The How's Of Us...How To Love and Unlove!

The Hows Of Us is a story of two people. Dalawang taong may kanya-kanyang pangarap para sa kani-kanilang pamilya. Dalawang taong nagmahal. Dalawang taong gagawin ang lahat at susuungin ang hirap ng buhay magkaroon lamang ng katuparan ang lahat ng kanilang pangarap. This film will showcase us a beautiful but winding love story. Just like Primo and George, may kanya-kanyang kuwento tayo ng loving and unloving. Papano nga ba nila isasalba ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? May pag-asa bang ang bumalikong desisyon natin sa buhay ay muling maitutuwid pagdating ng tamang pagkakataon? Well, isang pelikulang maipagmamalaki ng KathNiel. Isang pelikulang pinaghandaan nina Daniel at Kathryn. This time, accorsing to Direk Cathy Garcia-Molina ay kakaibang KathNiel na ang ating mapapanood sa malaking telon. Ibang level na 'to, sabi nga nila! Speaking of level, sa matitinding tanong ng entertainment media sa dalawang bida, matitinding pasabog naman sa katalinuhan ang ipinamalas ng KathNiel sa pamamagitan ng kanilang pagsagot sa mga tanong sa kanila. Ibang level na nga! Kunsabagay, ilang beses na rin nilang pinatunayan ang kanilang kakayahan bilang magagaling na aktor mapa-pelikula man o telebisyon lalo na ang paghataw ng bawat pelikula nila sa takilya at ratings naman sa bawat palabas nila sa mukha ng telebisyon! Sabi nga ng isang kaibigan, KathNiel is KathNiel nasa harap man ito o likod ng kamera! Showing napo ang THOU simula ngayong August 29 in cinemas nationwide handog sa atin ng Star Cinema!

No comments:

Post a Comment