MAMASAPANO MASSACRE MOVIE TULOY NA TULOY NA!

Tuloy na tuloy na ang pelikulang gagawin tungkol sa kontrobersyal na Mamasapano Massacre na naganap noong ika-25 ng Enero 2015 kung saan may 44 na pulis ang nasawi sa kamay ng mga rebelde matapos magsagawa ng law enforcement operation laban sa mga teroristang si Zulkifli Abdhir alias Marwan at Abdul Basit Usman kung saan napatay si Abdhir samantalang nakatakas naman si Usman.
Ayon kay Attorney Ferdinand Topacio na siyang namumuno sa bagong tayong Borracho Film Production, minarapat nila na gawing initial offering ang istorya ng tinaguriang SAF 44 sapagkat dapat daw malaman ng lahat ng Pilipino kung anong tunay na nangyari sa Mamasapano noong malungkot na araw na iyon. Matatandaang si Topacio rin ang abogado ng mga magulang ng SAF 43 na nagsampa ng reklamong 44 counts ng Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Ombudsman laban kay dating Pangulong Benigno Aquino 111 at ang mga heneral na sina Alan Purisima at Getulio Napenas na siyang nagplano at nagsagawa ng Oplan Exodus kung saan nagsimatayan ang mga pulis. 
Ang sumusulat ng script ay ang premyadong scriptwriter na si Eric Ramos na siyang sumulat din jg Rainbows Sunset kung saan siya nagwagi ng Best Screenplay noong 2018 Metro Manila Film Festival. Ito naman ay sa direksyon ni Lawrence Fajardo na beterano na ring entrant sa MMFF kung saan ang kanyang The Strangers ay official entry noong 2012. Kilala din siya sa mga pelikulang Amok, Invisible, at Posas. Upang masigurong pulido ang pagkakagawa ay tumatayo namang Production Consultant ang kilalang producer na si G. Jesse Ejercito. 
Kumpirmado na rin ang pagganap nina Edu Manzano, Ritz Azul at Myrtelle Sarrosa sa mga mahahalagang roles. Tinatarget ni Attorney Topacio si Arjo Atayde bilang isa sa mga lead stars. 
Todo suporta naman ang mga magulang ng SAF 44 sa proyektong ito. Abangan!

No comments:

Post a Comment