CLOE BARRETO WILL SHINE SA PELIKULANG SILAB NI JOEL LAMANGAN

Walang arte sa katawan. Alam niya ang kanyang ginagawa. Gusto niya ang buhay artista. Walang kiyeme at kitang-kita ang kanyang dedikasyon mula sa unang araw ng shooting ng kanyang launching movie na ' Silab ' mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at direksiyon ni Joel Lamangan. 

Yes! Ilulunsad ng 316 Media Company ang baguhang movie star na si Cloe Barreto sa pamamagitan ng isang nakakalokang papel sa pelikulang ito kung saan niya nakatrabaho ang mahusay na aktor na si Jason Abalos kasama ang newbie hunk actor na si Marco Gomez.

Napakasuwerte ni Cloe Barreto dahil naglalakihang aktor natin sa showbizlandia ang sumuporta sa kanya sa kanyang launching movie tulad nina Jim Pebengco, Ms. Tabs, Chanda Romero at Lotlot De Leon. Kasama rin ang malapit na ring magkaroon ng kanya-kanyang launching films na sina Kyle Carrillo at Karl Aquino na parehong produkto ng 316 Events And Talent Management at Starstruck.

Sa totoo lang, napakaganda ng script ng movie. Nakakaloka. Isabay mo pa rito ang kakaibang atake ni Direk Joel Lamangan bilang leader of the band. 

Mula Angeles City, Pampanga kung saan kinunan ang dalawang araw ng Silab hanggang Lian, Batangas para sa anim pang natitirang araw for the said film ay puro papuri at magagandang komento ang aming natanggap mula sa iba't ibang tao sa produksiyon para kay Cloe Barreto. 


SILAB | A FILM BY JOEL LAMANGAN | PRODUCED BY 316 MEDIA COMPANY | SOON

No comments:

Post a Comment