ADARNA GANG NGAYONG MARCH 11 NA SA VIVAMAX

Ang kwento ng tatlong prinsipe na tumutugis sa isang ibong may tinig na nakapagpapagaling ay makikita sa “Ibong Adarna”.  Ito ay isang mahabang tula sa panitikang Pilipino na ginawan ng maraming bersyon sa pelikula, telebisyon, at teatro.  

Mula sa kwentong ito, inihahandog ng Viva Films ang “Adarna Gang”.  Ngunit sa halip na isang ibon at tatlong prinsipe, ipinakikilala dito ang isang dalaga at tatlong miyembro ng sindikato na nag-aagawan sa pagiging “hari”.  Pero sino ang hinahabol at sino ang humahabol?

Si Coleen Garcia ay gumaganap bilang Adriana, unica hija ng mag-asawang Jose (Soliman Cruz) at Maria (Mickey Ferriols).  Batid ni Adriana na sangkot sa sindikato ang kanyang ama kahit na hindi nila ito pinag-uusapan.  Umaasa na lamang siya na matutupad ang pangako nitong lilipat na sila sa probinsiya.  Ngunit maglalaho ang pangarap na ito nang mapatay si Jose.  

Si JC Santos ay gumaganap bilang Juan, isa sa tatlong anak-anakan nina Fernando (Ronnie Lazaro), ang lider ng sindikato, at Valeriana (Sharmaine Buencamino).  Kumpara sa kanyang mga tinuturing na kapatid, swabe at magaan kasama si Juan.  Sinusubukan nitong maging kaibigan si Adriana dahil magkaibigan naman ang kanilang mga ama.  

Diego rin ang pangalan ng karakter ni Diego Loyzaga.  Siya ang bunso sa tatlo.  Numero unong babaero, pero pagdating sa sindikato ay kulang pa sa galing.  Gayunpaman, marunong naman siyang sumunod sa utos.

Si Mark Anthony Fernandez ay si Pedro, ang pinakamatanda at pinakaambisyoso.  Hindi siya mag-aatubiling alisin ang sino mang balakid sa sindikato.  

Sigurado si Adriana na ang pamilya nina Fernando ang pumatay sa kanyang ama kaya naman handa nitong balikan sila isa-isa.

Samantala, tulad ng pangyayari sa “Ibong Adarna”, inutusan din sina Juan, Diego, at Pedro na tugisin si Adriana.  Ang unang makahuhuli sa kanya ay gagantimpalaan ng malaki.

Mapapanood na sa Vivamax ang “Adarna Gang” simula March 11 sa Vivamax, pero pwede mo rin itong mapanood in advance with Vivamax Plus, ang bagong pay per view service ng Viva.

Ito ang pagbabalik-pelikula ni Coleen Garcia matapos niyang manganak sa panganay nila ni Billy Crawford.  Ang kanyang huling pelikula noong 2020 ay ang “Mia”.

Salamat sa Viva, sunud-sunod rin ang proyekto nina JC Santos, Diego Loyzaga, at Mark Anthony Fernandez.  

Tagumpay ang huling pelikula ni JC na “More Than Blue”. Noong nakaraang taon, lima agad ang naging pelikula ni Diego, kasama na ang “Death of a Gilfriend” at kailan lang ay napanood natin ang galing ni Diego sa “The Wife”.  Si Mark Anthony Fernandez naman ay nakatatlong pelikula rin noong 2021, isa na dito ang “Barumbadings”.

Mahuhusay lahat ng aktor sa pelikulang ito kaya ‘wag itong palampasin.  Alamin kung sino ba sa “Adarna Gang” ang mamamayagpag at sino ang babagsak.  

Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Jon Red na tumatanggap na ng parangal simula dekada ’90, tulad ng Gawad Urian Award for Best Short Film: “Tiempo” (1993), Best Short Film: “Trip” (1994), at Silver DV Award for “Astigmatism” (2004) na ginawad sa Hong Kong International Film Festival.  Siya rin ang sumulat ng “Hugas”, isang romantic crime movie na exclusive rin sa Vivamax at siya rin ang writer and producer ng pinakabagong erotic series sa Vivamax, ang L.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Sa mga may active vivamax subscription, pwedeng-pwede niyo nang ma-acces ang Vivamax Plus. With price starting at 99 Pesos, makakapili na kayo ng gusto niyong mapanood in advance.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Pwede na ring makabili ng vouchers sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  

Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.  

Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  

Vivamax, atin ‘to!

VIVAMAX UMARIBA NA SA 2.5 MILLION SUBSCRIBERS

VIVAMAX, ANG NO. 1 PINOY STREAMING PLATFORM NA MAY 2.5 MILLION SUBSCRIBERS NA SA UNANG QUARTER 2022, MARAMI PANG PASABOG!

Patuloy na namamayagpag at pag-achieve ng iba’t ibang milestones ang no. 1 streaming platform ngayon sa Pilipinas, ang Vivamax. Sa selebrasyon ng kanilang unang anniversary pa lang noong January 29, 2022, gold standard na agad ang Vivamax sa paglago ng digital entertainment dito sa Pinas.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng 14 million views ang Vivamax, ito ay dahil na rin sa pinaghalong husay at kalidad ng mga pelikula at serye mula sa Viva, pati na rin ang magandang line up ng mga Korean movies at Hollywood blockbusters, at linggo-linggong premieres ng  Vivamax Original and Exclusive titles.

Sa dami ng mapapanood sa Vivamax, nahiyakat nito ang mga viewers na mag-subscribe at nagkaroon na ng 2.5 million users sa unang quarter pa lang ng 2022. At siguradong mas dadami pa ito, dahil ngayong taon, dalawa na ang ilalabas na bagong titles linggo-linggo.

All around the world, kaya na ring marating ng 100% Pinoy streaming platform at ngayong 2022 naghahanda na ang buong Vivamax Family para sa mas maraming  magiging subscribers mula sa iba’t-ibang parte ng mundo, dahil pwede nang mapanood ang Vivamax sa mas maraming pang bansa gaya ng – United States, Canada, Italy, Spain, United Kingdom, Germany, Norway, France, Sweden, Netherlands, Belgium, Switzerland, Saudi Arabia, UAE, Kuwait, Qatar, Bahrain, Oman, Jordan, Lebanon, Israel, Egypt, Turkey, Australia, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Macau, Malaysia, Maldives, New Zealand, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam. 

Sa unang quarter rin ng 2022 mas namamayagpag ang Vivamax Plus, ang pinakabagong pay-per-view service ng Vivamax. Ni-launch noong huling quarter ng 2021,  sa Vivamax Plus unang mapapanood ang mga pinakabagong Vivamax Original movies, mga digitally-enhanced classics mula sa daan-daang pelikula ng Viva Films, newest blockbusters mula sa  Korea at Hollywood, mga concert specials mula sa Viva Live, at marami pang iba. Lahat ng ito, mapapanood in 4K resolution. 

Para magpasalamat sa tagumpay ng unang taon nito, may hinahanda ang Vivamax na sorpresa para sa parami nang parami pa nitong subscribers at siguradong kaabang-abang ito.  

Patuloy pa rin ang Vivamax sa pagtupad sa mga pangako ng Viva –  ang mag-produce ng mga pelikulang pinagbibidahan ng mga mahuhusay at naglalakihang artista, magkaroon ng mga pelikulang may iba’t-ibang tema, at patuloy na maghatid ng kasiyahin mula sa mga palabas na siguradong magugustuhan ng bawat Pinoy, talaga namang Vivamax, atin ‘to!

VIC SOTTO, WALLY BAYOLA, MARC PINGRIS AT JOSE MANALO SOLID NA SOLID ANG SUPORTA SA LACSON-SOTTO TANDEM

Mula Apari hanggang Jolo ang narinig naming sigaw ng bawat Pilipino nang itaas ni Bossing Vic Sotto ang mga kamay nina Presidential at Vice-Presidential aspirants Ping Lacson at Tito Sotto sa katatapos lang nitong proclamation rally nitong araw ng Martes.

Dumagundong ang sigaw ng bawat pilipinong pinaghandaan ang pagdating ng Ping-Lacon tandem na mukhang solido na ang panalo ngayong Mayo 2022 kung maging matalino ang bawat pilipino sa pagboto!

Sa naturang proclamation rally ay solid na solid naman talaga ang ipinakitang suporta ni Bossing Vic kasama sina Jose Manalo, Marc Pingis at Wally Bayola para kena Ping at Tito. Halatang suportado ng buong dabarkads ang desisyon ni Bossing Vic. 

Sa Imus, Cavite naganap ang proclamation rally ng dalawa na ayon pa kay Bossing Vic ay lubos niyang hinahangaan si Ping dahil sa integridad nito. Ganoon din ang magandang track record nito at katapangan bilang isang public servant sa loob ng 5 dekada. 

" Ako ay hanga sa katapatan nitong taong ito. Katapatan sa pagbibigay ng serbisyo publiko. At pagdating sa katapangan ay hindi mo matatawaran dahil Kabitenyo eh! Katapangan para labanan ang mga tiwali sa gobyerno at korupsyon. " paglalahad pa ni Bossing Vic.

Inendorso sin ni Bossing Vic ang kanyang kapatid na si Tito Sotto.

" Siya ang makakatulong ng ating Pangulong Ping para ayusin ang gobyerno, ayusin ang buhay nating lahat. " aniya.

Sa mensahe ni Presidential aspirant Ping Lacson ay binigyang diin nitong ang pagsisilbi sa Malacanang ay isang serbisyo sa publiko kung saan ang mga lider ay hindi dapat ituring na master kundi isang tao na dapat manilbihan sa taumbayan. 

Siniguro ni Lacson na patuloy na inobserbahan ang mandatory health protocol at physical distancing sa lahat ng mga dumalo sa proclamation rally alinsunod sa polisiya niya para sa isang disiplinadong pangangampanya. 

Nagbitiw din si Lacson sa kanyang talumpati ng pangakong aayusin nito ang Gobyerno. Aayusin ang buhay ng bawat Pilipino at papanagutin nito ang mga tiwaling tao sa gobyerno at uubusin nito ang mga magnanakaw!

Nanawagan din si Lacson sa taumbayan na maging matalino at mapanuri sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa sa halip na magluklok ng magnanakaw sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Mamumutawi diumano ang disiplina at katapatan sa kanyang pag-upo bilang Pangulo.

Sa mga naging pahayag nina Ping Lacson at Tito Sotto ay kitang-kita at ramdam natin ang kanilang totoong adhikain para sa bansa. Isang marangal na panunungkulan ang kanilang parehong hangad at tapat na pagsisilbi sa buong bansa. 

Mahalaga kasi ang may sinsiredad ang bawat binibigkas na salita ng mga kandidato at pasok sina Lacon at Sotto! 

JULIA, MARCO AT XIAN MANANAKOT SA PELIKULANG BAHAY NA PULA NGAYONG FEBRUARY 25 NA SA VIVAMAX

Kakaibang takot ang ipaparamdam ng VIVA Films sa bagong horror film na BAHAY NA PULA, mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza, at tampok sina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao.

Ang BAHAY NA PULA ay tungkol sa bagong kasal na sina Jane (Julia Barretto) at Marco (Xian Lim) na nagpunta sa Mindoro upang ibenta ang ancestral house na minana ni Jane sa kanyang lola. Ililibot sila ng caretaker sa buong lugar, ngunit biglang mag-iiba ang pakiramdam ni Jane pagdating nila sa silong ng bahay. Nang gabing yon, habang nagtatalik si Jane at Marco, biglang mararamdaman ni Jane na parang may mga matang nagmamasid sa kanila.

Kinabukasan, ibabalita kay Jane at Marco na umatras ang buyer ng ancestral house, dahil biglang nagpasa ang Municipal Council ng resolusyon upang ideklara na isang National Historic Site ang ancestral house. Susubukan ni Jane makipag-usap sa Mayor upang ipaatras ang resolusyon, ngunit laking gulat niya nang ang humarap sa kanya ay ang kanyang ex-boyfriend na si Anton (Marco Gumabao), na ngayon ay Mayor’s Secretary na. Habang tinutulungan ni Anton si Jane na mapaatras ang Council Resolution, magsisimula ring bumalik ang dati nilang pag-iibigan. At habang lahat ng ito ay nangyayari, magbabadya ding ipanganak ang kasamaan. Dahil sa sunod-sunod na mga nakakakilabot na pangyayari na mararanasan ni Jane sa ancestral house, unti-unti ring lalaki ang kanyang tiyan na parang siya ba ay nagdadalantao.

Siguradong kaabang-abang ang horror film na BAHAY NA PULA dahil sa all-star cast nito - Xian Lim, Marco Gumabao at Julia Barretto. Kaabang-abang din kung paanong treatment ang ginawa ng award-winning director na si Brillante Mendoza, na bihirang gumawa ng horror films. Ilang awards na rin ang kanyang natanggap para sa kanyang mga pelikula gaya ng “Tirador,” na nanalo ng Caligari Film Prize sa 2012 Berlin International Festival, at napanalunan niya ang Best Director Award para sa pelikulang “Kinatay” sa prestihiyosong Cannes Film Festival noong 2007.

Alamin ang mga misteryong bumabalot sa loob ng BAHAY NA PULA sa February 25, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, Europe, Canada at USA.

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account. Para sa best viewing quality na ang inyong panonood, ang VIVAMAX compatible na rin with TV casting.

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. 

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc. 

Ginawa ring mas affordable ng VIVAMAX ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days! 

Mas affordable, mas marami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

PAT DAZA AT ALI SOTTO MAGALING DIN SA KATATAPOS LANG NA ASPN PRESIDENTIAL INTERVIEW WITH BONGBONG MARCOS

Pagpasok ng buwan ng Enero 2022 ay rumatsada na ang mga isinasagawang Presidentiable debates and one on one interviews sa iba't ibang istasyon ng telebisyon at radyo. May mga presidential aspirants na matapang na humarap sa naging hamon sa kanila sa mga nakatalagang magi-interview sa kanila. Mula sa kanilang mga naging sagot sa mga ibinatong tanong sa kanila ay napanood ito ng buong Pilipinas at buong mundo. Dito na nag-umpisang tumimbang ang sambayanan kung sino ang magaling at kung sino ang sakto lang. Dito na rin nagkaroon ng ideya sa totoo lang kung sino ang karapat-dapat manungkulan bilang pinakamataas na tao sa ating bansa. 

Magadang oportunidad ito kung tutuusin para sa mga kandidato upang maihatid nila ang kanilang mga plataporma at kung anu- ano ang adhikain nila kapag sila ang nanalong Pangulo.

Mula sa The Jessica Sojo Interview at The Boy Abunda Interview ay matapang ding hinarap nina Ali Sotto at Pat Daza si Presidential aspirant Bongbong Marcos kamakailan lang sa pamamagitan ng ASPN Show nila nitong February 6, 2022 na may kinalaman parin sa Mata Ng Halalan 2022-The Presidential Interview ng Eagle Broadcasting Corporation's Net 25 Channel.

Buena-manong presidentiable si BBM para sa ASPN nina Pat at Ali. Napanood ko ang naturang interview kung saan pinaghandaan din nina Ali at Pat ang naturang one on one at face to face interview nila with Bongbong Marcos.

Maganda ang ginawang teaser ng Net 25 para kay BBM. Inilahad nila kung paano lumaki si Bongbong bilang Marcos at inilahad din nila kung paano nag-umpisang pasukin ni BBM ang pagiging isang public servant partikular sa Ilocos Norte na baluarte nito.

Tinanong si BBM patungkol sa main plan nitong unification. Kung anong magagawa niya para sa bansa. Pandemic issues. Economic crisis. Nabuksan din ang usaping martial law. Political deaths. Political dynasty. Corruption. Bakit maraming pilipino ang naghihirap. Foreign ownership o trade. Endo issue kasama na ang revenue on mining at ang pagiging Mama's boy niya na kanya namang inamin.

Sa mga ibinatong tanong sa kanya, obcourse, matalino si Bongbong at walang pintas na nasagot niya lahat ng maayos kasama ng kanyang pa-cuteness effect na guwapito naman talaga siya. 

In all fairness kena Ali at Pat, i love the way they did it. Napaka-light ng interview. Napaka-casual na para bang nagkukuwentuhan lang silang tatlo. Wala kang mararamdamang tension even pressure sa kanilang tatlo lalo na kay BBM na mahaba lang talagang sunagot. 

Sa kabuuan ng interview, hindi ang pagiging matalino ng bawat isa sa kanila ang nakita ko kundi ang puso ng interview. It was a good job for Ali and Pat dahil ramdam mo ang puso sa bawat tanong na ibinabato nila na kung tutuusin malakas na ang puwersa nila bilang dalawang female host laban kay Bongbong. But what they did is, ayaw nilang makasakit ng damdamin. It was really a fair game interview kay Bongbong and Ali and Pat balanced everything na sakto lang sa mata at pandinig ng manonood! 

Masaya lang ang naging interview nila. Panay nga ang tawanan kapag may nasisingit na kuwento at game na game naman si Bongbong. Kaya kaabang-abang pa ang mga parating na interviews ng dalawa sa apat pang presidentiable aspirants. Tutukan lang yan sa ASPN The Presidential Interview nina Ali Sotto at Pat Daza para sa programang Mata Ng Halalan 2022 ng Net 25!