‘CIA with BA’: Maging ‘strategic,’ ‘tactical’ sa paghahanap ng hustisya
“There are many ways to get justice…”
Ito ang mga salitang binitiwan ni Senador Alan Peter Cayetano habang nagbibigay ng kanyang huling payo kay Ken sa segment na "Payong Kapatid" ng episode ng ‘CIA with BA’ noong Hunyo 2.
Humingi ng tulong si Ken tungkol sa kanyang dating amo na nanakit sa kanyang anak. Noong Pebrero, si Ken at ang kanyang asawa ay naging stay-in workers at personal na nasaksihan ang pananakit ng kanilang amo sa kanilang anak dahil lamang ayaw nitong pahawakan ang kanilang alagang aso. Sa kabila ng pang-aabuso, tiniis ni Ken ang sitwasyon dahil desperado sila at kailangan ng pera. Noong Abril, nang magkasakit ang asawa ni Ken, nagkaroon sila ng dahilan upang umalis sa trabaho. Subalit matapos nilang umalis, nagsimula ang kanilang amo na magpakalat ng maling balita, kabilang ang paratang na nagnakaw sila ng pera.
Pinagtibay ni Pia Cayetano na may karapatan si Ken na lumaban. Dahil emosyonal pa si Ken, pinayuhan din siya na huwag nang bumalik sa dating trabaho at maghanap ng ibang trabaho, kung saan maaari ding magbigay ng tulong ang programa.
Inisa-isa naman ni Kuya Alan ang mga hakbang na maaaring gawin ni Ken: “You can file a criminal case for child abuse sa fiscal’s office or pwedeng complain sa pulis tapos dadalhin sa fiscal’s office. ‘Di na kailangang dumaan ng barangay ‘yan, more than one year ‘yung penalty niyan.”
“Secondly, kung sapat ang katibayan mo, lalo kung may witnesses o screenshots ka na siniraan kayo, whether ‘yan ay defamation o libel,” dagdag niya.
“Pangatlo, kailangan ko pa ‘to pa-check ‘pag nag-usap kayo nung abogado, pero kung covered kayo nung minimum wage law, kahit pumayag or sinabing hanggang 400 lang, pwede maghabol kasi ‘yung empleyado sa backwages niya kung dapat binayaran ng tama,” aniya.
“There are many ways to get justice. So kailangan minsan strategic ka rin. Pero I’d like to thank you for listening to our advice but I’d like to assure you, desisyon mo ‘yan, and either way we would like to help,” paalala ni Kuya Alan kay Ken at sa mga manonood.
Sa pagtatapos ng episode, binalikan ng mga host ang segment na ‘Payong Kapatid.’
“Usually ‘pag ‘Payong Kapatid,’ ine-expect natin, ito ‘yung facts, ito ‘yung kaso, pero [dito] makikita natin na ‘yung sinasabing ‘It’s complicated,’ hindi lang pala sa relationship ‘yon lalo ‘pag ‘yung problema, nagpatung-patong na,” sabi ni Alan. “Katulad ng parati nating sinasabi, ‘pag maliit pa lang ‘yung problema, i-address na natin.”
“Regardless kung ‘yung Civil Code o Data Privacy Act ang i-apply natin, ito’y paalala para sa ating lahat. Sabi nga ng Civil Code natin, it’s [a] basic etiquette, respetuhin ang privacy ng iba. Respeto lang,” dagdag ni Pia.
“Kailangan taktikal din tayo. Kailangan hindi tayo nagpapadala nang padalos-dalos, ‘yung mabilis.. kasi ang daming considerations kaya importante talaga na pinag-iisipan nang mabuti,” pagtatapos ni Boy Abunda.
Ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Pinangungunahan nina Alan, Pia, at Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay ipinapalabas tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m.
No comments:
Post a Comment