QUEEN MOTHER KARLA ESTRADA...HINDI NAKASAMA SINA DANIEL AT JC NITONG HOLY WEEK

Hindi man nakasama ni Queen Mother Karla Estrada ang dalawang anak nitong sina Daniel Padilla at JC Padilla nitong nakaraang Semana Santa ay nag-enjoy naman ang ilang miyembro ng pamilya Ford sa halos limang araw na bakasyon sa Isla ng Boracay simula March 28 hanggang April 1! Nagakataong nasa Amerika sina Daniel at JC para sa isang show commitment. Hindi man kumpleto ang apat na anak sa Boracay ay masayang ibinalita ni Queen Mother na kasabay ng pag-ngilay-ngilay ay nairaos naman ng maluwalhati ang sinamantalang bakasyon ng buong pamilya kasama ang ilang malalapit na kaibigan. 
" Kasabay nun Dom ay pahinga na rin dahil alam mo naman ang trabaho natin, jusko, walang pahinga! Ang sarap lang sa pakiramdam dahil Holy Week din, kapag may ganoong pagkakataon, gow tayo. Ang mahalaga diyan ay kasama mo ang buong family mo, tapos simba at magpasalamat! " paglalahad pa ni Queen Mother. 
Maraming aabangan sa karera nina Karla at Daniel this year. Ganoon din ang tuluyang pagpasok ni JC sa recording world. 
" Yan yung sa araw-araw na buhay natin, lagi tayong magpasalamat! Yung pagtuloy-tuloy ng biyaya, kailangang magpasalamat at mag-share ka sa anumang biyayang dumarating sa iyo. Kilala mo naman ako Dom, hindi lang buong pamilya yan, buong angkan! Hahahaha! Pero napakabait ng Panginoon sa atin kaya tuloy-tuloy lang! Nandiyan si DJ, trabaho, si JC na hopefully maaayos na ang recording niya this year, si Magui na ang galing sa school niya and Carmela,  marami pa! Maraming plans for business, basta. Magpasalamat lang tayo palagi." Aniya pa sa amin. 
Masaya ang buhay ayon pa sa Queen Mother dahil may aabangang bagong endorsements pa for Daniel Padilla. Ganoon din ang pagsisimula ng shooting ng pelikula nina Daniel at Kathryn this month at ang inaabangang birthday celebration ni Daniel this April! 

No comments:

Post a Comment