano ba? Kakaloka kayo! 

BELLADONNAS WAGI BILANG BEST FEMALE GROUP SA KATATAPOS LANG NA LAGUNA EXCELLENCE AWARDS 2019

Halos isang taon palang sa kanilang karera ang Belladonnas pero binabaha naman sila ng pagkilala bilang isang magaling na female group. Last saturday, April 20, 2019 ay tinanggap ng Bellas ang kanilang tropeo bilang Best Female Group sa katatapos lang na Laguna Excellence Awards na ginanap sa Cinema 1 ng SM City Calamba. Ayon pa sa Bellas, isang karangalan para sa kanila ang parangal na ito dahil naglalakihang achievers mula sa iba't ibang larangan ng buhay at sining ang kanilang nakasabayan tulad nina Nora Aunor at Jed Madela. Nangako ang Belladonnas na pagbubutihan pa nilang lalo ang kanilang propesyon. Hindi rin maitago ang tuwa ng 316 Events And Talent Management sa tinanggap na award ng Belladonnas. Patunay lamang na nakikilala na ang grupo na lumabas na rin sa mga palabas sa telebisyon. Bunga ito ng sakripisyo at pagmamahal ng Bellas sa kanilang propesyon! Congratulations Belladonnas! 

CLIQUE V...TUMANGGAP NG PARANGAL BILANG BEST MALE GROUP MULA SA LAGUNA EXCELLENCE AWARDS 2019

Masayang tinanggap ng Clique V kahapon, araw ng sabado, April 20, 2019 sa Cinema 1 ng SM City-Calamba ang kanilang tropeo mula sa Laguna Excellence Awards bilang Best Male Group Of The Year. Kumpleto ang siyam na miyembro ng Clique V na fresh mula sa kani-kanilang bakasyon. Tuwang-tuwa naman ang mga sumusuporta sa mga bagets lalong-lalo na ang management nilang 316 Events & Talent Management. Dagdag ito sa mga nakahilerang tropeo at recognition certificates ng grupong Clique V kaya naman lalo pa diumano nilang pagbutihan ang kanilang trabaho bilang all male group! Mahigpit diumano ang kumpetisyon sa larangang kanilang pinasok pero willing diumanong maghintay ng kanilang nakatakdang panahon ang grupo! Maraming aabangang bago sa Clique V this year mula sa success ng kanilang katatapos na dream concert sa Skydome last February kaya patuloy po natin silang suportahan! 

CLIQUE V...BEST MALE GROUP OF THE YEAR NG LAGUNA EXCELLENCE AWARDS 2019

For almost 2 years ay unti-unting nagbubunga ang pagsisikap ng Clique V. Isang male group mula sa pangangalaga ng 316 Events And Talent Management ni Len Carillo. Ngayong April 20 ay tatanggapin ng mga anak-anakan namin ang kanilang pangatlong parangal bilang Best Male Group Of The Year mula sa Laguna Excellence Awards 2019 na gaganapin sa Cinema 1 ng SM Calamba. Nasubaybayan namin kung paano mahalin ng Clique V ang kanilang trabahong punong-puno ng dedikasyon kasabay ng kanilang hindi paghinto sa pag-aaral. Ayon pa sa mga Clique V, sinusuklian lang nila ang pagmamahal, pang-unawa at paga-aruga sa kanila ng kanilang management lalo na sa kanilang Nanay Len! Marespeto ang mga batang ito at ramdam naming one day ay bigla nalang silang makikilala ng todo!
" Yung improvement nila bilang singers, dancers, ibang klase sa bilis at kitang-kita na ang kanilang galing especially nitong katatapos lang nilang concert sa Skydome na ginastusan naman talaga namin mula sa damit, bonggang production numbers at guest celebrities. Ganoon sila ka-mahal ng kanilang management. Isa pang ikinagulat namin ay yung transformation nila physically. Guguwapo nila lalo ngayon at yung self confidence nila, kitang-kita mo na! Nakaka-proud sila ganoon din ang mga kapatid nilang Belladonnas. Kaya siguro inspired sila to do their best it's because hindi namin talaga sila pinababayaan. " tsika pa ng isang insider ng 316 Events And Talent Management.
Kamakailan lang ay sama-sama ang Clique V at Belladonnas nang pina-blessing ng kanilang Nanay Len ang kanilang bagong service van na gagamitin nila sa kanilang ratsadang out of town shows. May maidadagdag ding bagong miyembro pa sa grupo. Isang guwapitong bagets mula Iloilo City sa pangalan nitong Kristian na makikilala niyo rin soon!
Gow mga anaksies! Saludo kami sa sipag ninyong lahat sa Clique V at Belladonnas! Congratulations sa buong 316 Events And Talent Management. 

KUWARESMA...SHOWING MAY 15 IN CINEMAS NATIONWIDE!

Ano ang mga nakakapangilabot na sikreto na bumabalot sa pamilyang ito? Kaya ba ng isang ilaw ng tahanan kalabanin ang kapangyarihan ng kadiliman?
Reality Entertainment presents an epic horror movie event that will make you think of how far you will fight for family against evil. Starring the country’s one and only Megastar, Sharon Cuneta and Blockbuster Cinematic Icon John Arcilla. Directed by Master Filmmaker Erik Matti.
Handa ka na ba para sa panahon ng KUWARESMA.
Ngayong MAY 15 na!
#KuwaresmaMovie
#ThisIsREALITY