May karapatan ka ba kung nakapangalan sa live-in partner mo ang naipundar niyo?
“Magtanong sa abogado para protektado.”
Ito ang payo ni Senador Alan Peter Cayetano bilang panapos sa kanyang payo kay Ricca na kumonsulta tungkol sa kanyang karapatan sa lupa na kanyang naipundar kasama ang live-in partner.
“Medyo matagal na po kaming magka-live-in ng boyfriend ko. We’re both of legal age and pareho naman po kaming single when we started the relationship. I can say happy naman po ako with the relationship. Eventually, nakapagpundar po kami kahit papaano ng lupa and do’n po ngayon nakatayo ‘yung bahay namin,” kwento ni Ricca sa ‘CIA with BA’ segment na ‘Yes or No’ sa episode nitong Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31.
“So ‘yung lupa, nakapangalan po sa kanya,” ibinunyag niya..
Agad niyang tinanong sina Kuya Alan at kapatid nitong si Pia Cayetano: “Meron po ba ‘kong karapatan do’n sa lupa?”
“Yes, may karapatan ka,” deretsong sagot ni Pia.
“Ang napaka-importante na fact sa situation mo ay may legal capacity to marry kayong dalawa. Walang hadlang. So nung nagsama kayo, walang hadlang… the law considers you na para namang mag-asawa and therefore, ‘yung sweldo niyo while you’re living together, will be shared equally,” giit ng senador.
“And then kung may property kayo. like [‘yung] sinabi mo naipundar, you are governed by co-ownership. Sa madaling salita, hati din kayo doon,” paliwanag niya.
Nagbigay naman ng babala si Kuya Alan sa mga manonood na maaarng nasa kaparehong sitwasyon ni Ricca.
“It’s always safe na maganda [ang] accounting niyo at nasa pangalan niyong dalawa. Bakit? E pa’no kung niloko ka?” sabi niya.
“Halimbawa, meron si Maria at si Pedro. Sinabi ni Pedro, ‘Single ako. O, hati tayo, nabili mo ‘yung lupa.’ Later on lumabas, may asawa pala si Pedro at hinahabol ngayon [nung asawa],” Alan continued.
“So sa batas, kung actual na nag-contribute ka, mababalik sa ‘yo ‘yon. Pagka hindi actual na pera, halimbawa ‘yung housework mo, hindi maka-count ‘yon, wala kang parte do’n,” paliwanag ni Kuya Alan.
“E pa’no kung sabihin nung asawa, ‘Hindi, zero kinontribute niyan.’ Tapos wala kayong dokumento, nasa pangalan lang nung lalake, [may] problema ka,” giit din niya.
Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi.
No comments:
Post a Comment