PAT DAZA AT ALI SOTTO MAGALING DIN SA KATATAPOS LANG NA ASPN PRESIDENTIAL INTERVIEW WITH BONGBONG MARCOS

Pagpasok ng buwan ng Enero 2022 ay rumatsada na ang mga isinasagawang Presidentiable debates and one on one interviews sa iba't ibang istasyon ng telebisyon at radyo. May mga presidential aspirants na matapang na humarap sa naging hamon sa kanila sa mga nakatalagang magi-interview sa kanila. Mula sa kanilang mga naging sagot sa mga ibinatong tanong sa kanila ay napanood ito ng buong Pilipinas at buong mundo. Dito na nag-umpisang tumimbang ang sambayanan kung sino ang magaling at kung sino ang sakto lang. Dito na rin nagkaroon ng ideya sa totoo lang kung sino ang karapat-dapat manungkulan bilang pinakamataas na tao sa ating bansa. 

Magadang oportunidad ito kung tutuusin para sa mga kandidato upang maihatid nila ang kanilang mga plataporma at kung anu- ano ang adhikain nila kapag sila ang nanalong Pangulo.

Mula sa The Jessica Sojo Interview at The Boy Abunda Interview ay matapang ding hinarap nina Ali Sotto at Pat Daza si Presidential aspirant Bongbong Marcos kamakailan lang sa pamamagitan ng ASPN Show nila nitong February 6, 2022 na may kinalaman parin sa Mata Ng Halalan 2022-The Presidential Interview ng Eagle Broadcasting Corporation's Net 25 Channel.

Buena-manong presidentiable si BBM para sa ASPN nina Pat at Ali. Napanood ko ang naturang interview kung saan pinaghandaan din nina Ali at Pat ang naturang one on one at face to face interview nila with Bongbong Marcos.

Maganda ang ginawang teaser ng Net 25 para kay BBM. Inilahad nila kung paano lumaki si Bongbong bilang Marcos at inilahad din nila kung paano nag-umpisang pasukin ni BBM ang pagiging isang public servant partikular sa Ilocos Norte na baluarte nito.

Tinanong si BBM patungkol sa main plan nitong unification. Kung anong magagawa niya para sa bansa. Pandemic issues. Economic crisis. Nabuksan din ang usaping martial law. Political deaths. Political dynasty. Corruption. Bakit maraming pilipino ang naghihirap. Foreign ownership o trade. Endo issue kasama na ang revenue on mining at ang pagiging Mama's boy niya na kanya namang inamin.

Sa mga ibinatong tanong sa kanya, obcourse, matalino si Bongbong at walang pintas na nasagot niya lahat ng maayos kasama ng kanyang pa-cuteness effect na guwapito naman talaga siya. 

In all fairness kena Ali at Pat, i love the way they did it. Napaka-light ng interview. Napaka-casual na para bang nagkukuwentuhan lang silang tatlo. Wala kang mararamdamang tension even pressure sa kanilang tatlo lalo na kay BBM na mahaba lang talagang sunagot. 

Sa kabuuan ng interview, hindi ang pagiging matalino ng bawat isa sa kanila ang nakita ko kundi ang puso ng interview. It was a good job for Ali and Pat dahil ramdam mo ang puso sa bawat tanong na ibinabato nila na kung tutuusin malakas na ang puwersa nila bilang dalawang female host laban kay Bongbong. But what they did is, ayaw nilang makasakit ng damdamin. It was really a fair game interview kay Bongbong and Ali and Pat balanced everything na sakto lang sa mata at pandinig ng manonood! 

Masaya lang ang naging interview nila. Panay nga ang tawanan kapag may nasisingit na kuwento at game na game naman si Bongbong. Kaya kaabang-abang pa ang mga parating na interviews ng dalawa sa apat pang presidentiable aspirants. Tutukan lang yan sa ASPN The Presidential Interview nina Ali Sotto at Pat Daza para sa programang Mata Ng Halalan 2022 ng Net 25! 


No comments:

Post a Comment