Magsisimula na ngayong February 10 sa Kapamilya Gold ang inaabangang latest tv series ng KIMXI na LOVE THY WOMAN na handog naman sa atin ng DreamscapePH mula sa direksiyon nina Andoy Ranay at Jerry Sineneng. Actually, happy to see both Xian and Kim sa katatapos lang nitong Grand Media Launch na ginanap sa 9401 Restaurant ng ELJ Building mula sa imbitasyon ng ABS-CBN Corp. Communication.
Ang tanong namin ay kung kaya nga ba ng puso na magmahal nang pantay?
Dalawang pamilya ang maglalaban para sa pag-ibig sa pinakabagong series na ito. Tampok sa family drama ang inaabangang pagbabalik-teleserye ng tambalan nina Kim at Xian, ang teleserye comeback ni Yam pagkatapos ng Halik at ang star-studded cast na kinabibilangan nina Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Ruffa Gutierrez at Christopher De Leon.
Iikot ang kwento sa isang modernong Filipino-Chinese family na pinamumunuan ng amang si Adam ( Christopher ) na ang hangad ay mahalin nang pantay ang dalawa niyang pamilya - ang unang asawang si Lucy ( Eula ) at anak nilang si Dana ( Yam ) at ang pangalawang asawang si Kai ( Sunshine ) at anak niya ritong si Jia ( Kim ).
Kahit na tanggap ng dalawang asawa ang sitwasyon, patuloy parin ang alitan sa pagitan nila at maapektuhan nito ang relasyon ng kanilang mga anak.
Isang gabi ang wawasak sa pamilyang Wong dahil maaaksidente si Dana at ang asawa niyang si David ( Xian ) sa gabi ng kanilang kasal at malalagay sa coma si Dana.
Habang hinihintay nilang magising si Dana ay mabubuo naman ang mas malalim na relasyon sa pagitan nina Jia at David na gugulo sa kanilang buong angkan.
Anong mga tagpo ang maghihintay sa paggising ni Dana? Hanggang kelan kayang pumagitna ni Adam sa pagsasama ng dalawa niyang pamilya?
Mukhang aariba sa ratings ang teleseryeng ito huh. Bukod doon ay ang napakagandang materyal nito that involves family na kinababaliwan nating Pinoy na kapag pamilya na ang pag-uusapan!
Simula napo ngayong February 10!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment