PATULOY ANG PAGKINANG NG BITUIN AT PAGBUHOS NG BIYAYA KENA KARLA AT DANIEL KAHIT DINARANAS NITO NGAYON ANG PANGHUHUSGA AT PANLALAIT MULA SA MGA TAONG PILIT SILANG TINATAPAKAN

Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng madlang pipol sa hiwalayang ito. Nahati ang KathNiel sa totoo lang. Nagkaroon ng kanya-kanyang kampo ang maka-Daniel at maka-Kathryn. Nagkaroon ng patutsadahan ng mga salitang hindi naman dapat dahil sa totoo lang ay hiwalayan ito ng dalawa at desisyon nilang pareho ang mag- partways after 11 years. 

Just wanna say my piece. Hiwalayan ito ng dalawang magkasintahan. Hindi po natin hawak ang kanilang damdamin. Sa puntong iyon, napakarami ang humusga at nanlait sa pagkatao ni Daniel Padilla. Nakakagulat dahil dinikdik nila ang isang taong walang kalaban-laban sa giyera lalo na't mag-isa siya. Kung anu-ano ang nasabi kay Daniel ng mga taong hindi rin naman siya lubusang kilala lalo na ang pamilya nito. Hindi ko lubos maisip na sa puntong iyon ay umiral ang panghuhilusga kay Daniel na ang dapqt nating ginawa ay nanahimik lang at binalanse ang bagay-bagay at walang kinampihan kundi bagkos ay gumawa pa sana tayo ng paraan upang maging mas magaan ang mundo ng dalawa at hindi yung nanghusga kaagad tayo na hindi naman natin alam ang totoo at hindi tayo ang boss ng dalawa.

Anak-anakan ko si Daniel Padilla. Naka-crib pa lamang si DJ ay nandun na ako bilang kaibigan at pamilya na rin nina Karla. Nakita at nasaksihan ko ang paglaki ni DJ at kung paano ito pinalaki ni Karla. Sa hirap ng pinagdaanang buhay ng mag-iina ay halos nakasalo ko sila mula sa kawalan hanggang sa magkaroon na sila at hindi nila akp kailanman pinabayaan at tinalikuran.

Masakit para sa akin ang ginawa ng ilang tao kay DJ at kay Karla simula noong Disyembre hanggang ngayon na tila napakalaki ng kasalanan ng dalawa sa mundong kanilang ginagalawan na pinutakte ng panghuhusga at pagbibintang na ako ay nanahimik lang ay ngayon lang maglalahad ng aking nararamdaman.

Sige, unahin na natin ang isyung pilit ninyong pinupukol kay DJ na kesyo ang hiwalayan nila ni Kathryn ay senyales na ng kanyang paglubog. Masamang panghuhusga ito kay Daniel dahil simulang maging artista si Daniel, from day 1 till today ay pinatunayan niyang mahusay siyang aktor sa pelikula at telebisyon at nanalo na rin siya ng tropeo sa ilang award giving bodies bilang pinaka-mahusay na aktor ng kanyang henerasyon. Isama na rin po natin ang mga pinilahang sold-out concert niya at mabentang recording career.

Sinasabi pang wala ng career si DJ after ng hiwalayan nila. Hindi po totoo yan. Dahil next month ay pipirma na ulit siya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN kaya hindi totoong aalis na siya sa Star Magic kundi mananatili siyang Kapamilya at naglalakihang proyekto ang nakatakda niyang gawin sa Kapamilya this year.

May nasabi pang magsasara na lahat ng kanyang negosyo. Aminado kaming may mga isasara siya ritong negosyo pero abangan niyo ang malaking negosyo niyang kanyang bubuksan sa Japan at kung saan-saan pa. 

Nabalita ring naghihirap na siya. Kaya nagbenta ng kanyang mamahaling sasakyan? Again, fake news ito dahil ako mismo ay nakita ko ang lahat ng sasakyang meron si Daniel. Yang kanyang corvette car ay nabenta napo yan 2016 pa. Malinaw? 2016 papo ito nabenta at nagkaroon na ng iba't ibang sasakyan pa si Daniel. Sana po maliwanag! 

Balita ring mangingibang bansa na si Daniel? Huh? Hindi rin ito totoo! Dito parin maninirahan si Daniel at dito parin magtatrabaho ang anak-anakan ko!

Maliwanag po na patuloy sa pagkinang ang isang Daniel Padilla kaya tantanan na ninyo ang mga memes at fake news na binabato at ginagawa ninyo sa kanya.

Hindi ko rin palalampasin ang isyung pinupukol ninyo sa ina ni Daniel na si Karla na isang kaibigan ko. Lalo na ang balitang may utang ito sa ina ni Kathryn Bernardo kaya nagbebenta na ng ari-arian. Sana bago kayo magkalat ng fake news at magkalat sa pagbabalita ninyo ay nagtanong-tanong muna kayo kung ito ay totoo o hindi! Hindi yung may maibalita lang kayo at pagkakakitaan niyo ang fake news na ilalantad niyo ay gow na gow na kayo! Maging patas sana kayo!

Yes! Totoong binebenta na ng pamilya Ford ang kanilang kauna-unahang naipundar na bahay sa Dona Petrona sa halagang 50 Million pesos. Pero last year pa ito naging for sale bago pa man naghiwalay ang KathNiel. 

Kung tatanungin niyo ako kung bakit binebenta na nila ang naturang bahay na katabi lang din ng naipundar na solong bahay ni Daniel, respituhin natin ang kanilang dahilan. Pero ang dahilan ng pagbebenta ay isang desisyong mas maganda ang kalalabasang plano ng mag-iina para sa akin. Maging si Karla ay nagsabing maraming pangyayari sa naturang bahay na kailangan niyang malimutan at pupuwesto sa bandang South kung saan mas matiwasay at mas maganda ang kapaligiran. 

Isang simpleng bahay na malapad ang lupain at masisilayan ang pagtaas at paglubog ng araw ang bagong setting ng bagong bahay ni Karla at excited na siya kasama ng kanyang buong pamilya rito. Nilinaw rin ni Karla na hindi kasama sa binebenta ang bahay ni Daniel na katabi ng kanilang naunang bahay dahil mismong si Daniel narin ang nagsabing huwag ito ibenta!

For your info lang po, hindi lang yan ang bahay ni Daniel kundi meron din siyang property pa sa isang mamahaling lugar ng Makati at kung saan-saan pa kaya hindi totoong namumulubi na siya o sila!

Hindi rin po totoong tag-gutom na ang buong pamilya kaya binibenta na ang bahay. Like what i said kanina, mas maganda at kanais-nais ang magiging resulta ng desisyong pagbebenta at tama lang. Nandiyan ang radio show ni Karla sa ABS-CBN tuwing sabado gaboon din ang kanyang tv show na Face 2 Face sa TV5 at isama pa natin ang pagiging aktibo niyang representante ng Tingog Partylist at nandiyan parin naman ang ilan niyang negosyo!

Huwag nating ibagsak ang Ford family! Ayon pa sa kasabihan, hinding-hindi mo mapapabagsak ang mabuting tao laban sa kasamaan. Let us all just be kind and pray para sa ating kapwa sa bawat pagsubok na pinagdadaanan nila. Hindi yung tuwang-tuwa tayong hinuhusgahan pa sila. 

Saganang akin at pagkakaalam ko, patuloy ang buhay sa pamilya FORD. Patuloy ang magagandang biyaya at magagandang oprtunidad! I love you Daniel and Karla at buong pamilya FORD! 

Continue shining!!!

MAGKAIBIGAN NAGKASIRAAN DAHIL SA FIVE THOUSAND, PINAG-AYOS NG CIA WITH BA

Magkaibigan, nagkasiraan dahil sa five thousand, pinag-ayos ng ‘CIA with BA’

“It’s difficult to do but let’s all try to tame our tongue.”

Ito ang mga salitang binitiwan ni Kuya Alan Peter Cayetano, kasama ang kapatid na si Pia at co-host na si Boy Abunda, bilang panapos sa episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Enero 21.

Sa segment na ‘Case 2 Face’, inireklamo ni Annaliza Dinquil ang kumareng si Daisy Bon na pinautang niya ng P5,000.00. Ayon kay Annaliza, pumayag siyang pautangin ang kaibigan dahil nakumbinsi siyang ito ay magkakaroon ng tubo o interes. Subalit hindi ito natupad ni Daisy dahil na rin sa iba pang utang at problemang pinansyal.

Mas lumala pa ang kanilang sitwasyon dahil sa mga paninira na binitiwan laban sa isa’t-isa sa kanilang mga kapitbahay.

“Kung ang problema ay pera, ‘wag na magsalita ng iba na hindi tungkol do’n sa utang,” diin ni Alan. “Kung ang problema [ay] may nasaktan, ‘yun lang [ang pag-usapan]. ‘Pag dinagdagan mo, dagdag din ‘yung problema.”

Sa pagtatapos ng segment, humingi naman ng tawad si Daisy, mula kay Annaliza.

“Humihingi ako ng tawag sa’yo, sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa’yo. Pasensya na talaga,” aniya. “‘Yung utang, babayaran naman kita pero hindi ko masasabi sa ’yo kung kailan at anong araw dahil alam mong walang-wala ako ngayon.”

“Willing naman akong intindihin. Lagi naman kitang iniintindi. Dahil lang sa pera tuloy, ‘yung friendship nawawala,” maluwag na sagot ni Annaliza kay Daisy.

“The earlier [na] ma-solve ang problema, the better. And then ‘yung nasa Bible, ‘Tame your tongue,’” pagninilay ni Alan sa sitwasyon ng dalawa.

Para naman kay Tito Boy: “I will build on what Kuya Alan said: ‘tame our tongue.’ Dahil the power of words, iingatan natin.”

“Minsan ‘yung utang napapag-usapan e. Pero pag nagbitaw ka ng mga salita na masasakit, ang hirap bawiin. Ika-nga, ang hirap pulutin ng mga salitang masakit na binitawan mo laban sa isang tao,” dagdag niya.

Nangako rin ang ‘CIA with BA’ na magbibigay ng tulong para sa pang-araw-araw na kakailanganin nila.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.

CIA WITH BA : TWO FRIENDS RECONCILE FOLLOWING RIFT OVER 5,000

CIA with BA: Two friends reconcile following rift over P5,000

“It’s difficult to do but let’s all try to tame our tongue.”

This is what Alan Peter Cayetano told as he, together with sister Pia and co-host Boy Abunda, concluded an episode of ‘CIA with BA’ on Sunday, January 21.

In the ‘Case 2 Face’ segment, Annaliza Dinquil complained about her friend Daisy Bon to whom she lent P5,000.00. The former said that she granted the latter’s loan because she was enticed by the payment arrangement with interest. However, Daisy has not been able to meet her payment schedules due to other financial problems.

What made their situation worse were the gossip they shared with other people around their neighborhood.

“Kung ang problema ay pera, ‘wag na magsalita ng iba na hindi tungkol do’n sa utang,” Alan stressed. “Kung ang problema [ay] may nasaktan, ‘yun lang [ang pag-usapan]. ‘Pag dinagdagan mo, dagdag din ‘yung problema.”

Daisy, at the end of the segment, asked for Annaliza’s forgiveness.

“Humihingi ako ng tawag sa’yo, sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa’yo. Pasensya na talaga,” she said. “‘Yung utang, babayaran naman kita pero hindi ko masasabi sa ’yo kung kailan at anong araw dahil alam mong walang-wala ako ngayon.”

In response, Annaliza told Daisy: “Willing naman akong intindihin. Lagi naman kitang iniintindi. Dahil lang sa pera tuloy, ‘yung friendship nawawala.”

Reflecting on the situation, Alan said: “The earlier [na] ma-solve ang problema, the better. And then ‘yung nasa Bible, ‘Tame your tongue.’”

For his part, Abunda concluded: “I will build on what Kuya Alan said: ‘tame our tongue.’ Dahil the power of words, iingatan natin.”

“Minsan ‘yung utang napapag-usapan e. Pero pag nagbitaw ka ng mga salita na masasakit, ang hirap bawiin. Ika-nga, ang hirap pulutin ng mga salitang masakit na binitawan mo laban sa isang tao,” he added.

‘CIA with BA’ also pledged to give them assistance that may help them with everyday needs.

The program carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

‘CIA with BA’ hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.


DANIEL PADILLA PIPIRMA NG PANIBAGONG KONTRATA NGAYONG PEBRERO SA ABS-CBN! TULOY-TULOY PARIN ANG NAGLALAKIHANG ENDORSEMENTS!

Hindi totoong aalis na sa Kapamilya Network si Daniel Padilla. Hindi rin totoong naghahanap na siya ng malilipatang bagong tahanan. Chill lang si Daniel dahil sa susunod na buwan, buwan ng February ay nakatakda ng lalagda si Daniel ng kanyang panibagong kontrata sa bakuran parin ng ABS-CBN. 

Kasabay ng kanyang pagpirma ng bagong kotrata sa kanyang naging tahanan ng almost 12 years ay magkakaroon din ng announcement ng kanyang mga bagong proyekto sa Kapamilya.

Hindi rin totoong nagkawalaan ang mga endorsements ni Daniel after what happened sa kanyang lovelife. Yes. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng biyaya sa kanyang karera anuman ang nangyari.

Patunay lang na magiging happy parin ang pagpasok ng taong 2024 at sa mga parating pang taon para kay Daniel Padilla. 

Goodluck DJ! Maraming nagmamahal sa iyo! 

CIA WITH BA LANLORD SEEKS RENT PAYMENT FROM PHARMACY TENANT

CIA with BA: Landlord seeks rent payment from pharmacy tenant

A senior citizen sought the help and advice of sibling senators Alan Peter and Pia Cayetano through the public service program ‘CIA with BA.’

In the ‘Payong Kapatid’ segment of the episode on Sunday, January 14, Flor, 81, took to the show to consult about what to do with her tenant who put up a pharmacy but has not paid rent since the pandemic.

According to Basinillo, the tenant claimed that they don’t have to pay anymore because she does not have a title or rights for the property.

“Sa mga kasong katulad nito, ‘pag hindi na nakikinig sa ’yo, papasok na ‘to sa kamay ng batas,” shared Alan Peter. “As a general rule, hindi pwedeng bigla na lang hindi magbabayad tapos sasabihin, ‘hindi ko sure.’”

For her part, Pia explained: “Kung ang umuupa ay kinilala kayo na kayo naman ang binabayaran niya ng upa, hindi niya pwedeng baguhin ‘yon after one year or two years… tapos biglang, ‘ay hindi na pala kayo ‘yung may-ari?’ Hindi ho pwede ‘yon. Nandyan po ‘yan sa rules of court.”

“Basta once na nagkasundo kayo — ikaw ang landlord niya, siya ang nangungupahan, hindi niya ‘yan pwede itanggi,” she stressed.

‘CIA with BA,’ as seen at the end of the segment, helped Nanay Flor to craft a demand pay and vacate letter to be given to the tenant. The lawyers also explained to the woman her next steps.

Concluding the episode, Alan reminded the viewers: “Minsan sinasabi natin sa sarili, hindi sapat na hindi tayo gumawa ng masama. Pero there are many cases pala na kailangan gawin din natin ‘yung tama. So hindi sapat na neutral ka, hindi sapat na hindi ka gumawa ng masama.”

“This year, gawin nating isang resolution natin ‘yon — hindi lang tayo neutral, hindi gagawa ng masama, let’s do something good,” he added.

‘CIA with BA’ carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

‘CIA with BA’ hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.


BOTIKA HINDI NAGBABAYAD NG UPA, KASERANG SENIOR CITIZEN NAGREKLAMO SA CIA WITH BA

Botika, hindi nagbabayad ng upa; kaserang senior citizen, nagreklamo sa ‘CIA with BA’

Isang senior citizen ang dumulog sa ‘CIA with BA’ upang humingi ng tulong at payo mula sa magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano.

Sa segment na ‘Payong Kapatid’ sa episode nitong Linggo, Enero 14, kumonsulta sa programa si Flor Basinillo, 81, kung ano ang dapat gawin sa kanyang tenant na nagtayo ng botika sa kanyang pwesto at hindi pa nagbabayad ng upa mula noong pandemya.

Ayon kay Basinillo, sinabi ng tenant na hindi nila kailangan magbayad dahil wala naman siya di umanong titulo at rights para sa pwesto.

“Sa mga kasong katulad nito, ‘pag hindi na nakikinig sa ’yo, papasok na ‘to sa kamay ng batas,” pagbabahagi ni Kuya Alan“As a general rule, hindi pwedeng bigla na lang hindi magbabayad tapos sasabihin, ‘hindi ko sure.’

Pagpapaliwanag naman ni Ate Pia: “Kung ang umuupa ay kinilala kayo na kayo naman ang binabayaran niya ng upa, hindi niya pwedeng baguhin ‘yon after one year or two years… tapos biglang, ‘ay hindi na pala kayo ‘yung may-ari?’ Hindi ho pwede ‘yon. Nandyan po ‘yan sa rules of court.”

“Basta once na nagkasundo kayo — ikaw ang landlord niya, siya ang nangungupahan, hindi niya ‘yan pwede itanggi,” diin pa niya.

Sa dulo ng segment, makikitang tinulungan ng ‘CIA with BA’ si Nanay Flor na gumawa ng demand pay and vacate letter upang ibigay sa tenant. Ipinaliwanag din ng mga abogado ang mga susunod na hakbang.

Sa pagtatapos ng episode, ipinaalala ni Kuya Alan sa mga manonood: “Minsan sinasabi natin sa sarili, hindi sapat na hindi tayo gumawa ng masama. Pero there are many cases pala na kailangan gawin din natin ‘yung tama. So hindi sapat na neutral ka, hindi sapat na hindi ka gumawa ng masama.”

“This year, gawin nating isang resolution natin ‘yon — hindi lang tayo neutral, hindi gagawa ng masama, let’s do something good,” dagdag pa niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.

' CIA WITH BA ' NAGPASALAMAT KAY NANETTE MEDVED-PO PARA SA HOPE

‘CIA with BA,’ nagpa-SALAMAT kay Nanette Medved-Po para sa HOPE

Inihayag ng public service program na ‘CIA with BA’ ang pagpapahalaga nito sa dating aktres at ngayo’y philanthropist na si Nanette Medved-Po para sa kanyang mga ambag sa lipunan sa pamamagitan ng organisasyong HOPE.

Sa segment na ‘Salamat’ sa episode nitong Linggo, Enero 7, muling nasilayan sa telebisyon si Medved-Po matapos ang ilang taon. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Boy Abunda at magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano.

“We’d really like to thank you, not just on a personal level—for what you’ve done for the family, but really what you’re doing for the country, for how you’re giving hope. And hopefully we can partner a little bit by sometimes giving a little bit [too] to all that you’re doing,” sabi ni Alan Peter sa dating ‘Darna’ star.

Taong 2012 sinimulan ni Medved-Po ang HOPE, na ayon sa website nito ay isang B Corp-certified organization na namumuhunan sa edukasyon, agrikultura, at mga programang pangkalikasan. Kasabay ng pagkakatatag nito, nagsimula ang kanilang misyon sa produktong HOPE in a Bottle na layuning ilaan ang 100% na kita para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

“You know, I very much appreciate that you are recognizing the works that we do but can I just say, honestly, it’s not me,” wika ni Medved-Po. “You hear the principles saying ‘thank you’ to me and that’s why I don’t attend classroom openings ‘cause ayaw ko [na] sa akin sila magpasalamat dahil hindi naman ako [ang] nagbigay sa kanila ng classroom.”

“Kayo ang nagbigay, every time you buy [HOPE in a Bottle]. Whatever o kung saan man, kayo ang nagbigay, hindi ako, so dapat hindi ako ‘yung pasalamatan,” giit pa niya. “Ako lang ‘yung nagka-idea. But I still feel that at the end of the day, HOPE is a public trust. When you guys decide to buy a bottle of water, we owe it to you to make sure that the money goes to the right place…it is you, millions of Filipinos who deliver the classroom in Mindanao, in Visayas…”

Samantala, pinasalamatan naman ni Medved-Po ang mga tao na tumatangkilik sa HOPE in a Bottle.

“I wanna thank you so much. I know I’m here alone but I can speak for everybody at HOPE, including our HOPE Heroes (including Abunda). Thank you so much for supporting [HOPE]. Our product is actually not water, our product is the idea of hope. We all have the power to do something kahit konti lang,” saad niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.

' CIA WITH BA ' HONORS NANETTE MEDVED-PO FOR HOPE

‘CIA with BA’ honors Nanette Medved-Po for HOPE

Public service program ‘CIA with BA’ expressed its appreciation to former actress and now-philanthropist Nanette Medved-Po for her contributions to society through the organization HOPE.

In the ‘Salamat’ segment of the episode on Sunday, January 7, Medved-Po had one of her first television appearances after several years as she got reunited with colleagues Boy Abunda and sibling senators Alan Peter and Pia Cayetano.

“We’d really like to thank you, not just on a personal level—for what you’ve done for the family, but really what you’re doing for the country, for how you’re giving hope. And hopefully we can partner a little bit by sometimes giving a little bit [too] to all that you’re doing,” Alan Peter told the former ‘Darna’ star.

In 2012, Medved-Po founded HOPE, which, according to its website, is a B Corp-certified organization that invests in education, agriculture, and environment programs. Upon its establishment, its mission began with their flagship product HOPE in a Bottle which committed 100% of profits to build public school classrooms across the Philippines.

“You know, I very much appreciate that you are recognizing the works that we do but can I just say, honestly, it’s not me,” Medved-Po said. “You hear the principles saying ‘thank you’ to me and that’s why I don’t attend classroom openings ‘cause ayaw ko [na] sa akin sila magpasalamat dahil hindi naman ako [ang] nagbigay sa kanila ng classroom.”

“Kayo ang nagbigay, every time you buy [HOPE in a Bottle]. Whatever o kung saan man, kayo ang nagbigay, hindi ako, so dapat hindi ako ‘yung pasalamatan,” she stressed. “Ako lang ‘yung nagka-idea. But I still feel that at the end of the day, HOPE is a public trust. When you guys decide to buy a bottle of water, we owe it to you to make sure that the money goes to the right place…it is you, millions of Filipinos who deliver the classroom in Mindanao, in Visayas…”

Meanwhile, Medved-Po expressed her gratitude to the people who patronize HOPE in a Bottle.

“I wanna thank you so much. I know I’m here alone but I can speak for everybody at HOPE, including our HOPE Heroes (including Abunda). Thank you so much for supporting [HOPE]. Our product is actually not water, our product is the idea of hope. We all have the power to do something kahit konti lang,” she stated.

‘CIA with BA’ carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

‘CIA with BA’ hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.

15TH STAR AWARDS FOR MUSIC OFFICIAL NOMINEES

Vernie Varga at Odette Quesada pararangalan ng Lifetime Achievement Awards ng PMPC sa 15th Star Awards for Music

Pangungunahan ng OPM Legends na sina Vernie Varga at Odette Quesada ang mga pararangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa 15th Star Awards for Music.

Igagawad sa tinaguriang The Vamp na si Vernie ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award. Kabilang sa mga kantang pinasikat ng Jazz Diva ang signature song niyang "Number One" pati na ang "Love Me Again," "A Little Kiss, A Little Hug," "Just For You," "I'm Me," "All I Need," at "Palabra De Honor" - na theme song ng pelikula na may kaparehong titulo.

Ipagkakaloob naman sa singer-songwriter na si Odette ang Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award. Unang nakilala sa mundo ng musika si Odette bilang songwriter matapos magwagi ng second prize sa Metro Manila Popular Music Festival o Metropop amateur division noong 1982 ang komposisyon niyang "Give Me A Chance," na inawit ni Ric Segreto. Nang sumunod na taon naging grand prize winner naman sa Metropop 1983 ang kanyang "Till I Met You" na inawit ni Kuh Ledesma. Naging hit din ang mga awiting kinompose niya na kabilang sa soundtrack ng hit movie noong '80s - ang "Bagets" gaya ng "Growing Up" at "Farewell." Hanggang sa gumawa na rin siya ng sarili niyang album bilang singer-songwriter na kinapalooban ng hit song niyang "Friend Of Mine," kasama ang mga version niya ng nauna niyang mga komposisyon tulad ng "Till I Met You."

Samantala, inilabas na rin ng PMPC ang listahan ng official nominees sa iba't ibang kategorya sa 15th Star Awards for Music.

ALBUM OF THE YEAR
•Angela Ken - Angela Ken | Star Music
•Be Us - BGYO | Star Music
•Feel Good - BINI | Star Music
•Liwanag - The Juans | Viva Records
•Looking Back - Lola Amour | Warner Music Philippines
•Run To Me - Alexa Ilacad and KD Estrada | Star Music

SONG OF THE YEAR
•Babaguhin ang Buong Mundo- Julie Anne San Jose | GMA Music
•Give Me Your Forever- Zack Tabudlo | UMG Philippines
•Higit Sa Sapat- This Band | Viva Records
•Kumpas- Moira Dela Torre | Star Music
•Paninindigan Kita - Ben&Ben | Sony Music Philippines
•Pasilyo- Sunkissed Lola | Ditto Music
•Uhaw - Dilaw | Warner Music Philippines

FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
•Julie Anne San Jose- Babaguhin Ang Buong Mundo | GMA Music
•KZ Tandingan- Tawag Mo | Star Music
•Lani Misalucha- Isang Panalangin -Vehnee •Saturno Music Corporation
•Moira Dela Torre- Kumpas | Star Music
•Morisette- Gusto Ko Nang Bumitaw | Star Music
•Nina - How Can I | Star Music
•Yeng Constantino- Paliwanag | Universal Records

MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
•Christian Bautista- Everybody Hurts | Universal Records
•Erik Santos- Hanggang sa Huli | Star Music
•Gary Valenciano- Pwede Pang Mangarap | Universal Records
•Gloc-9 - Paliwanag | Universal Records
•James Reid- Hatdog | Island Records Philippines
•Noel Cabangon - Para Sa'Yo | Universal Records
•Piolo Pascual- Tawag Mo | Star Music
•Zack Tabudlo- Give Me Your Forever | UMG Philippines

DUO/GROUP ARTIST OF THE YEAR
•Ben&Ben- Paninindigan Kita | Sony Music Philippines
•Lola Amour- Pasilyo | Ditto Music
•Maria Clara- Magnus Heaven | Warner Music Philippines | 
•Mayonnaise- Butanding | Yellow Room Music
•Moonstar- Next Week | Warner Music Philippines
•Sponge Cola- Kung Ako Ang Pumiling Tapusin Ito | Sony Music Philippines
•True Faith- Muli | Viva Records

CONCERT OF THE YEAR
•Becoming Ice: 35th Anniversary Concert | Fire and Ice Media and Productions
• Eraserheads Huling El Bimbo | Ant Savvy Creatives and Entertainment
• Four Kings and A Queen | Full House Theater Company
• Iconic | iMusic Entertainment Inc. and NY Productions, Inc
• Martin Nievera Live Again! The Best of the Concert King | Bloomberry Resorts Corp. and Solaire Resort
• Rico Blanco Live at the Araneta Coliseum | KDR Music House
• SB19 WYAT Tour | Black Star Entertainment

MALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR
• Bamboo - Rock and Soul Supremacy | Neuwave Events and Productions
• Ez Mil - Panalo Homecoming Tour | MAK Entertainment Services
• Gloc 9 -Rapsody | Full House Theater Company
• Martin Nievera - Martin Nievera Live Again! The Best of the Concert King | Bloomberry Resorts Corp. and Solaire Resort
• Ogie Alcasid- Kilabotitos | A-Team
• Rey Valera - Four Kings and a Queen | Full House Theater Company
• Rico Blanco - Rico Blanco Live at the Araneta Coliseum | KDR Music House

FEMALE CONCERT PERFORMER OF THE YEAR
• Anne Curtis - Luv Anne | Viva Live Inc.
• Klarisse de Guzman- Her Time | Jose Marie Viceral and Ambie Burac (Independent Production)
• Ice Seguerra- Becoming Ice: 35th Anniversary Concert | Fire and Ice Media and Productions
• Sharon Cuneta - Iconic | iMusic Entertainment Inc. and NY Productions, Inc.
• Julie Ann San Jose - JulieVerse | GMA Synergy
• Pops Fernandez - Four Kings and a Queen | Full House Theater Company
• Regine Velasquez - Iconic | iMusic Entertainment Inc. and NY Productions, Inc.

DUO/GROUP CONCERT PERFORMER OF THE YEAR
•Ben&Ben - Ben&Ben Homecoming Concert | Ovation Productions
•Calista- Vax to Normal Concert | Merlion Events Production Inc.
• Eraserheads - Eraserheads Huling El Bimbo | Ant Savvy Creatives and Entertainment
• MNL48 - Magical Night of Love | Hallo-Hallo Entertainment
• SB19 - SB19 WYAT Tour | Black Star Entertainment
•Side A - Then and Now: Redux 360 Concert | Full House Theater Company
• The Juans - The Juans Live in Araneta | KDR Music House & Viva Live Inc.

MUSIC VIDEO OF THE YEAR
•Ayoko Lang -Angelina Cruz | Universal Records
Director: Dan Angelo Eligado
•Everybody Hurts- Christian Bautista and Julie Anne San Jose | Universal Records
Director: Treb Monteras
•Bang- G22 | CS Music
Director: Jed Regala
•Hot Maria Clara- Sanya Lopez | GMA Music
Director : Njel de Mesa 
•Pabalik Sayo - Darren Espanto | Republic Records Philippines
Director: Darren Espanto and Jonathan Tal Placido 
•Re-Up - Ez Mil | FFP Records and Management Inc.
Director :Life Garland
•WYAT (Where You At)- SB19 | Warner Music Philippines
Director : Jireh Christian Bacasno

POP ALBUM OF THE YEAR
•Habangbuhay- Ebe Dancel | Widescope Entertainment and Backspacer Records
•Hometown- Sponge Cola- Sony Music Philippines
•Kasing Kasing Dalampasigan- Anji Salvacion | Star Music
•Leaving Home- Any Name's Okay | Sony Music Philippines
•Pasahili - Arthur Miguel | Warner Music Philippines
•Pasulong- Alamat | Viva Records
•Run To Me - Alexa Ilacad and KD Estrada | Star Music

MALE POP ARTIST OF THE YEAR
•Adie- Kabado | O/C Records
•Arthur Nery - Sinag | Viva Records
•Darren Espanto- Pabalik Sayo -Republic Records Philippines
•Erik Santos- Hanggang sa Huli | Star Music
•Jeric Gonzales - Hihintayin Kita | GMA Music and BenTria Productions
•KD Estrada- When I See You Again | Star Music
•LA Santos - 'Di Maghihiwalay | Star Music

FEMALE POP ARTIST OF THE YEAR
•Alexa Ilacad- When I See You Again | Star Music
•Belle Mariano- Closer | Star Music
•Gigi De Lana- Akin Ka Na Lang | Star Music
•Hannah Precillas- Sadly Feelings | GMA Music
•Jos Garcia - Nami-miss Ko Na | Jos Garcia (Independent)
•Maris Racal- Pumila Ka | Balcony Entertainment 
•Zephanie Dimaranan- Kung Ikaw Ang Kasama | GMA Music

NEW MALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
•Bernie Batin- Pabili Wanpipte | Ivory Music and Videos
•Jaycee Domincel Hanggang Saan Mo Ako Mamahalin- Mart-O Music Production
•Johnrey Rivas - Twinkle Star | Philstagers Productions
•Kim De Leon - Safe With Me | GMA Music
•Raven- Tayo Pa Rin Talaga | Sony Music Philippijes
•Romm Burlat- Sarili'y Pagbigyan | TTP Productions
•Wize Estabillo- Mekaniko ng Puso | Star Music

NEW FEMALE RECORDING ARTIST OF THE YEAR
•Ally Gonzales- Ating Kabanata- Vehnee Saturno Music Corporation
•Ashley Del Mundo- Can't Get Out | Star Music
•Claudia- Trigger | Viva Records
•Faith Da Silva- Sana Sabihin Mo Na Lang- GMA Music
•Mariane Osabel- Bakit Mahal Pa Rin Kita | GMA Music
•Sanya Lopez - Hot Maria Clara | GMA Music

NEW GROUP ARTIST OF THE YEAR
•1stOne- Turn Up | Warner Music Philippines
•Calista- Race Car | Merlion Events Production Inc.
•G22- Bang | CS Music
•SV Squad- Nevermind | BELIEVE Artist Services
•VXON- The Beast | CS Music
•YGIG- Shaba Shaba | Universal Records

ROCK ARTIST OF THE YEAR
•Bloodflowers- Tulong | Ivory Music and Videos
•Mayonnaise- Butanding| Yellow Room Music
•JK Labajo- Shot Puno | Island Records Philippines
•Kanisha- Here I am Now | Star Music
•Magnus Heaven- Maria Clara | Warner Music Philippines
•True Faith- Muli | Viva Records
•December Avenue- Saksi Ang Langit | Ingrooves Music and Tower of Doom Music


DANCE RECORDING OF THE YEAR
•Blah Blah- KAIA | Sony Music Philippines
•Entertain Me- Ylona Garcia | Warner Music Philippines
•Heart That You Break- Bryan Termulo | Bryan Termulo (Independent)
•Kung Ikaw Ang Kasama- Zephanie Dimaranan | GMA Music
•Pumila Ka - Maris Racal | Balcony Entertainment
•Sumayaw - Kelvin Miranda | GMA Music
•The Beast - VXON | CS Music

 COLLABORATION OF THE YEAR
•Addie and Janine Berdin- Mahika | O/C Records
•Arthur Nery and Sam Benwick- Sinag | Viva Records
•Ikaw Ang- Sam Concepcion, Yuri Dope and Moophs | Tarsier Records
•ILY -Ogie Alcasid, Regine Velasquez & DJ M.O.D | Star Music
•Shanti Dope and Mhot- Basic | Universal Records
•Tawag Mo- Piolo Pascual and KZ Tandingan | Star Music
•Zack Tabudlo and Moira Dela Torre- Iba | Island Records Philippines

RAP ARTIST OF THE YEAR
•Ez Mil- Re-Up | FFP Records and Management, Inc.
•Flow G- Batugan | Ex Battalion Music
•Gloc 9- Bahay Yugyugan | Universal Records
•Mhot- Basic | Universal Records
•Pablo SB19- La Luna | Sony Music Philippines
•Shanti Dope- City Girl | Universal Records
•Skusta Clee- Solo | Panty Droppaz League and Ex Battalion Music

REVIVAL RECORDING OF THE YEAR
•214- Jeremiah Tiangco | GMA Music
•Akin Ka Na Lang- Gigi De Lana | Star Music
•Ang Huling El Bimbo- Ace Banzuelo | Sony Music Philippines
•Gusto Ko Nang Bumitaw- Morisette | Star Music
•Ikaw Lang Ang Iibigin- Jessica Villarubin | GMA Music
•Magasin - Nobita | Sony Music Philippines
•Nosi Balasi- Marion Aunor | Viva Records and Wild Dream Records

MALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR
•Denin Sy - Minsan Kape, Minsan Ikaw | Denin Sy (Independent)
•Nico Frayn - Marupok | Nico Mina (Independent)
•Gabo - Puhon | Gabo Music
•Johnoy Danao - Kulay Rosas Ang Bukas, Anak | Bacon and Shrimpie Records
•Mcoy Fundales - Ang Forever Ko'y Ikaw | GMA Music
•Noel Cabangon - Para Sayo |Universal Records

FEMALE ACOUSTIC ARTIST OF THE YEAR
•Christi Fider- Heto Na Naman | Enterphil Entertainment Corporation
•Hannah Abogado - Take Me Out of the Dark | Hannah Abogado (Independent)
•Soleil Misalucha - Pabebe | Catterfly Records
•Eugenie Tan - Shine | Eugenie Tan (Independent)
•Mia Grace - Para sa Taong Naniniwala | LAYA Manila
•Sarah Javier- Happy Anniversary | Sarah Javier (Independent)

MALE R&B ARTIST OF THE YEAR
•Cean Jr - Still Miss You | O/C Records and Waybetter
•Dionela - Musika | Republic Records Philippines
•Jace Roque - Trust | Jace Roque (Independent) 
•Janno Gibbs - Future Lover | Viva Records
•Jojo Santor - Hanggang Dito Na Lang | Jojo Santor (Independent)
•Matt Lozano - Kwarto (GMA Music)
•Psalms David - Kaulayaw | GMA Music

FEMALE R&B ARTIST OF THE YEAR
•Jona- Always On Time | Star Music
•Kiana V - Heartbeat On Me | Manila Genesis
•Kyla - 'Di Ko Kayang Limutin | Star Music
•KZ Tandingan Sabi Sabi | Star Music
•Marion Aunor - Traydor Na Pag-ibig | Viva Records)
•Nina - How Can I | Star Music
•Rhodessa - Ideya | Viva Records

INSPIRATIONAL SONG OF THE YEAR
•Alam Niya - The Juans | KDR Music House
•Bayaning  Marino - Paul Michael and       Bendeatha | FlipMusic Records 
•Isang Panalangin - Lani Misalucha | Vehnee Saturno Music Corporation
•Oh How I Love You Jesus - Nick Vera Perez | NVP1 Music
•Rosas - Nica del Rosario | FlipMusic Productions Inc.
•Take Me Out of the Dark - Hannah Abogado | Hannah Abogado (Independent)
•There Is a Name - Hope Filipino Worship | Independent

NOVELTY SONG OF THE YEAR
•Barbero - KJ Reyes - KJ Ng Pilipinas Music 
•Gusto Kita - Louie Roa | Interstreet Recording
•Pabile, Wanpipte! - Bernie Batin - Ivory Music and Videos
•Pag-ibig Ko'y Panalo- Kakai Bautista | Star Music
•Quaranfling - Ken Chan- GMA Music 
•Wag Kang Bitter - Seth Mendoza - Gasera Records

NOVELTY ARTIST OF THE YEAR
•Louie Roa - Gusto Kita | Interstreet Recordings
•Bernie Batin - Pabile, Wanpipte! | Ivory Music and Video
•Kakai Bautista - Pag-ibig Ko'y Panalo | Star Music
•Ken Chan - Quaranfling | GMA Music
•KJ Reyes - Barbero | KJ Ng Pilipinas Music
•Seth Mendoza - Wag Kang Bitter | Gasera Records
•Bola Bola (Original Soundtrack) by BGYO, KD Estrada, and Akira Morishita | Star Misic
•Breathe Again- OST Vivamax Movie | Viva Records
•How To Move On in 30 Days (Original Soundtrack) by Jeremy G and Angela Ken | Star Music
•Love In 40 Days (Official Soundtrack)-  Various artists | Star Music 
•Lyric and Beat (Original Soundtrack Vol. | Star Music
•The Clash Season 4 Finalists Sing Originals | GMA Music

' CIA WITH BA ' SISIMULAN ANG 2024 SA PAG-AAYOS NG PARENT-CHILD RELATIONSHIPS

‘CIA with BA’ sisimulan ang 2024 sa pag-aayos ng parent-child relationships

Nakahandang ipagpatuloy ng public service program na ‘CIA with BA’ ngayong 2024 ang mga nasimulan nito sa nagdaang taon.

Sa patuloy na pangununa ng magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano at ni Boy Abunda, nangangako ang 45th Catholic Mass Media Awards Best Talk Show nominee na magpapatuloy sa pagbibigay ng mga legal na payo, pinansyal na tulong, at kasiyahan sa mas pinaaga nitong time slot, 11:00 ng gabi tuwing Linggo sa GMA.

Ngayong Enero 7, sa opening salvo ng ‘CIA with BA’ ngayong taon, tampok ang dalawang kaso na may kinalaman sa mga magulang, kanilang mga anak, at kani-kanilang ‘di pagkakaunawaan.

Sa ‘Case 2 Face’ segment, nagkaroon ng hidwaan ang mag-ina dahil sa kanilang bahay.

“This is the thing about it. Sa research pa lang namin, [we see] na nagmamahalan talaga sila e. Nagmamahalan pero hindi talaga magkaintindihan,” pagbabahagi ni Alan.

Sa segment na ‘Payong Kapatid’ naman, tatalakayin ang paghahanap ng anak sa kanyang ina matapos siyang abandonahin sa loob ng 30 taon. Magkakasundo at makakapagsimula kaya silang muli ngayong taon?

Tampok rin sa episode ang dating aktres at ngayo’y pilantropo na si Nanette Medved sa ‘Salamat’ segment.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.

' CIA WITH BA ' TO KICKSTART 2024 FIXING PARENT-CHILD RELATIONSHIPS

‘CIA with BA’ to kickstart 2024 fixing parent-child relationships

This year, public service program ‘CIA with BA’ is all set to continue all the things it has been able to establish in the past year.

Led and hosted by sibling senators Alan Peter and Pia Cayetano and Boy Abunda, the 45th Catholic Mass Media Awards Best Talk Show nominee vows to keep on giving legal advice, financial assistance, and fun on their earlier time slot, 11:00 p.m. every Sunday on GMA7.

This coming January 7, CIA with BA’s opening salvo for the year features two cases involving parents, their children, and their misunderstandings.

In the ‘Case 2 Face’ segment, a mother and a daughter’s rift over their house is highlighted.

“This is the thing about it. Sa research pa lang namin, [we see] na nagmamahalan talaga sila e. Nagmamahalan pero hindi talaga magkaintindihan,” Alan shares.

The segment ‘Payong Kapatid,’ meanwhile, tackles  the longing of a son’s heart toward his mother who abandoned him for 30 years. Will they all be able to reconcile and start again this new year?

Also, the upcoming episode has a special feature on former actress and now-philanthropist Nanette Medved in the ‘Salamat’ segment.

‘CIA with BA’ carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

‘CIA with BA’ hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.