DIGITAL ARTIST FIRST COMMUNITY MIC SERIES NG JAN B ENTERTAINMENT NYC MASAYANG NAILUNSAD

Naging matagumpay ang launching ng Jan B Entertainment NYC para sa kauna-unahang Digital Artist First Community Mic Series last February 1, 2023 7pm na ginanap sa Illusion Pub & Grill sa may Madison Square, Mandaluyong.

Naging very accomodating ang buong staff nila para sa lahat ng dumalong entertainment media at halatang nag-enjoy naman ang lahat kahit medyo mahaba ang tinakbong oras ng launching pero busog ang lahat sa pagkain at konting alak.

Napanood namin ang performances nina Almyn, Boyong, Chelle, Tif at Ashley at mukhang may future naman ang lahat sa ipinakita nilang style sa pagkanta from Starmaker Global.

Kauna-unahang proyekto ito ni Ms. Jeanette Torres Bocobo bilang CEO ng Jan B Entertainment na naka-base sa New York City. 

Hiniling ni Jeanette ang suporta ng entertainment media para sa kanyang pangarap na mabigyang pansin ang mga undiscovered singers ng ating bansa sa pamamagitan nitong ginagawa niya ngayong community mic series. 

Katuwang ni Jeanette Bocobo ang isang mahusay ring singer at composer na si Eytch Angeles na naka-base rin sa Amerika.

Maganda ang adhikaing ito nina Jeanette at Eytch na parehong love ang music kaya raw ganoon nalang sila parehong ka-atat magdiskubre ng mga bagong talento na kapag nabigyan na nila ng break dito sa Pinas ay dadalhin nila ang mga talentong ito s Amerika at ipapakilala doon. 

During the said launching ay napakinggan na rin namin ang isang original composition ni Eytch na may pamagat na ' Sa Kalawakan ' featuring Tif! 

Maganda ang song. Love it. Push nalang ang kailangan pa para sa production para mas marami pa ang maga-audition sa kanilang production at magtuloy-tuloy ang magandang proyekto ni Ms.Jeanette! 


No comments:

Post a Comment