CLOE BARRETO PINURI NI DIREK JOEL LAMANGAN SA PELIKULANG SILAB

Ikinasal. Nagsama sa iisang bubong. Nagmahalan. Ngunit saan hahantong ang lahat kung ang isang babaeng tulad ni Ana ay nagliliyab sa tawag ng kalamnan? Hanggang kailan ito dadalhin ng isang babaeng mapang-akit at parang sinilabang estatwa ng kamundohan? 

Isang krung-krung o sadyang ka-saltikan ang dahilan ng lahat? Ano nga ba ang kulang sa lalakeng asawa kung naghahanap pa ng iba ang asawang babae?

Yan ang ginagampanang papel ni Cloe Barreto sa pelikang Silab ni Raquel Villavicencio na idinerek naman ni Joel Lamangan.

Launching movie ito ni Cloe Barreto na ayon mismo sa papasibol na seksing aktres ay ibinuhos niya ang lahat at makikita ito sa pelikula lalo na sa mga ginawa niyang eksena sa pelikula with Jason Abalos at Marco Gomez. Hindi na raw binigyan ni Cloe ng limitasyon ang kanyang sarili sa movie. Diin niya'y ginawa na niya lahat para sa kanyang launching film lalo na't isang napakahusay na direktor ang kanyang katrabaho.

Sabi nga namin, bukod sa pagpapakita ni Cloe ng kanyang kahubdan sa pelikulang ito ay aabangan mo ang kanyang pag-arteng mismong si Joel Lamangan na rin ang nagsabing magaling siya bilang isang newcomer in this business.

Hindi maitago ni Direk Joel ang kanyang paghanga sa ipinakitang husay ni Cloe sa movie lalo na't nakipagsabayan daw ito sa kanyang mga kaeksenang magagaling na aktor natin sa industriya tulad nina Jim Pebanco, Lotlot De Leon at Chanda Romero.

Hahangaan at titingalain lalo si Cloe sa pelikulang ito. Promise yan. She did a very good job sa movie na ikinatuwa ng halos lahat ng nakapaligid sa seksing aktres.

Mahaba-habang paglalakbay pa ito Cloe Barreto pero may paglalagyan ka sa showbiz kasi sa unang baitang palang ng iyong paglakbay ay ipinaramdam at ipinamalas mo na ang iyong pagmamahal at pagyakap sa pag-arteng gustong-gusto mong pasukin.

Contract artist na rin si Cloe Barreto ng Viva Artist Agency. 

Tatlong 316 Events And Talent Management talents na ni Len Carrillo ang nasa VVA kung saan nakipag-co-management si Len.

Ito ay sina Sean De Guzman na bumida sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer, si Cloe Barreto na bidang aktres sa ipapalabas palang na pelikulang Silab at si Quinn Carrillo na produkto ng Starstruck Reality Show ng GMA Channel 7!

Bonnga!

MAY PASABOG NA KATOTOHANAN DAW SI JANNO GIBBS LABAN KAY KITKAT

Isang mensahe mula sa messenger ang aming natanggap. Nakasaad doon ang ipapadalang official statement dapat ng Net 25 patungkol sa isyung hidwaan ng dalawang host ng daily noontime show nilang Happy Time na sina Kitkat at Janno Gibbs. 

Hindi na yun umobra dahil naglipana na sa online news blogs at print ang naging sagot ng bawat kampo nina Kitkat at Janno. Kumbaga, pinagpiyestahan na ito. Hanggang sa makatanggap kami ng balitang pinag-ayos o nagkaayos naraw ang dalawa sa set o studio mismo ng Happy Time yesterday.

Pero kagabi lang ay lumabas agad-agad ang balitang mukhang hindi pa rin tapos ang war between Janno at Kitkat. Kung saan naglabas narin ng kanyang saloobin si Janno na nagsasabing inakala diumano niyang tapos na ang isyu kaya nagkaayos na sila pero hindi parin daw himihinto si Kitkat sa pagkuda sa kanyang social media accounts.

Hay naku! Sino ba ang nagpasimuno ng gulong ito? Si Janno ba? Si Kitkat ba? Nasaan si Anjo? Ano kayang masasabi ni Anjo Yllana about the said war ng dalawang co-host niya sa Happy Time?

Sino kaya kena Janno at Kitkat ang nagsasabi ng totoo? Sino ang nanglaglag at nalaglag? Sino ang trulagen at sino ang oxygen? Nakakaloka diba?

Nakakaloka lang ang sinabi ni Janno sa kanyang post na kailangang malaman na raw ng madlang pipol ang katotohanan dahil nadadamay na raw sa isyu ang anak niya! Ano kaya yun?

May pasabog kaya si Janno? Ano yung sinabi pa ni Janno na si Kitkat ang nang-provoked? Ano ba? Ang gulo naman eh! 

Ewan! Basta! Lalabas din ang totoo! Matatapos din ito at magkakaayos din sa bandang dulo ang dalawa! 

EXCLUSIVE: KUMPIRMADO: ARA MINA AT DAVE ALMARINEZ MAGPAPAKASAL NA THIS YEAR. KUMPIRMADO: IMBITADO RIN SI PATRICK MENESES SA KASAL..

EXCLUSIVE: Just this week ay umugong ang balitang after ng engagement nina Ara Mina at Dave Almarinez months ago ay ikakasal na raw sa simbahan ang couple. 

Kung tutuusin ay napakabilis ng pangyayaring ito between the two of them. Pero tulad nga nung kasabihang love is love and their love to each other ay hindi na kayang harangan pa.

When i heard about the said wedding, i personally texted ang mahal kong si Hazel Reyes o mas kilala natin sa showbiz name nitong Ara Mina.

I asked her kung totoong magpapakasal na sila ni Dave sa simbahan.

" Yes! It's true. Actually this year na yun. We're just finalizing the date. " yan po ang sagot ni Ara sa akin thru text message.

So! Kumpirmado na nga na ngayong taon na magaganap ang engrandeng selebrasyon ng pagmamahalang ito nina Ara at Dave.

Sa balitang imbitado raw ang kanyang ex-boyfiend na si Patrick Meneses sa kanyang kasal?

" Yes! Me and Dave, decided and agreed that invited si Patrick. " sagot pa nitong muli sa aking text message.

Ayan na nga ha! Tuloy na tuloy na ang pag-iisang dibdib nina Ara at Dave this year pero walang eksaktong date at kung saan ito gaganapin. 

Kumpirmado ring mismong sina Ara at Dave na ang nagdesisyong imbitahan ang dating boyfriend ni Ara na ama ng kanyang first baby na si Patrick Meneses.

Sa aking natanggap na text sagot from Hazel ay wala pa siyang sinabing listahan ng mga dadalong Ninong at Ninang! 

Best Wishes Hazel! True happiness na yan and alam kong will last forever! You have a good heart that's why GOD gave you a good person like Dave with a good heart too! 

DANIEL AT KARLA PRESENT SA 40 DAYS CELEBRATION OF MUSIC AND MEMORIES PARA KAY ROYETTE PADILLA

Kamakailan lang ay nagtipon-tipon ang buong angkan ng Padilla family. Ito ay upang i-celebrate nila ang 40th day ng namayapang kapamilya nilang si Royette Padilla.

Sa instagram post ni Rommel Padilla, nakalagay sa kanilang pagtitipon ang ' A night of music and memories for Kuya Royette. ' kung saan nandun ang mag-inang Queen Mother Karla Estrada at Daniel Padilla. 

Sa larawang ito ay kasama ng mag-ina sina Rommel Padilla at Mommy Eva Carino. Sabi nga namin, napaka-perfect ng kuhang ito ng apat huh!

Anyways, nasa selebrasyon din ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla. Nagkita-kita ang magpipinsang Padilla kaya naging masaya raw ang naturang pagtitipon.

Sa kasalukuyan ay regular pa rin napapanood si Karla Estrada sa kanyang weekday show na Magandang Buhay ganoon din si Daniel Padilla sa kanyang commitments. 

Ayon pa nga kay Karla the last time na nakausap ko siya, life must go on. Ang worry niya lang daw ay kung hanggang kelan ito matatapos ( pandemic ). Unprepared daw ang lahat sa pandemyang ito at walang nag-akalang ganito ka-lala ang kahahantungan.

Tanungin ko sana siya kung ano na ang update sa planong pagpapakasal niya next year kay Jam Ignacio pero mas pinili kong next month ko nalang itanong! Ha! Ha! Ha!

Yun na! 

JULIA BARRETTO PATULOY SA PAGKINANG

Nung magsara ang ABS-CBN ay tuluyang nagpaalam si Julia Barretto sa Star Magic. Kasalukuyang nasa Viva Artist Agency na nga si Julia at sa pagkakaalam namin ay naga-gandahang proyekto ang nakalinya sa magaling na aktres. 

Sa nakikita naming socmed post ni Julia, easy, mukhang masaya naman si Julia sa kanyang naging desisyon. Blooming siya actually at kitang-kita na mukhang inspirado siya sa kanyang buhay huh!

Kilala namin si Julia na after being involved kay Joshua Garcia ay naging tahimik na si Julia pagdating sa kanyang private life and we need to respect that. Ang tanong kasi, sino kaya ang inspirasyon niya ngayon? Yun na!

Isa lamang si Julia Barretto sa mga naga-artistang hinding-hindi mawawalan ng proyekto. Dahil bukod sa napakaganda niya at love na love siya ng kamera, mahusay siyang umarte!

After this pandemic ay alam naming raratsadang muli si Julia sa kanyang karera! For sure yan! O baka sa ngayon palang ay umaariba na siya ng hindi lang natin alam? Hindi ba Viva Artist Agency?

5TH FAN FREE STREAMING SA FDCP CHANNEL

The Film Ambassadors' Night (FAN) is an annual event launched by the FDCP in 2017 that recognizes Filipino filmmakers, actors, and films of various formats that gained recognitions from established international film festivals and award-giving bodies in the past year.


In support of the National Arts Month, the 5th edition of FAN will be streamed for free exclusively on FDCP Channel. To sign up, just visit: https://fdcpchannel.ph


See the complete list of honorees and special awardees here: https://bit.ly/3psFsQy


#FAN2021 #FilmAmbassadorsNight2021

BERNIE BATIN ANG VIRAL NA MALDITANG TINDERA AARIBA NA SA PELIKULANG AYUDA BABES

Interesting ang naging paglalakbay sa buhay ni Bernie Batin bago pa man nito tuluyang nakamit ang sinasabi nating tagumpay sa buhay. Mula sa probinsiya ng Pangasinan ay bumiyahe na nga si Bernie patungong Maynila upang makipagsapalaran sa mundo ng showbiz simulang maging paborito siyang pinapanood ng buong mundo dahil na rin sa kanyang viral vlog bilang isang masungit na tindera o tindero! 

Ang hindi natin alam ay mapangahas na pagsubok muna ang kanyang pinagdaanan bago siya tuluyang nakilala at ngayo'y milyon-milyon na ang nanonood sa kanyang vlog.

" Kung anu-ano po Tito Doms ang pinag-gagawa ko noon bago ako nag-viral! Nandiyan yung nagi-snake hunting ako at naglalangoy sa putikan, marami pa Tito Doms. Hanggang sa heto nga itong masungit na tindera na ako na sa totoo lang po ay hindi ko inaasahang dito ako magva-viral at magkaroon ng maraming followers hanggang sa heto nga po, kasama napo ako sa pelikulang Ayuda Babes ni Direk Joven Tan at kasama ko po ang mga batikan ng komedyanteng sikat sa movie! Sobrang masaya po ako Tito Doms sa blessing na ito. Tapos marami narin pong kumukuha sa aking endorsements, sobrang pinagpala po Tito Doms. " bulalas pa nitong kuwento sa akin when i got the chance after the pocket presscon for the said movie para makausap siya ng one on one. 

Naitanong ko rin kay Bernie kung kamusta naman ang naging treatment sa kanya ng mga kasamahan niyang beks sa movie?

" Okey naman po sila. Lahat naman sila kasundo ko. Hindi ko man po sila ganoon ka-close pero okey po silang lahat at masaya po kaming lahat habang sino-shooting po namin ang pelikulang ito. " aniyang muli.

Dream come true daw ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ni Bernie. Lalo na ang makita ng personal ang mga komedyanteng beks na kasamahan niya sa pelikula. May istorya ito.

" Kasi wala naman po akong kaibigan doon sa amin na mga mayayamang bading na nagyaya sa aking pumunta ng Maynila para mapanood sila. Wala akong ganoong kaibigan doon. Simple lang na mga mas mababatang bakla ang kaibigan ko doon at rampa-rampa lang! Pero pangarap ko talagang mapanood manang sila noon pero parang ang hirap po para sa akin kasi doon lang naman ako sa Pangasinan. " kuwento pa nito.

Yung tindahang nasa vlog niya ay tindahan daw pala talaga nila sa Pangasinan. 

" Yes po Tito! Tindahan po namin yun na maliit lang na pinagkukunan po namin ng aming pang-suporta sa araw-araw! Ang suwerte nga po nung tindahan na yun! " aniyang dugtong pang tsika sa akin.

Ngayong kumikita na siya sa kanyang vlog, raket-raket at kung anu-ano pa? Mas masaya na ba ang pamilya? 

" Ay naku opo Tito Doms! Sakto palang naman po ang kinikita ko sa vlog ko na pang-suporta a rin po sa aming pamilya. Sa pangangailangan naming lahat. Malaking tulong o bagay po sa amin. Kaya salamat talaga lagi ang sinasabi ko kasi hindi po lahat ay nagkakaroon ng ganitong break. Sobrang blessed!" Daldal pa ni Bernie.

Personal kung ipinarating kay Bernie ang aking pagsaludo sa kanya lalo na ang pagiging fan ko sa kanyang ginagawa! Ramdam ko rin ang sinsiredad ni Bernie habang kausap ko siya bilang isang simpleng tao lang. Magaan ang loob ko sa kanya lalo na't pareho kaming Ilokano! 

Wala akong ibang wish, sabi ko nga sa kanya na magtuloy-tuloy ang magandang nangyayari sa kanyang karera at mag-ingat lang sa mga taong mapanlinlang sa mundo ng showbiz na kanyang ginagalawan na! 

Goodluck Bernie Batin!

Mapapanood na ang pelikulang ito starting March 5 sa KTX.PH at IWANTTFC na sinulat at idinerehe ni Direk Joven Tan. Produced din po ito ng Saranggola Productions.

Maraming salamat po kay Atty. Billie Sue Go-Lim at sa King Cup Sardines.

AYUDA BABES AARIBA NA SA KATATAWANAN NGAYONG MARCH 5

Sa ngayon palang ay inaabangan na! Patatawanin at aaliwin kayo ngayong pandemic ng pelikulang Ayuda Babes, ang pinakabagong handog ng Saranggola Media Productions.

Hatid ng pelikula ang mga kakaibang kwentong-barangay at kung anu-anong eksena ng madlang people habang naka-lockdown sa bahay at naghihintay ng ayuda.

Pagbibidahan ang Ayuda Babes ng Tiktok King na si Gardo Verzosa, Joey Paras, Iyah Mina, Juliana Parescova Segovia, comedian / vloggers na sina Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Berni Batin, at ang Mash Up Queen na si Ate Gay na kare-release lang ng digital single na  May Himala Pala.

Kasama rin sa pelikula ang singer-youtuber na si Christi Fider (nagpasikat ng Teka, Teka, Teka) Zeus Collins, Bidaman Dan Delgado, with the special participation of Marlo Mortel, and Marc Logan.

Ayon sa director ng Ayuda Babes na si Joven Tan, bukod sa entertainment value, ginawa niya ang pelikula para ipakita ang katatagan ng mga Pinoy sa pagharap sa krisis.

“Isang taon na tayong may pandemya dahil sa COVID-19 pero nagagawa pa rin nating ngumiti. We take things seriously but we still manage to enjoy our lives, our family, and this is what the movie is all about,” ani Direk Joven.

Ipapalabas ang Ayuda Babes sa iWant TFC at sa Ktx.Ph simula March 5.

CLOE BARRETO KINILIG AT BUMILIB KAY JASON ABALOS

Hindi sukat akalain ng seksing aktres na si Cloe Barreto ang pagkakataong isang respetado at magaling na direktor tulad ni Joel Lamangan ang hahawak sa kanyang launching movie na Silab. Kaya naman sa unang araw palang ng shooting nila ay nagpakitang gilas na kaagad si Cloe kay direk Joel. 

" Nung storycon palang po, kinabahan na ako. Actually, nung nabanggit palang sa akin ni Nanay Len, nagulat na ako at kinabahan na ako. Kaya sabi ko, gagalingan ko para hindi ako mapagalitan ni direk. Ayon po, napagalitan naman ako, ilang beses din, pero alam kung mas alam po kasi niya bilang direktor ang dapat naming gawin sa mga eksena namin, siyempre, susunod ka and sa totoo lang po, nqpakarami kong natutunan kay direk Joel. Sobrang blessed at thankful po ako at isang karangalan po para sa akin ang makatrabaho siya talaga. " bulalas pa ni Cloe Barreto sa katatapos lang na ipinatawag na pocket presscon ng 316 Media Company para sa kanilang dalawa ng hunk actor na si Marco Gomez.

Medyo dark kung tutuusin ang tema ng launching movie ni Cloe. Mabigat ang role na kanyang ginagampanan. Pero tuwang-tuwa ang buong 316 Events And Talent Management nang mabalitaan nilang mula mismo sa bibig ni Direk Joel Lamangan ang salitang hindi nito sukat akalaing nagampanang mabuti ni Cloe ang kanyang role sa halos 10 araw nitong pagdidirehe sa baguhan at palabang seksing aktres.

" Nakakataba po ng puso. Sabi nga po nila. Kasi, gustong-gusto ko po talaga ang ginagawa ko Tito eh. Pangarap ko 'to. Kaya ginalingan ko. Ayoko rin po kasing ma-disappoint si Direk, Sina Nanay Len at Tatay Deo, sa lahat po ng nagtiwala sa akin, sobrang may pressure po, kaya ginawa ko ang tama. " paglalahad muli ni Cloe.

Nabatid ko rin na super crush pala ni Cloe Barreto si Jason Abalos na gumanap bilang asawa niya sa Silab. 

" Kaya nga po eh! Super crush ko talaga siya.Kinikilig ako sa kanya Tito eh! Kaya lalo akong naging inspirado sa shooting! Charooot! " bungisngis pa nitong tsika sa akin.

Actually, while nasa shooting ay panay na ang tukso namin kena Cloe at Jason. 

" Naku! Kung wala lang siyang.....Ha! Ha! Ha! Joke lang Tito! " natawang biro pa nito.

Matapang si Cloe dahil lahat ng kailangan niyang gawin para sa kanyang launching movie ay ginawa niya na talaga nga namang sa ngayon palang ay inaabangan na bukod pa sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte!

Produced ito ng 316 Media Company. Suportado si Cloe ng mga magagaling nating aktor sa industriya tulad nina Chanda Romero, Lotlot De Leon, Jim Pebengco at Tita Tabs. Mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at direksiyon ni Joel Lamangan. 

CLOE BARRETO WILL SHINE SA PELIKULANG SILAB NI JOEL LAMANGAN

Walang arte sa katawan. Alam niya ang kanyang ginagawa. Gusto niya ang buhay artista. Walang kiyeme at kitang-kita ang kanyang dedikasyon mula sa unang araw ng shooting ng kanyang launching movie na ' Silab ' mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at direksiyon ni Joel Lamangan. 

Yes! Ilulunsad ng 316 Media Company ang baguhang movie star na si Cloe Barreto sa pamamagitan ng isang nakakalokang papel sa pelikulang ito kung saan niya nakatrabaho ang mahusay na aktor na si Jason Abalos kasama ang newbie hunk actor na si Marco Gomez.

Napakasuwerte ni Cloe Barreto dahil naglalakihang aktor natin sa showbizlandia ang sumuporta sa kanya sa kanyang launching movie tulad nina Jim Pebengco, Ms. Tabs, Chanda Romero at Lotlot De Leon. Kasama rin ang malapit na ring magkaroon ng kanya-kanyang launching films na sina Kyle Carrillo at Karl Aquino na parehong produkto ng 316 Events And Talent Management at Starstruck.

Sa totoo lang, napakaganda ng script ng movie. Nakakaloka. Isabay mo pa rito ang kakaibang atake ni Direk Joel Lamangan bilang leader of the band. 

Mula Angeles City, Pampanga kung saan kinunan ang dalawang araw ng Silab hanggang Lian, Batangas para sa anim pang natitirang araw for the said film ay puro papuri at magagandang komento ang aming natanggap mula sa iba't ibang tao sa produksiyon para kay Cloe Barreto. 


SILAB | A FILM BY JOEL LAMANGAN | PRODUCED BY 316 MEDIA COMPANY | SOON