The How's Of Us...How To Love and Unlove!

The Hows Of Us is a story of two people. Dalawang taong may kanya-kanyang pangarap para sa kani-kanilang pamilya. Dalawang taong nagmahal. Dalawang taong gagawin ang lahat at susuungin ang hirap ng buhay magkaroon lamang ng katuparan ang lahat ng kanilang pangarap. This film will showcase us a beautiful but winding love story. Just like Primo and George, may kanya-kanyang kuwento tayo ng loving and unloving. Papano nga ba nila isasalba ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? May pag-asa bang ang bumalikong desisyon natin sa buhay ay muling maitutuwid pagdating ng tamang pagkakataon? Well, isang pelikulang maipagmamalaki ng KathNiel. Isang pelikulang pinaghandaan nina Daniel at Kathryn. This time, accorsing to Direk Cathy Garcia-Molina ay kakaibang KathNiel na ang ating mapapanood sa malaking telon. Ibang level na 'to, sabi nga nila! Speaking of level, sa matitinding tanong ng entertainment media sa dalawang bida, matitinding pasabog naman sa katalinuhan ang ipinamalas ng KathNiel sa pamamagitan ng kanilang pagsagot sa mga tanong sa kanila. Ibang level na nga! Kunsabagay, ilang beses na rin nilang pinatunayan ang kanilang kakayahan bilang magagaling na aktor mapa-pelikula man o telebisyon lalo na ang paghataw ng bawat pelikula nila sa takilya at ratings naman sa bawat palabas nila sa mukha ng telebisyon! Sabi nga ng isang kaibigan, KathNiel is KathNiel nasa harap man ito o likod ng kamera! Showing napo ang THOU simula ngayong August 29 in cinemas nationwide handog sa atin ng Star Cinema!

JAMESON BLAKE HAPPY SA KANYANG MOVIE AND TELEVISION CAREER!

Simulang ipinakilala siya bilang Hashtag member ng It's Showtime ay umariba na ang karera ni Jameson Blake. Naging in-demand ang sikat na aktor sa indie films kung saan aminadong masaya si Jameson sa kanyang ginagawa. Hindi rin nawawalan ng television projects ang binata kung saan kasama siya ngayon sa latest at teleserye together nina Joshua Garcia at Julia Baretto na Ngayon At Kailanman ng Star Creatives. Sa totoo lang, isa si Jameson Blake sa may pinaka-guwapong mukha among our local actors of today. 

" I'am focused on projects na binibigay po sa akin. Ganoon po kasi ako. Kasi, napaka-dali kong ma-destruct as a person. So as much as possible, this is what iam doing that in every project, naka-focus po ako. I always make it sure that i also, always give my best! " bulalas pa sa amin ng guwapong aktor nang makatsikahan namin ito sa blogcon/pilot viewing last Monday. 

Personally ay happy kaming makitang nagtatrabaho ng maayos si Jameson para sa kanyang career. Actually, magaling siyang umarte. Kaya hindi yan mawawalan ng proyekto! Ang tanong, kelan naman siya mabibigyan ng solo break sa telebisyon? Well! Let's wait! 

" Am happy po sa career ko. Contented and happy always." sez Jameson na halata namang very happy siya. Trusted ang binatang aktor kasi napaka-professional daw niyang magtrabaho. 

JOSHUA AT JULIA...BIG BANG ANG KAUNA-UNAHANG TV SERIES NA NGAYON AT KAILANMAN!

Big Bang para sa tambalang JoshLia ang kauna-unahang teleserye nila together. Ang Ngayon At Kailanman na nag-pilot airing last monday sa Kapamilya Primetime Bida. Kaagad naman umariba sa ratings na 31.2 ang series ng dalawa kaya masayang-masaya ang buong production team ng Star Creatives sa naging response ng televiewers. Kasama po kasi kami last monday kasabay ang buong production staff, cast and crew ng Ngayon At Kailanman upang panoorin ang pilot airing nito. Bumuhos din ang suporta ng kapwa artista nina Joshua at Julia sa social media kaya naman after the said viewing dinner ay kaagad naman nagpasalamat ang buong cast! Sa totoo lang ay para kang nanonood ng pelikula. Sa umpisa palang ay ramdam mo na ang magiging malupet na pang-aapi at matitinding eksena sa serye. I love it. Yung script ng series, sobrang mamahalin mo. Promise. You will also experience pain in this series na hopefully ay kayanin ng televiewers lalo na ang kuwento ng salitang ganid sa series. Kaya abangan natin ang JoshLia dahil ibang level rin ng pag-arte ang ipapakita sa atin ng dalawa kasama ang naglalakihang cast nito. Pretty sure akong makakasabay naman ang JoshLia kaya kampante na ako doon. Big project ito for Joshua and Julia sa totoo lang pagkatapos nilang patunayan ang kanilang kakayahan bilang mga aktor sa halos apat na kumitang movie nila together! Gow JoshLia! It's your turn! 

PETMALU....PINALUPET NG KIERVI!

Bagay na bagay itong sina Vivoree Escleto at Charles Kieron. May chemistry ang dalawa. Parehong maganda at guwapo. Parehong magagaling umarte at kumanta pa! Sa katatapos nilang mall shows promoting thier latest movie titled Petmalu under the direction of Joven Tan showing September 5 in cinemas nationwide from Red Nine Entertainment ay talagang dinudumog ang dalawa huh! Sa pelikulang Petmalu ay naging deretsahan ang dalawa sa pagsasabing mapapanood diuamano rito kung saan silang dalawa hahantong. But when asked about kung saan sila hahantong in real life, tumawa nalang ang KIERVI loveteam! May pupuntahan ang tambalang ito sa totoo lang. Grabe ang fans and followers nila huh! Super suporta ang mga ito lalo na sa social media. May ilang factor pa sa kanilang dalawa lalo na kapag nasa stage na sila as what i've observed sa mga mall shows nila pero yung cuteness nila ay ramdam mo talaga! Well, napapanood parin ang dalawa sa Dreamscape series na Asintado. Mabigyan lang ng solo series ang KierVi ay pretty sure akong kaka-boom ito! Promise! 

Jed Madela XV Platinum Tickets...SOLD OUT!

Grabe! Wala akong masabi sa followers ni Jed Madela. Pagkatapos ng halos 24 oras ay sold out na ang platinum tickets ng Jed Madela XV Concert ng world-class singer and performer na si Jed Madela na gaganapin ngayong November 16 sa Araneta Coliseum. Kahit si Jed sa mensaheng ipinadala nito sa amin ay halatang gulat na gulat din sa naging resulta ng kanyang ticket selling after ilabas ang ticket prices yesterday sa lahat ng social media platform. May mga bentahan narin daw sa other tickets at umpisa nang makaramdam ng konting saya pero may niyerbiyos si Jed. Ayon kay Jed, natutuwa siya sa mga bumili na ng kanyang tickets dahil 3 months from now ay ratsada na ito sa ticket sales. Umaasa ang sikat na singer na sana raw ay magtuloy-tuloy ito bago pa man ang kanyang scheduled date of concert! 

" Naku! Sana! Nakakaram na ng saya. Pero may konting nerbiyos parin Kuya Dom. Please, support niyo po ako. Sa mga hindi pa nakakabiling ticket, marami pa pong mabibili after po ma-sold out today ang platinun section namin." masayang mensahe pa ni Jed sa akin. 

Please call TicketNet at 911-5555 for tickets! Kitakits po tayo on November 16 guys!

JED MADELA...HIGHER THAN HIGH! NGAYONG NOVEMBER 16 NA!

Medyo kabado si Jed Madela sa scheduled concert date niya ngayong November 16, 2018 na gaganapin sa Araneta Coliseum. Malaking concert ito na gaganapin din sa napakalaking venue kaya naman hindi maiwasang nerbiyos ngayon ang nararamdaman ng world-class singer / performer. Sa aming intimate interview kay Jed last sunday na ginanap sa Coffee Project--Wil Tower ay naging deretsahan si Jed sa pagsasabing walang imposible. Malaki diumano ang tiwala ni Jed sa kanyang mga taga-suportang papanoorin siya lalo na't this time, maha-high diumano ang manonood ng kanyang concert with very special celebrity guest. Kakaibang damitan ang nangyayari this year kay Jed lalo na't kakaibang biritan at kantahan ang bubuo sa konsepto ng kanyang ika-15th year anniversary concert.

" This gonna be a big, big celebration of beautiful music with a beautiful concept! It's gonna be a very special evening not just for me but for everyone na manonood at makakasama ko that evening dahil pinaghandaan ko itong lalo dahil this year ay ika-15th year ko na sa industriyang ito ng music kaya humanda sila. Maha-high sila sa akin! " Jed exclaimed!

Well, crazy lang ang magsasabing hindi magaling si Jed na sa totoo lang ay wala na siyang dapat patunayan pa sa kanyang karera. He got it all. The thing is to sustain nalang his power and finally ay sinabi nitong it's time to give back!

" Yes. Just like what i did recently sa WCOPA Team Philippines natin. Sobrang tumutok na ako sa mentoring ko sa kanila sa likod ng kamera. Hindi na ako ang humarap sa kamera kundi ibinigay ko sa kanila because seeing them fullfilled, parang ako mang din noon. Everytime yan, every year ng WCOPA, kapag nakikita ko silang happy sa achievements nila, nakikita ko sarili ko noon! Because of that, masaya na ako. It's time to give back! " sez Jed. 

Maaring next year ay itatayo na ang isang school of performing arts ni Jed na sa ngayon palang ay excited na siya! Tuloy-tuloy parin ang kanyang ginagawang mentoring sa YFSF Kids. Ganoon din ang kanyang pagiging hurado sa It's Showtime na parehong napapanood sa Kapamilya Network! 

Kitakits tayo guys sa big dome ngayong November 16 na! Tickets out now!