Pinagbibidahan ito nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Christine Reyes at Diego Loyzaga na lahat ay naka-in-characters ang kasuotan at ilan pang kilalang mga aktor sa showbizlandia.
During the said presscon ay wala masyadong ibinatong tanong ang press sa mga bidang bituin sa pelikula. Si Direk Darryl Yap ang inulan ng tanong at in-fairness ay walang kiyeme niyang sinagot lahat-lahat huh!
Sa trailer ng pelikulang ito ay may pabiting pasabog naman si Direk Darryl sa dulo nito. Naloka ang lahat dahil ayon na rin mismo kay Direk Darryl na marami na namang magre-react sa trailer palang lalo na diumano kapag napanood na nila ng buo ang pelikulang ito.
Nakakatuwa si Direk Darryl dahil gustong-gusto niya pala ang pinag-uusapan siya at strategy niya rin daw ito para sa promosyon ng bawat pelikulang ginagawa niya at wala daw siyang pakialam kung ano ang sasabihin pa ng ibang detractors niya.
In fairness huh, mukhang mas maganda itong sequel nilang ito from the film Maid In Malacanang.
Hay! Basta! Ready naman daw si Direk Darryl na harapin na naman ang mga bashing na makukuha niya dahil sa pelikulang ito!
Basta ayon sa kanya, masaya siya sa nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career bilang isang direktor sa edad na 36 noh! Mas mahalaga diumano sa kanya ang tiwalang ibinigay at ibibigay pa ng kanyang mga big bosses sa bakuran ng Viva.
Mas maraming pelikula paraw ang kanyang pangarap gawin at sana ay malampasan daw ng Martyr Or Murderer ang 750 million pesos na kinita ng Maid In Malacanang.
Yun na!
No comments:
Post a Comment