MULTI-TALENTED GIRL GROUP NA BELLADONNAS...INILUNSAD NA!

MULTI-TALENTED ang newest girl group na Belladonnas under the management of Len Carillo of 316 Events & Talent Management. Pagkatapos ilunsad ni Len Carillo last year ang newest male group niyang Clique V na kasalukuyang umaariba sa local music industry, kagabi lang, April 18, 2018 ay tuluyang ipinakilala ni Len Carillo sa entertainment media and digital media ang Belladonnas na sigurado akong kahuhumalingan ng maraming kalalakihan! Kinabibilangan nina Quin, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie at Stiff ang newest girl group na during the said launching ay pinuri at inintriga ng entertainment media. During presscon, i've observed that all the ladies ay mga palaban sa pagsagot sa mga tanong na ibinabato sa kanila ng press and for me that makes sense dahil kailangan sa industriyang ito lalo na sa mga baguhang tulad nila ay taratitat ka at marunong sumagot. Actually, bago pa man isinalang sa press ni Len Carillo ang pitong beautiful ladies called Belladonnas ay dumaan ang mga ito sa mahabang proseso ng trainings like singing, dancing and acting! Malay nga naman natin kung saan dadalhin ng kani-kanilang suwerte ang mga dalaga, hindi ba?
" Actually, nag-training ang Belladonnas for almost a year. Deretso yun at talagang ako mismo ang tumutok sa kanila. Maayos ang mga bata. Very cooperative sila ganoon din ang mga parents nila, wala akong nakitang attitude problem sa kanila pagdating sa trabaho at magagaling sila kaya masarap tulungan. " pagpapatunay pa ni Len Carillo. Mapapanood soon ang Belladonnas sa isang advocacy movie at kasalukuyan nilang tinatapos ang kanilang recording at music video shoot para sa kanilang ilalabas na debut album soon!

KATHNIEL MOVIE...KAABANG-ABANG!

KAHAPON, April 18, 2018, araw ng miyerkules ng hapon ay naganap na ang story conference para sa pelikulang pagsasamahang muli nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina handog sa atin ng Star Cinema. Nag-trending kaagad sa twitter ang storycon ng nasabing pelikula ng KathNiel na hindi pa namin alam kung anong magiging official title nito. Pero ayon na rin mismo sa dalawang bida ng movie, medyo malapit sa kanilang puso ang tatakbuhing istorya nito kung saan lalong kinilig ang fans and followers ng dalawa. So proud of this loveteam dahil sa simula palang ay napaka-natural na nila. Transparent kasi ang KathNiel loveteam na tumpak sa salitang what you see is what you get! Hindi tulad ng ilang loveteams diyan na halatang to the highest level ang fakeness na ipinagpipilitan pa rin ng mga taong nakapalibot sa kanila. Kaya naman sa ngayon palang, as usual ay buong mundo na ang nakaabang sa upcoming beautiful movie ng KathNiel! Maaring bukas o makalawa ay gugulong na ang kamera para sa ating binansagang Teen King & Queen!

SYLVIA SANCHEZ...RECHARGE MUNA AFTER HANGGANG SAAN!

ILANG linggo nalang ay mamamaalam na sa ere ang teleseryeng ' Hanggang Saan ' na pinagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Maraming netizens ang medyo nalungkot dahil kumapit din daw sila sa istorya ng seryeng ito patungkol sa kakayanan ng isang Ina kung hanggang saan nito ipaglalaban ang kanyang anak at kung hanggang saan nito kayang isalba ang pagmamahal sa kanyang mga anak. Sa finale presscon na ipinatawag ng GMO Unit ay naging maboka si Sylvia sa pagsasabing after this serye ay magsasama pa rin sila ni Arjo sa isang indie movie. Sinabi rin nitong magpapahinga raw muna si Sylvia sa paggawa ng serye after Hanggang Saan at baka sa susunod na taon na ang kanyang next tv project! Kailangan kasing tapusin ni Sylvia ang kanyang out of the country commitments kasabay na rin ng kanyang gagawing bakasyon sa Maldives kasama ang kanyang buong pamilya. Personally ay nakaramdam ng lungkot si Sylvia dahil heto't matatapos na naman ang serye pero ayon sa sikat na aktres, mas magagandang serye pa ang nakatakdang gawin niya sa mga darating na araw. Ang mahalaga diumano ay ang magagandang aral na naidulot ng serye sa televiewers ganoon na rin ang isang pamilyang nabuo niya na naman kasama ang mga kasamahang aktor sa serye lalo na diumano ang mga taong nasa likod ng success nito. Sylvia's so adorable sa totoo lang. Sa set ng serye, lagi diumanong nagpapakain ang aktres at kakuwentuhan lahat ng staff ultimong maliliit na tao! Yan ang totoong nabibiyayaan! Napakabuti niya ring kaibigan kaya naman napakarami ang sumasaludo sa kanya! Well, something new and beautiful project naman ang nilo-look forward ni Sylvia sa kanyang pagbabalik. Kailangan niya lang daw talagang magpahinga muna after this serye dahil parang baterya lang daw ang tao na kapag medyo drained na ay kailangang mag-recharge! Bongga! We love you Atayde Family!

ENRIQUE GIL...PAKAHUSAY SA BAGANI!

MALAKI na ang ipinagbago ni Enrique Gil bilang isang aktor. Makikita naman sa kanyang mga nakaraang serye at pelikula na medyo tagilid pa ang kanyang ipinamamalas na kakayahan bilang isang aktor. Pero sa teleseryeng Bagani ng Star Creatives na ating napapanood ngayon mula lunes hanggang biyernes sa Kapamilya Primetime Bida ay kitang-kita na ang husay niya! Sa totoo lang, personally at mula sa socmed ay marami na ang natutuwa at pumupuri sa ipinapakitang galing ni Enrique. Sabi pa ng isang kaibigang non-showbiz, hindi niya sukat akalaing Enrique will make it. Hindi lang guwapo ngayon si Enrique kundi masasabi nating isa na siyang ganap na magaling na aktor sa kanyang henerasyon! Hindi na magpapa-kabog si Enrique dahil siguro naman ay natuto na rin siya sa pag-arte lalo na't napakaraming mahuhusay na aktor natin sa industriya ang kanyang nakatrabaho mula noon. Hindi kasi biro ang kanyang role ngayon sa Bagani bilang bidang aktor kung saan nataon pang fantaserye ito with all the costume and everything huh! Lalo pang naging yummy ang aura ni Enrique ngayon sa totoo lang huh! Well, malaki naman talaga ang kinalaman ng pag-ibig sa aura ng isang tao. Wala mang kumpirmasyong sila na talaga ni Liza Soberano, halatang inspired si Enrique Gil at huwag na tayong atat pang malaman ang lalim ng kanilang pagtitinginan ni Liza! Huwag tayong pakialamero! We love you Quen! Galingan mo pa! MInsan kasi, sumasagi sa aking isipan na ano kaya kung pagsasamahin sa isang pelikula sina Daniel, Enrique at James tapos pag-aagawan nila ang isang babae sa movie? Yung isang pelikulang millenial ang dating na tutugma sa takbo ng panahon ngayon? Posible ba ito? 

ASIAN POP DUO MAJA & TOR TO PROMOTE INTERNATIONAL SINGLE SA THAILAND!

Nitong month of February 2018 lang, Maja Salvador & Tor Saksit promoted their single titled " Falling Into You " under Ivory Music & Video with BEC-TERO Music Thailand sa ilang tv network and radio stations sa bansa. Matindi ang pinagsanib na puweersa nina Maja at Tor dahil ibang klase naman talaga ang kanilang followers sa international music scene. Napatunayan ito nang halos ilang linggo rin silang namutawi sa MYX Daily Top Ten ng Kapamilya Network lalo na nung mag-promote sila ng kanilang single sa It's Showtime at ASAP! Maganda ang naging response ng international followers and fans ng dalawa kaya naman this coming month of May or June ay lilipad naman papuntang Thailand si Maja to promote the said single sa tulong na rin ng Tourism Authority of Thailand. When i heard the song, ang sarap sa tenga and ibang-iba ang datingan ng single ng dalawa. Kasabay ng single promo ni Maja ay opisyal nga'ng na-dubbed into Thai ang latest serye ni Maja na Bridges Of Love at The Legal Wife na ipinalabas sa Thailand. Balita rin namin ay maglalabas soon ng remix sina Maja at Tor para sa single nilang Falling Into You. Well, Maja is making it already sa international scene huh! Puwede napong i-download ang single nina Maja at Tor sa Deezer, Spotify, iTunes at Apple Music at mapapanood ang music video ng Falling Into You sa official youtube account ng Ivory Music & Video! Ang Sony Music International po ang kasalukuyang nagre-release ng Falling Into You!

QUINN CARILLO...MULTI-TALENTED BELLADONNAS GIRL!

Bilang anak ay naniniwala diumano si Quinn Carillo, daughter of Clique V and Belladonnas manager na si Ms. Len Carillo na mas alam ng isang magulang ang ikakabuti ng kanyang anak. Ganoon diumano ka-lalim ang respeto at pagmamahal ni Quinn sa kanyang Ina. Kaya naman mas minabuti ni Quinn na tutukan muna ang kanyang pag-aaral kung saan 4th year Electronic Engineering student siya ngayon sa TIP Manila. 
" Priority ko po talaga ang pag-aaral ko Tito. Nandiyan lang naman ang showbusiness, anytime, kapag natapos ko na ang mga gusto kong gawin sa education ko, puwede namang bumalik and yan din naman ang sinabi ko kay Mommy at yan din naman po ang gusto ni Mommy for me. " sez Quinn nang makausap namin ito sa kanyang 20th birthday celebration na ginanap sa The Fourth By Vanity Club sa Tomas Morato, Quezon City. 
Inamin din nitong pansamantala nitong iwanan ang kanyang grupo na Belladonnas dahil mag-aaral siya abroad.
" Difinitely po. Pero after nalang daw po ng aming launching. Sobrang love ko po ang Belladonnas, i know rin po na makikilala rin kami. Yun lang, ako lang naman ang mawawala, pero babalik po ako. Medyo mahirap din po ang desisyon na ito, but i know naman na naintindihan ako ng mga sisters ko sa Belladonnas." aniyang muli.
Actually, nung unang beses kong napanood si Quinn sumayaw, among the rest ay siya talaga yung magaling. And speaking of magaling, magaling din siyang kumanta at umarte. Multi-talented si Quin and alam kong napakarami niyang puwedeng gawin sa buhay sabihin man nating kahit hindi na siya mag-showbiz. Napaka-smart niyang babae at manang-manang sa kanyang Mommy Len Carillo. Pero may balak din ba siyang pasukin ang pag-arte?
" As of now po, like what i said po kanina Tito, pag-aaral po muna. Maybe pagbalik ko po, bakit naman po hindi. Diko po alam, basta! " bungisngis pa nitong tsika sa amin.
Mapapanood siya actually sa isang indie film soon sa direksiyon ni Carlo Obispo. 
Currently ay tinatapos lang ng Belladonnas ang ilang music video shoot para sa kanilang album. Nakatakdang ilunsad ang Belladonnas ngayong buwan ng Mayo under 316 Events & Talent Management Company.
" Excited na po ako personally Tito. Beautiful po ang aming album and sana suportahan po nila kami." sez Quinn Carillo na walang ibang hiniling na birthday wish kundi ang magkaroon ng katuparan ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay! We love you Nak! Stay humble and be kind always just like your Mommy Len and family!

MAYWARD....ALIW ANG ROLE SA DOTGA!

Biglaan pala ang pagkakasalang sa tambalang MayWard sa pelikulang DOTGA na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Ryan Bang from Star Cinema showing April 18 in cinemas nationwide! Ayon sa dalawang tinitiliang loveteam ngayon, isang bonggang karangalan ang makatrabaho ang isang Kim Chiu sa pelikula. Okey lang daw kung supporting lang sila sa movie. Mas mahalaga diumano ang mapanood sila ng kanilang mga followers sa buong mundo. Inamin nilang hindi naman sila nagmamadali para sa isang malaking break. Okey lang naman daw sa kanila ang maghintay kung saan papasok ang timing! Mukhang inspirasyon naman nila Maymay Entrata at Edward Barbers ang milyon-milyong followers nila kaya happy na sila sa nangyayari ngayon sa kanilang career. Marami na actually ang nakaabang sa pelikulang ito kung saan kakaibang role naman ang ginagampanan nina Maymay at Edward! Aabangan pa lalo ang dalawa dahil napakaraming projects pala ang naka-line-up sa kanilang loveteam sa Kapamilya Network!

QUEEN MOTHER KARLA ESTRADA...HINDI NAKASAMA SINA DANIEL AT JC NITONG HOLY WEEK

Hindi man nakasama ni Queen Mother Karla Estrada ang dalawang anak nitong sina Daniel Padilla at JC Padilla nitong nakaraang Semana Santa ay nag-enjoy naman ang ilang miyembro ng pamilya Ford sa halos limang araw na bakasyon sa Isla ng Boracay simula March 28 hanggang April 1! Nagakataong nasa Amerika sina Daniel at JC para sa isang show commitment. Hindi man kumpleto ang apat na anak sa Boracay ay masayang ibinalita ni Queen Mother na kasabay ng pag-ngilay-ngilay ay nairaos naman ng maluwalhati ang sinamantalang bakasyon ng buong pamilya kasama ang ilang malalapit na kaibigan. 
" Kasabay nun Dom ay pahinga na rin dahil alam mo naman ang trabaho natin, jusko, walang pahinga! Ang sarap lang sa pakiramdam dahil Holy Week din, kapag may ganoong pagkakataon, gow tayo. Ang mahalaga diyan ay kasama mo ang buong family mo, tapos simba at magpasalamat! " paglalahad pa ni Queen Mother. 
Maraming aabangan sa karera nina Karla at Daniel this year. Ganoon din ang tuluyang pagpasok ni JC sa recording world. 
" Yan yung sa araw-araw na buhay natin, lagi tayong magpasalamat! Yung pagtuloy-tuloy ng biyaya, kailangang magpasalamat at mag-share ka sa anumang biyayang dumarating sa iyo. Kilala mo naman ako Dom, hindi lang buong pamilya yan, buong angkan! Hahahaha! Pero napakabait ng Panginoon sa atin kaya tuloy-tuloy lang! Nandiyan si DJ, trabaho, si JC na hopefully maaayos na ang recording niya this year, si Magui na ang galing sa school niya and Carmela,  marami pa! Maraming plans for business, basta. Magpasalamat lang tayo palagi." Aniya pa sa amin. 
Masaya ang buhay ayon pa sa Queen Mother dahil may aabangang bagong endorsements pa for Daniel Padilla. Ganoon din ang pagsisimula ng shooting ng pelikula nina Daniel at Kathryn this month at ang inaabangang birthday celebration ni Daniel this April! 

FRONTROW PH BLOCK SCREENING FOR MY PERFECT YOU...DINALUHAN NI PIA WURTZBACH!

Hindi biro ang estado ngayon ng buhay ni Pia Wurtzbach. Bitbit niya ang titulong pang-buong universe kung saan patong-patong na responsibilidad ang katumbas nito. Kaya naman in every commitment niya, sinisiguro ng mga nakapaligid sa kanya na hindi siya masasangkot sa anumang kontrobersya. Bago ipalabas ang pelikulang My Perfect You kung saan kasama niyang bida si Gerald Anderson ay lumabas ang isyung  Bea Alonzo unfollowed Pia and Gerald sa Instagram accounts nila. Pinag-usapan ang naturang isyu hanggang sa wala na rin kaming narinig about it! Last sunday sa isinagawang pa-block screening ng FrontrowPH headed by RS Francisco para kay Pia para sa naturang pelikula ay may bumulong sa aming Pia will attend the said screening kasabay ng pakiusap diumano ng mga taong nakapaligid  kay Pia na no interviews allowed! Siguro dahil ayon na rin ito sa isyung pinag-usapan at para makaiwas na rin sa anumang ikaka-sanhi pa nitong ikaka-haba ng isyu! Sariling akin lang, yes, pabor ako sa ganoong pakiusap dahil kahit sinuman na wala naman talagang kinalaman sa anumang isyu ay kailangang proteksiyunan! Gusto ko yung ganoong sistema not for anything else kundi iwas nalang baka kung ano pa ang masabi that will cause something na lalong ikakabuhay ng usapin. Tama lang yun dahil ako rin mismo, sa tinagal-tagal ko sa industriyang ito, sa lahat ng mga hinawakan kong PR jobs, pagdating sa artists, ayaw na ayaw kong naaagrabyado ito at kailangang ipaglaban ko ito at proteksyunan ko dahil responsibilidad ko yun bilang publicist ng isang artist. Actually, kahit kanino, basta kailanghang gawin, ginagawa ko ang proteksyon na iyon na karapat-dapat lang! Walang masama sa pakiusap na yun ng Star Cinema. Tama lang at kailangang respetuhin yun! Kaya yung mga nagmamaganda, please, respect! Matuto tayo! I don't know what happened na after the said block screening dahil hindi ko na natapos ang movie dahil kailangang umariba papunta pa sa isang commitment that sunday afternoon lalo na't birthday ko rin that day! Pero wait, wala pa man sa kalahati ng movie ang napanood ko, masasabi kong magaling umarte si Pia! Ang sarap niyang panoorin on-screen. Promise, may chemistry sila ni Gerald and ang sarap panooring parehong guwapo at maganda ang bida! Ang linaw sa mata! Hahahahaha! Ayon na rin sa nababasa kong reviews on line, true, ibang Pia  ang mapapanood mo sa pelikula. Si Gerald naman, wow, ibang Gerald naman talaga ito.  Sabi pa ng ilang fans, next movie please! Sagot ko naman sa kanila, let's ask Star Cinema! Hahahaha! I love Pia! Ang bongga niya sa pelikula! Ibang-iba! Basta ang alam namin, sobrang happy si Pia Wurtzbach sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng FrontrowPH people last sunday sa Gateway Cineplex ng Gateway Mall-Cubao! Yun na!

EX-BATALLION....JOINS FRONTROW PH!

Before Holy Week ay tuluyang pumirma ng kontrata ang sikat na sikat ngayong X-Batallion managed by Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa FrontrowPH owned by RS Francisco. Nung tanungin namin ang ilang taong nakapaligid sa Frontrow kung magkano ang tinanggap na talent fee ng grupo ay wala silang kinumpirma sa amin pero ayon sa aking narinig ay hindi lang million kundi millions ito sabay tiktak na ganoon ka-fabulous ang FrontrowPH! Well, para sa akin, deserving naman ang X-Batallion dahil sa tinagal-tagal na nilang nagpapakitang-gilas sa kanilang ginagawang rap sa youtube ay finally nabigyang-pansin din sila sa kanilang latest song ngayong " Hayaan Mo Sila " na umaabot na sa 45 Million views!
" Hindi po kami sumuko sa ginagawa namin bilang grupo. Nangako kami na magtuloy-tuloy kami dahil alam namin sa bawat isa po sa amin na mahal na mahal po namin ang aming ginagawa." sabi pa ng grupo.
Dito umano bumilib si Ai Ai Delas Alas sa mga bagets kaya naman hindi nagdalawang-isip ang sikat na Comedy Queen na hawakan ang karera ng X-Batallion.
" Request ko lang sa kanila, everytime yan na mag-perfume sila kasi baka sabihin ng fans na ang babaho nila! Hahahaha! " patawang bigkas pa ni Miss A!
Mukhang dugyotin ang ayos at porma ng X-Batallion kapag nakita mo sila pero maayos ang kani-kanilang buhay at mababait silang bata na may mataas na pangarap sa buhay at ngayon naman ay sikat na sikat na sa kabataang Pinoy hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo na!
" Kahit po kami ay hindi po namin inakalang ganito napo ang nangyayari ngayon. Sobrang pasalamat po namin sa lahat po ng sumusuporta po sa amin. Salamat rin po kay Maam Ai Ai at sa FrontrowPH po sa tiwala, pagtitiwalang ibinigay nila sa aming lahat! " saad pa ng XB!
Nakakatuwa ang kaibigang RS Francisco dahil alam niya ang kanyang marketing na ginagawa. Tingnang mabuti ang sabihin na nating row of endorsers nila sa FrontrowPH! Hindi ba't ang lalaking celebrities? 
" Malalaki ba? Hahahaha! Nagkataon lang siguro that kinukuha lang namin ang alam naming karapat-dapat for us! It's just that napakabababait lang din nitong mga alaga namin kaya lalo rin kaming inspirado sa aming ginagawa. Growing family na the more the merrier! " paglalahad pa ni RS. 
Bago namin winakasan ang aming tsikahan ay may nabanggit si RS about Frontrow's upcoming endorser at kaabang-abang daw ito! Sino Kaya?