JED MADELA...HIGHER THAN HIGH! NGAYONG NOVEMBER 16 NA!

Medyo kabado si Jed Madela sa scheduled concert date niya ngayong November 16, 2018 na gaganapin sa Araneta Coliseum. Malaking concert ito na gaganapin din sa napakalaking venue kaya naman hindi maiwasang nerbiyos ngayon ang nararamdaman ng world-class singer / performer. Sa aming intimate interview kay Jed last sunday na ginanap sa Coffee Project--Wil Tower ay naging deretsahan si Jed sa pagsasabing walang imposible. Malaki diumano ang tiwala ni Jed sa kanyang mga taga-suportang papanoorin siya lalo na't this time, maha-high diumano ang manonood ng kanyang concert with very special celebrity guest. Kakaibang damitan ang nangyayari this year kay Jed lalo na't kakaibang biritan at kantahan ang bubuo sa konsepto ng kanyang ika-15th year anniversary concert.

" This gonna be a big, big celebration of beautiful music with a beautiful concept! It's gonna be a very special evening not just for me but for everyone na manonood at makakasama ko that evening dahil pinaghandaan ko itong lalo dahil this year ay ika-15th year ko na sa industriyang ito ng music kaya humanda sila. Maha-high sila sa akin! " Jed exclaimed!

Well, crazy lang ang magsasabing hindi magaling si Jed na sa totoo lang ay wala na siyang dapat patunayan pa sa kanyang karera. He got it all. The thing is to sustain nalang his power and finally ay sinabi nitong it's time to give back!

" Yes. Just like what i did recently sa WCOPA Team Philippines natin. Sobrang tumutok na ako sa mentoring ko sa kanila sa likod ng kamera. Hindi na ako ang humarap sa kamera kundi ibinigay ko sa kanila because seeing them fullfilled, parang ako mang din noon. Everytime yan, every year ng WCOPA, kapag nakikita ko silang happy sa achievements nila, nakikita ko sarili ko noon! Because of that, masaya na ako. It's time to give back! " sez Jed. 

Maaring next year ay itatayo na ang isang school of performing arts ni Jed na sa ngayon palang ay excited na siya! Tuloy-tuloy parin ang kanyang ginagawang mentoring sa YFSF Kids. Ganoon din ang kanyang pagiging hurado sa It's Showtime na parehong napapanood sa Kapamilya Network! 

Kitakits tayo guys sa big dome ngayong November 16 na! Tickets out now!

No comments:

Post a Comment