MIKE MAGAT " HAPI ANG BUHAY THE MUSICAL " EBC FILMS

" Sobrang blessing sa akin ang FPJ's Ang Probinsyano. Ako naman ang mabuting side ng isang PNP Chief na isang good person naman sa serye. Nakakataba ng puso yung oportunidad na makita ulit ako sa telebisyon na nasa isang number one primetime teleserye pa at si Coco Martin pang nakakatrabaho ko. " bulalas pa sa amin ng character actor na si Mike Magat sa presscon ng EBC Films' Hapi Ang Buhay The Musical. 
" Hindi pa rin nagbabago si Coco. Matagal na kaming magkakilala at ganoon pa rin siya hanggang ngayon. Kaya nakakatuwa nung mapansin nila ako at nabigyan ng kakaibang role naman sa serye. " aniyang muli. 
Mula sa pagiging isang simpleng character actor noong dekada 90, nagpunta ng ibang bansa at sa kanyang pagbalik noong 2016 ay pinasok kaagad nito ang pagdidirek sa pelikula. Nabigyan ng magandang rekognasyon sa kanyang nga nagawang indie films kaya naman patuloy pa rin ang kanyang pag-ariba sa showbizlandia! 
Kasama ngayon sa pelikulang Hapi Ang Buhay The Musical si Mike Magat. Dating sitcom lang sa EBC ang HABTM pero isang ganap na pelikula na ito ngayon handog ng Eagle Broadcasting Corporation. 
Hapi Ang Buhay The Musical, a musical comedy film produced by EBC Films, celebrates it's successful run in over 70 cinemas nationwide with a victory party at Moviestars Cafe. This musical satire on Philippine life is written and directed by internationally acclaimed director Carlo Ortega Cuevas, who won the Best Director in Foreign Language for the film Walang Take Two at tge International Filmmaker Festival of World Cinema in London and the Best New Comer Filmmaker of the year at the World Films Awards in Jakarta, Indonesia. Cueva' last film, Guerrero recently won Best Feature Comedy Film at the Amsterdam International Film Festival 2018 and Best Editing in Foreign Language Film at tge Madrid International Film Festival 2018. 
" The ultimate reason we at the EBC Films are making movies is to promote values. And i believe that promoting values doesnt have to be boring. So we are trying our best to educate and inspire the audience without sacrificing entertainment value. " said Cuevas. 
" Pasaway naman ang role ko sa pelikulang ito. Maganda ang movie kaya abangan nila. Isang makabuluhang pelikula ito na hindi ninyo pagsisisihang panooring. " pagtatapos pa ni Mike Magat. 

No comments:

Post a Comment