SINGLE MOM MARY EILEEN GONZALES PASOK NA SA MISS UNIVERSE-PHILIPPINES 2023

Nitong sabado lang, February 18, 2023 ay inilabas na ng Miss Universe-Philippines Committee ang official candidates nila para ngayong taon. 

Pasok nga si Mary Eileen Gonzales na nung una palang naming malamang sasali siya sa kumpetisyon ay inabangan na namin ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may isang single mom na sasabak sa naturang beauty pageant.

" Gusto kong iparating na being a single mom will not stop you from getting your dreams. " bulalas pa ni Eileen in our last interview.

" Especially kung meron kang gustong i-share na makakatulong ka sa iba. Just continue and live your dreams. " paglalahad pa ni Eileen.

Pretty, matangkad, sexy at brainy si Mary Eileen Gonzalez. She's 27 years old at maagang naging single mom.

Nagkaroon na ng magandang crown si Mary Eileen bilang kauna-unahang single mom na nanalong Miss Global Philippines noong taong 2018 huh!

Si Mary Eileen ay naging jowa noon ni Johan Santos at nagkaroon nga sila ng anak ni Johan at 6 years old na rin ito. Both Eileen and Johan ay okey naman daw simulang maghiwalay sila at hindi naman daw nila nakakalimutan ang kanilang responsibilidad sa kanilang anak.

" Meron kaming healthy co-parenting situation. " pagkumpirma pa ni Eileen.

Sa ngayon ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Eileen para sa Miss Universe-Philippines. 


No comments:

Post a Comment