' BANTAY-BAHAY ' NI PEPE HERRERA NA HORROR-COMEDY IPAPALABAS SA HALOS 150 CINEMAS SIMULA MAY 1 NA!

Humanda sa maagang sorpresang kilabot na hatid ng Regal Entertainment sa una nilang pelikula sa sinehan ngayong 2024. Ang horror-comedy na ' Bantay-Bahay ' simula ngayong May 1 sa mga sinehan na pinagbibidahan ni lodi Pepe Herrera alyas ' Lods ' na may kuwentong kasindak-sindak at puno ng tawanan mula umpisa hanggang dulo.

Kilala sa kanyang kakayahan sa drama at komedya, maaalalang nagpabilib sa nakaraang Metro Manila Film Festival si Pepe sa box-office hit at record-breaker na romantic film na ' Rewind ' bilang si ' Lods ' kasama ang Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ngayon naman dadalhin ni Lods ang mga manonood ng sine sa isang nakakakabang pakikipagsapalaran bilang Caleb na magbibigay buhay sa animo'y pinaka-viral na papel niya at pati narin ng kanyang ginagampanang tauhan.

Umiikot ang kuwento kay Caleb na isang sobrang sigasig na vlogger at podcaster. Sa hindi sinasadyang tagpo, sununod siya sa hiling ng kanyang kasintahan na magbantay sa bahay ng lola nito sa probinsiya. Lingid sa kaalaman ni Caleb ang bahay na ito ay hindi basta-basta dahil may taglay din itong lihim na madilim na nakaraan.

Mula sa panulat at direksiyon ng kilalang filmmaker na si Jose Javier Reyes na ang huling kolaborasyon sa sinehan kasama ang Regal Entertainment ay ang 2021 hit na ' Mommy Issues ' na pinagbidahan nina Pokwang at Sue Ramirez. Ang ' Bantay-Bahay ' ay may paanyaya sa isang kakaibang biyahe para sa buong pamilya. Ang husay ni Direk Jose ay banaag sa kanyang abilidad na ipagsama ang katatawanan sa matalinong salitaan pati ang mga karakter na malapit sa totoong buhay sa mga eksenang kapana-panabik. Sa hinaba-haba ng listahan ng mga nagawa niyang kahanga-hanga sa industriya ng pelikula, patuloy niyang isinasabuhay ang dedikasyon at pagmamahal sa larangan ng pagkatha. Sa katunayan, kamakailan lamang ay itinalaga siya bilang Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines. 

Kasama rin sa pelikulang ' Bantay- Bahay ' sina Casie Banks, Johannes Rissler, Melizza Jimenez, Karl Gabriel at Rolando Inocencio na lahat ay nagbibigay tingkad sa daloy ng horror comedy na ito.

Ayon pa kay Direk Jose Javier Reyes ang kuwento ng ' Bantay-Bahay ' ay bunga ng tulong-tulong na gawa para sa Regal mula sa ideyang inihain sa kanya ni Sketch Sabangan.

Pinuri naman ni Direk Joey ang pagganap ni Pepe at sinabing bagay na bagay ang karakter nito. Nang tanungin tungkol sa anumang kakaibang pangyayari sa set. Wala raw nangyaring kababalaghan sa shoot. Gayunman, nagpahiwatig siya na mas masayang abangan ang mga nakakakilabot na eksena sa loob mismo ng pelikula. Bukod la rito binigyang diin niya na ang ' Bantay-Bahay ' ang angkop para sa pamilyang Pilipino.


15TH STAR AWARDS FOR MUSIC WINNERS

15TH STAR AWARDS FOR MUSIC WINNERS

ALBUM OF THE YEAR

•Liwanag - The Juans | Viva Records

SONG OF THE YEAR

•Uhaw - Dilaw | Warner Music Philippines

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

•Morisette- Gusto Ko Nang Bumitaw | Star Music

MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

•Gary Valenciano- Pwede Pang Mangarap | Universal Records

DUO/GROUP ARTIST OF THE YEAR

•Ben&Ben- Paninindigan Kita | Sony Music Philippines

CONCERT OF THE YEAR

• Eraserheads Huling El Bimbo | Ant Savvy Creatives and Entertainment

MALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR

• Martin Nievera - Martin Nievera Live Again! The Best of the Concert King | Bloomberry Resort Corporation and Solaire Resort

FEMALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR

Ice Seguerra- Becoming Ice: 35th Anniversary Concert | Fire and Ice Media and Productions

DUO/GROUP CONCERT PERFORMER OF THE YEAR

• Eraserheads - Eraserheads Huling El Bimbo | Ant Savvy Creatives and Entertainment

MUSIC VIDEO OF THE YEAR

•WYAT (Where You At)- SB19 | Warner Music Philippines

Director : Jireh Christian Bacasno

POP ALBUM OF THE YEAR

•Run To Me - Alexa Ilacad and KD Estrada | Star Music

MALE POP ARTIST OF THE YEAR

•LA Santos - 'Di Maghihiwalay | Star Music

FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR (tie)

•Belle Mariano- Closer | Star Music

and

•Jos Garcia - Nami-miss Ko Na | Jos Garcia (Independent)

NEW MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR (tie)

•Johnrey Rivas - Twinkle Star | Philstagers Productions 

and

•Wize Estabillo- Mekaniko ng Puso | Star Music

NEW FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

•Sanya Lopez - Hot Maria Clara | GMA Music

NEW GROUP ARTIST OF THE YEAR

•SV Squad- Nevermind | BELIEVE Artist Services

ROCK ARTIST OF THE YEAR

•JK Labajo- Shot Puno | Island Records Philippines

DANCE RECORDING OF THE YEAR

Sumayaw - Kelvin Miranda | GMA Music

COLLABORATION OF THE YEAR

•Adie  and Janine Berdin- Mahika | O/C Records

RAP ARTIST OF THE YEAR

•Ez Mil- Re-Up | FFP Records and Management, Inc.

REVIVAL RECORDING OF THE YEAR

•Nosi Balasi- Marion Aunor | Viva Records and Wild Dream Records

MALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR

•Noel Cabangon - Para Sayo |Universal Records

FEMALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR

•Sarah Javier- Happy Anniversary | Sarah Javier (Independent)

MALE R&B ARTIST OF THE YEAR

•Jojo Santor - Hanggang Dito Na Lang (Independent)

FEMALE R&B ARTIST OF THE YEAR

•Marion Aunor - Traydor Na Pag-ibig | Viva Records)

INSPIRATIONAL SONG OF THE YEAR

•Isang Panalangin - Lani Misalucha | Vehnee Saturno Music Corporation

NOVELTY SONG OF THE YEAR

Gusto Kita - Louie Roa | Interstreet Recording

NOVELTY ARTIST OF THE YEAR

•Bernie Batin - Pabile, Wanpipte! | Ivory Music and Video

COMPILATION ALBUM OF THE YEAR

The Clash Season 4 Finalists Sing Originals | GMA Music

PILITA CORRALES LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Verni Varga

PARANGAL LEVI CELERIO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Odette Quesada

SB19 HUMAKOT NG PARANGAL SA 14TH AT 15TH STAR AWARDS FOR MUSIC

SB19 humakot ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music / Hajji Alejandro, Rey Valera, Verni Varga, at Odette Quesada gagawaran ng Lifetime Achievement awards

Pinatunayan ng sikat na Pinoy Pop group na SB19 ang kanilang natatanging talento at kahusayan sa musika sa mga nakalipas na mga taon hanggang sa kasalukuyan kaya naman hindi nakapagtatakang humakot sila ng mga parangal sa 14th at 15th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nagwagi ang SB19 sa iba't ibang kategorya sa 14th Star Awards for Music sa pangunguna ng major awards na Song of the Year para sa kanilang awiting "Mapa" at Album of the Year para sa kanilang "Pagsibol" album sa ilalim ng Sony Music Philippines. Nakuha rin ng SB19 ang Duo/Group Artist of the Year, Pop Album of the Year ("Pagsibol"), Dance Recording of the Year ("Bazinga"), Duo/Group Concert of the Year ("Our Zone: SB19 Third Anniversary Concert"), at Music Video Year ("Bazinga").

Nagpatuloy ang panalo ng SB19 sa 15th Star Awards for Music nang magwagi sila ng Music Video of the Year para sa kanilang hit song na "WYAT (Where You At)" sa ilalim ng Warner Music Philippines.

Ang SB19, na binubuo nina Pablo, Stell, Felip/Ken, Justin, at Josh Cullen, ang kinikilalang Kings of P-Pop.

Samantala, apat na veteran singers na kabilang din sa mga haligi ng OPM ang gagawaran ng Lifetime Achievement Awards - sina Hajji Alejandro (Pilita Corrales Lifetime Achievement Award) at Rey Valera (Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award) para sa 14th Star Awards for Music; at sina Vernie Varga (Pilita Corrales Lifetime Achievement Award) at Odette Quesada (Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award) para sa ika-15 edisyon.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 14th at 15th Star Awards for Music:

14TH STAR AWARDS FOR MUSIC WINNERS

SONG OF THE YEAR

Mapa – SB19 (Sony Music Philippines

ALBUM OF THE YEAR

Pagsibol – SB19 (Sony Music Philippines

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

Ice Seguerra (‘Wag Kang Aalis’ / Universal Records)

MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

Zack Tabudlo (‘Binibini’ / UMG Philippines / Island Records Philippines)

POP ALBUM OF THE YEAR

Pagsibol – SB19 (Sony Music)

FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR

Nadine Lustre – (‘Wait for Me’ / Careless Music)

MALE POP ARTIST OF THE YEAR

Darren Espanto – (‘Tama Na’ / UMG Philippines

NEW FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

Gigi De Lana – Sakalam (Star Music)

NEW MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR

Diego Gutierrez – ‘On A Dream’ (Hitmakers Entertainment)

NEW GROUP ARTIST OF THE YEAR

BGYO – ‘He’s Into Her’ (Star Music)

ROCK ALBUM OF THE YEAR

• Borbolen – Parokya Ni Edgar | Universal Records

ROCK ARTIST OF THE YEAR

Juan Karlos Labajo- (‘Boston’ – MCA Music)


DANCE RECORDING OF THE YEAR

Bazinga - SB 19 (Sony Music Philippines)


RAP ALBUM OF THE YEAR

Pagbigkas – Dicta Licence (Warner Philippines)

RAP ARTIST OF THE YEAR

John Rendez – Not Superman (Star Music)


INSPIRATIONAL SONG OF THE YEAR (Tie)

•Do You Have a Miracle for Me – Alisah Bonaobra (RJA Productions) and •Huwag Kang Mangamba – Angeline Quinto (ABS-CBN Film Productions, Inc.)

R&B ALBUM OF THE YEAR

Episode – Zack Tabudlo (UMG Philippines / Island Records Philippines)

FEMALE R&B ARTIST OF THE YEAR

Katrina Velarde – ‘Sa Panaginip’ (Viva Records)

MALE R&B ARTIST OF THE YEAR

•Arthur Nery – ‘Isa Lang’ (Viva Records)

ACOUSTIC ALBUM OF THE YEAR

• Kwento Sa Silid – Janine Teñoso (Viva Records)

FEMALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR

Angela Ken- Ako Na Lang Muna (Star Music)

MALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR

•Adie – ‘Paraluman’ (O/C Records)

COLLABORATION OF THE YEAR

•Ikaw at Ako – Moira Dela Torre and Jason Marvin (Star Music)

COMPILATION ALBUM OF THE YEAR

• FPJ’s Ang Probinsiyano (Tarsier and Star Music)

NOVELTY SONG OF THE YEAR

• Amakabogera – Maymay Entrata (Starpop and Star Music)

NOVELTY ARTIST OF THE YEAR

•Maymay Entrata -Amakabogera’ (Starpop and Star Music)

FOLK/COUNTRY RECORDING OF THE YEAR

•‘Dodong’ – KZ Tandingan (Star Music)

REVIVAL RECORDING OF THE YEAR

• Paano – InnerVoices | Vehnee Saturno Music Corporation

DUO/GROUP ARTIST OF THE YEAR

• SB19 (‘Mapa’ / Sony Music)

CONCERT OF THE YEAR

• Freedom – Regine Velasquez – (ABS-CBN Events)

MALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR

•Ogie Alcasid – Virtually Yours, Kilabotitos | A-Team and Frontrow

FEMALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR

• Regine Velasquez – Freedom (ABS-CBN Events)

DUO/GROUP CONCERT OF THE YEAR

• SB19- Our Zone: SB 19 Third Anniversary Concert (ShowBT Entertainment)

MUSIC VIDEO OF THE YEAR

• Bazinga – SB 19 (Sony Music) 

Director: Jonathan Tal Placido

PILITA CORRALES LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Hajji Alejandro

PARANGAL LEVI CELERIO LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

Rey Valera

FROM HEARTBREAK TO HEALING : WOMAN ADOPTED DAUGHTER RECONCILE AFTER BETRAYAL

From heartbreak to healing: Woman, adopted daughter reconcile after betrayal

A story of betrayal that ultimately led to a heartwarming resolution unfolded in the episode of 'CIA with BA' that aired on Sunday, April 21.

During the 'Case 2 Face' segment, Angel revealed that Adelfa, whom she regarded as her mother, had allegedly spread additional falsehoods regarding her past relationship with the latter’s husband, Rex.

Senator Alan Peter Cayetano weighed in on the matter, acknowledging that while both parties suffered, Adelfa bore the brunt of the pain.

As the program delved into their issues, it was apparent that Angel contemplated seeking forgiveness from Adelfa, a decision she eventually made.

Reflecting on the broader implications of such conflicts, Senator Pia Cayetano stressed the importance of raising awareness about women's issues and the role of society and lawmakers in addressing them.

She also highlighted the emotional toll inflicted on Adelfa, underscoring the need for accountability, particularly from Rex.

Addressing Adelfa, she remarked: “Ngayon sa nakikita ko, mukha namang pinapatawad mo si Angel at masaya kang may anak ka ulit.”

She then urged Angel: “Alagaan mo ang nanay mo… napakabuti ng puso niya, napakalaki ng puso niya na kaya niyang talikuran ‘yung nagawa mong kasalanan sa kanya, dahil ganyan ang mga ina.”

As the hosts concluded the episode, Kuya Alan appealed to the audience: “Pag-pray po natin sila at ‘yung mga taong natutong magpatawad because it’s really a beautiful thing.”

Expressing optimism for their future, Ate Pia noted the transformative effect of their embrace, signifying a newfound peace and unity.

‘CIA with BA’ continues the legacy of Senator Rene Cayetano, the esteemed father of the sibling senator-hosts. A distinguished lawyer, the senior Cayetano gained prominence through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

Hosted by Alan, Pia, and Boy Abunda, ‘CIA with BA’ airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

ANAK-ANAKAN NAPATAWAD NG ITINURING NA INA MATAPOS SIYANG PAGTAKSILAN

Anak-anakan, napatawad ng itinuring na ina matapos siyang pagtaksilan!

Isang nakakadurog-pusong kuwento ng pagtataksil na sa huli ay nagdulot ng isang nakaaantig na resolusyon ang nabunyag sa episode ng 'CIA with BA' na ipinalabas nitong Linggo, Abril 21.

Sa segment na 'Case 2 Face' segment, ibinunyag ni Angel na si Adelfa, na itinuturing niyang ina, ay umano'y nagkalat ng karagdagang kasinungalingan tungkol sa kanyang nakaraang relasyon sa asawa ng huli, si Rex.

Nagbigay ng opinyon si Senador Alan Peter Cayetano hinggil sa usapin. Sinabi niya na bagaman pareho silang nagdanas ng hirap, si Adelfa ang mas lubhang naapektuhan.

Sa pagsunod ng programa sa kanilang mga isyu, maliwanag na naging balak ni Angel na humingi ng tawad kay Adelfa, isang desisyong sa huli ay kanyang ginawa.

Binigyang-diin ni Senador Pia Cayetano ang kahalagahan ng pagtaas ng kamalayan hinggil sa mga isyu ng kababaihan at ang papel ng lipunan at mga mambabatas sa pagtugon sa mga ito.

Binanggit din niya ang emosyonal na pasakit na dinanas ni Adelfa, na nagpapahalaga sa pangangailangan ng pananagutan, lalo na mula kay Rex.

Sabi niya kay Adelfa: "Ngayon sa nakikita ko, mukha namang pinapatawad mo si Angel at masaya kang may anak ka ulit."

Pagkatapos ay pinaalalahanan naman niya si Angel: "Alagaan mo ang nanay mo… napakabuti ng puso niya, napakalaki ng puso niya na kaya niyang talikuran ‘yung nagawa mong kasalanan sa kanya, dahil ganyan ang mga ina."

Sa pagtatapos ng episode, hiniling ni Kuya Alan sa audience: "Pag-pray po natin sila at ‘yung mga taong natutong magpatawad because it’s really a beautiful thing."

Sa pagpapahayag ng pag-asa para sa kanilang hinaharap, binanggit ni Ate Pia ang transformasyon na dulot ng kanilang pagyakap, nagpapahiwatig ng isang bagong pagkakasundo at kapayapaan.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi.

DIREK JOSE JAVIER REYES BAGONG FDCP CHAIRPERSON

Mapanindigan kaya ni Direk Jose Javier Reyes ang pagkakatalaga sa kanya ngayon bilang bagong Chairman ng FDCP? Kakayanin kaya ng direktor ang pressure sa kanyang bagong posisyong hahawakan? Marami ang natuwa nung inanunsiyong siya na nga ang bagong uupong FDCP Chair. Marami rin ang nagulat at nagtanong kung kakayanin niya raw ba ang pressure at baka bigla nalang itong mag-resign?

" The fact that tinanggap niya ang pagiging Chairman, meaning, alam niya ang papasukin niya, maybe alam niya rin ang mga gagawin niya. So, he can make it. Malawak narin kasi ang kaalaman ni Direk sa industry and deserve niya yung posisyon niya. I just hope na kakayanin niya and ramdam ko naman na keri niya. " paglalahad pa ng nakausap kong malapit na aktor sa direktor. Ayon sa aktor na hindi ko nalang papangalanan, medyo tumagilid daw kasi ang naging performance ni Tirzo Cruz bilang appointed FDCP Chair nung maupo si Bongbong Marcos kapalit ni Liza Dino-Seguerra. Hindi raw yata kinaya ni Tirzo ang pressure at mukhang naramdaman na rin daw nitong hindi na nito magagampanan pa ng maayos ang kanyang posisyon kaya nag-resign na ito sa kanyang puwesto. Ayon pa sa aktor na aming kausap, marami din daw ang mga manggagawa sa pelikula ang nadismaya sa pag-upo niya at alam daw ng mga ito na hindi nito matataguyod ng maayos ang naturang ahensiya! 

" Credible siya. Yun nga lang, sabi ko nga, pressure and mahalaga ang time sa pagiging FDCP chairman. Hindi biro. Then, umaarte la siya, may mga commitments pa siya bilang isang aktor, hindi talaga kakayanin ni Tirzo. " ayon pa sa aking kausap.

WHAT'S THE BIG DEAL? VICE GANDA IS VICE GANDA. PERIOD!

Big deal ba ang makatrabaho ni Vice Ganda si Direk Jun Robles Lana? O big deal ang makatrabaho ni Direk Jun Lana si Vice Ganda? Which of which sandwich? Kalurks lang kasi parang OA lang ang paunang laro nila para sa pelikulang gagawin ni Vice Ganda this year na intended nga para sa 2024 Metro Manila Film Festival na may working title na ' Da Breadwinner Is ' na pagsasamahan daw nila ni Jhong Hilario!

Ang panget ng laro kahit sabihin nating para sa promo ng pelikula! Unang-una, bakit? Eh ano ngayon kung si Jun Lana? He's a fine director pero why? Buti sana kung it's another film ni Cathy Garcia-Molina? Diba? Or the late Wenn Deramas? Diba? What's the big deal? 

Okey na yung ibalita nalang nilang may movie si Vice this December. Okey na yun eh! Dahil alam naman natin kung paano kumita sa takilya ang mga pelikula ni Vice. Hanggang doon nalang sana. Hindi yung lalaruin pa ni Vice. Laruin niya nalang ang pagpapaganda ng script at cast ng pelikula niya para panooring muli at huwag niyang kalimutang isama si Ion Perez huh!

EAT BULAGA TOTOO BANG MAGPAPAALAM NA SA ERE DAHIL SA IT'S SHOWTIME?

Para sa mga nagmamahal sa programang Eat Bulaga ng TVJ, maaring naalog-alog na naman ang kanilang mga utak dahil sa balitang tuluyan na nga'ng magsasara o mamamaalam sa ere ang naturang daily noontime show after decades of pamamamyagpag sa local boobtube. Ang dahilan, hindi na raw ito nagre-ratings. Hindi na raw nakakatuwa ang segment nila. Lumang-luma na raw at napapanahon na for them to give-up the show and retire o di-kaya ay mag-isip na ng bagong main host ang EB at on the side na lang sila. Ibig sabihin, give chance to others and have a break na sila!

Yan kasi ang siste ng mga maka-It's Showtime na talaga nga namang simulang mapanood sila sa bakuran ng GMA 7 ay humahataw na sila sa ratings at ang sabi ay nabulabog sa ratings ang EB!

Tanggapin natin, pasok kasi sa GEN Z ang palong-palong segments ng Its Showtime! Dahil sa mga naglabasang tsismax ay naglabas din ang EB ng salitang hindi naman daw sila magkalaban ng Its Showtime. Hindi rin daw nila ito kailanman inaway kundi kaibigang noontime show naman daw nila ito sa industry. 

Yes they are! Pero ang pinag-uusapan kasi, today! Not yesterday! Lumang-luma na talaga ang EB! Siguro, repasohin nila ang EB, pag-aralan na ang bagong segment na ihahain nila sa televiewers at bagong host! Gamit na gamit na kasi ang segments nila! Unlike sa It's Showtime, pasok ang GEN Z, magaganda ang segent, yung atake nila sa show, pasok na pasok sa banga at mas marami pang naaaliw ngayon sa programa!

WELCOME TO MY WORLD CONCERT NI JED MADELA NGAYONG JULY 5 NA SA MUSIC MUSEUM

May mga pasilip na ang nag-iisang World Champion at isa sa pinakamahusay nating singer sa Pinas na si Jed Madela para sa kanyang nalalapit na birthday concert ngqyong July 5 na gaganapin sa Music Museum. 

Matagal diuamanong pinag-isipan at pinag-planohan ni Jed ang kanyang birthday concert this year at masayang-masaya siya dahil finally ay matutuloy na ito this year.

Matagal-tagal din kasing hindi nakapag-concert si Jed that's why this July, sa kanyang birthday concert ay nagagandahang piyesa naman ang kanyang ipaparinig sa kanyang mga tagahanga.

Espesyal kung ituring ni Jed ang July 5 dahil sadyang inihahandog niya diumano ito sa kanyang mga fans and followers na walang sawang sumusuporta sa kanyang karera bilang isang singer na nakilala hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Bentang-benta pa rin si Jed sa mga out of town shows at corporate events na talagang tinatao always.

As of now, Jed is making waves parin sa kanyang singing career at regular na napapanood tuwing Sunday sa ASAP ng Kapamilya Channel.

Bisitahin po ninyo lahat ng social media platforms ni Jed para sa update!

ALAN, PIA AND BOY CHALLENGED AS THEY TAKE ON ALLEGED VOYEURISM CASE

Alan, Pia and Boy challenged as they take on alleged voyeurism case

“We can’t really judge, we can just give guidelines.”

That was how Senator Alan Peter Cayetano concluded the episode of ‘CIA with BA’ on Sunday, April 14.

In the ‘Case 2 Face’ segment, Mary Jane, together with her husband June, complained about their neighbor Jeric for allegedly leering at her a couple of times while taking a bath.

Based on the photo they showed, the bathroom has a ventilation space where Jeric supposedly placed his phone taking a video of Mary Jane.

“‘Pag ikaw ay nabastos, nahipuan, nabosohan, it’s not the same but it’s almost the same feeling ng na-rape ka or [to] put it in another word, sa English, na-violate ka. So natrau-trauma ka do’n,” Kuya Alan said as he, along with co-hosts Pia Cayetano and Boy Abunda, dissected the details of the issue.

“Sa sakop ng batas na Anti-Photo and Video Voyeurism Act, ‘yung pagkuha pa lang ng picture or video do’n sa private parts, kahit hindi siya nakahubad, pero let’s say naka-underwear, na waang consent nung isang tao, it’s already a crime na ‘yung kulang niya is three to seven years, and Php100,000 to Php500,000 ang fine,” Ate Pia explained.

Jeric and his wife Jhea Mae strongly denied the accusation because according to him, he was just looking for his pet chicken at that time, which was around 4:00 a.m.

“‘Pag naghahanap ka kasi ng manok nang 4AM at may naliligo, nando’n, syempre kahit sino parang, ‘hindi ka ba natatakot na umikot-ikot sa lugar na hindi mo lugar?’ Halimbawa nabaril ka nung time na ‘yon, baka ikaw nasa tama pero patay ka,” Kuya Alan said to Jeric.

The situation between the neighbors became worse as June hurt Jeric physically in front of their house.

“[Possible na] maiintindihan nung piskal at judge ‘yon, e. Pwede pang sabihin na parang dinedepensahan mo asawa mo. Pero ‘yung sinundan mo na sa bahay, kahit sabihin mong mainit ulo… at sinaktan mo, malamang kasuhan ka rin ng piskal ng physical injuries,” Kuya Alan told June. “When you take the law into your own hands, meron na rin silang ikakaso sa ‘yo.”

While Jeric already hoped to settle the issue with the complainant, Mary Jane said she would be happy if Jeric will be punished.

“[Kahit] maghapon lang po siyang makulong, masayang-masaya na po ako,” she said.

The lawmaker hosts then advised Mary Jane to bring the case from barangay to fiscal level.

“Parati tayong may natututunan. Minsan nae-expect natin ‘yung ending, minsan hindi. May biglang twist dyan… pero minsan, talagang mabigat ‘yung sitwasyon, we can’t really judge… we can just give guidelines,” Kuya Alan noted. “Lahat ng ating actions ay may consequences. Kontrolado natin kung ano ang ating gagawin pero hindi natin kontrolado ‘yung consequence. Mag-isip talaga tayo twice before we say or do something na pwedeng makasakit sa iba.”

For his part, Tito Boy shared his takeaway: “I want to be cautious dahil natutunan ko sa buhay na ito that sometimes, what’s seen is not always what is. Kaya nga meron tayong batas na nangangailangan ng ebidensya, nangangailangan ng vetting, nangangailangan ng witnesses, para makasiguro lahat ng ito dahil we want to be fair.”

‘CIA with BA’ carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

Hosted by Alan, Pia, and Boy, ‘CIA with BA’ airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday, 10:30 p.m.

ALAN, PIA AT BOY, NAHIRAPAN SA REKLAMO TUNGKOL SA PAMBOBOSO

Alan, Pia and Boy, nahirapan sa reklamo tungkol sa pamboboso

“We can’t really judge, we can just give guidelines.”

Ito ang nasabi ni Senador Alan Peter Cayetano bilang panapos sa episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Abril 14.

Sa segment na ‘Case 2 Face,’ dumulog si Mary Jane kasama ang asawang si June tungkol sa di umano’y paulit-ulit na pamboboso ng kapitbahay na si Jeric habang siya ay naliligo. Ayon sa larawan na ipinakita nila sa programa, may butas ang pader ng banyo kung saan daw inilagay ni Jeric ang kanayng phone na gamit sa pagkuha ng video.

“‘Pag ikaw ay nabastos, nahipuan, nabosohan, it’s not the same but it’s almost the same feeling ng na-rape ka or [to] put it in another word, sa English, na-violate ka. So natrau-trauma ka do’n,” saad ni Kuya Alan habang hinihimay ang mga detalye ng isyu kasama ang mga co-host na sina Pia Cayetano at Boy Abunda.

“Sa sakop ng batas na Anti-Photo and Video Voyeurism Act, ‘yung pagkuha pa lang ng picture or video do’n sa private parts, kahit hindi siya nakahubad, pero let’s say naka-underwear, na waang consent nung isang tao, it’s already a crime na ‘yung kulang niya is three to seven years, and Php100,000 to Php500,000 ang fine,” paliwanag ni Ate Pia explained para sa kaalaman ng bawat isa.

Kasama naman ang kanyang asawang si Jhea Mae, mariing itinanggi ni Jeric ang akusasyon ni Mary Jane dahil ayon naman sa kanya, hinahanap niya lang ang alagang manok nang mga oras na iyon bandang alas-kwatro ng madaling-araw.

“‘Pag naghahanap ka kasi ng manok nang 4AM at may naliligo, nando’n, syempre kahit sino parang, ‘hindi ka ba natatakot na umikot-ikot sa lugar na hindi mo lugar?’ Halimbawa nabaril ka nung time na ‘yon, baka ikaw nasa tama pero patay ka,” sabi ni Kuya Alan kay Jeric.

Mas lumala pa ang sitwasyon dahil nauwi ito sa pananakit ni June kay Jeric.

“[Possible na] maiintindihan nung piskal at judge ‘yon, e. Pwede pang sabihin na parang dinedepensahan mo asawa mo. Pero ‘yung sinundan mo na sa bahay, kahit sabihin mong mainit ulo… at sinaktan mo, malamang kasuhan ka rin ng piskal ng physical injuries,” sabi naman ni Kuya Alan kay June. “When you take the law into your own hands, meron na rin silang ikakaso sa ‘yo.”

Bagamat gusto na sanang makipag-ayos ni Jeric sa nagrereklamo, nanindigan naman ni Mary Jane sa kagustuhang maparusahan si Jeric.

“[Kahit] maghapon lang po siyang makulong, masayang-masaya na po ako,” aniya.

Dito, pinayuhan na ng mga host na mambabatas si Mary Jane na idiretso na ang kaso sa piskal.

“Parati tayong may natututunan. Minsan nae-expect natin ‘yung ending, minsan hindi. May biglang twist dyan… pero minsan, talagang mabigat ‘yung sitwasyon, we can’t really judge… we can just give guidelines,” sabi ni Kuya Alan. “Lahat ng ating actions ay may consequences. Kontrolado natin kung ano ang ating gagawin pero hindi natin kontrolado ‘yung consequence. Mag-isip talaga tayo twice before we say or do something na pwedeng makasakit sa iba.”

Ibinahagi naman ni Tito Boy ang kanyang takeaway: “I want to be cautious dahil natutunan ko sa buhay na ito that sometimes, what’s seen is not always what is. Kaya nga meron tayong batas na nangangailangan ng ebidensya, nangangailangan ng vetting, nangangailangan ng witnesses, para makasiguro lahat ng ito dahil we want to be fair.”

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi.

SENATOR BONG REVILLA KASADO NA ANG PELIKULANG ENTRY NIYA SA MMFF 2024

Sa kabila ng napakaraming intriga at pagsubok na dumating sa ilang dekadang pagsasama at pagmamahalan nina Senator Bong Revilla Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla ay napanatili nilang maging matibay at hindi nagpatinag sa kanilang sinumpaan noong magsasama sila sa hirap at ginhawa pang-habambuhay!

Yan ang aming nabatid last Sunday sa aming espesyal na pananghalian ng PMPC sa Victorinos Restaurant sa Quezon City kasama ang pinakamamahal naming Senador na si Bong Revilla Jr.

Mahaba-habang kuwentuhan o tsikahan dahil medyo na-miss namin si Senator Bong. Nandiyan ang kuwentuhan patungkol sa kanyang pribadong buhay. Kuwentuhan patungkol sa kanyang politician's life at kuwentuhan patungkol naman sa mga aabangan natin sa kanya sa mundo ng showbizlandia.

Sa mga nasambit ng Senador, hindi na raw muna matutuloy ang isang pelikulang pagsasamahan nila nina Lito Lapid at Coco Martin.

Ibinalita rin nitong humahataw naman sa ratings ang kanyang linggohang show na ' Walang Matinik Na Pulis sa Matinik Na Misis ' sa bakuran ng GMA Channel 7.

Since paparating na ang taunang Metro Manila Film Festival ay naitanong na rin sa kanya ang kanyang pagsali ngayong taon. 

Mukhang tuloy na tuloy na nga ang pelikulang itatampok niya ngayong taon na may pamagat na ' Alyas Pogi ' kapag pinalad daw itong mapili ng MMDA.

Aniya, besing-besi man daw siya sa pulitika, dapat nangunguna pa rin daw ang pagmamahal niya sa industriya! 

Kanya ring sinabing naglalakihang artista ang tampok sa pelikulang ' Alyas Pogi ' na hindi paraw niya puwedeng sabihin sa ngayon.

Patunay lang na magbabalik-pelikula na rin siya ngayong taon! 

PLUS-SIZE COMMUTERS NOT OBLIGED TO PAY EXTRA FARE

‘Plus size’ commuters not obliged to pay extra fare

Instead of treating her as a victim, public service program ‘CIA with BA’ hailed a complainant as a hero in the episode on Sunday, April 7.

In the ‘Payong Kapatid’ segment, Florence sought help and advice about the discrimination she experiences when riding public transportation.

“Minsan, hindi po ako hinihintuan or sinisingil po [ako] ng [pang]-dalawang tao. Minsan po kahit magbayad ng [pang]-dalawang tao, marami pa rin pong sinasabi,” she shared.

“Meron po ba akong karapatan na ‘di magbayad nang mahigit [sa] isa at magreklamo…?” Florence asked.

“Usually [ang] humihingi ng advice ay victim but I want you to know, you’re a hero because ang dami-daming nakaka-experience ng discrimination, not necessarily because of one reason, but just because they’re different without knowing that we’re all different. Kaya nga tayo unique e,” Senator Alan Peter Cayetano told her before addressing her issue.

“I just want you to know that you’re a hero because it’s difficult when you’re different or you think you’re different, or other people tutuksuhin ka for being different and may mga typecast of what a wonderful person is,” he added.

“One thing that we will do immediately is to inform the transportation secretary [na], ‘You know there’s this problem,’” Kuya Alan said. “They have to find a way to communicate sa lahat ng public transport na kung may discrimination na nangyayari and how to deal with it.”

He explained that here in the Philippines, there is no general law on discrimination.

“Unlike, for example, violance against women and their children — may general law about that… In this case kasi, per situation. And then while generally public transportation is a franchise or certificate of public convenience, meaning ‘yan ay privilege, hindi ‘yan karapatan, so ‘pag binigay ‘yan, may mga kasama usually ‘yan na general guidelines of how you take care of your passenger,” he said.

Kuya Alan stressed that one “shouldn’t have to pay extra.”

“Our lawyers were saying na sometimes ‘pag may kasama siya or elderly or malaki, sila na nag-o-offer, let’s say sa FX, para hindi na tignan ng driver. But they cannot demand and they cannot even tease you about it,” he added.

For her part, Pia Cayetano reiterated: “We just have to bring it to the attention of the agencies na if it’s not a safety issue, then they should make it clear na kailangan naman talaga.”

“But the most important thing is you should never feel discriminated,” she told Florence.

‘CIA with BA’ carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

Hosted by Alan, Pia, and Boy, ‘CIA with BA’ airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday, 10:30 p.m.

 

PLUS-SIZE COMMUTER HINDI OBLIGADONG MAGBAYAD NG DAGDAG-PAMASAHE

Plus-size commuter, hindi obligadong magbayad ng dagdag-pamasahe!

Imbes na biktima, itinuring na bayani ng ‘CIA with BA’ ang isang nagreklamo sa episode nitong Linggo, Abril 7.

Sa segment na ‘Payong Kapatid,’ dumulog si Florence upang humingi ng payo tungkol sa diskriminisayon na kanyang nararanasan sa tuwing sumasakay ng mga pampublikong sasakyan.

“Minsan, hindi po ako hinihintuan or sinisingil po [ako] ng [pang]-dalawang tao. Minsan po kahit magbayad ng [pang]-dalawang tao, marami pa rin pong sinasabi,” malungkot na ibinahagi ng dalaga.

“Meron po ba akong karapatan na ‘di magbayad nang mahigit [sa] isa at magreklamo…?” tanong ni Florence.

“Usually [ang] humihingi ng advice ay victim but I want you to know, you’re a hero because ang dami-daming nakaka-experience ng discrimination, not necessarily because of one reason, but just because they’re different without knowing that we’re all different. Kaya nga tayo unique e,” sabi sa kanya ni Senador Alan Peter Cayetano bago himayin ang isyu.

“I just want you to know that you’re a hero because it’s difficult when you’re different or you think you’re different, or other people tutuksuhin ka for being different and may mga typecast of what a wonderful person is,” dagdag niya.

“One thing that we will do immediately is to inform the transportation secretary [na], ‘You know there’s this problem,’” sinigurado ni Kuya Alan. “They have to find a way to communicate sa lahat ng public transport na kung may discrimination na nangyayari and how to deal with it.”

Paliwanag niya na dito sa Pilipinas, walang general law pagdating sa anti-discrimination.

“Unlike, for example, violance against women and their children — may general law about that… In this case kasi, per situation. And then while generally public transportation is a franchise or certificate of public convenience, meaning ‘yan ay privilege, hindi ‘yan karapatan, so ‘pag binigay ‘yan, may mga kasama usually ‘yan na general guidelines of how you take care of your passenger,” aniya.

Diin ni Kuya Alan na “there shouldn’t [have] a discrimination” at ang sino man “shouldn’t have to pay extra.”

“Our lawyers were saying na sometimes ‘pag may kasama siya or elderly or malaki, sila na nag-o-offer, let’s say sa FX, para hindi na tignan ng driver. But they cannot demand and they cannot even tease you about it,” dagdag niya.

Para naman kay Ate Pia Cayetano, ipinaulit niya na: “We just have to bring it to the attention of the agencies na if it’s not a safety issue, then they should make it clear na kailangan naman talaga.”

“But the most important thing is you should never feel discriminated,” sabi niya kay Florence.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi.

ICE SEGUERRA'S VIDEOKE HITS YOUR ULTIMATE KARAOKE EXPERIENCE THIS COMING MAY 10 & 11 2024 LIVE AT THE MUSIC MUSEUM

Ice Seguerra’s ‘Videoke Hits,’ Your Ultimate Karaoke Experience

Manila, Philippines – Unleash your inner superstar, step into the spotlight, and grab the songbook and the mic because Ice Seguerra is set to bring a one-of-a-kind videoke concert experience in his first concert this 2024, ‘Videoke Hits,’ which will be held at the Music Museum on May 10 and 11.

A celebration of the songs we love, together with an OPM icon, ‘Videoke Hits’ aims to be a haven for Filipino videoke lovers who are in for a memorable jamming session.

“My favorite pastime is singing talaga. We even have our own portable videoke machine that I bring everywhere with me. Whenever I want to destress, all I  need is to look for a mic, go to youtube for lyrics, solb na! “ Ice Seguerra muses.

Ice is set to ignite the stage with a karaoke vibe unlike any other, allowing fans to experience their favorite hits with a twist only Ice can deliver. From timeless ballads to contemporary chart-toppers, the setlist will feature a diverse range of songs handpicked by who else—his fans!

“One trivia about me pag nagbibidyoke ako,  I don’t want to sing my own songs kasi feeling ko, trabaho. So sa videoke ko nilalabas yung mga paborito kong kanta na hindi ko makanta sa shows- from birit songs to broadway to just about anything.  That’s why I’m so excited about VIDEOKE HITS becauseI get to sing and perform my favorite videoke songs and share it with my fans, of course with the Ice twist.” he continues.

“As a producer and creative director of this latest concert, VIDEOKE HITS, our challenge is to create a real videoke experience inside the Music Museum where the audience would feel na ka-videoke nila sa Ice. This will be different from Ice’s shows because this concert is more interactive. The guests get to request their songs in real time! They get to sing along with Ice, and we have jammers who will perform onstage with him. Without spoiling the fun, I also want to share na sasayaw si Ice. So yes, dun pa lang, ibang Ice Seguerra ang maeexperience dito.” Liza Dino-Segeuerra, CEO of Fire and Ice LIVE!, shares to the press.

Join the party and be part of this communal experience! What should you look forward to at the concert?

With Ice, Please! – Belt out popular videoke classics as Ice leads the charge in what's set to be the most engaging concert you've been to!

Jam with Ice – Prepare for a night of collaboration and surprises as Ice invites special guests to the stage, ensuring that the hits keep coming and the energy never fades.

Watch Ice 'Ice-fy' Your Favorites – Anticipate a twist on karaoke classics with Ice's unique renditions. It's a fresh take on the songs you know by heart, 'Ice-fied' to perfection.

Produced by Fire and Ice LIVE and presented by KATINKO,  ‘Videoke Hits’ with Ice Seguerra is more than just a concert. It's a celebration of our videoke culture and a chance to participate in the Philippines’ National Sport: Videoke Singing.

Tickets are available at Ticketworld with the following categories and prices:

VVIP: ₱7210

VIP: ₱5150

Orchestra Side A: ₱3605

Orchestra Side B: ₱2060

Balcony: ₱1545

Add-Ons: Soundcheck Experience ₱2000, Meet & Greet Ice ₱1500

Get your tickets at the Ticket World website.

Use the official concert hashtags #VideokeHitsNiIce ,#IceSeguerra, and follow us on our social media platforms for all the latest updates.

Instagram & TikTok: @iceseguerra @FireandicePH

Facebook: Ice Seguerra FireandicePH

Twitter: @iceseguerra @FireandicePH

Save the dates, buy tickets, warm up your vocal cords, and prepare for the karaoke event of the year!


MAY KARAPATAN KA BA KUNG NAKAPANGALAN SA LIVE-IN PARTNER MO ANG NAIPUNDAR NIYO?

May karapatan ka ba kung nakapangalan sa live-in partner mo ang naipundar niyo?

“Magtanong sa abogado para protektado.”

Ito ang payo ni Senador Alan Peter Cayetano bilang panapos sa kanyang payo kay Ricca na kumonsulta tungkol sa kanyang karapatan sa lupa na kanyang naipundar kasama ang live-in partner.

“Medyo matagal na po kaming magka-live-in ng boyfriend ko. We’re both of legal age and pareho naman po kaming single when we started the relationship. I can say happy naman po ako with the relationship. Eventually, nakapagpundar po kami kahit papaano ng lupa and do’n po ngayon nakatayo ‘yung bahay namin,” kwento ni Ricca sa ‘CIA with BA’ segment na ‘Yes or No’ sa episode nitong Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31.

“So ‘yung lupa, nakapangalan po sa kanya,” ibinunyag niya..

Agad niyang tinanong sina Kuya Alan at kapatid nitong si Pia Cayetano: “Meron po ba ‘kong karapatan do’n sa lupa?”

“Yes, may karapatan ka,” deretsong sagot ni Pia.

“Ang napaka-importante na fact sa situation mo ay may legal capacity to marry kayong dalawa. Walang hadlang. So nung nagsama kayo, walang hadlang… the law considers you na para namang mag-asawa and therefore, ‘yung sweldo niyo while you’re living together, will be shared equally,” giit ng senador.

“And then kung may property kayo. like [‘yung] sinabi mo naipundar, you are governed by co-ownership. Sa madaling salita, hati din kayo doon,” paliwanag niya.

Nagbigay naman ng babala si Kuya Alan sa mga manonood na maaarng nasa kaparehong sitwasyon ni Ricca.

“It’s always safe na maganda [ang] accounting niyo at nasa pangalan niyong dalawa. Bakit? E pa’no kung niloko ka?” sabi niya.

“Halimbawa, meron si Maria at si Pedro. Sinabi ni Pedro, ‘Single ako. O, hati tayo, nabili mo ‘yung lupa.’ Later on lumabas, may asawa pala si Pedro at hinahabol ngayon [nung asawa],” Alan continued.

“So sa batas, kung actual na nag-contribute ka, mababalik sa ‘yo ‘yon. Pagka hindi actual na pera, halimbawa ‘yung housework mo, hindi maka-count ‘yon, wala kang parte do’n,” paliwanag ni Kuya Alan.

“E pa’no kung sabihin nung asawa, ‘Hindi, zero kinontribute niyan.’ Tapos wala kayong dokumento, nasa pangalan lang nung lalake, [may] problema ka,” giit din niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi.