CLOE BARRETO PINURI NI DIREK JOEL LAMANGAN SA PELIKULANG SILAB

Ikinasal. Nagsama sa iisang bubong. Nagmahalan. Ngunit saan hahantong ang lahat kung ang isang babaeng tulad ni Ana ay nagliliyab sa tawag ng kalamnan? Hanggang kailan ito dadalhin ng isang babaeng mapang-akit at parang sinilabang estatwa ng kamundohan? 

Isang krung-krung o sadyang ka-saltikan ang dahilan ng lahat? Ano nga ba ang kulang sa lalakeng asawa kung naghahanap pa ng iba ang asawang babae?

Yan ang ginagampanang papel ni Cloe Barreto sa pelikang Silab ni Raquel Villavicencio na idinerek naman ni Joel Lamangan.

Launching movie ito ni Cloe Barreto na ayon mismo sa papasibol na seksing aktres ay ibinuhos niya ang lahat at makikita ito sa pelikula lalo na sa mga ginawa niyang eksena sa pelikula with Jason Abalos at Marco Gomez. Hindi na raw binigyan ni Cloe ng limitasyon ang kanyang sarili sa movie. Diin niya'y ginawa na niya lahat para sa kanyang launching film lalo na't isang napakahusay na direktor ang kanyang katrabaho.

Sabi nga namin, bukod sa pagpapakita ni Cloe ng kanyang kahubdan sa pelikulang ito ay aabangan mo ang kanyang pag-arteng mismong si Joel Lamangan na rin ang nagsabing magaling siya bilang isang newcomer in this business.

Hindi maitago ni Direk Joel ang kanyang paghanga sa ipinakitang husay ni Cloe sa movie lalo na't nakipagsabayan daw ito sa kanyang mga kaeksenang magagaling na aktor natin sa industriya tulad nina Jim Pebanco, Lotlot De Leon at Chanda Romero.

Hahangaan at titingalain lalo si Cloe sa pelikulang ito. Promise yan. She did a very good job sa movie na ikinatuwa ng halos lahat ng nakapaligid sa seksing aktres.

Mahaba-habang paglalakbay pa ito Cloe Barreto pero may paglalagyan ka sa showbiz kasi sa unang baitang palang ng iyong paglakbay ay ipinaramdam at ipinamalas mo na ang iyong pagmamahal at pagyakap sa pag-arteng gustong-gusto mong pasukin.

Contract artist na rin si Cloe Barreto ng Viva Artist Agency. 

Tatlong 316 Events And Talent Management talents na ni Len Carrillo ang nasa VVA kung saan nakipag-co-management si Len.

Ito ay sina Sean De Guzman na bumida sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer, si Cloe Barreto na bidang aktres sa ipapalabas palang na pelikulang Silab at si Quinn Carrillo na produkto ng Starstruck Reality Show ng GMA Channel 7!

Bonnga!

No comments:

Post a Comment