Sa mundo ng showbusiness, kadalasang nasasabing kasabihan ay kapag may tiyaga ay may nilaga. Taon ang iyong bibilangin bago magdatingan ang mga oportunidad na hinulma para sa iyo. Tiyaga dahil kailangan mong hintayin ang pagbubukas ng isang pinto ng pagkakataon na kapag nagbukas ito ay kailangan mong sunggaban at huwag na pakawalan. Higit sa lahat ay dapat mong samahan ng pagmamahal sa trabaho ang iyong pagtitiyaga dahil kung wala ito, hindi magbubunga ang iyong hangad at pinagsisikapang makamit na pangarap. For 3 years, simulang hawakan namin ang PR ng Clique V na isang all male sing and dance group under the management of Len Carillo ng 316 Events And Talent Management ay nakita namin ang pagbabago sa bawat isa sa kanila mula sa mga original members nito, hanggang sa may dumating na additional members hanggang sa nangawala ang mga ito at naiwan matitibay na sina Sean De Guzman, Marco Gomez, Kaizer Hirukishiba, Calvin Almojera at Karl Aquino. Sa anim na miyembrong nagtiyaga sa grupo upang hanggang ngayon ay nanatili silang matibay at patuloy sa kani-kanilang karera, ramdam naming may mapupuntahan ang bawat isa sa kanila sa tamang panahon. Actually proud na rin ang kami dahil sina Karl Aquino at Gelo Alagban ay kasalukuyan ng contract artist ng GMA Artist Center ng Kapuso Network. Samantalang ang apat na sina Kaizer, Sean, Calvin at Marco ay patuloy naman sa mga auditions at umaasang mabibigyang pansin din sila sa mundong kanilang ginagalawan sa ngayon. Lagi naming sinasabing tiyagaan lang sa showbiz. Yung iba nga diyan bago nakilala ay lumipas muna ang 5 to 10 years na pagtitiyaga bago tuluyang nakagawa ng pangalan sa showbiz.
In all fairness naman kasi sa Clique V, grabe naman talaga ng kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho kasabay ang kanilang pag-aaral pa.
Nakakatuwa lang dahil hindi naman nawawalan ng shows out of town ang mga bagets. Napapanood si Karl Aquino tuwing Sunday sa All Out Sundays show ng GMA Kapuso Network bilang isa sa mga QT's regularly. Tapos si Gelo Alagban naman ay busy naman sa mga taping-taping sa ilang GMA shows. Mapapanood din ang buong grupo ng Clique V tuwing Sunday night naman sa Zirkoh, Tomas Morato. Kapag wala naman silang rehearsals o shows ay walang ibang ginagawa ang grupo kundi ang magpaganda ng kanilang katawan sa Boeiings Fitness Gym sa Marikina City.
By 2nd quarter of this year ay plano ng maipasok ang Clique V sa isang matinding acting workshops para lalo pang mahasa ang kanilang itinatagong kakayanan maari sa pag-arte! Puwedeng-puwede naman kasing mag-artista ang bawat isa sa Clique V dahil guguwapo naman talaga nila! Lalo pa nating aabangan ang all male group na ito dahil kapag natuloy ay naglalakihang proyekto ang gusto nilang magawa sa loob ng taong 2020!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Nag-umpisa ang lahat o naging ugat ng lahat ng samut-saring panghuhusga ang hiwalayang KathNiel last year. Kung anu-ano na ang sinasabi ng m...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
No comments:
Post a Comment