FDCP AT NHCP PINANGALANAN ANG FINALISTS NG SINESAYSAY DOCU COMPETITION
Bilang pagbibigay halaga sa Filipino documentary films at ang impact nito hindi lamang sa Philippine Cinema kundi sa lipunan, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamamagitan ng SineSaysay Documentary Film Lab and Showcase ay inanunsyo ang documentary film finalists sa Press Conference noong May 7, 2018 sa Quezon City.
Ang SineSaysay ay may dalawang categories: 1. Ang Bagong Sibol Documentary Lab ay para sa mga filmmakers na nasa kanilang una at pangalawang full length documentary films, at 2. Ang Feature Documentary Showcase na para naman sa mga filmmaker na nakagawa na ng hindi bababa sa dalawang (2) full feature film. Sa taong ito, ang FDCP ay nakipagtulungan sa National Historical Commission of the Philippines para sa mga tema ng mga pelikula na mag-focus sa mga hindi gaanong nabibisitang mga sandali at pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
"This first year of SineSaysay is an important step for us to expand the empowerment and appreciation of other types of filmmaking. Documentary films have form part of our collective consciousness, highlighting very relevant social issues and even inspiring real change, and it is high time that we actively support the production of more of these types of films," ("Ang unang taon ng SineSaysay ay isang mahalagang hakbang para palawakin ang empowerment at pagpapahalaga sa iba pang mga uri ng filmmaking. Ang documentary films ay nagging parte ng collective consciousness, na nagpapakita ng napakahalagang mga isyu sa lipunan at magbibigay inspirasyon para sa tunay na pagbabago, at ito ang tamang oras na aktibo nating susuportahan ang produksyon ng mga ganitong uri ng pelikula,”) sabi ni FDCP Chairperson na si Liza Dino.
Ang Finalists sa parehong categories ng SineSaysay ay napili sa pamamagitan ng blind selection type na kasama ang mga selection members na sina: Mr. Tito Valiente, former Chairman ng Gawad Urian at lecturer sa Ateneo de Manila University at Ateneo de Naga University, Mr. Teddy Co, Commissioner for the Arts at the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at aktibong miyembro ng Society of Filipino Archivists for film, Mr. Doy del Mundo Jr., award-winning film director, writer at producer, kilala sa kanyang mga pelikualang Pepot Superstar (2005), Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975) at mga documentaries, at si Mr. Rene R. Escalante, Chairperson ng the National Historical Commission Of The Philippines, kilalang historian at author ng mga librong tungkol sa Philippine history at ang FDCP Chairperson and CEO na si Liza Diño na ang main goal ay palakasin ang local film industry hindi lamang sa larangan ng dekalidad na pelikula kundi pati na rin sa pagdala ng mga pelikulang Pilipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng festivals at distribution.
Ipinakilala din ang Sinesaysay mentors para sa Bagong Sibol Category - producer, writer at cinematographer na si Ditsi Carolino, journalist at independent filmmaker na si Joseph Israel Laban, Screenwriter director at producer ng mga pelikulang, “Respeto” at “Apocalypse Child,” si Monster Jimenez at Award-winning director ng “Women of the Weeping River” na si Sheron Dayoc.
Ang Bagong Sibol finalists ay mabibigyan ng One Hundred Thousand Pesos (P100,000.00) bilang seed money para i-develop ang kanilang 10-20-minute version ng kanilang project. Ang shortlisted projects ay sasailalim ng lab program na magtatapos sa industry pitch showcase kung saan ipepresent nil ang kanilang pitches at short film treatments ng kanilang projects. Dalawa sa kanila ay mabibigyan ng Bagong Sibol Production Fund (BSPF) sa halagang Seven Hundred Thousand Pesos (P700,000.00) para sa produksyon ng kanilang feature versions ng kanilang project. Ang shortlisted finalists para sa Bagong Sibol ay ang mga sumusunod:
1. “Ang Huling Kaharian” ni Bryan Kristoffer Brazil
2. “Mga Bayaning Aeta” ni Donnie Sacueza
3. “El Caudillo” ni Khalil Joseph Bañares
4. “Patay Na Riles” ni John Christian Samoy
5. “A Memory Of Empire” ni Jean Claire Dy
6. “Dr. Jose N. Rodriguez – A Filipino Leprologists’ Journey” ni Micaela Fransesca Rodriguez
7. “Noong, Sa Aming Pagkabata” ni Darlene Joanna Young
8. “Kachangyan Wedding Redux” ni Lester Valle & Carla Ocampo
Para naman sa Feature Documentary Showcase, apat na filmmakers ang mabibigyan ng 1 Million Pesos (P1,000,000.00) co-production grant para sa produksyon ng kanilang creative documentary film projects at ito ay ang mga sumusunod:
1. “Untitled Project” by Cha Escala
2. “Daan Patungong Tawaya” by Kevin Piamonte
3. “Looter” by Jayson Bernard Santos
4. “Heneral Asyong” by Victor Acedillo
Ang SineSaysay films ay magkakaroon ng kanilang premiere screenings sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa d...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
No comments:
Post a Comment