MARTYR OR MURDERER
Cast: Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Isko Moreno, Kyle Velino, Marco Gumabao, Jerome Ponce, Cindy Miranda, Rose Van Ginkel, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo
Directed by: Darryl Yap
Playdate: March 1, 2023
Hindi pa tapos ang Kasaysayan. Ang karugtong ng Maid in Malacañang…
Ipalalabas na sa unang araw ng Marso ang “Martyr or Murderer”, ang ikalawang yugto sa Mega Blockbuster hit na “Maid in Malacañang” ng direktor na si Darryl Yap. Gaya ng inaasahan, nagbubunyi ang mga followers ng nasabing direktor at ang mga supporters na sila ring nagpa-trend sa #MOMTheOfficialPoster sa loob ng dalawang araw pagkalabas ng poster noong Lunes, Enero 30.
Sa kanyang Facebook post, nagpahayag ng pagpabati at pasasalamat si Yap “sa halos 200,000 reactions sa mga pinagsama-samang page post ng mainstream media meta pages sa loob ng 2 araw, sa 54,000 reactions na nakuha ng aming poster sa aming mga opisyal na pahina sa loob lamang ng dalawang araw, sa 17,000 na nagshare nito, sa 6400 na nag-upload sa kanilang mga accounts at pages, at sa mga ginamit na ang poster para sa kanilang facebook, tiktok and youtube reaction videos.”
Ipakikita ng “Martyr or Murderer” ang nangyari sa pamilya Marcos bago at matapos ang EDSA Revolution, isang pasilip sa kanilang “life in exile”, at ang talakayan tungkol sa mga kontrobersya na kinasangkutan ni Imee Marcos sa Morocco. Talaga bang nagtago siya at nameke ng mga pasaporte? Paano ito hinarap ng kanyang mga kapatid? Paano pinatuloy ng mag-asawang Marcos ang kanilang buhay matapos matanggalan ng kapangyarihan at dignidad?
Nais ring magbigay ng mga kasagutan ang pelikulang ito sa mga walang-kamatayang katanungan tungkol kina Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos at ang kanyang pinaka-matinding katunggali, si Senador Benigno Simeon Aquino, Jr.
Paano nagsimula ang kanilang hidwaan? Ano ang tingin kay Ninoy ng mga taong nakapaligid sa kanya? Bakit isinisisi sa mga Marcos ang kanyang pagkamatay?
At ang mas malaking katanungan: Sino ang tunay na bayani? Sino ang tunay na kriminal?
Nagbabalik sina Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga at Ella Cruz bilang Imee Marcos, Ferdinand Marcos, Imelda Marcos, Bongbong Marcos at Irene Marcos.
Si Isko Moreno ang gumaganap na Ninoy Aquino. Ang batang Ninoy ay si Jerome Ponce. Kasama rin sa powerhouse cast sina Marco Gumabao bilang batang Marcos Sr., Cindy Miranda bilang batang Imleda, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo bilang mga kasambahay ng kanilang pamilya, at si Rose Van Ginkel bilang Maricar, ang kaibigan ni Imee sa in Morocco.
Tunghayan ang pagpapatuloy ng kanilang kwento sa big screen. “Martyr or Murderer” mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula March 1.