ALAN, PIA AT BOY, NAHIRAPAN SA REKLAMO TUNGKOL SA PAMBOBOSO

Alan, Pia and Boy, nahirapan sa reklamo tungkol sa pamboboso

“We can’t really judge, we can just give guidelines.”

Ito ang nasabi ni Senador Alan Peter Cayetano bilang panapos sa episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Abril 14.

Sa segment na ‘Case 2 Face,’ dumulog si Mary Jane kasama ang asawang si June tungkol sa di umano’y paulit-ulit na pamboboso ng kapitbahay na si Jeric habang siya ay naliligo. Ayon sa larawan na ipinakita nila sa programa, may butas ang pader ng banyo kung saan daw inilagay ni Jeric ang kanayng phone na gamit sa pagkuha ng video.

“‘Pag ikaw ay nabastos, nahipuan, nabosohan, it’s not the same but it’s almost the same feeling ng na-rape ka or [to] put it in another word, sa English, na-violate ka. So natrau-trauma ka do’n,” saad ni Kuya Alan habang hinihimay ang mga detalye ng isyu kasama ang mga co-host na sina Pia Cayetano at Boy Abunda.

“Sa sakop ng batas na Anti-Photo and Video Voyeurism Act, ‘yung pagkuha pa lang ng picture or video do’n sa private parts, kahit hindi siya nakahubad, pero let’s say naka-underwear, na waang consent nung isang tao, it’s already a crime na ‘yung kulang niya is three to seven years, and Php100,000 to Php500,000 ang fine,” paliwanag ni Ate Pia explained para sa kaalaman ng bawat isa.

Kasama naman ang kanyang asawang si Jhea Mae, mariing itinanggi ni Jeric ang akusasyon ni Mary Jane dahil ayon naman sa kanya, hinahanap niya lang ang alagang manok nang mga oras na iyon bandang alas-kwatro ng madaling-araw.

“‘Pag naghahanap ka kasi ng manok nang 4AM at may naliligo, nando’n, syempre kahit sino parang, ‘hindi ka ba natatakot na umikot-ikot sa lugar na hindi mo lugar?’ Halimbawa nabaril ka nung time na ‘yon, baka ikaw nasa tama pero patay ka,” sabi ni Kuya Alan kay Jeric.

Mas lumala pa ang sitwasyon dahil nauwi ito sa pananakit ni June kay Jeric.

“[Possible na] maiintindihan nung piskal at judge ‘yon, e. Pwede pang sabihin na parang dinedepensahan mo asawa mo. Pero ‘yung sinundan mo na sa bahay, kahit sabihin mong mainit ulo… at sinaktan mo, malamang kasuhan ka rin ng piskal ng physical injuries,” sabi naman ni Kuya Alan kay June. “When you take the law into your own hands, meron na rin silang ikakaso sa ‘yo.”

Bagamat gusto na sanang makipag-ayos ni Jeric sa nagrereklamo, nanindigan naman ni Mary Jane sa kagustuhang maparusahan si Jeric.

“[Kahit] maghapon lang po siyang makulong, masayang-masaya na po ako,” aniya.

Dito, pinayuhan na ng mga host na mambabatas si Mary Jane na idiretso na ang kaso sa piskal.

“Parati tayong may natututunan. Minsan nae-expect natin ‘yung ending, minsan hindi. May biglang twist dyan… pero minsan, talagang mabigat ‘yung sitwasyon, we can’t really judge… we can just give guidelines,” sabi ni Kuya Alan. “Lahat ng ating actions ay may consequences. Kontrolado natin kung ano ang ating gagawin pero hindi natin kontrolado ‘yung consequence. Mag-isip talaga tayo twice before we say or do something na pwedeng makasakit sa iba.”

Ibinahagi naman ni Tito Boy ang kanyang takeaway: “I want to be cautious dahil natutunan ko sa buhay na ito that sometimes, what’s seen is not always what is. Kaya nga meron tayong batas na nangangailangan ng ebidensya, nangangailangan ng vetting, nangangailangan ng witnesses, para makasiguro lahat ng ito dahil we want to be fair.”

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi.

No comments:

Post a Comment