FAMILIA BLANDINA....PASOK ANG KATHNIEL!

Napapanahon ang pelikulang Familia BlondIna ni Direk Jerry Lopez Sineneng. Ito ay kuwento ng isang pamilya. Isang ina at mga anak. Kuwento ng isang magulang kung paano niya igagapang ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak mabigyan lamang ito ng magandang buhay at maging komportable. Maaring isang karanasan ng isang magulang na ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak. Sa pelikulang ito ay ipaparamdam sa atin ni Karla Estrada ang tunay at wagas na pag-ibig sa pamilya! 
" Ang hirap eh. Dimo alam ang gagawin mo kasi nga itong limang anak ko sa movie ay laking Amerika tapos dadalhin mo sa isang baryo para tumira. So, sanay sila sa buhay na yung technology ay high-tech na tapos biglang sa baryo sila. Naku. Nakakatawa ang pelikula naming ito. Pero kukurutin ang puso mo." Sez Queen Mother Karla.
According to Direk Jerry Sineneng who is directing the said movie ay naging ultimate choice si Karla for the role. 
" Ewan ko. Basta nung nag-sitdown kami for the script, while doing it, we presented it to our producer Doctor Dennis Aguirre of Artic Sky Productions, siya kaagad ang nakita namin for the role. Hanggang sa nakipag-meeting kami with Karla, umokey siya, then nagkaroon kaming storycon, then this is it! Almost 50 percent na going to 70% nang nakukunan namin sa movie and happy set lang kami. Dun lang sa sked ni Karla ang laging inaayos namin kasi alam naman nating may weekday show siya and other commitments, so, happy naman kaming lahat. " paglalahad pa ni Direk Jerry.
Bago pa gawin ni Karla ang Familia BlandIna ay pumirma na pala siya ng 2 movies under Star Cinema.
" Yes! Buti nga pinayagan ako for this film. So, taping akong Magandang Buhay, tapos Funny Ka Pare Ko, tapos sabay-sabay na lahat yan! Tamang schedule lang. Maayos naman lahat. Happy set lang kami. Walang pressure at relax lang. " aniya.
Totoo bang may special appearance ang KathNiel sa pelikulang ito?
" Meron! Naku! Ang saya! Kasi, since super work ako bilang Nanay dito para sa mga anak ko, kung anu-anong work ang pinasok ko like sa isang mall. Diko alam kung anong tawag dun, yung estatwa ka, nakatayo lang, tapos dumaan itong dalawa, sina Kath and DJ, tapos pinag-uusapan nila ang kanilanh kasal! So ako, napatulo nalang ang luha ko! Ganoon! Masaya! " pagkumpirma pa ni Queen Mother! Maybe this month of June ay ipapalabas na ang pelikulang Familia Blandina!
" Sana bago magbukas ang klase. Maganda yung playdate na yun, diba? Sana mahabol! " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam! 

JED MADELA...IBANG-IBA ANG PAGIGING MENTOR SA PAGIGING JURY!

 Isa si Jed Madela among our singers of today na hindi matatawaran ang world-class niyang galing simulang maging visible siya sa music industry years back! Now, Jed's enjoying projects na binibigay sa kanya and honestly ay nagpapasalamat ang singer sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng kanyang mother network ang Kapamilya. As we see, sobrang blessed na ni Jed sa kanyang career dahil aside from doing big and sold-out concerts here and abroad ay ratsada pa ito sa ASAP every sunday at sa Your Face Sounds Familiar Kids bilang mentor and currently sitting down sa puwesto ni Gary Valenciano bilang Jury dahil nagpapagaling pa ito. Mukhang wala na nga'ng pahinga si Jed kaya if he has time, sinisiguro niyang makapag-gym for his physical fitness and umuuwi ng Iloilo to be with his family and friends! 
Pero ano nga bang pinagkaiba ng pagiging mentor sa pagiging jury in a reality show? Honestly, wala naman din akong idea kung paano and here's Jed's explaination at kung bakit gustong-gusto niya ang kanyang ginagawa ngayon sa kanyang latest tv project sa Kapamilya Network!
" Ibang iba ang pagiging mentor sa pagiging jury sa YFSF." Sez Jed.
" Pag jury, we arrive on the set and watch the final performance of the contestants. Then we give our critiques and comments. Sa pagiging mentor naman, you work with the contestant from day 1. Mas fulfilling for me ang pagiging mentor kasi nakikita mo paano mag grow ang isang contestant from scratch na wala talaga silang alam to the final performance.Sobrang fulfilling as a mentor pag nakikita mong ina-apply nila ang tinuturo mo sa kanila. Plus, pag maganda ang performance nila, parang award sa akin yun for “a job well done”. I love sharing what I know sa ibang artists. It’s like a way of paying it forward at makatulong sa ibang aspiring artists kasi alam ko dun din ako galing at pinagdaanan ko din ang hirap na dindaanan nila ngayon. So in my own little way, I try my best to share what I know sa kanila. " aniyang paglalahad pa sa aming panayam! 
And take note huh! In fairness sa kanya, among the TNT judges, siya lang honestly ang laging nagsasabi ng totoo kapag nagbibigay siya ng kanyang komentaryo. Deretso at yun ang tama! Anyways, all set na para sa kanyang gagawing big concert ngayong taon!
" May nga konting kulang nalang Kuya Dom pagdating sa concept nung show. Pero almost done na sa planning and everything. Excited na rin ako! Sana manood sila! This concert will be different again. Every concert ko naman, i always make it sure na iba-iba ang concept and this time, this gonna be something! Basta! " pagtatapos pa ni Jed.

FRENCH FILIPINO FILM NI GLORIA DIAZ TO BE FEATURED IN CANNES CLASSICS




FRENCH FILIPINO FILM STARRING GLORIA DIAZ TO BE FEATURED IN CANNES CLASSICS
A restoration of the 1982 French-Filipino film Cinq et la peau (Five and the Skin) starring Gloria Diaz, Bembol Roco, Philip Salvador and Joel Lamangan will be screened at Cannes Classics in the 71st Cannes Film Festival on May 14, 2018. The whole film was entirely shot in the Philippines and was featured in the Cannes' Un Certain Regard 36 years ago. 
Five and the Skin tells the story of Ivan, a writer who returns to Manila aimlessly wandering from one encounter to another in the metropolis in search of himself.

The film’s director, Pierre Rissien, whom they call the Man of Cannes passed away last May 5, 2018 days beforewhere he was supposed to introduce the film during Cannes Directors' Fortnight. He is a Cannes Adviser, an influential Cinephile and Cannes Film Scout before he died.
Rissien was also a known supporter of Philippine Cinema and is responsible for a number of Filipino films making it to Festival de Cannes, including Lino Brocka's Insiang. He also visited the Philippines to attend several of FDCP's events, the last event being the World Premiere Film Festival in 2016. 

MALE SINGER...PINAIYAK ANG PRODUCER ABROAD!

Sino ito? Male singer! Kilala na! Guwapo! Nilangaw ang show abroad? Dahilan upang ma-hold ang monthly salary ng club manager dahil yung producer ay nagbabayad parin sa club manager magpahanggang ngayon dahil nalugi ang producer sa naturang show! Kawawa naman ang club manager at ang producer dahil umiiyak parin sila magpahanggang ngayon samantalang ang male singer ay buong-buo ang ngiting umuwi ng Pinas dahil fully-paid siya kahit otso nueve lang ang nabentang ticket sa show at nanood na rin siguro sa kanya. Ganoon talaga ang buhay. Kaya pala tahimik lang umuwi ng bansa ang male singer! May pagluluksa na palang iniwan sa bansang pinagdausan ng kanyang show! Kahit ang aming source ay nagulat sa kinakinatnan ng show! Unexpected daw talaga! 

KASAL...OPENING SALVO NG STAR CINEMA SA KANILANG IKA-25 YEAR ANNIVERSARY!

Para sa pagbubukas ng engrandeng selebrasyon ng ABS-CBN Films - Star Cinema para sa ika-25 nitong anibersaryo sa industriya ay inihahandog nito ang pelikulang KASAL na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Paulo Avelino at Derek Ramsay na isang kapana-panabik na klasikong romantic-drama movie mula sa direksiyon ni Ruel Bayani na mamarkahan ang unang kulaborasyon nina Derek, Paulo at Bea. Ang kombinasyon ng tatlong bida sa pelikula ay magandang handog ng Star Cinema sapagkat ang love triangle ng mga tauhan na kanilang ginagampanan ay seamlessly navigated ng isa sa pinaka-mahuhusay na storytellers ng ABS-CBN na si Direk Ruel S. Bayani kung saan ito rin ang grand comeback ni Direk Ruel Bayani bilang direktor sa pelikula mula ng siya ay naging isa sa mga business unit heads ng ABS-CBN. Ipapakita sa manonood ng pelikulang ito kung papano yayakapin ng mga karakter sa pelikula ang kanilang mga desisyon sa pag-ibig at paano nila titingnan ang kani-kanilang mga katotohanan. Malalaman sa pelikulang ito kung sa huli ba ay paglalapitin ba sila ng katotohanan o ito ba ang magiging sanhi upang sila ay magkalayo. Alamin ang lahat ng mga kasagutan sa pelikulang KASAL showing na simula May 16 in cinemas nationwide. Nasa cast sina Christopher De Leon, Cherie Gil, Ricky Davao, Ces Quesada at Celeste Legaspi with Cris Villonco, Kylie Versoza, Vin Abrenica, Bobby Andrews, Cai Cortez at JC Alcantara!

FDCP CHAIRPERSON LIZA DINO..." TULUNGAN NATIN ANG INDUSTRIYA NG PELIKULANG PILIPINO ".

FDCP AT NHCP PINANGALANAN ANG FINALISTS NG SINESAYSAY DOCU COMPETITION

Bilang pagbibigay halaga sa Filipino documentary films at ang impact nito hindi lamang sa Philippine Cinema kundi sa lipunan, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamamagitan ng SineSaysay Documentary Film Lab and Showcase ay inanunsyo ang documentary film finalists sa Press Conference noong May 7, 2018 sa Quezon City. 

Ang SineSaysay ay may dalawang categories: 1. Ang Bagong Sibol Documentary Lab ay para sa mga filmmakers na nasa kanilang una at pangalawang full length documentary films, at 2. Ang Feature Documentary Showcase na para naman sa mga filmmaker na nakagawa na ng hindi bababa sa dalawang (2) full feature film. Sa taong ito, ang FDCP ay nakipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines para sa mga tema ng mga pelikula na mag-focus sa mga hindi gaanong nabibisitang mga sandali at pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

"This first year of SineSaysay is an important step for us to expand the empowerment and appreciation of other types of filmmaking. Documentary films have form part of our collective consciousness, highlighting very relevant social issues and even inspiring real change, and it is high time that we actively support the production of more of these types of films," ("Ang unang taon ng SineSaysay ay isang mahalagang hakbang para palawakin ang empowerment at pagpapahalaga sa iba pang mga uri ng filmmaking. Ang documentary films ay nagging parte ng collective consciousness, na nagpapakita ng napakahalagang mga isyu sa lipunan at magbibigay inspirasyon para sa tunay na pagbabago, at ito ang tamang oras na aktibo nating susuportahan ang produksyon ng mga ganitong uri ng pelikula,”) sabi ni FDCP Chairperson na si Liza Dino.

Ang Finalists sa parehong categories ng SineSaysay ay napili sa pamamagitan ng blind selection type na kasama ang mga selection members na sina: Mr. Tito Valiente, former Chairman ng Gawad Urian at lecturer sa Ateneo de Manila University at Ateneo de Naga University, Mr. Teddy Co, Commissioner for the Arts at the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at aktibong miyembro ng Society of Filipino Archivists for film, Mr. Doy del Mundo Jr., award-winning film director, writer at producer, kilala sa kanyang mga pelikualang Pepot Superstar (2005), Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975) at mga documentaries, at si Mr. Rene R. Escalante, Chairperson ng the National Historical Commission Of The Philippines, kilalang historian at author ng mga librong tungkol sa Philippine history at ang FDCP Chairperson and CEO na si Liza Diño na ang main goal ay palakasin ang local film industry hindi lamang sa larangan ng dekalidad na pelikula kundi pati na rin sa pagdala ng mga pelikulang Pilipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng festivals at distribution.

Ipinakilala din ang Sinesaysay mentors para sa Bagong Sibol Category - producer, writer at cinematographer na si Ditsi Carolino, journalist at independent filmmaker na si Joseph Israel Laban, Screenwriter director at producer ng mga pelikulang, “Respeto” at “Apocalypse Child,” si Monster Jimenez at Award-winning director ng “Women of the Weeping River” na si Sheron Dayoc.

Ang Bagong Sibol finalists ay mabibigyan ng One Hundred Thousand Pesos (P100,000.00) bilang seed money para i-develop ang kanilang 10-20-minute version ng kanilang project. Ang shortlisted projects ay sasailalim ng  lab program na magtatapos sa industry pitch showcase kung saan ipepresent nil ang kanilang pitches at short film treatments ng kanilang projects. Dalawa sa kanila ay mabibigyan ng  Bagong Sibol Production Fund (BSPF) sa halagang Seven Hundred Thousand Pesos (P700,000.00) para sa produksyon ng kanilang feature versions ng kanilang project. Ang shortlisted finalists para sa Bagong Sibol ay ang mga sumusunod:

1.       “Ang Huling Kaharian” ni Bryan Kristoffer Brazil
2.       “Mga Bayaning Aeta” ni Donnie Sacueza
3.       “El Caudillo” ni Khalil Joseph Bañares
4.       “Patay Na Riles” ni John Christian Samoy
5.       “A Memory Of Empire” ni Jean Claire Dy
6.       “Dr. Jose N. Rodriguez – A Filipino Leprologists’ Journey” ni Micaela Fransesca Rodriguez
7.       “Noong, Sa Aming Pagkabata” ni Darlene Joanna Young
8.       “Kachangyan Wedding Redux” ni Lester Valle & Carla Ocampo

Para naman sa Feature Documentary Showcase, apat na  filmmakers ang mabibigyan ng  1 Million Pesos (P1,000,000.00) co-production grant para sa produksyon ng kanilang creative documentary film projects at ito ay ang mga sumusunod:

1.       “Untitled Project” by Cha Escala
2.       “Daan Patungong Tawaya” by  Kevin Piamonte
3.       “Looter” by Jayson Bernard Santos
4.       “Heneral Asyong” by Victor Acedillo

Ang SineSaysay films ay magkakaroon ng kanilang premiere screenings sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.

FDCP....FULL SUPPORT SA SINESAYSAY DOCU COMPETITION!

Bilang pagbibigay halaga sa Filipino documentary films at ang impact nito hindi lang sa Philippine Cinema kundi sa lipunan, ang Film Development Council of the Philippines sa pamamagitan ng SineSaysay Documentary Film Lab and Showcase ay inanunsyo ang documentary film finalists sa press conference ngayong hapon lang na may dalawang categories na Ang Bagong Sibol Documentary Lab at Ang Feature Documentary Showcase. Sa taong ito, ang FDCP ay nakipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines para sa mga tema ng mga pelikula na mag-focus sa mga hindi gaanong nabibisitang mga sandali at pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. 
" This first year of SineSaysay is an important step for us to expand the empowerment and appreciation of other types of film making. Documentary films have form part of our collective consciousness, highlighting very relevant social issues and even inspiring real change and it is high time that we actively support the production of more of these types of film. " sabi pa ni FDCP Chairperson Liza Dino Seguerra. Ang SineSaysay Films ay magkakaroon ng kanilang premiere screenings sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019!

ANGELINE QUINTO....BINAGYO NG BASHING!

" Sabihin niyo na lahat Popsters. Hindi ako nakapag-solo concert na sold-out. Tomboy ako. Hindi ako sikat. Tatanggapin ko lahat yan dahil nirerespeto ko kayo. Tatanggapin ko lahat yan dahil nirerespeto ko iniidolo ninyo. Sa ginagawa ko ngayon mas nahihiya ako kay Sarah. " ito ang twitter post ni Angeline Quinto kung saan sumagot siya sa halos walang humpay na bashing ng mga fans ni Sarah Geronimo pagkatapos kumalat, pinag-usapan at ngayon ay isyu nang pinagtawanan diumano ni Angeline si Sarah nang malamang nawalan ng boses si Sarah at nag-nervous breakdown sa isang show nito abroad. Nangyari diumano ang insidente sa bakuran ng Kapamilya Network last sunday ayon pa sa aming napag-alaman. Kaya naman nung bina-bashed na ng Popsters si Angeline ay may nabasa rin kaming post na nagsasabing hindi raw ito ginawa ni Angeline. Sinabi pa raw ni Angeline na iharap sa kanya ng Popsters ang sinasabi nilang taga-ASAP na nagsabing totoo ito at hindi raw natatakot si Angeline na harapin ito. Sa dami ng mga sinabi ng Popsters na masasakit na salita sa twitter patungkol kay Angeline Quinto, naglalaro naman ngayon sa isipan ng karamihan kung totoo nga bang ginawa ito ni Angge o hindi. Personal akong nagpadala ng aking mensahe kay Angeline sa kanyang instagram account to get her side of the story pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kanya at sa kanyang kampo kaya hindi pa rin namin matuldukan ang isyung ito! Pero ang tanong ng karamihan? Matalik bang magkaibigan ang dalawa o kaswal at civil lang sa isa't isa? 

FDCP CHAIRPERSON LIZA DINO......" GINAGAWA KO ANG TRABAHO KO. "

Masaya si Liza Dino sa kanyang ginagawa ngayon bilang Chairperson ng Film Development Council of the Philippines. Nagagawa niya naman daw ng maayos at taos-puso ang ipinagkatiwalang posisyon sa kanya ng ating gobyerno. Sa launching ng Pista Ng Pelikulang Pilipino sa ikalawang taon nito ay naging maboka si Liza sa pagsasabing magagandang pelikula ang ating mapapanood this year at mahigpit diumano nilang ipapatupad ang rules and guidelines ng Pista Ng Pelikulang Pilipino. For 2018, 8 local films ang pipiliin and curated by a selection committee designated by the Chairperson of the Film Development Council of the Philippines kung saan bilang Chairperson ng FDCP ay si Liza mismo ang uupo hilang Chair of the Committee. All selected films will be announced by the first week of July 2018. Tatakbo mula August 15 hanggang 21, 2018 sa mga sinehan sa buong bansa ang 8 films na magkakaroon naman ng Gabi Ng Pasasalamat on August 19, 2018! Ayon kay Liza, hindi biro ang kanilang ginagawang preparasyon dahil gagawin diumano ni FDCP Chairperson Liza Dino ang lahat ng kanyang makakaya upang walang masabi ang ilang tao sa kanyang pamamahala sa naturang sangay ng gobyerno sa kanyang appointment! Naniniwala diumano si Liza na simulang naupo siya bilang Chairperson ay masaya diumano niyang ginampanan ang kanyang tungkulin bilang isang personalidad sa serbisyo publiko! Mabuhay ang pamunuan ng FDCP at salamat sa pangkalahatang adhikain para sa lokal na pelikulang pilipino!

DANIEL & KATHRYN.....NUMBER ONE LOVETEAM PARIN!

Pagkatapos ng isang gabing punong-puno ng sayang birthday party ng ating Teen King Daniel Padilla last April 26 na ginanap sa The Manila House, Taguig kung saan dumalo rin ang ating Teen Queen Kathryn Bernardo ay sumabak naman kaagad ang dalawa para sa studio look test/photoshoot para sa nalalapit nilang movie mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina handog ng Star Cinema. Nakakatuwang tingnan ang dalawa kapag magkasama sila dahil pakiramdam namin ay kulang nalang ang kasal sa kanila! Gustong-gusto ko ang pagiging real ng dalawa at walang pretensiyong humaharap sa publiko! Yan ang sikreto ng KathNiel kaya naman napakarami ang totoong sumusuporta at nagmamahal sa kanila hindi lang dito sa Pilipinas kundi nagkalat sa buong mundo. Iba talaga ang impact ng KathNiel World at walang makakapantay nito, sa totoo lang! Ratsada pa rin ang KathNiel sa kanilang endorsements at nakahilerang proyekto sa bakuran ng Kapamilya Network! Sa totoo lang, don't know the exact story yet sa gagawing movie nina Kathryn at Daniel pero may konting ideya na akong ibang klase na ang ipapakita ng dalawa sa kanilang fans and followers this time. Something new at lalo nating mamahalin ang KATHNIEL! Sila pa rin talaga ang number one loveteam! Ibang klase talaga! Mabuhay kayo KATHNIEL!

Matteo & Shaina...May Chemistry sa Single/Single!

Saksihan ang pagpapatuloy ng istorya ng isang pag-iibigan simula ngayong araw, ang mainstream theatrical release ng Single/Single: Love Is Not Enough na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao mula sa direksiyon nina Veronica Velasco at Pablo Biglangawa sa panulat ni Lilet Reyes at Jinky Laurel. Nagmula sa isang cable series ang buhay nina Joe at Joey aired last year. Ang Single/Single ay isang seryeng na nagkaroon ng 13 episodes at ipinakita nito ang patuloy na nagbabagong pamumuhay ng mga mellinials ngayon, mga bagay na mahala sa kanila at mga isyung kanilang kinakaharap at inihain sa pelikulang ito sa genre ng romantic-comedy. Sa pelikula ay ipapakita kung may magic nga ba ang pag-ibig kung saan ang dalawang puso at dalawang kaluluwa ay gagawin ang lahat upang mapaglabanan ang mga reyaledad ng isang pag-iibigang kakaiba sa karaniwan! Showing napo today ang pelikulang Single/Single. Kaya sugod na sa mga sinehan nationwide! Maganda ang movie! Masisilayan din natin ang chemistry nina Matteo at Shaina!