BERNIE BATIN ANG VIRAL NA MALDITANG TINDERA AARIBA NA SA PELIKULANG AYUDA BABES

Interesting ang naging paglalakbay sa buhay ni Bernie Batin bago pa man nito tuluyang nakamit ang sinasabi nating tagumpay sa buhay. Mula sa probinsiya ng Pangasinan ay bumiyahe na nga si Bernie patungong Maynila upang makipagsapalaran sa mundo ng showbiz simulang maging paborito siyang pinapanood ng buong mundo dahil na rin sa kanyang viral vlog bilang isang masungit na tindera o tindero! 

Ang hindi natin alam ay mapangahas na pagsubok muna ang kanyang pinagdaanan bago siya tuluyang nakilala at ngayo'y milyon-milyon na ang nanonood sa kanyang vlog.

" Kung anu-ano po Tito Doms ang pinag-gagawa ko noon bago ako nag-viral! Nandiyan yung nagi-snake hunting ako at naglalangoy sa putikan, marami pa Tito Doms. Hanggang sa heto nga itong masungit na tindera na ako na sa totoo lang po ay hindi ko inaasahang dito ako magva-viral at magkaroon ng maraming followers hanggang sa heto nga po, kasama napo ako sa pelikulang Ayuda Babes ni Direk Joven Tan at kasama ko po ang mga batikan ng komedyanteng sikat sa movie! Sobrang masaya po ako Tito Doms sa blessing na ito. Tapos marami narin pong kumukuha sa aking endorsements, sobrang pinagpala po Tito Doms. " bulalas pa nitong kuwento sa akin when i got the chance after the pocket presscon for the said movie para makausap siya ng one on one. 

Naitanong ko rin kay Bernie kung kamusta naman ang naging treatment sa kanya ng mga kasamahan niyang beks sa movie?

" Okey naman po sila. Lahat naman sila kasundo ko. Hindi ko man po sila ganoon ka-close pero okey po silang lahat at masaya po kaming lahat habang sino-shooting po namin ang pelikulang ito. " aniyang muli.

Dream come true daw ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ni Bernie. Lalo na ang makita ng personal ang mga komedyanteng beks na kasamahan niya sa pelikula. May istorya ito.

" Kasi wala naman po akong kaibigan doon sa amin na mga mayayamang bading na nagyaya sa aking pumunta ng Maynila para mapanood sila. Wala akong ganoong kaibigan doon. Simple lang na mga mas mababatang bakla ang kaibigan ko doon at rampa-rampa lang! Pero pangarap ko talagang mapanood manang sila noon pero parang ang hirap po para sa akin kasi doon lang naman ako sa Pangasinan. " kuwento pa nito.

Yung tindahang nasa vlog niya ay tindahan daw pala talaga nila sa Pangasinan. 

" Yes po Tito! Tindahan po namin yun na maliit lang na pinagkukunan po namin ng aming pang-suporta sa araw-araw! Ang suwerte nga po nung tindahan na yun! " aniyang dugtong pang tsika sa akin.

Ngayong kumikita na siya sa kanyang vlog, raket-raket at kung anu-ano pa? Mas masaya na ba ang pamilya? 

" Ay naku opo Tito Doms! Sakto palang naman po ang kinikita ko sa vlog ko na pang-suporta a rin po sa aming pamilya. Sa pangangailangan naming lahat. Malaking tulong o bagay po sa amin. Kaya salamat talaga lagi ang sinasabi ko kasi hindi po lahat ay nagkakaroon ng ganitong break. Sobrang blessed!" Daldal pa ni Bernie.

Personal kung ipinarating kay Bernie ang aking pagsaludo sa kanya lalo na ang pagiging fan ko sa kanyang ginagawa! Ramdam ko rin ang sinsiredad ni Bernie habang kausap ko siya bilang isang simpleng tao lang. Magaan ang loob ko sa kanya lalo na't pareho kaming Ilokano! 

Wala akong ibang wish, sabi ko nga sa kanya na magtuloy-tuloy ang magandang nangyayari sa kanyang karera at mag-ingat lang sa mga taong mapanlinlang sa mundo ng showbiz na kanyang ginagalawan na! 

Goodluck Bernie Batin!

Mapapanood na ang pelikulang ito starting March 5 sa KTX.PH at IWANTTFC na sinulat at idinerehe ni Direk Joven Tan. Produced din po ito ng Saranggola Productions.

Maraming salamat po kay Atty. Billie Sue Go-Lim at sa King Cup Sardines.

No comments:

Post a Comment