SYLVIA SANCHEZ...RECHARGE MUNA AFTER HANGGANG SAAN!

ILANG linggo nalang ay mamamaalam na sa ere ang teleseryeng ' Hanggang Saan ' na pinagbibidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde. Maraming netizens ang medyo nalungkot dahil kumapit din daw sila sa istorya ng seryeng ito patungkol sa kakayanan ng isang Ina kung hanggang saan nito ipaglalaban ang kanyang anak at kung hanggang saan nito kayang isalba ang pagmamahal sa kanyang mga anak. Sa finale presscon na ipinatawag ng GMO Unit ay naging maboka si Sylvia sa pagsasabing after this serye ay magsasama pa rin sila ni Arjo sa isang indie movie. Sinabi rin nitong magpapahinga raw muna si Sylvia sa paggawa ng serye after Hanggang Saan at baka sa susunod na taon na ang kanyang next tv project! Kailangan kasing tapusin ni Sylvia ang kanyang out of the country commitments kasabay na rin ng kanyang gagawing bakasyon sa Maldives kasama ang kanyang buong pamilya. Personally ay nakaramdam ng lungkot si Sylvia dahil heto't matatapos na naman ang serye pero ayon sa sikat na aktres, mas magagandang serye pa ang nakatakdang gawin niya sa mga darating na araw. Ang mahalaga diumano ay ang magagandang aral na naidulot ng serye sa televiewers ganoon na rin ang isang pamilyang nabuo niya na naman kasama ang mga kasamahang aktor sa serye lalo na diumano ang mga taong nasa likod ng success nito. Sylvia's so adorable sa totoo lang. Sa set ng serye, lagi diumanong nagpapakain ang aktres at kakuwentuhan lahat ng staff ultimong maliliit na tao! Yan ang totoong nabibiyayaan! Napakabuti niya ring kaibigan kaya naman napakarami ang sumasaludo sa kanya! Well, something new and beautiful project naman ang nilo-look forward ni Sylvia sa kanyang pagbabalik. Kailangan niya lang daw talagang magpahinga muna after this serye dahil parang baterya lang daw ang tao na kapag medyo drained na ay kailangang mag-recharge! Bongga! We love you Atayde Family!

No comments:

Post a Comment