Jed Madela XV Platinum Tickets...SOLD OUT!

Grabe! Wala akong masabi sa followers ni Jed Madela. Pagkatapos ng halos 24 oras ay sold out na ang platinum tickets ng Jed Madela XV Concert ng world-class singer and performer na si Jed Madela na gaganapin ngayong November 16 sa Araneta Coliseum. Kahit si Jed sa mensaheng ipinadala nito sa amin ay halatang gulat na gulat din sa naging resulta ng kanyang ticket selling after ilabas ang ticket prices yesterday sa lahat ng social media platform. May mga bentahan narin daw sa other tickets at umpisa nang makaramdam ng konting saya pero may niyerbiyos si Jed. Ayon kay Jed, natutuwa siya sa mga bumili na ng kanyang tickets dahil 3 months from now ay ratsada na ito sa ticket sales. Umaasa ang sikat na singer na sana raw ay magtuloy-tuloy ito bago pa man ang kanyang scheduled date of concert! 

" Naku! Sana! Nakakaram na ng saya. Pero may konting nerbiyos parin Kuya Dom. Please, support niyo po ako. Sa mga hindi pa nakakabiling ticket, marami pa pong mabibili after po ma-sold out today ang platinun section namin." masayang mensahe pa ni Jed sa akin. 

Please call TicketNet at 911-5555 for tickets! Kitakits po tayo on November 16 guys!

No comments:

Post a Comment