MARTYR OR MURDERER AT ORAS DE PELIGRO SINO NGA BA ANG MAGKUKUWENTO AT MAGLALAHAD NG TOTOONG PANGYAYARI AT KATOTOHANAN? NGAYONG MARCH 1 NA SA MGA SINEHAN!

Ang pelikulang Martyr or Murderer ba ang magsasabi ng katotohanan at magkukuwento ng totoo sa mga sinehan ngayong March 1 ni Darryl Yap o ang Oras De Peligro ni Joel Lamangan? 

Magulo o ginugulo ba ng dalawang pelikulang ito ang istorya ng kalayaan o sadyang magpapakita lamang ng buong kuwento at ilalahad lang pareho ng dalawang pelikula ang nilalaman ng pinag-aralang script para malaman ng buong bayan ang katotohanan?

Nakakawindang lang talaga ang promotions ng dalawang pelikula ng Viva Films at Bagong Siklab Productions na sinasabing magsasalpukan sa takilya this first day of March 2023.

Well-written naman pareho ang script ng movie at mukhang magkakatalo raw sa execution ng film? Ang lalalim ng mga nakikitang dahilan diba? Pati utak ko naaalog-alog na kung sino ang dapat panoorin!

Bakbakan din ang defenders ng both films sa social media na libreng-libre kang sabihin your piece or part! Hay! Kaloka! 

Basta ako, pareho kong papanoorin ang dalawang controversial films na ito! March 1 napo in cinemas nationwide! 

No comments:

Post a Comment