ADARNA GANG NGAYONG MARCH 11 NA SA VIVAMAX

Ang kwento ng tatlong prinsipe na tumutugis sa isang ibong may tinig na nakapagpapagaling ay makikita sa “Ibong Adarna”.  Ito ay isang mahabang tula sa panitikang Pilipino na ginawan ng maraming bersyon sa pelikula, telebisyon, at teatro.  

Mula sa kwentong ito, inihahandog ng Viva Films ang “Adarna Gang”.  Ngunit sa halip na isang ibon at tatlong prinsipe, ipinakikilala dito ang isang dalaga at tatlong miyembro ng sindikato na nag-aagawan sa pagiging “hari”.  Pero sino ang hinahabol at sino ang humahabol?

Si Coleen Garcia ay gumaganap bilang Adriana, unica hija ng mag-asawang Jose (Soliman Cruz) at Maria (Mickey Ferriols).  Batid ni Adriana na sangkot sa sindikato ang kanyang ama kahit na hindi nila ito pinag-uusapan.  Umaasa na lamang siya na matutupad ang pangako nitong lilipat na sila sa probinsiya.  Ngunit maglalaho ang pangarap na ito nang mapatay si Jose.  

Si JC Santos ay gumaganap bilang Juan, isa sa tatlong anak-anakan nina Fernando (Ronnie Lazaro), ang lider ng sindikato, at Valeriana (Sharmaine Buencamino).  Kumpara sa kanyang mga tinuturing na kapatid, swabe at magaan kasama si Juan.  Sinusubukan nitong maging kaibigan si Adriana dahil magkaibigan naman ang kanilang mga ama.  

Diego rin ang pangalan ng karakter ni Diego Loyzaga.  Siya ang bunso sa tatlo.  Numero unong babaero, pero pagdating sa sindikato ay kulang pa sa galing.  Gayunpaman, marunong naman siyang sumunod sa utos.

Si Mark Anthony Fernandez ay si Pedro, ang pinakamatanda at pinakaambisyoso.  Hindi siya mag-aatubiling alisin ang sino mang balakid sa sindikato.  

Sigurado si Adriana na ang pamilya nina Fernando ang pumatay sa kanyang ama kaya naman handa nitong balikan sila isa-isa.

Samantala, tulad ng pangyayari sa “Ibong Adarna”, inutusan din sina Juan, Diego, at Pedro na tugisin si Adriana.  Ang unang makahuhuli sa kanya ay gagantimpalaan ng malaki.

Mapapanood na sa Vivamax ang “Adarna Gang” simula March 11 sa Vivamax, pero pwede mo rin itong mapanood in advance with Vivamax Plus, ang bagong pay per view service ng Viva.

Ito ang pagbabalik-pelikula ni Coleen Garcia matapos niyang manganak sa panganay nila ni Billy Crawford.  Ang kanyang huling pelikula noong 2020 ay ang “Mia”.

Salamat sa Viva, sunud-sunod rin ang proyekto nina JC Santos, Diego Loyzaga, at Mark Anthony Fernandez.  

Tagumpay ang huling pelikula ni JC na “More Than Blue”. Noong nakaraang taon, lima agad ang naging pelikula ni Diego, kasama na ang “Death of a Gilfriend” at kailan lang ay napanood natin ang galing ni Diego sa “The Wife”.  Si Mark Anthony Fernandez naman ay nakatatlong pelikula rin noong 2021, isa na dito ang “Barumbadings”.

Mahuhusay lahat ng aktor sa pelikulang ito kaya ‘wag itong palampasin.  Alamin kung sino ba sa “Adarna Gang” ang mamamayagpag at sino ang babagsak.  

Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Jon Red na tumatanggap na ng parangal simula dekada ’90, tulad ng Gawad Urian Award for Best Short Film: “Tiempo” (1993), Best Short Film: “Trip” (1994), at Silver DV Award for “Astigmatism” (2004) na ginawad sa Hong Kong International Film Festival.  Siya rin ang sumulat ng “Hugas”, isang romantic crime movie na exclusive rin sa Vivamax at siya rin ang writer and producer ng pinakabagong erotic series sa Vivamax, ang L.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Sa mga may active vivamax subscription, pwedeng-pwede niyo nang ma-acces ang Vivamax Plus. With price starting at 99 Pesos, makakapili na kayo ng gusto niyong mapanood in advance.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Pwede na ring makabili ng vouchers sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  

Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.  

Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  

Vivamax, atin ‘to!

No comments:

Post a Comment