CLOE BARRETO KINILIG AT BUMILIB KAY JASON ABALOS

Hindi sukat akalain ng seksing aktres na si Cloe Barreto ang pagkakataong isang respetado at magaling na direktor tulad ni Joel Lamangan ang hahawak sa kanyang launching movie na Silab. Kaya naman sa unang araw palang ng shooting nila ay nagpakitang gilas na kaagad si Cloe kay direk Joel. 

" Nung storycon palang po, kinabahan na ako. Actually, nung nabanggit palang sa akin ni Nanay Len, nagulat na ako at kinabahan na ako. Kaya sabi ko, gagalingan ko para hindi ako mapagalitan ni direk. Ayon po, napagalitan naman ako, ilang beses din, pero alam kung mas alam po kasi niya bilang direktor ang dapat naming gawin sa mga eksena namin, siyempre, susunod ka and sa totoo lang po, nqpakarami kong natutunan kay direk Joel. Sobrang blessed at thankful po ako at isang karangalan po para sa akin ang makatrabaho siya talaga. " bulalas pa ni Cloe Barreto sa katatapos lang na ipinatawag na pocket presscon ng 316 Media Company para sa kanilang dalawa ng hunk actor na si Marco Gomez.

Medyo dark kung tutuusin ang tema ng launching movie ni Cloe. Mabigat ang role na kanyang ginagampanan. Pero tuwang-tuwa ang buong 316 Events And Talent Management nang mabalitaan nilang mula mismo sa bibig ni Direk Joel Lamangan ang salitang hindi nito sukat akalaing nagampanang mabuti ni Cloe ang kanyang role sa halos 10 araw nitong pagdidirehe sa baguhan at palabang seksing aktres.

" Nakakataba po ng puso. Sabi nga po nila. Kasi, gustong-gusto ko po talaga ang ginagawa ko Tito eh. Pangarap ko 'to. Kaya ginalingan ko. Ayoko rin po kasing ma-disappoint si Direk, Sina Nanay Len at Tatay Deo, sa lahat po ng nagtiwala sa akin, sobrang may pressure po, kaya ginawa ko ang tama. " paglalahad muli ni Cloe.

Nabatid ko rin na super crush pala ni Cloe Barreto si Jason Abalos na gumanap bilang asawa niya sa Silab. 

" Kaya nga po eh! Super crush ko talaga siya.Kinikilig ako sa kanya Tito eh! Kaya lalo akong naging inspirado sa shooting! Charooot! " bungisngis pa nitong tsika sa akin.

Actually, while nasa shooting ay panay na ang tukso namin kena Cloe at Jason. 

" Naku! Kung wala lang siyang.....Ha! Ha! Ha! Joke lang Tito! " natawang biro pa nito.

Matapang si Cloe dahil lahat ng kailangan niyang gawin para sa kanyang launching movie ay ginawa niya na talaga nga namang sa ngayon palang ay inaabangan na bukod pa sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte!

Produced ito ng 316 Media Company. Suportado si Cloe ng mga magagaling nating aktor sa industriya tulad nina Chanda Romero, Lotlot De Leon, Jim Pebengco at Tita Tabs. Mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at direksiyon ni Joel Lamangan. 

No comments:

Post a Comment