JOSHUA AT JULIA...BIG BANG ANG KAUNA-UNAHANG TV SERIES NA NGAYON AT KAILANMAN!

Big Bang para sa tambalang JoshLia ang kauna-unahang teleserye nila together. Ang Ngayon At Kailanman na nag-pilot airing last monday sa Kapamilya Primetime Bida. Kaagad naman umariba sa ratings na 31.2 ang series ng dalawa kaya masayang-masaya ang buong production team ng Star Creatives sa naging response ng televiewers. Kasama po kasi kami last monday kasabay ang buong production staff, cast and crew ng Ngayon At Kailanman upang panoorin ang pilot airing nito. Bumuhos din ang suporta ng kapwa artista nina Joshua at Julia sa social media kaya naman after the said viewing dinner ay kaagad naman nagpasalamat ang buong cast! Sa totoo lang ay para kang nanonood ng pelikula. Sa umpisa palang ay ramdam mo na ang magiging malupet na pang-aapi at matitinding eksena sa serye. I love it. Yung script ng series, sobrang mamahalin mo. Promise. You will also experience pain in this series na hopefully ay kayanin ng televiewers lalo na ang kuwento ng salitang ganid sa series. Kaya abangan natin ang JoshLia dahil ibang level rin ng pag-arte ang ipapakita sa atin ng dalawa kasama ang naglalakihang cast nito. Pretty sure akong makakasabay naman ang JoshLia kaya kampante na ako doon. Big project ito for Joshua and Julia sa totoo lang pagkatapos nilang patunayan ang kanilang kakayahan bilang mga aktor sa halos apat na kumitang movie nila together! Gow JoshLia! It's your turn! 

No comments:

Post a Comment