Dumagundong ang sigaw ng bawat pilipinong pinaghandaan ang pagdating ng Ping-Lacon tandem na mukhang solido na ang panalo ngayong Mayo 2022 kung maging matalino ang bawat pilipino sa pagboto!
Sa naturang proclamation rally ay solid na solid naman talaga ang ipinakitang suporta ni Bossing Vic kasama sina Jose Manalo, Marc Pingis at Wally Bayola para kena Ping at Tito. Halatang suportado ng buong dabarkads ang desisyon ni Bossing Vic.
Sa Imus, Cavite naganap ang proclamation rally ng dalawa na ayon pa kay Bossing Vic ay lubos niyang hinahangaan si Ping dahil sa integridad nito. Ganoon din ang magandang track record nito at katapangan bilang isang public servant sa loob ng 5 dekada.
" Ako ay hanga sa katapatan nitong taong ito. Katapatan sa pagbibigay ng serbisyo publiko. At pagdating sa katapangan ay hindi mo matatawaran dahil Kabitenyo eh! Katapangan para labanan ang mga tiwali sa gobyerno at korupsyon. " paglalahad pa ni Bossing Vic.
Inendorso sin ni Bossing Vic ang kanyang kapatid na si Tito Sotto.
" Siya ang makakatulong ng ating Pangulong Ping para ayusin ang gobyerno, ayusin ang buhay nating lahat. " aniya.
Sa mensahe ni Presidential aspirant Ping Lacson ay binigyang diin nitong ang pagsisilbi sa Malacanang ay isang serbisyo sa publiko kung saan ang mga lider ay hindi dapat ituring na master kundi isang tao na dapat manilbihan sa taumbayan.
Siniguro ni Lacson na patuloy na inobserbahan ang mandatory health protocol at physical distancing sa lahat ng mga dumalo sa proclamation rally alinsunod sa polisiya niya para sa isang disiplinadong pangangampanya.
Nagbitiw din si Lacson sa kanyang talumpati ng pangakong aayusin nito ang Gobyerno. Aayusin ang buhay ng bawat Pilipino at papanagutin nito ang mga tiwaling tao sa gobyerno at uubusin nito ang mga magnanakaw!
Nanawagan din si Lacson sa taumbayan na maging matalino at mapanuri sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa sa halip na magluklok ng magnanakaw sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Mamumutawi diumano ang disiplina at katapatan sa kanyang pag-upo bilang Pangulo.
Sa mga naging pahayag nina Ping Lacson at Tito Sotto ay kitang-kita at ramdam natin ang kanilang totoong adhikain para sa bansa. Isang marangal na panunungkulan ang kanilang parehong hangad at tapat na pagsisilbi sa buong bansa.
Mahalaga kasi ang may sinsiredad ang bawat binibigkas na salita ng mga kandidato at pasok sina Lacon at Sotto!
No comments:
Post a Comment