' CIA WITH BA ' NAGPASALAMAT KAY NANETTE MEDVED-PO PARA SA HOPE

‘CIA with BA,’ nagpa-SALAMAT kay Nanette Medved-Po para sa HOPE

Inihayag ng public service program na ‘CIA with BA’ ang pagpapahalaga nito sa dating aktres at ngayo’y philanthropist na si Nanette Medved-Po para sa kanyang mga ambag sa lipunan sa pamamagitan ng organisasyong HOPE.

Sa segment na ‘Salamat’ sa episode nitong Linggo, Enero 7, muling nasilayan sa telebisyon si Medved-Po matapos ang ilang taon. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Boy Abunda at magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano.

“We’d really like to thank you, not just on a personal level—for what you’ve done for the family, but really what you’re doing for the country, for how you’re giving hope. And hopefully we can partner a little bit by sometimes giving a little bit [too] to all that you’re doing,” sabi ni Alan Peter sa dating ‘Darna’ star.

Taong 2012 sinimulan ni Medved-Po ang HOPE, na ayon sa website nito ay isang B Corp-certified organization na namumuhunan sa edukasyon, agrikultura, at mga programang pangkalikasan. Kasabay ng pagkakatatag nito, nagsimula ang kanilang misyon sa produktong HOPE in a Bottle na layuning ilaan ang 100% na kita para sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

“You know, I very much appreciate that you are recognizing the works that we do but can I just say, honestly, it’s not me,” wika ni Medved-Po. “You hear the principles saying ‘thank you’ to me and that’s why I don’t attend classroom openings ‘cause ayaw ko [na] sa akin sila magpasalamat dahil hindi naman ako [ang] nagbigay sa kanila ng classroom.”

“Kayo ang nagbigay, every time you buy [HOPE in a Bottle]. Whatever o kung saan man, kayo ang nagbigay, hindi ako, so dapat hindi ako ‘yung pasalamatan,” giit pa niya. “Ako lang ‘yung nagka-idea. But I still feel that at the end of the day, HOPE is a public trust. When you guys decide to buy a bottle of water, we owe it to you to make sure that the money goes to the right place…it is you, millions of Filipinos who deliver the classroom in Mindanao, in Visayas…”

Samantala, pinasalamatan naman ni Medved-Po ang mga tao na tumatangkilik sa HOPE in a Bottle.

“I wanna thank you so much. I know I’m here alone but I can speak for everybody at HOPE, including our HOPE Heroes (including Abunda). Thank you so much for supporting [HOPE]. Our product is actually not water, our product is the idea of hope. We all have the power to do something kahit konti lang,” saad niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.

No comments:

Post a Comment