CLIQUE V LALONG AABANGAN NGAYONG 2020

Sa mundo ng showbusiness, kadalasang nasasabing kasabihan ay kapag may tiyaga ay may nilaga. Taon ang iyong bibilangin bago magdatingan ang mga oportunidad na hinulma para sa iyo. Tiyaga dahil kailangan mong hintayin ang pagbubukas ng isang pinto ng pagkakataon na kapag nagbukas ito ay kailangan mong sunggaban at huwag na pakawalan. Higit sa lahat ay dapat mong samahan ng pagmamahal sa trabaho ang iyong pagtitiyaga dahil kung wala ito, hindi magbubunga ang iyong hangad at pinagsisikapang makamit na pangarap. For 3 years, simulang hawakan namin ang PR ng Clique V na isang all male sing and dance group under the management of Len Carillo ng 316 Events And Talent Management ay nakita namin ang pagbabago sa bawat isa sa kanila mula sa mga original members nito, hanggang sa may dumating na additional members hanggang sa nangawala ang mga ito at naiwan matitibay na sina Sean De Guzman, Marco Gomez, Kaizer Hirukishiba, Calvin Almojera at Karl Aquino. Sa anim na miyembrong nagtiyaga sa grupo upang hanggang ngayon ay nanatili silang matibay at patuloy sa kani-kanilang karera, ramdam naming may mapupuntahan ang bawat isa sa kanila sa tamang panahon. Actually proud na rin ang kami dahil sina Karl Aquino at Gelo Alagban ay kasalukuyan ng contract artist ng GMA Artist Center ng Kapuso Network. Samantalang ang apat na sina Kaizer, Sean, Calvin at Marco ay patuloy naman sa mga auditions at umaasang mabibigyang pansin din sila sa mundong kanilang ginagalawan sa ngayon. Lagi naming sinasabing tiyagaan lang sa showbiz. Yung iba nga diyan bago nakilala ay lumipas muna ang 5 to 10 years na pagtitiyaga bago tuluyang nakagawa ng pangalan sa showbiz. 
In all fairness naman kasi sa Clique V, grabe naman talaga ng kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho kasabay ang kanilang pag-aaral pa. 
Nakakatuwa lang dahil hindi naman nawawalan ng shows out of town ang mga bagets. Napapanood si Karl Aquino tuwing Sunday sa All Out Sundays show ng GMA Kapuso Network bilang isa sa mga QT's regularly. Tapos si Gelo Alagban naman ay busy naman sa mga taping-taping sa ilang GMA shows. Mapapanood din ang buong grupo ng Clique V tuwing Sunday night naman sa Zirkoh, Tomas Morato. Kapag wala naman silang rehearsals o shows ay walang ibang ginagawa ang grupo kundi ang magpaganda ng kanilang katawan sa Boeiings Fitness Gym sa Marikina City. 
By 2nd quarter of this year ay plano ng maipasok ang Clique V  sa isang matinding acting workshops para lalo pang mahasa ang kanilang itinatagong kakayanan maari sa pag-arte! Puwedeng-puwede naman kasing mag-artista ang bawat isa sa Clique V dahil guguwapo naman talaga nila! Lalo pa nating aabangan ang all male group na ito dahil kapag natuloy ay naglalakihang proyekto ang gusto nilang magawa sa loob ng taong 2020!

MAMASAPANO MASSACRE MOVIE TULOY NA TULOY NA!

Tuloy na tuloy na ang pelikulang gagawin tungkol sa kontrobersyal na Mamasapano Massacre na naganap noong ika-25 ng Enero 2015 kung saan may 44 na pulis ang nasawi sa kamay ng mga rebelde matapos magsagawa ng law enforcement operation laban sa mga teroristang si Zulkifli Abdhir alias Marwan at Abdul Basit Usman kung saan napatay si Abdhir samantalang nakatakas naman si Usman.
Ayon kay Attorney Ferdinand Topacio na siyang namumuno sa bagong tayong Borracho Film Production, minarapat nila na gawing initial offering ang istorya ng tinaguriang SAF 44 sapagkat dapat daw malaman ng lahat ng Pilipino kung anong tunay na nangyari sa Mamasapano noong malungkot na araw na iyon. Matatandaang si Topacio rin ang abogado ng mga magulang ng SAF 43 na nagsampa ng reklamong 44 counts ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Aquino 111 at ang mga heneral na sina Alan Purisima at Getulio Napenas na siyang nagplano at nagsagawa ng Oplan Exodus kung saan nagsimatayan ang mga pulis. 
Ang sumusulat ng script ay ang premyadong scriptwriter na si Eric Ramos na siyang sumulat din jg Rainbows Sunset kung saan siya nagwagi ng Best Screenplay noong 2018 Metro Manila Film Festival. Ito naman ay sa direksyon ni Lawrence Fajardo na beterano na ring entrant sa MMFF kung saan ang kanyang The Strangers ay official entry noong 2012. Kilala din siya sa mga pelikulang Amok, Invisible, at Posas. Upang masigurong pulido ang pagkakagawa ay tumatayo namang Production Consultant ang kilalang producer na si G. Jesse Ejercito. 
Kumpirmado na rin ang pagganap nina Edu Manzano, Ritz Azul at Myrtelle Sarrosa sa mga mahahalagang roles. Tinatarget ni Attorney Topacio si Arjo Atayde bilang isa sa mga lead stars. 
Todo suporta naman ang mga magulang ng SAF 44 sa proyektong ito. Abangan!

LOVE THY WOMAN TELESERYE NINA KIM CHIU AT XIAN LIM, INAABANGAN NA

Magsisimula na ngayong February 10 sa Kapamilya Gold ang inaabangang latest tv series ng KIMXI na LOVE THY WOMAN na handog naman sa atin ng DreamscapePH mula sa direksiyon nina Andoy Ranay at Jerry Sineneng. Actually, happy to see both Xian and Kim sa katatapos lang nitong Grand Media Launch na ginanap sa 9401 Restaurant ng ELJ Building mula sa imbitasyon ng ABS-CBN Corp. Communication. 
Ang tanong namin ay kung kaya nga ba ng puso na magmahal nang pantay?
Dalawang pamilya ang maglalaban para sa pag-ibig sa pinakabagong series na ito. Tampok sa family drama ang inaabangang pagbabalik-teleserye ng tambalan nina Kim at Xian, ang teleserye comeback ni Yam pagkatapos ng Halik at ang star-studded cast na kinabibilangan nina Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez at Christopher De Leon.
Iikot ang kwento sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam ( Christopher ) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya - ang unang asawang si Lucy ( Eula ) at anak nilang si Dana ( Yam ) at ang pangalawang asawang si Kai ( Sunshine ) at anak niya ritong si Jia ( Kim ).
Kahit na tanggap ng dalawang asawa ang sitwasyon, patuloy parin ang alitan sa pagitan nila at maapektuhan nito ang relasyon ng kanilang mga anak.
Isang gabi ang wawasak sa pamilyang Wong dahil maaaksidente si Dana at ang asawa niyang si David ( Xian ) sa gabi ng kanilang kasal at malalagay sa coma si Dana.
Habang hinihintay nilang magising si Dana ay mabubuo naman ang mas malalim na relasyon sa pagitan nina Jia at David na gugulo sa kanilang buong angkan. 
Anong mga tagpo ang maghihintay sa paggising ni Dana? Hanggang kelan kayang pumagitna ni Adam sa pagsasama ng dalawa niyang pamilya? 
Mukhang aariba sa ratings ang teleseryeng ito huh. Bukod doon ay ang napakagandang materyal nito that involves family na kinababaliwan nating Pinoy na kapag pamilya na ang pag-uusapan! 
Simula napo ngayong February 10!

D' NINANG SHOWING JANUARY 22 IN CINEMAS NATIONWIDE

Papatok talaga sa takilya ang pelikulang D' Ninang ng Regal Entertainment mula sa direksyon ni GB Sampedro. Yes na yes sa katatawanan ang movie'ng ito na pinagbibidahan ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai Delas Alas kasama sina Lou Veloso, Mccoy De Leon, Kelvin Miranda, Joey Marquez, Kiray Celis at Kisses Delavin. Mawiwindang kayo sa kakatawa sa mga kalokohang gagawin ni Ai Ai sa pelikula.
May sariling brand of comedy si Ai Ai at humor that tickles your funny bone pero may istorya rin itong pelikula na hahaplos sa inyong mga puso kapag pinanood niyo. 
Mula sa pelikulang Tanging Ina noong 2003 na nagdala kay Ai Ai sa tugatog ng kasikatan, ngayong taon, ang Tanging Ina takes on a new role, which is equally important and essential, ang Tanging Ninang via the movie D' Ninang bilang opening salvo ng Regal ngayong 2020! 
Ayon kay Ai Ai, na-enjoy niya ang kanyang role dito sa pelikula bilang isang magnanakaw pero napakaganda ng kanyang puso. Ibang-iba raw ito sa kanyang mga nagawang role na sa pelikula kaya naman daw magi-enjoy ang moviegoers dito. 
D'Ninang is a heartwarming movie. Magiging malapit sa puso natin ang pelikulang ito dahil ipapakita talaga ang values nating mga Filipino. 
Watch this movie guys! Simula na ngayong January 22 in cinemas nationwide. 

JUDY ANN SANTOS PELIKULA NAMAN AFTER STARLA


Sa finale presscon ng teleseryeng Starla ng DreamscapePH na pinagbibidahan ng ating television superstar na si Judy Ann Santos ay kumpirmadong pahinga muna sa paggawa ng series si Juday. Hindi naman daw sa namimili na siya, iba raw kasi ang kinakaing oras while taping a series kumpara sa paggawa ng pelikula. Obcourse alam naman nating pamilyadong tao na ang sikat na aktres kaya mas gusto niya diumanong tapusin naman this year ang dalawang pelikulang natanguan na niya last year. But she told us na hindi naman siya nagsasara ng pinto that anytime na may magandang tv project na ibibigay sa kanya basta't magustuhan niya ay magtatrabaho siya. Sa 16 weeks na umariba sa ratings ang Starla, sa pagtatapos nito ay naging maboka si Juday sa pagsasabing nakabuo siya ng bagong pamilya kasama ang buong cast ng Starla na mami-miss niya raw talaga. Thankfuk si Juday sa naging smooth run ng taping at umaasa siyang in the future ay makakatrabaho pa niyang muli ang mga ito. Sa presscon ay iginiit naman ni Juday na okey sila ni Piolo Pascual. When asked about sa kanilang nabinbing proyektong pelikula together ay wala naman daw imposible pagkumpirma pa ni Juday!

HINDI PO DESERVE NI ARJO ANG SABIHAN SIYANG USER! STOP!

Sa kung anumang meron ngayon sina Arjo Atayde at Maine Mendoza ay dapat maging masaya nalang tayo sa ating kapwa. Tao rin po sila tulad natin. Oo. Sinasabing ang isang celebrity ay isang public property kung tawagin pero hindi po sa lahat ng pagkakataon at oras ay may karapatan na tayong saklawan ang kani-kanilang pribadong buhay.  Bilang nakatingala at umiidolo sa kanila dapat may limitasyon din tayo at dapat alam natin yun!
Napakarami ko na kasing nababasang bashing sa dalawa simula noong panahong lumabas ang isyung nagkakamabutihan na ang dalawa at tila sila na ngayon. 
Personally, naaawa na ako sa dalawang celebrity na ito. They kept quite about it and deadmatology na minsan ay pumapatol din sa mga bashing sa kanila. Alam po ba natin ang salitang respeto at pagmamahal? Ano pong napapala natin sa salitang bashing? Kikita ba tayo kapag nang-bash tayo ng ating kapwa? Anong bang kikitain mo peso o dollars? What else you wanna do sa dalawang taong nagmamahalan? Ikaw ba kapag nagmahal ka ay gusto mo rin ang ma-bash ka?
Nakakairita na kasi unang-una ang pagpaparatang kay Arjo Atayde eh! It's not healthy and beautiful na rin sa aking tenga kapag sinasabihan siyang user at kung anu-ano pa!
Wait po ha! Nanggaling po sa isang maayos, matino, masaya at respetadong pamilya o angkan si Arjo. Sa pagkakakilala ko at pagkakaalam ko ay pinalaking maayos at mabait na anak si Arjo ng kanyang mga magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez. Kahit po mga kapatid ni Arjo ay disiplinado at lumaking may respeto at pagmamahal sa kapwa. You who started talking bad things about Arjo, You who said that Arjo is a user, stop it! Hindi mo o ninyi kilala ang ugat ng aktor na sinasabihan ninyong user at using Maine Mendoza! Bakit? 
Huwag po ninyong kuwestiyunin din ang kredebilidad ni Arjo bilang isang aktor sa mundo ng showbusiness.
Para lang po malaman mo o ninyo, hindi po biro ang pinagdaanan o sakripisyo ni Arjo marating niya lang ang kinang niya ngayon bilang isa sa pinakamahusay na aktor ng kanyang henerasyon! Para lang malaman mo o ninyo, pinaghirapan mo ni Arjo ang kasikatang kanyang tinatamasa ngayon sa industriyang ito at kahit ni isang tao ay wala po siyang ginamit para sumikat! Sumikat po si Arjo, patunay diyan ang mga tropeyong kanyang tinanggap, dahil sa taglay niyang pagmamahal sa trabaho at propesyunalismo! Niyakap ni Arjo ang mundo ng showbiz kung saan siya iminulat ng kanyang Inang si Sylvia Sanchez kaya naman nabigyang pansin siya at kinilala bilang isang pakahusay na aktor! 
Tantanan niyo napo ang salitang Arjo's using Maine! My goodness! 
Huwag na huwag po ninyong kuwestiyunin ang kredebilidad ni Arjo lalo na ang kredebilidad ng kanyang pamilya! Stop bashing Arjo! Hindi po niya deserve yan! 

SETH FEDELIN SIMPLENG SELEBRASYON NG PASKO AT BAGONG TAON ANG TINUPAD KASAMA ANG BUONG PAMILYA

Naging mabunga ang taong 2019 para sa Newest Teen Sensation na si Seth Fedelin under the management of Primetime Events And Talent Management ni Mario Colmenares. Hindi naging lingid sa publiko ang pagratsada ni Seth sa kanyang showbiz career. Nandiyan ang pagpasok niya sa pinag-uusapang afternoon weekly show na Kadenang Ginto ng Kapamilya Network kung saan naman siya naging loveteam ni Andrea Brillantes na kung tawagin ay SethDrea. Ganoon din ang pagkakabuo ng The Gold Squad kasama sina Kyle Echarri at Francine Diaz na kasamahang aktor niya rin sa Kadenang Ginto ng Dreamscape PH. Umariba rin si Seth Fedelin sa paggawa ng movies for IWant under Dreamscape Digital with Beauty Gonzales titled Abandoned at Andrea Brillantes na Wild, Little, Love na parehong naipalabas last 2019. Rumatsada rin si Seth sa iba't ibang out of town shows at minor endorsements. 
Higit sa lahat ay nabigyang katuparan niyang magkaroon ng kotse at motor ang kanyang Ama, ilang regalong mamahalin para sa kanyang Ina at mga kapatid at naipagawa paunti-unti ang kanyang kinalakihang bahay sa Cavite na ayon kay Seth ay hinding-hindi niya ito pababayaan kundi pagagandahin pa niya't pag-iipunan. 
Ang suwerte nga ni Seth Fedelin kung tutuusin dahil hindi lahat ng nangangarap pasukin ang showbiz ay nabibigyan ng pagkakataon o oportunidad! 
Nitong pasko lang at bagong taon ay mas ninais ni Seth na makasama ang kanyang buong pamilya at malalapit na kaibigan. Aniya, precious moments yun na hinding-hindi niya bibitawan kahit sabihin nating nakakaluwag-luwag na siya ngayon sa buhay kumpara dati.
Ngayong 2020, walang ibang hiling si Seth kundi ang patuloy na pag-alagwa ng kanyang showbiz career at usapang healthy naman sa kanyang sarili, buong pamilya at mga kaibigan at para na rin daw sa lahat! 

KAABANG-ABANG ANG HULING 5 GABI NG STARLA

Mananaig kaya ang daing ng kabutihan o tuluyan na itong matatabunan ng kasakiman sa Starla? Sundan ang mga huling tagpo ng laban para sa pag-asa, kapatawaran at pagmamahal sa pamilya sa pagtupad ng mga kahilingan sa huling limang gabi ng serye simula ngayong gabi, lunes, Enero 6. Haharap sa panibagong pagsubok sina Teresa ( Judy Ann Santos ) , Mang Greggy ( Joel Torre ) at Buboy ( Enzo Pelojero ) dahil napasakamay na ni Dexter ( Joem Bascon ) si Starla ( Jana Agoncillo ) matapos nitong makumpirma na ang baby wishing star ang nasa likod ng mga misteryoso at hindi maipaliwanag na milagro sa Baryo Maulap at ang dahilan kung bakit hindi maituloy-tuloy ni Dexter ang masasamang plano niya. 
Dahil desperadong mapilit si Starla na tuparin ang kanyang gusto, kasado na ang balak ni Dexter na ilagay sa kapahamakan ang buhay nina Buboy at Mang Greggy. Dahil lima na lang  ang natitira mula sa 50 hiling na dapat niyang tuparin, mag-aalala ang wishing star para sa kapanan ng kanyang sarili ng kinikilala niyang pamilya sa lupa at ng buong Baryo Maulap. 
Samantala matapos namang pagsisihan ni Teresa ang mga kasalanan niya at patawarin ang kanyang ama, nakahanda nang aminin ng abugado ang mga kasamaang naging dulot ng paghihiganti niya laban sa mga taga-Barrio Maulap. Ngunit mapapatawad kaya siya ng mga ka-barrio niya o tuluyan na siyang itatakwil ng mga ito? Magkakaroon pa kaya siya ng pagkakataon na itama ang mga nagawang mali? 
Sa kabila ng nagbabadyang lagim na ihahasik ni Dexter, mailigtas pa kaya ni Starla sina Buboy at Mang Greggy? Matuloy pa rin kaya ang pagiging full-fledges wishing star niya? 
Ang Starla ay sinulat ni Dindo Perez at idinirek nina Onat Diaz, Darnel Villaflor at Jerome Pobocan. Binigyan ito ng liwanag ang mga gabi ng mga manonood sa paghatid nito ng good vibes sa primetime at nagturo ng magagandang aral sa mga bata at buong pamilya.
Sa pagsisimula ng 2020, pinapaalala rin nito at hinahangad na baunin ng mga manonood ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, pagmamahal, pagpapatawad, pag-asa at pamilya. 
Tunghayan ang huling limang gabi ng Starla sa Primetime Bida ng ABS-CBN!

IRELAND'S GOT TALENT SHANIAH ROLLO SIGNS UP WITH RJA

IRELAND’S GOT Talent, Shaniah Rollo, SIGNS UP WITH RJA!

Shaniah Rollo says she's been singing since she was a baby. And has loved singing for that long. Only 15, Shaniah has genes to complement the notes she navigates in her young yet already soulful voice. For a singer that age, whew, such heart! No wonder, she won the audience and the judges over, till the semifinals of her stint at Ireland's Got Talent. Shaniah Rollo was also a finalist in the Junior Eurovision song contest in Ireland in 2018.                                                                                                             
Her Mom and Dad are musicians. Her Mom worked in Vietnam and then South Korea, and her Dad, used to duet with his wife. Which explains why Shaniah can sing in Korean. Her Ate also taught Shaniah how to sing. Ate, or her older sister, who is the eldest of three, is Mia Kyarra Rollo. She used to do covers and backup vocals for Universal Records. Shaniah herself gave up a shot at PBB Teens because she had to stay in Ireland. Her parents named Shaniah after country sweetheart Shania Twain. This amazing young girl also grew up listening to the music and watching the videos of Michael Jackson, Mariah Carey and Celine Dion. And just like girls her age, Shaniah adores Ariana Grande, Billie Eilish and Jimin of BTS K-Pop. Ms Rosabella Jao Arribas, top executive of RJA Productions, first heard about Shania from her composer-friend Nathaniel Cabañero. Ms Rosabella saw a lot of potential in this girl, and falling for her cute voice made her research about Shaniah on YouTube. This made RJA Productions decide to groom and polish a breathtaking yet pure, raw, fresh talent.                                                                       In Ireland, she's still very Pinoy, because Mom cooks Pinoy food, like adobo and dinuguan. What she does miss from the Philippines are members of her family. Her Lolas, both on Mom's and Dad's side, are close to Shaniah. She misses her paternal grandmother, who she left behind in Sta. Cruz, Laguna, where Shaniah was born and raised. Her late maternal grandmother used to sing to Shaniah as a baby. Her sister Mia, who now has her own family, and brother Gian, were both past 18 when Dad petitioned for his wife and children to join him in Ireland. Thus, only Shaniah, then 12, could come along.                                                                                                                                                                                                                             
Shaniah is a third year student who's preparing to become a Business Accountant one day. For now, she sings videoke at home, after school, to hone her talent. She also rehearses and performs with the Brightlights, a group of talented singers from different schools, on weekends. Her father also taught her how to play the ukelele, guitar and piano. Not good, yet, she says. But learning. Listen to her sing "La Vie En Rose" and her pipes match her French, as she is taking up lessons for it. World-class talent, this baby is. A babe-in-training. And, proudly Filipina. 
                                                                                                                                                                                                 Shaniah Rollo is back home in the Philippines for the holidays ... and we can almost hear an angel sing, with her first single. Soon.